Mag-log inNakarating na kami ngayon sa kwarto niya. Mas malaki pa ito kaysa sa hospital room niya. Merong king size bed at sariling mini-living room. May dalawa pang p***o sa loob, isa para sa walk-in closet at ang isa naman ay papunta sa banyo.
Dumiretso siya kaagad sa banyo at ako naman ay napaupo sa sofa. Nilibot ko ang tingin sa kanyang kwarto. Halos itim o di kaya brown ang mga gamit dito kaya nagmumukhang madilim ang kwarto niya.
Ilang minuto ang lumipas ay natapos na siya at lumabas sa banyo.
“I’m done.” Ani niya.
Mabilis kong inialis ang tingin ko sa kanya. Lumabas siya na tanging tuwalya lang nakabalot sa kanyang baywang. Kahit galing hospital ay kitang-kita ko pa rin ang hulma ng kanyang katawan. Tumutulo ang mga butil ng tubig sa kanyang mga abs at kitang-kita ang mga nanggigiliting ugat sa biceps niya.
Pinikit ko na lang ang aking mga mata para mabura ang itsura ng katawan niya. Ngunit parang nagmarka na ito sa utak ko.
“Hindi ka maliligo?” tanong niya habang pinupunasan ang basang buhok gamit ang isa pang tuwalya.
“Syempre maliligo.” Sagot ko at patagilid na lumapit sa kanya. Pilit na iniiwasang tumingin sa halos hubad na estado niya.
“Your clothes are already there.” Huling sabi niya bago ako makapasok sa walk-in closet.
Napamangha ako sa nakita. Parang kwarto ko na kalaki ang walk-in closet niya. Sa kanang bahagi ay mga damit panlalaki, mga suits, tuxedo, pants at slacks. Sa gitna naman ay may mesang gawa sa kristal kung saan naka-display ang mga nagmamahalang relo at neckties. Sa kaliwa naman ay ang mga damit ko- este ang mga damit ng totoong Veronica. Itsura pa lang ay mukhang mamahalin na.
Kumuha ako ng pajama sa isang drawer at naligo na. Kasing laki ng banyo niya ang kaniyang walk-in closet. May shower at may bathtub pa. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis muna ako. Hindi kagaya niya na lumalabas lang sa banyo na walang suot.
Paglabas ko ay bumungad sakin ang nakaupong Timothee sa kama, binabasa ang hawak na folder. Mukhang kakalabas lang ng hospital ay trabaho agad ang sa isipan niya. Teka- tatabi ba ako matulog sa kanya. Hindi pwede! Hindi ako pinalaking mapusok ni lola.
“Sa sofa na ako matutulog.” Sabi ko habang kinukuha ang unan sa tabi niya at dali-daling pumunta sa sofa.
“What are you doing?” dinig kong sabi niya saking likod.
Dahan-dahang ko siyang hinarap. Nakataas ang isang kilay habang binibigyan ako ng ‘what-are-you-doing’ look.
“Baka kasi di ka komportable kung tatabi ako sayo.” Pagdadahilan ko habang yakap-yakap ang unan.
“I’m your husband, so why would it bother me?” tanong niya. “Unless you are bothered by it.”
“Di ah.” Pagdadahilan ko habang bumabalik sa kama. Umupo ako sa pinakagilid ng kama, yung tipong isang metro ang layo ko sa kaniya. Binalik ko ang unan at humiga ng hindi nakaharap sa kanya.
“I heard you slept with a lot of guys.” Sabi niya.
“Hindi ah.”
“Don’t take me for a fool. Gabi-gabi kang nasa club.”
Napatingin ako sa kanya. Nilagay na niya ang folder sa kanyang bedside table at nakahiga na siya, paharap sakin. Kitang-kita ko ang pagkurba ng kanyang labi, mukhang nasisiyahan sa pang-aasar sakin.
“Hin-” bigla kong naalala na kailangan ko pa lang magpanggap. Hindi pa nga ako nakakapasok sa mga bar ngunit ang babaeng dapat kong gayahin ay naiiba sakin.
