Mag-log inMatapos naming kumain ng hapunan ay inaya akong maglibot ni Timothee sa kanilanapakalaking mansion. Hindi ko nga alam kung anong pumasok sa utak niya at naisipang samahan akong maglibot sa bahay niya. Siguradong hindi naman ako mawawala dahil sa bawat sulok ng bahay nila ay may mga katulong.
Nandito kami ngayon sa kanilang garden area. Malapad, maraming mga bulaklak, halos sunflower ang karamihan. Sa gitna naman ay may fountain na mukhang luma na dahil kumukupas na ang puting pintura nito. Meron ring mga wooden benches sa mga sulok ng kanilang hardin.
“Ang dami niyo namang bulaklak” ani ko habang palibot-libot kami dito.
“Yeah, my mom adores sunflowers too much.” Tipid na sagot niya, nakalagay ang dalawang kamay sa kanyang likod habang naglalakad. “Did I lose my memories? Because I remember telling you the same thing before?”
Napatigil ako sa paglalakad. Hindi ko nga alam kung may nakaraan itong si Timothee at Veronica eh. Bakit kasi hindi niya ako sinabihan sa mga past niya? Baka maraming itanong sakin na hindi ko masagot.
“I don’t know, maybe nakalimutan ko.” Sabi ko na may pagkukunwari. Pumunta ako sa bench na di kalayuan samin at naupo. Sumunod naman si Timothee sakin.
Umupo siya sa aking tabi.
“And you already went here a lot of times, you and your family. So bakit parang nawawalang pusa kapa dito?” Intriga niyang tanong, nakataas ang kanang kilay.
Papalapit nang papalapit ang kanyang mukha bawat segundong hindi ko nasasagot ang tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ngayon lang ako nakapunta dito at imposibleng makabisado ko ang bahay nila sa iisang araw lang dahil ang laki nito.
“But have you toured me around?” tanong ko pabalik sa kanya.
Nagkibit-balikat ang mga braso niya. “I guess I have not.”
Napahinga naman ako ng maayos muli ng makatakas ako sa malaintriga niyang tanong. Buti na lang ay naiwasan ko iyon. Sana naman ay hindi na siya dumagdag pa ng tanong.
“You’re a clever one, aren’t you?” sabi niya.
“How so?”
“Avoiding questions. You never used to do that.” Aniya habang tumingin ng diretso sa akin.
Hindi na ako kumibo pa sa kanya hanggang sa nabalot kami ng katahimikan.
“We should head back.” Sabi niya at tumayo. Hindi na niya pa ako hinintay na tumayo at nauna na siyang umalis.
Buong maghapon siyang nasa home office niya, mukhang iniiwasan ako. O baka naman ay talagang busy lang siya. Mukhang bumalik na kaagad sa kanyang trabaho. Grabe naman ang pagkaworkaholic niya, parang di lang galing sa hospital kahapon.
Magdamag naman ako dito sa library nila. Mukhang matatapos ko na nga ang nobelang binabasa ko ngayon. Hindi ko na nga naramdaman ang pagdaloy ng oras dahil sa binabasa kong ito.
“I knew you’d be here.” Nagulat ako sa boses na nasa aking likuran.
“Anthony, bumalik ka dito.” Sabi ko at tumayo matapos isara ang librong nasa mesa.
“Dumating si lolo, pinapatawag tayo sa baba. Kuya Tim told me to get you here.” Aniya. “Am I tripping or are you reading a book?”
“Bakit? Bawal ba magbasa dito?” tanong ko sa kanya at ibinalik ang libro sa mesa.
“Hindi naman, it’s just so out of character of you.”
“Or maybe, I’m willing to try other things.” Sabat ko sa kanya. Nginitian niya lang ako at tumango.
Sabay kaming lumabas sa library at bumaba papuntang dining room nila. Nakaupo sa gitna ang isang matandang puti na ang lahat ng buhok. Isang tingin lang ay nakilala ko na agad siya. Si Romeo Constantino, ang lolo nilang magkapatid, ang nagmamay-ari ng daan-daang mga negosyo dito sa Guimaras.
“Veronica, apo!” bati niya. “I heard about your wedding. Nakakalungkot lang at sa hospital pa talaga kayo ikinasal.” Bungad niya pagdating ko. Lumapit naman ako sa kanya at nagmano.
