Partager

Betrayal of Love (Betrayal Trilogy #1)
Betrayal of Love (Betrayal Trilogy #1)
Auteur: marxiewrites

Chapter 1

Auteur: marxiewrites
last update Date de publication: 2026-11-18 14:18:11

DIARY

Sunni's POV

MALAMIG na ang beef stew na tatlong oras nang nakahain sa mesa—tatlong oras kong buong-pusong pinaghirapang lutuin. Ibinuhos ko ang bawat sandali sa paghiwa ng mga rekados, pagtimpla ng tamang lambot ng karne, at umaasang sa pag-uwi niya ay may mainit na hapunan siyang madadatnan.

Kasabay ng unti-unting pagtigas ng sebo sa ibabaw ng sabaw ay ang unti-unti ring pagtigas ng namumuong kaba at kirot sa dibdib ko. It's almost ten o'clock in the evening, and it's getting late. Tatlong oras na rin ang lumipas mula nang magmamadali siyang umalis, sinasabing may kailangan daw siyang ayusin na tambak na trabaho sa kanilang opisina.

"Para sa future natin ito, Sunni," isa 'yan sa mga salitang laging sinasambit niya tuwing hahalikan niya ang noo ko bago umalis—mga salitang pinanghawakan ko, mga salitang binuo ko bilang sandalan sa bawat araw ng paghihintay.

Ngumiti ako nang mapait, isang ngiting punong-puno ng pagod at pagka-awa sa sarili, habang tinitingnan ang paligid ng maliit naming apartment dito sa Manila. It was a simple, inexpensive home, walang masyadong muwebles o mga mamahaling gamit. Isang payak na espasyo na akala ko noong una ay sapat na—dahil ang akala ko, basta't kasama ko siya, kahit anong hirap ay maayos. And it's the irony of my life back in our mansion.

Tinalikuran ko ang marangyang mundo, ang pangalan ng mga Buenavidez, para lang sa kaniya. I chose to live a life of anonymity, choosing to be a simple girl who works quietly at a local library, just to make sure that when Shaun looks at me, he sees me as a simple woman—not a bank account, not a legacy, and certainly not a woman raised in a fortress of wealth and power. Hinubad ko ang lahat ng karangyaan dahil akala ko, ang pag-ibig niya ang magiging pinakamagandang kayamanan ko.

Ngunit ang mga nalaman ko ngayon ay parang isang lason na unti-unting kumikitil sa natitirang hininga ng pagmamahal na mayroon ako, dahil ang taong pinag-alayan ko ng lahat ay siya ring gumawa ng paraan para sirain ako.

Tumayo ako para iligpit ang nakahain sa mesa dahil alam kong baka mamaya pa iyon, o baka nga bukas na siya uuwi... o baka hindi na talaga.

Nang tatayo na sana ako, nahagip ng mga mata ko ang kaniyang smartwatch na nakapatong at naiwan sa gilid ng toaster.

He's really in a rush, huh? sa isip ko, habang pinagmamasdan ang naiwang gadyet. Hindi naman niya iyon ginagawa noon. Kailanman ay hindi niya nakakalimutang dalhin ang mga mahahalagang gamit niya kapag lumalabas siya.

Dahil sa sobrang katahimikan ng gabi at sa bigat ng dibdib ko na nag-aabang ng wala, nagpasya akong mag-ayos muna ng mga gamit sa kwarto para kahit paano ay maibaling ang atensyon ko sa ibang bagay.

Pumasok ako sa kwarto namin at binuksan ang cabinet para ayusin ang mga nagulong T-shirt niya. Pero habang hinahagilap ko ang mga ito, nagtaka ako nang sa pinakasulok na bahagi—kung saan nakalagay ang mga lumang sweatshirt na matagal na niyang hindi sinusuot—ay may nahagilap akong kakaiba. May isang bagay na nakatago roon, at nahulog iyon sa sahig nang hilahin ko ang isang itim na tela.

Nang dahan-dahan ko iyong pinulot, isang makapal na leather-bound book ang bumungad sa akin. Sa pagkakaalam ko ay isa itong lumang diary.

"Nakakapagtatakang may diary dito. Kanino kaya ito?" bulong ko, habang ang mga daliri ko ay nanginginig sa paghawak sa lumang balat nito.