“Eh ano naman kung ganun? That doesn’t mean na marami na akong kinakama.” Pagdadahilan ko at tinalikuran na siya.
Pinikit ko na lang ang mga mata ko at nagdasal na matulog na siya. Alam kong kasal na ang estado namin ngayon ngunit natatakot ako sa maari niyang gamin, yung mga bagay na ginagawa ng mga kasal na.
Naramdaman ko ang paglapit niya sakin. Humigpit ang kapit ko sa kumot at pagpikit ng aking mga mata habang papalapit siya. Nadama ko na pinatay niya ang bedside lamp na nasa aking tabi at bumalik sa kanyang puwesto na kalahating metro ang layo sakin.
Dahil sa malamig na paligid at malambot na kama ang agad akong nakatulog. Ngunit naalimpungatan ako ng maramdaman ko ang galaw sa aking tabi. Pagbukas ko ng aking mata ay nakita ko si Timothee na naka-upo sa kama, hinahabol ang kanyang hininga.
“Ayos ka lang ba?” tanong ko at umupo sa tabi niya. Hinagod ko ng marahan ang kanyang likod.
“No, I saw how the black sedan crashed me in my dreams. It was no accident, he aimed at me.” Sabi niya habang hinahabol ang hininga. Kita ko ang bakas ng takot sa kanyang mata at butil ng mga pawis niya sa kanyang noo.
“Huwag kang mag-alala, I’m here, hindi kita iiwan. Just breathe.” Ani ko at napatingin siya sakin. Malambot ang kanyang mga titig, di gaya ng tingin niya sa nurse, di gaya ng tingin niya sa kanyang kapatid na si Titus.
“Mas mabuti pa na magpahinga ka para mabawi mo ang lakas mo.” Dagdag ko pa.
Nagulat ako ng humiga siya sa aking mga hita. Wala na akong magawa kundi haplusin ang kanyang ulo hanggang sa makatulog siya at mawala ang kanyang bangungot.
“I’m glad you’re here.” Rinig kong bulong niya bago makatulog.
Nag-iisa na lang ako sa kama sa pagkagising ko. Matapos kong bumangon ay naligo muna ako. Sinuot ko ang isang pink na dress na unang pumukaw ng aking tingin. Bago pa lumabas sa aking kwarto ay tiningnan ko muna ang sarili sa body mirror na nasa tabi ng pintuan.
It looks like I’m a pop of color in this monotone room.
Lumabas na ako ng silid at bumaba. Nakasalubong ko ang isang katulong nila sa hagdan na nagbigay daan sakin papunta sa dining area ng bahay nila. Pagdating sa hapag kainan ay kumpleto na silang apat na magkakapatid.
“Good morning.” Bati ko sa mga magkapatid.
“Good morning, Vera!” Masiglang bati pabalik ni Anthony.
“Morning.” Tipid naman na bati ng bunso nila.
Eighteen years old pa lang si Andrei, freshman sa isang prestihiyosong paaralan. Si Anthony naman ay twenty-four years old na, kaedad ko lang. Si Titus naman ay twenty-six, at ang panganay na si Timothee ay twenty-eight na.
“Mukhang maganda ang tulog ninyo kagabi ah. It’s your first night as a legal couple, and you guys should’ve stayed up late, do things like normal newly weds do.” Sarkastikong saad ni Titus, pabalik-balik ang tingin samin ni Timothee habang nakangisi. Mukhang di naman komportable si Anthony sa sinabi niya, lalo na’t hinahanda ng mga katulong nila ang umagahan saming harapan.
“O baka hinihintay niyo lang na makaalis na kayo dito, move to your own manor.” Dagdag niya pa.
“Do you really want to get rid of me from this house brother?” Sabat ng katabi ko at ngumisi sa kanya pabalik.