“Good evening po.” Bati ko sa matandang Constantino.
“Don’t worry Hija, I’ll make sure you and my apo will have an extravagant wedding next time.” Sabi niya pa.
“Dad!” lahat ng aming tingin ay nabaling sa mag-asawang kararating lang. Lumapit ang ama at ina nila Timothee sa matanda at isa-isang b****o. Mukhang kakagaling lang ng airport ang dalawa dahil may mga maletang dala ang kanilang driver papasok.
Lumapit ako sa parents’ ng magkapatid at isa-isa rin silang bineso. Kita ko ang pagngiti ng mom nila sa akin na tinugunan ko rin ng ngiti.
“Bakit naparito kayo dito Dad?” tanong ng ina ng magkapatid.
“Tomorrow night, we will have a dinner with the Guerreo’s. At my house.” Sabi ng kanilang lolo habang tumitingin sakin. Ngumiti pa siya ng sabihin ang apelyidong Guerreo. “And everyone must come.”
Kinabukasan, isang clothing rack na puno ng mga long dresses ang dumating sa kwarto namin. Kasama na dito ang mga shoe rack na puno naman ng mga heels. Kakatapos lang namin mananghalian at bumalik kami ni Timothee sa kwarto para maghanda sa paparating na dinner. Pero mukhang may naghanda na para sakin.
“Pinadala po ni Mrs. Constantino, para raw sa dinner niyo mamaya.” Sabi ng isang katulong at iniwan ito sa kwarto.
Bumaling ang tingin ko kay Timothee na naglalaptop sa kama kahit kakatapos lang naming magtanghalian.
“Paano ka?” tanong ko dahil ako lang ang pinadalhan ng susuotin para bukas.
“I already have a lot of suits I can wear later. My mom is just excited that she has a daughter to pamper up now. Trust me when I say a hairstylist and a make-up artist would enter our room later.” Sabi niya at lumabas ng kwarto, mukhang pupunta ng kanyang opisina para tapusin ang kanyang ginagawa.
Mula kahapon pa niya akong iniiwasan, kahit magkatabi kaming magtulog ay hindi niya ako kinikibo. Kung kakausapin niya man ako ay maikli lang at aalis naman kaagad.
Hindi nga nagkamali si Timothee. Ilang minuto ang nakalipas ay may dalawang babae na pumasok sa kwarto namin. Dinala ako ng mga babae sa vanity mirror kung saan sinimulan nila ang pagpapaganda sakin. Dahil sa make-up artist ay parang umaliwalas ang mukha ko. Habang kinulot naman ng hairstylist ang buhok ko.
“Ano po yung susuotin niyo?” tanong ng isa.
Kinuha ko ang dilaw na dress sa clothing rack. Mababa ang neckline at sleeveless ito pero agaw atensyon dahil kumikislap-kislap ito dahil sa mga crystals na disenyo. Pinares ko dito ang itim na stiletto.
“Perfect choice.” Tili ng dalawang babae at tinulungan na akong magbihis.
Paglabas ng dalawang babae dala ang mga gamit nila ay dumating naman si Timothee. Napatigil siya sa p***o ng makita ako. Tulala siyang nakatingin sakin. Naconconscious tuloy ako sa mukha ko.
“Panget ba?” nahihiya kong tanong.
“No, It’s fine.”sabi niya at pumasok na sa silid namin.
“I’ll change now, mom and dad are waiting down below.” Linagpasan niya ako at dumiretso sa walk-in closet upang magbihis. Mukhang naiilang pa rin siya tuwing magkasama kami.
Ilang minuto ang lumipas ay lumabas na siya sa walk-in closet namin. Nakaayos ang buhok niya at suot-suot niya ang navy blue na suit. Bumagay ang suot niyang kulay sa dress ko. Sabay kaming bumaba sa kwarto at sumalubong naman ang parents niya sa baba.
“You look so good my dear.” Ani ng mom nila sa akin ng makita ako. “Ang ganda ng taste mo ah.”
Kita ko naman ang pagngiti ni Anthony sa akin kasama ang dalawa niya pang kapatid.
“Shall we go now?” Sabi ng dad nila at lumabas na kami ng mansion.