Pinulot ko iyon nang marahan. Kumunot ang noo ko nang buksan ko ang unang pahina, at ang pangalang nabasa ko roon ay parang latigong tumama sa sistema ko—written on the cover page was the name of Shaun.

So, it's Shaun's Diary.

He never mentioned keeping a diary. Sa tatlong taon naming pagsasama, ang akala ko ay wala kaming sikretong itatago sa isa't isa. Walang dingding, at walang harang. But as I opened the next page, my breath hitched, and the world around me suddenly stopped spinning.

It wasn't an ordinary diary.

It was a shrine. A sacred, and preserved journal of love for his first.

Ang bawat pahina ay may mga litrato—intimate, and stolen photos of Shaun and his first love—Aria Jimenez. May mga sulat-kamay rin ito na tila ba bawat letra ay dinilig ng pagsinta, mga salitang kailanman ay hindi niya ibinigay o binigkas sa akin.

Nanginginig ang mga kamay kong binasa ang unang pahina na tumama sa paningin ko.

March 31, 2023

First Date and My Birthday with Aria.

Isang litrato nina Shaun at Aria sa isang rooftop party ang nakadikit doon. Nakayakap si Shaun sa kaniya nang mahigpit habang si Aria ay tumatawa habang hinihipan ang kandila. Ang saya-saya ng mga mata ni Shaun rito—isang klase ng nagniningning na saya na hindi ko kailanman nakita sa kaniya... sa loob ng tatlong taon naming pagsasama.

Nanlabo ang paningin ko. Unti-unti nang bumagsak ang mga luha sa aking mga mata, basang-basa ang pisngi habang pilit kong inililipat ang pahina.

May 14, 2023

First Movie date with Aria.

A candid photo of both of them, magkadikit ang pisngi habang sabay na kumakain ng popcorn. At sa ibaba ng litrato, gamit ang tinta at sulat-kamay, may nakasulat na, "Sana matapos na ang movie para mayakap na kita nang matagal."

Bawat paglipat ko ng pahina ay tila isang duguang saksak sa aking dibdib. It really hurts... ang sakit ng magmahal ng ganito. It hurts like a dagger slowly, agonizingly stabbing my heart, twisting every single fiber of my being.

June 15, 2023

The day we fell in love.

The next picture made me shatter completely. Isang litrato nila na naghahalikan sa ilalim ng bumubuhos na ulan, at sa daliri ni Aria ay may suot na simpleng singsing—isang band na kamukhang-kamukha ng singsing na ibinigay niya sa akin noon, ang sinabi niyang tanda raw ng aming natatanging pagmamahalan. Yun pala, kopya lang iyon. Isang murang kopya ng pangako na ibinigay na niya sa iba noon pa man.

At ang pinakamasakit sa lahat? Ang entry sa nakaraang 2023.

September 31, 2023

The love of my life is moving to New York. This is killing me.

Litrato nilang dalawa sa airport. Shaun was crying—actually sobbing—habang mahigpit na nakayakap kay Aria, tila ayaw itong bitawan. He looked so devastated, broken beyond repair, as if his whole world was being ripped away from him.

"The love of his life..." bulong ko sa gitna ng aking paghikbi, ang boses ko ay basag at puno ng matinding sakit. "Eh, ano ako, Shaun? Ano ako sa loob ng tatlong taon? Isang pansamantalang anino lang ba para hindi ka maging mag-isa?"

Biglang bumasag sa mabigat na katahimikan ng kwarto ang sunod-sunod na pag-vibrate ng smartwatch na naiwan sa mesa sa labas.

Parang timhang nabuhusan ng malamig na tubig, mabilis akong tumakbo palabas ng kwarto, hawak-hawak pa rin ang diary na para bang iyon na lang ang natitirang ebidensya ng kahangalan ko. Nilapitan ko ang relo at tiningnan ang screen.

Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang wallpaper niya. Hindi litrato namin ang nakalagay roon; instead, it was a photo of the two of them—Aria and Shaun—hugging tightly under the golden afternoon sun. Then, a notification pops up on the screen, lighting up the dark room.

Aria

2:00 PM

I love you, Shaun.

Btw, I have a surprise for you.

Napahawak ako nang mahigpit sa gilid ng mesa para hindi tuluyang matumba ang mga tuhod ko. Aria? Are they still talking? Kahit noong mga panahong magkasama kami, kahit noong mga gabing sinasabi niyang pagod na pagod siya sa trabaho... kausap pa rin pala niya ito. Kaya pala nagmamadali siyang umalis kanina, kaya niya naiwan ang smartwatch niya. Pumunta pala siya para makipagkita kay Aria—the true love of his life.