“I mean, Veronica here might’ve prefer having your own home, right?” aniya ni Titus habang nakatingin sakin. “Ano bang bahay ang gusto mo?”
“Okay lang naman sakin yung simple lang, kahit iisang palapag lang.” sagot ko naman, inaalala ang simpleng buhay namin ni lola. “Pero gusto ko yung kita ang view ng dagat saking kwarto.”
Nagsitahimik silang tatlo. Nakataas ang kilay na nakatingin sa si Titus habang bakas naman ng pagtataka ang mukha ni Anthony. In my peripheral view, bumaling ng tingin ang katabi ko sa akin. Hindi ko mabasa ang itsura niya, mukhang nasurpresa o kaya di makapaniwala sa sinabi ko.
“Really? I never thought the word simple would come out from that mouth of yours.” Ani ni Titus. “You always want things to be extravagant! Ikaw pa ba yan Vera?”
Ngayon, ako naman ang mananahimik. Mukhang masisiwalat pa ang sekreto ko kung di ko pipigilan ang bibig kong ito.
Matapos kumain ay naglibot-libot ako sa mansion nila. Sa isang sulok ay may nakita akong napakalaking arko, pagpasok ko ay tumambad sakin ang mga nagsisitaasang bookshelves. Sa isang gilid naman ay may apat na computers.
“Good morning po.” Bati ng isang katulong na naglilinis sa loob.
“Good morning din po.” Bati ko pabalik at pumasok sa loob. “Puwede po bang gamitin yung computer dun?” tanong ko.
“Oo naman po.” Sagot ng katulong at sinamahan ako papunta doon. Binuksan niya ang isang computer para sakin.
“Okay na po, thank you.” Sabi ko ng maopen na yung computer sa harap ko.
Pagkatapos umalis ng katulong ay agad kong sinearch sa internet ang pangalang Veronica Guerreo. Nakita ko agad ang mga social media accounts niya dahil marami ang kanyang mga followers. Sa i*******m ay halos lahat ng mamahaling bag, sandals at damit ang laman ng mga posts niya.
Sa isang post ay kasama niya ang amang si Governor Guerreo na nangangampanyang tatakbo ulit bilang gobernador. Sa kanilang picture ay katabi naman niya ang ina na kilala sa buong bansa dahil nanalo ito bilang 1st runner up sa Miss Universe, ang pambato ng pilipinas. Hindi pala basta-basta ang kaniyang pamilya.
Ngayon, kailangan kong gayahin ang personality niya. Base sa mga captions ng mga post niya ay conyo siyang manalita. Magkahalo parati ang ingles at tagalog.
“Does all influencers search their selves on the internet?”
Nagulat ako ng marinig ang boses sa likod ko kaya napatay ko bigla ang computer.
“You’re already busted!” dagdag niya pa at tumawa.
“Kanina ka pa ba diyan?” tanong ko at tumayo.
“Kakarating ko lang. Having fun at our house ?"
“Medyo, I’m sure mauubos kong basahin ang mga libro dito.” Ani ko sa kanya.
“Yeah, what book? Magazines? Vogue? Elle? Cosmopolitan?” sabat ni Anthony.
Tumawa lang ako sa sinabi niya dahil maliban sa sikat na magazine na Vogue ay di ko na alam kung ano yung iba pa niyang sinabi. Hindi ba mahilig magbasa si Veronica? Kung sabagay pag titingnan mo yung mga posts niya sa mga social media ay parang model yung mga outfits niya.
“Gaano mo ko kakilala?” Tanong ko kay Anthony.
“Ako pa talaga ang tinanong mo niyan.” Sabi niya na may buong kompyansa sa sarili. Salamat sa buhay mo Anthony at mukhang mapapadali ang pagpapanggap ko.
“Ano yung favorite food ko?” Una kong tanong.
“Japanese Wagyu.”
“Favorite color?”
“Pink.”
“My go-to restaurant?”
“Di mo ko maiisahan, you prefer your family’s private chefs’ home-cooked meals.”