Nasa iisang sasakyan kami nina Timothee at ng kaniyang parents habang tig-iisang sasakyan ang iba niyang kapatid. Sumama muna raw kami sa kanila pansamantala dahil ayaw pa nilang magmaneho ang kanilang panganay dahil galing lang ito sa aksidente. Di pa umabot ng isang oras ay nakapunta na kami sa bahay ng kanilang lolo.
Nalaglag ang panga ko dahil higit na mas malaki ito sa bahay nina Timothee at ng kanyang pamilya. Ubod talaga ng yaman ang kanilang pamilya. Para naa-out of place na ako dito. Inabot ni Timothee ang kamay niya sakin at inalalayan ako papasok sa mansion ng kanilang lolo. Dumiretso kami sa dining area kung saan nakaupo na ang kanilang lolo sa harap ng napakaraming mga pagkain.
“I’m glad you made it here.” Bati ng matanda at isa-isa kaming nagsi-upuan. Napapagitnaan ako nina Timothee at Anthony. Halos lahat kami ay nasa kanang banda habang wala pang umuupo sa kaliwa.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay dumating na ang pamilyang Guerreo. Isang mag-asawang matanda, at isang mag-asawang nasa mid-forties.
“Amigo, amiga! Buti naman at nakadalo kayo.” Tumayo ang matandang Constantino at sinalubong ang mga bisitang kararating lang. Sabay rin akong tumayo sa iba pang miyembro ng pamilyang Constantino at bumati sa kanila.
Napatigil ako harap ng mag-asawa ngayon, ang mga magulang ng totoong Veronica.
“Our dear Veronica!” Sabi ng babae at bigla akong niyakap ng mahigpit. “Smile, dear. Your father’s watching.” Bulong niya.
Matapos ang mahigpit niya na yakap ay napataas ang aking tingin kay Governor Guerreo. Malamig ang tingin sa akin at parang walang affection matapos makita ang anak.
“Say Hi to our daughter Hon.” Ngiting saad ng mom ni Veronica at siniko ng marahan ang asawa.
“Veronica.” Aniya at tumango lamang sakin.
Isang salita ngunit nagsitayuan lahat ng balahibo saking katawan.
“Good evening po Governor Guerreo.” Bati ni Timothee. Tanging tango lang ang tugon ng Governor at kinamayan siya.
Matapos batiin ang mom at dad ni Veronica ay tumayo siya sa aking tabi at hinawakan ang aking mga kamay. Dama ko ang pag pisil niya saking palad, at sa oras na iyon, parang gumaan ang aking kalooban.
Nagsimula ng kumain ang lahat. Napupuno ng tawanan ng mga matatanda ang mesa habang ang mag-asawang Guerreo, mag-asawang Constantino at kaming mga anak nila ay tahimik lang na kumakain.“Buti na lang talaga Amigo at nagkaapo ka ng babae.” Sabi ng matandang Constantino.“Kaya nga, bakit kasi lalaki ang mga naging anak natin.” Sabat naman ng matandang lalaking Guerreo. Mukhang nasa 70’s na siya, kagaya ni Agustus Constantino, ang lolo nina Timothee.“Alam niyo ba na dapat ang mga anak namin nitong si Thelio ang gusto namin ikasal sa isa’t isa? Malas at iisang lalaki lang ang mga naging anak namin.” Kuwento ni lolo Agustus.“Buti na lang at nag-anak ng babae itong si Sebastian kaya sa wakas at natali na rin ang pamilyang Guerreo at Constantino.” Pagdagdag naman ni lolo Thelio sa kuwento. “Ilang anak ba ang gusto niyo?” nabilaukan ako sa biglaang tanong ni lolo Agustus.“Ayos na ang tatlo.” Sagot ng asawa ni lolo Thelio. Inubo ako ng ilang beses habang hinahagod ang aking dibdib. Dalawa
