KNOCKOFFSunni's POV"SABIHIN mo nga sa akin ang totoo, babe. Ano nga ba ang meron sa ika-29 days na 'yan?" dagdag na tanong ni Shaun.Huminto ako sa tapat ng pinto at hindi nilingon si Shaun. Kahit na hindi ko man siya nakikita, ramdam ko ang titig niya sa aking likuran. Bakas sa kaniyang boses ang kuryosidad.Sa loob ng tatlong taon naming pagsasama, bihira siyang magtanong nang ganito ka-direkta sa akin tungkol sa mga plano ko. Madalas, ako pa nga ang laging nagpapaalala sa kaniya, na ako ang laging nag-aayos, na ako ang laging naghihintay.Hindi ako lumingon, nakatalikod akong sumagot sa kaniya, hiding a bit of teardrops."Wala, babe. I have something to celebrate this next 29 days, at malalaman mo rin 'yan," sagot ko sabay kibit-balikat at tsaka nilingon siya, direkta sa kaniyang mga mata. I kept my tone light, almost dismissive, kahit na ang bawat salita ay parang may kasamang pait.I make a lie. A perfect lie to cover the perfect plan to make him regret. Tumango lamang siya, t
Dernière mise à jour : 2026-11-19 Read More