Napatagal pa ang aming pag-uusap sa library. Mukhang nakahanap pa ako ng kakampi sa bahay na ito. Hindi na namin napansin ang oras, nagulat na lang kami ng makasalubong namin si Timothee sa labas ng library. Bakas ang inis sa kanyang mga mata.
“Kanina pa kita hinahanap. It’s already time for lunch.” Ani niya sakin pero ang tingin ay kay Anthony. Mukhang malapit ng magdugtong ang mga kilay niya.
“Mauna na ako sa baba.” Aya ni Anthony at naunang bumaba.
Naiwan kaming magkaharap sa entrance ng kanilang library. Hindi siya kumikibo pero hindi rin niya tinatanggal ang kanyang mga titig sakin.
“You seemed very close.” Pagputol niya ng katahimikan, diretso pa rin ang tingin sa akin. May diin din ang pagkakabikas niya ng ‘very’.
“Ah we just talked. May mga tinanong lang ako.” Sagot ko sa sinabi niya.
“Like what?”
Napaisip ako ng kaunti sa irarason ko. “About magazines.” Tipid kong saad dahil takot na akong magkamali. Kita ko ang bakas ng agam-agam sa mukha niya.
“I see.” Sagot niya pero mukhang hindi pa siya kumbinsido sa mga sinabi ko.
Iniwas ko agad ang aking tingin ng naramdaman kong nag-vibrate ang aking phone na nasa bulsa ng dress ko.
“Let’s go downstairs.” Aya niya.
“Mauna ka na.” sambit ko at kinuha ang phone saking bulsa.
Binuksan ko ang aking messages nung umalis na ang mukhang galit na si Timothee.
Veronica:
See you in a week, Ryaia.
Veronica:
Hope you played the role very well because when I’m back, it’s time to say goodbye.
Nagsimula ng kumain ang lahat. Napupuno ng tawanan ng mga matatanda ang mesa habang ang mag-asawang Guerreo, mag-asawang Constantino at kaming mga anak nila ay tahimik lang na kumakain.“Buti na lang talaga Amigo at nagkaapo ka ng babae.” Sabi ng matandang Constantino.“Kaya nga, bakit kasi lalaki ang mga naging anak natin.” Sabat naman ng matandang lalaking Guerreo. Mukhang nasa 70’s na siya, kagaya ni Agustus Constantino, ang lolo nina Timothee.“Alam niyo ba na dapat ang mga anak namin nitong si Thelio ang gusto namin ikasal sa isa’t isa? Malas at iisang lalaki lang ang mga naging anak namin.” Kuwento ni lolo Agustus.“Buti na lang at nag-anak ng babae itong si Sebastian kaya sa wakas at natali na rin ang pamilyang Guerreo at Constantino.” Pagdagdag naman ni lolo Thelio sa kuwento. “Ilang anak ba ang gusto niyo?” nabilaukan ako sa biglaang tanong ni lolo Agustus.“Ayos na ang tatlo.” Sagot ng asawa ni lolo Thelio. Inubo ako ng ilang beses habang hinahagod ang aking dibdib. Dalawa
Matapos naming kumain ng hapunan ay inaya akong maglibot ni Timothee sa kanilanapakalaking mansion. Hindi ko nga alam kung anong pumasok sa utak niya at naisipang samahan akong maglibot sa bahay niya. Siguradong hindi naman ako mawawala dahil sa bawat sulok ng bahay nila ay may mga katulong.Nandito kami ngayon sa kanilang garden area. Malapad, maraming mga bulaklak, halos sunflower ang karamihan. Sa gitna naman ay may fountain na mukhang luma na dahil kumukupas na ang puting pintura nito. Meron ring mga wooden benches sa mga sulok ng kanilang hardin.“Ang dami niyo namang bulaklak” ani ko habang palibot-libot kami dito. “Yeah, my mom adores sunflowers too much.” Tipid na sagot niya, nakalagay ang dalawang kamay sa kanyang likod habang naglalakad. “Did I lose my memories? Because I remember telling you the same thing before?” Napatigil ako sa paglalakad. Hindi ko nga alam kung may nakaraan itong si Timothee at Veronica eh. Bakit kasi hindi niya ako sinabihan sa mga past niya? Baka m