Habang walang patid ang pag-agos ng mga luha ko, kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa. Sinubukan ko siyang tawagan.

Isang ring... dalawa... tatlo... Pero hindi niya sinasagot. Patuloy lang ang pagtunog hanggang sa mapunta sa voicemail.

Dahil sa matinding pag-uusisa at pagnanais na matapos na ang pagpapanggap na ito, pinagmasdan ko ang smartwatch niya. Hindi kailangan ng password; madali kong na-access ang mga mensahe. Binuksan ko ang message thread nila habang tinitingnan ang mga sarili kong text sa kaniya na nananatiling delivered lang—mga mensaheng walang kasagutan, walang silbi.

Sunni

2:19 PM

I snagged a near-impossible restaurant.

Chinese spot tonight.

Gusto mo puntahan natin?

No reply. It was dead air. Walang kahit anong pagtatangkang mag-reply o magpasabi man lang na busy siya.

At pagkatapos, isang bagong text message mula kay Aria ang pumasok sa screen ng relo.

Aria

4:00 PM

Shaun, I'm flying back from New York to the Philippines tonight.

Halos mabitawan ko ang relo nang makita ko kung gaano kabilis mag-reply si Shaun. Parang naghihintay lang siya, parang laging gising ang atensyon niya para sa babaeng ito.

Shaun

4:01 PM

Great.

Let's grab dinner in BGC?

That French restaurant we used to hit.

Isang minuto lang. Isang minuto lang ang kailangan para mag-reply siya kay Aria nang may ganang-ganang tono, samantalang ang mga mensahe ko, inabot na ng gabi nang walang imik.

Aria

6:05 PM

Perfect. Hihintayin kita.

Kahit nanginginig ang mga daliri ko at halos hindi na makita ang screen dahil sa kapal ng mga luha, sinubukan ko pa ring mag-text sa kaniya. Isang huling pagsubok. Isang desperadong hakbang para patunayan sa sarili ko na nagkamali lang ako ng basa, na may natitira pang espasyo para sa akin sa puso niya.

Sunni

6:05 PM

Heads up.

May ulan na darating.

If you head out, grab an umbrella, ok?

Huwag kang maligo sa ulan.

Pinanood ko ang screen ng kaniyang relo. Walang notification na binasa niya ang text ko. Pero ilang segundo lang ang lumipas, lumabas ang bagong reply niya—hindi para sa akin, kundi para kay Aria.

Shaun

6:05 PM

Forecast says it will rain.

Hintayin mo lang ako sa terminal.

I'll pick you up right after work.

Okay.

Nabitawan ko ang relo. Tuluyang bumagsak iyon sa matigas na sahig, lumikha ng tunog na parang basag na salamin sa tahimik na gabi.

I always told myself you weren't a texter, Shaun. Pinagtatanggol pa kita sa sarili ko tuwing naiinip ako sa paghihintay. Sinasabi ko na baka busy ka lang talaga sa mga pangarap natin, na hindi ka sanay mag-phone habang nagtatrabaho.

But... turns out you just weren't texting me. Kasi para sa kaniya, kahit kailan, hindi ka naging abala.

Ang sakit na nararamdaman ko, at ang init ng mga luha sa aking mukha, ay unti-unting napalitan ng isang malamig at matinding galit. Isang galit na matagal kong ibinaon at pinigilan dahil akala ko ay nahanap ko na ang tahanan sa isang lalaking tinanggap ko kahit walang-wala.

Galit kong isinarado ang diary at ibinalik sa pinakasulok ng cabinet kung saan ko ito nakuha. Kinuha ko ang coat ko mula sa sabitan, at nanginig ang buong katawan ko nang humakbang ako palabas ng pintuan.

Hindi ko na kaya rito. Ang bawat sulok ng bahay na ito, ang bawat unan, ang bawat dingding ay amoy ng kasinungalingan at pagpapanggap.

Tumakbo ako palayo, lumabas ng gusali, at tinahak ang malamig na kalsada patungo sa kabilang building kung saan nakatira ang best friend kong si Bella. Pagkakita pa lang niya sa akin sa pintuan—gulo-gulo ang buhok, mugto ang mga mata, at basang-basa ng luha—alam na niyang nasira na ang mundo ko.