Matapos naming kumain ng hapunan ay inaya akong maglibot ni Timothee sa kanilanapakalaking mansion. Hindi ko nga alam kung anong pumasok sa utak niya at naisipang samahan akong maglibot sa bahay niya. Siguradong hindi naman ako mawawala dahil sa bawat sulok ng bahay nila ay may mga katulong.Nandito kami ngayon sa kanilang garden area. Malapad, maraming mga bulaklak, halos sunflower ang karamihan. Sa gitna naman ay may fountain na mukhang luma na dahil kumukupas na ang puting pintura nito. Meron ring mga wooden benches sa mga sulok ng kanilang hardin.“Ang dami niyo namang bulaklak” ani ko habang palibot-libot kami dito. “Yeah, my mom adores sunflowers too much.” Tipid na sagot niya, nakalagay ang dalawang kamay sa kanyang likod habang naglalakad. “Did I lose my memories? Because I remember telling you the same thing before?” Napatigil ako sa paglalakad. Hindi ko nga alam kung may nakaraan itong si Timothee at Veronica eh. Bakit kasi hindi niya ako sinabihan sa mga past niya? Baka m
Nakarating na kami ngayon sa kwarto niya. Mas malaki pa ito kaysa sa hospital room niya. Merong king size bed at sariling mini-living room. May dalawa pang pinto sa loob, isa para sa walk-in closet at ang isa naman ay papunta sa banyo. Dumiretso siya kaagad sa banyo at ako naman ay napaupo sa sofa. Nilibot ko ang tingin sa kanyang kwarto. Halos itim o di kaya brown ang mga gamit dito kaya nagmumukhang madilim ang kwarto niya. Ilang minuto ang lumipas ay natapos na siya at lumabas sa banyo. “I’m done.” Ani niya. Mabilis kong inialis ang tingin ko sa kanya. Lumabas siya na tanging tuwalya lang nakabalot sa kanyang baywang. Kahit galing hospital ay kitang-kita ko pa rin ang hulma ng kanyang katawan. Tumutulo ang mga butil ng tubig sa kanyang mga abs at kitang-kita ang mga nanggigiliting ugat sa biceps niya. Pinikit ko na lang ang aking mga mata para mabura ang itsura ng katawan niya. Ngunit parang nagmarka na ito sa utak ko. “Hindi ka maliligo?” tanong niya habang pinupunasan ang b
‘Di gaya noong kinasal kami, puno ngayon ng pamilyang Constantino ang hospital room. Katabi niya ngayon ang ina na nakaupo sa kama, hawak-hawak ang kamay ni Timothee, ang ama niya naman ay nakatayo kaharap ang kanilang doctor. Ang dalawang niyang mga kapatid kasama na dun si Anthony ay nasa likod ng kanilang ama.“Wala kaming negatibong nakita sa kanyang test results. For now, kailangan muna namin siyang obserbahan, kung normal na ang iyang pakiramdam ay pwede na siyang umuwi mamayang gabi. Paalam po Mrs. and Mr. Constantino.” Ani ng doctor at lumabas.“Oh thank God you’re doing okay. Isang buwan kaming nag-aalala sayo.” Sabi ng ina ni Timothee sa kanya na may bakas ng pag-alala.Tama nga ako, gwapo siya kung gising. Makapal ang kilay, mapupungay ang mata, at matatangos na ilong. Pero mukhang suplado. Mula noong nagising siya ay nakatumpok ang mga kilay niya. Na para bang default face niya na ang naiinis.“Did the police caught the black sedan who crashed om my car?” tanong ni Timothe
“Malaki ang posibilidad na magkastroke ang mga matatanda, lalo na ang lola mo ay 85 na. Mas maigi na muna kung oobserbahan pa naming ang lola mo sapagkat ang stroke sa ganitong edad ay delikado na.” Ani ni Doc na nakatayo saking harapan.Nakaupo ako sa gilid ng hospital bed kung saan nakahiga ang lola ko ngayon. Buti na lang ay may mga mangingisda na napadaan sa bahay namin kaya naisugod namin ng agaran si lola sa hospital.“Gawin niyo po ang lahat para gumaling ho si lola doc.” Pagmamakaawa ko sa Doctor.“Huwag kang mag-alala. Sa ngayon ay ipagdasal mo na lang ang lola mo.” Sambit ni Doc bago tuluyang umalis sa kwarto.Parang bagyo na nagsitulo ang mga luha ko pagka-alis ni Doc. Hindi pa pwedeng umalis si lola sa piling ko, babawi pa ako. Pinunasan ko ang aking mga luha at lumabas sa hospital room. Dumiretso agad ako sa Cashier Window upang makita ang posibleng babayaran ko. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera.Hindi mahaba ang pila sa cashier. Isang babae lang na kasing tangk







