Zenjiro POVWala nang tao sa clinic ko nang matapos kong asikasuhin ang huling medical record ng pasyente ko.Napatingin ako sa wall clock. Alas singko na ng hapon. Medyo marami ang naging pasyente ko ngayong araw, pero mabuti na lang at wala namang seryosong kaso. Karamihan ay mga batang may lagnat, sipon, at ubo lang.Inayos ko ang mga papel sa ibabaw ng lamesa at isinara ang laptop ko. Pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung may mga bagong message ba galing sa mga emergency patient. May ilang notification mula sa mga magulang ng pasyente, pero wala namang kailangang sagutin ka agad.Nang maisilid ko na ang mga gamit ko sa bag, biglang nag-vibrate ang cellphone ko.Napangiti ako nang makita ang pangalan sa screen.Aurelia is calling...Video call pa, kaya dali-dali ko iyong sinagot.“Hello, baby!” Agad na bumungad sa screen ang magandang mukha ng girlfriend ko. Nasa loob siya ng ospital at mukhang nasa nurse station. Nakasuot siya ng puting uniporme, may nakasabi
Terakhir Diperbarui : 2026-11-16 Baca selengkapnya