"Hey, girl... Anong nangyari?" nag-aalalang tanong niya, at agad akong inalalayan papasok nang makita niyang halos hindi na ako makatayo sa sarili kong mga paa.

I collapsed on her bed, my body shaking uncontrollably from the heavy weight of the betrayal. Patuloy pa rin akong umiiyak, parang sirang gripo na ang mga luha na hindi ko na mapigilan o mapatigil man lang.

"Bella..." tawag ko sa kaniya, ang boses ko ay basag na basag, halos hindi na lumabas ang mga salita. "Before I transferred... anong namamagitan ba kina Shaun at Aria?"

Tumingin sa akin si Bella, at sa mga mata niya ay nakita ko ang sagot na masakit kaysa sa anumang nalaman ko ngayong gabi—puno ng awa, takot, at katotohanang matagal na palang alam ng buong paligid.

At doon ko tuluyang naintindihan.

Na sa mahabang kwentong ito, sa mundong binuo ko kasama siya... ako lang pala ang tangang huli na nakakaalam ng totoo.

I'm just a stand-in. A substitute, kumbaga. Isang mumurahing kopya at panakip-butas sa babaeng tunay na minahal niya. And that realization was fucking insane.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • Betrayal of Love (Betrayal Trilogy #1)   Chapter 6

    KNOCKOFFSunni's POV"SABIHIN mo nga sa akin ang totoo, babe. Ano nga ba ang meron sa ika-29 days na 'yan?" dagdag na tanong ni Shaun.Huminto ako sa tapat ng pinto at hindi nilingon si Shaun. Kahit na hindi ko man siya nakikita, ramdam ko ang titig niya sa aking likuran. Bakas sa kaniyang boses ang kuryosidad.Sa loob ng tatlong taon naming pagsasama, bihira siyang magtanong nang ganito ka-direkta sa akin tungkol sa mga plano ko. Madalas, ako pa nga ang laging nagpapaalala sa kaniya, na ako ang laging nag-aayos, na ako ang laging naghihintay.Hindi ako lumingon, nakatalikod akong sumagot sa kaniya, hiding a bit of teardrops."Wala, babe. I have something to celebrate this next 29 days, at malalaman mo rin 'yan," sagot ko sabay kibit-balikat at tsaka nilingon siya, direkta sa kaniyang mga mata. I kept my tone light, almost dismissive, kahit na ang bawat salita ay parang may kasamang pait.I make a lie. A perfect lie to cover the perfect plan to make him regret. Tumango lamang siya, t

  • Betrayal of Love (Betrayal Trilogy #1)   Chapter 5

    COUNTDOWNSunni's POV"Oh, God... you look just like her."Ang mga katagang kaniyang binulong sa akin ay tila isang malamig na buhos ng tubig sa gitna ng mainit na sikat ng araw.Nanigas ang buong katawan ko habang yakap niya ako, nakakulong sa kaniyang mga braso.Sa sandaling narinig ko ang mga katagang iyon, ang akala kong tagumpay—ang matagal ko nang pinapangarap na mapansin niya—ay naging pinakamapait kong pagkatalo.The warmth of his hug felt like a hollow. Imbes na kikiligin ako, isang malalim na kaba ang humaplos sa puso ko.Dahan-dahan akong kumawala sa pagkakayakap niya, tumingala ako, sapat lang para makita ko ang kanyang mga mata—ang mapupungay niyang mata."Like who, Shaun?" nagtataka kong tanong. Ang boses ko ay halos pabulong na lamang dahil sa natatakot ako sa isasagot niya sa akin.I'm afraid if he will be doing this just to mess with me or mistook me for someone he truly loves—tama nga ako.Tumigil siya sa pagyakap sa akin at hinarap ako nang diretso. Tinitigan niya a

