‘Di gaya noong kinasal kami, puno ngayon ng pamilyang Constantino ang hospital room. Katabi niya ngayon ang ina na nakaupo sa kama, hawak-hawak ang kamay ni Timothee, ang ama niya naman ay nakatayo kaharap ang kanilang doctor. Ang dalawang niyang mga kapatid kasama na dun si Anthony ay nasa likod ng kanilang ama.“Wala kaming negatibong nakita sa kanyang test results. For now, kailangan muna namin siyang obserbahan, kung normal na ang iyang pakiramdam ay pwede na siyang umuwi mamayang gabi. Paalam po Mrs. and Mr. Constantino.” Ani ng doctor at lumabas.“Oh thank God you’re doing okay. Isang buwan kaming nag-aalala sayo.” Sabi ng ina ni Timothee sa kanya na may bakas ng pag-alala.Tama nga ako, gwapo siya kung gising. Makapal ang kilay, mapupungay ang mata, at matatangos na ilong. Pero mukhang suplado. Mula noong nagising siya ay nakatumpok ang mga kilay niya. Na para bang default face niya na ang naiinis.“Did the police caught the black sedan who crashed om my car?” tanong ni Timothe
Huling Na-update : 2026-11-18 Magbasa pa