Nakarating na kami ngayon sa kwarto niya. Mas malaki pa ito kaysa sa hospital room niya. Merong king size bed at sariling mini-living room. May dalawa pang pinto sa loob, isa para sa walk-in closet at ang isa naman ay papunta sa banyo. Dumiretso siya kaagad sa banyo at ako naman ay napaupo sa sofa. Nilibot ko ang tingin sa kanyang kwarto. Halos itim o di kaya brown ang mga gamit dito kaya nagmumukhang madilim ang kwarto niya. Ilang minuto ang lumipas ay natapos na siya at lumabas sa banyo. “I’m done.” Ani niya. Mabilis kong inialis ang tingin ko sa kanya. Lumabas siya na tanging tuwalya lang nakabalot sa kanyang baywang. Kahit galing hospital ay kitang-kita ko pa rin ang hulma ng kanyang katawan. Tumutulo ang mga butil ng tubig sa kanyang mga abs at kitang-kita ang mga nanggigiliting ugat sa biceps niya. Pinikit ko na lang ang aking mga mata para mabura ang itsura ng katawan niya. Ngunit parang nagmarka na ito sa utak ko. “Hindi ka maliligo?” tanong niya habang pinupunasan ang b
‘Di gaya noong kinasal kami, puno ngayon ng pamilyang Constantino ang hospital room. Katabi niya ngayon ang ina na nakaupo sa kama, hawak-hawak ang kamay ni Timothee, ang ama niya naman ay nakatayo kaharap ang kanilang doctor. Ang dalawang niyang mga kapatid kasama na dun si Anthony ay nasa likod ng kanilang ama.“Wala kaming negatibong nakita sa kanyang test results. For now, kailangan muna namin siyang obserbahan, kung normal na ang iyang pakiramdam ay pwede na siyang umuwi mamayang gabi. Paalam po Mrs. and Mr. Constantino.” Ani ng doctor at lumabas.“Oh thank God you’re doing okay. Isang buwan kaming nag-aalala sayo.” Sabi ng ina ni Timothee sa kanya na may bakas ng pag-alala.Tama nga ako, gwapo siya kung gising. Makapal ang kilay, mapupungay ang mata, at matatangos na ilong. Pero mukhang suplado. Mula noong nagising siya ay nakatumpok ang mga kilay niya. Na para bang default face niya na ang naiinis.“Did the police caught the black sedan who crashed om my car?” tanong ni Timothe
“Malaki ang posibilidad na magkastroke ang mga matatanda, lalo na ang lola mo ay 85 na. Mas maigi na muna kung oobserbahan pa naming ang lola mo sapagkat ang stroke sa ganitong edad ay delikado na.” Ani ni Doc na nakatayo saking harapan.Nakaupo ako sa gilid ng hospital bed kung saan nakahiga ang lola ko ngayon. Buti na lang ay may mga mangingisda na napadaan sa bahay namin kaya naisugod namin ng agaran si lola sa hospital.“Gawin niyo po ang lahat para gumaling ho si lola doc.” Pagmamakaawa ko sa Doctor.“Huwag kang mag-alala. Sa ngayon ay ipagdasal mo na lang ang lola mo.” Sambit ni Doc bago tuluyang umalis sa kwarto.Parang bagyo na nagsitulo ang mga luha ko pagka-alis ni Doc. Hindi pa pwedeng umalis si lola sa piling ko, babawi pa ako. Pinunasan ko ang aking mga luha at lumabas sa hospital room. Dumiretso agad ako sa Cashier Window upang makita ang posibleng babayaran ko. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera.Hindi mahaba ang pila sa cashier. Isang babae lang na kasing tangk