  • Betrayal of Love (Betrayal Trilogy #1)   Chapter 4

    ATTEMPTSunni's POVWE don't chase, instead we conquer.'Yan ang kasabihan sa pamilya naming Buenavidez, pero pagdating sa lalaking minahal ko—kay Shaun, tila nakalimutan ko ang lahat ng rules ng pride at class ng aming pamilya.We're family born and raised from wealth, power, and popularity, but that doesn't mean that I will used it as an advantage to belittle anyone.Sa loob ng halos isang taon, naging anino ako ng bawat yapak ni Shaun sa Fortejo High Institute. Hindi ko alintana ang mga mapang-aping pagtrato sa akin ng mga cheerleaders o ang mga tsismis sa buong campus tuwing nakikita nilang kasama at bitbit ko ang gamit ni Shaun, because I love him the most.I don't care what they say to me, as long as Shaun will protect and love me back.Sa paningin ng nakararami, isa lang akong desperadang nerd na nakabuntot palagi kay Shaun. Pero sa sarili ko, naniwala ako na ako'y isang mandirigma ng pag-ibig na naniniwala sa happy ending, happily ever after—like the Disney princesses with the

  • Betrayal of Love (Betrayal Trilogy #1)   Chapter 3

    FIRST METSunni's POVTatlong taon, isang libo at siyamnapu't limang araw na ang lumipas mula nang magtagpo ang mga landas namin, pero sariwa pa rin sa isip ko ang bawat detalye ng nakaraan. Mga detalye kung paano nagsimula ang lahat—noong panahong ang tanging problema ko lang ay kung paano itatago ang apelyidong Buenavidez sa likod ng malalaking salamin at maluluwang na jacket.They believed I was the ultimate clumsy nerd of Fortejo High Institute. Isang babaeng naka-blue jacket sa ilalim ng uniform, laging nakasuot ng sneakers na pudpod na ang swelas, at medyo buhaghag ang buhok. I wanted to be invisible, to experience life without anything else. Gusto kong maranasan ang mamuhay nang normal, malayo sa mga bodyguard at sa bigat ng korona ng aming pamilya.I disguise myself as what I want others see me—a poor, and nerd woman. I enrolled in a Fortejo High Institute using my mother's maiden surname, the Leona surname. I used it to hide my identity.Bitbit ko ang isang makapal na tumpok

  • Betrayal of Love (Betrayal Trilogy #1)   Chapter 2

    DECISIONSSunni's POVNANATILI akong nakatulala, nakatitig sa kisame ng kwarto ni Bella habang ang bawat hininga ko ay parang may kasamang bubog. It felt like I was swallowing a pieces of broken glasses slumping into my throat.Hindi pa rin ako makapaniwala sa katiting na katotohanang aking nalaman.Ang lamig ng air conditioner ay hindi sapat para pawiin ang nag-aapoy na sakit sa dibdib ko. I was deeply in pain... ang sarap sumigaw—ang sarap humahagulhol—ang sakit kasi.For all these years I was a fool... a foolish woman who only believes in love, but turns out betrayed by her own lover.Bella sighed, sitting beside me, her hand rubbing my back in a slow, sympathetic rhythm."You really want to know the truth, Sunni? Handa ka ba? Dahil baka kapag nalaman mo, hindi mo na kayang tingnan si Shaun sa dati mong paraan, and you will be hurt, and I don't want to see you hurt," mahina niyang paalala, then hugged me tightly."I need the truth, Bella," hagulhol ko. "I'm tired of living in a fai

  • Betrayal of Love (Betrayal Trilogy #1)   Chapter 1

    DIARYSunni's POVMALAMIG na ang beef stew na tatlong oras nang nakahain sa mesa—tatlong oras kong buong-pusong pinaghirapang lutuin. Ibinuhos ko ang bawat sandali sa paghiwa ng mga rekados, pagtimpla ng tamang lambot ng karne, at umaasang sa pag-uwi niya ay may mainit na hapunan siyang madadatnan.Kasabay ng unti-unting pagtigas ng sebo sa ibabaw ng sabaw ay ang unti-unti ring pagtigas ng namumuong kaba at kirot sa dibdib ko. It's almost ten o'clock in the evening, and it's getting late. Tatlong oras na rin ang lumipas mula nang magmamadali siyang umalis, sinasabing may kailangan daw siyang ayusin na tambak na trabaho sa kanilang opisina."Para sa future natin ito, Sunni," isa 'yan sa mga salitang laging sinasambit niya tuwing hahalikan niya ang noo ko bago umalis—mga salitang pinanghawakan ko, mga salitang binuo ko bilang sandalan sa bawat araw ng paghihintay.Ngumiti ako nang mapait, isang ngiting punong-puno ng pagod at pagka-awa sa sarili, habang tinitingnan ang paligid ng maliit

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status