Mag-log in
“Malaki ang posibilidad na magkastroke ang mga matatanda, lalo na ang lola mo ay 85 na. Mas maigi na muna kung oobserbahan pa naming ang lola mo sapagkat ang stroke sa ganitong edad ay delikado na.” Ani ni Doc na nakatayo saking harapan.
Nakaupo ako sa gilid ng hospital bed kung saan nakahiga ang lola ko ngayon. Buti na lang ay may mga mangingisda na napadaan sa bahay namin kaya naisugod namin ng agaran si lola sa hospital.
“Gawin niyo po ang lahat para gumaling ho si lola doc.” Pagmamakaawa ko sa Doctor.
“Huwag kang mag-alala. Sa ngayon ay ipagdasal mo na lang ang lola mo.” Sambit ni Doc bago tuluyang umalis sa kwarto.
Parang bagyo na nagsitulo ang mga luha ko pagka-alis ni Doc. Hindi pa pwedeng umalis si lola sa piling ko, babawi pa ako. Pinunasan ko ang aking mga luha at lumabas sa hospital room. Dumiretso agad ako sa Cashier Window upang makita ang posibleng babayaran ko. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera.
Hindi mahaba ang pila sa cashier. Isang babae lang na kasing tangkad ko ngunit straight at hanggang balikat ang buhok ang nasa harapan ko. Pinupunasan ko pa ang mga luha bago humarap ang babae na nasa unahan ng pila.
Parang nanalamin lang ako. Mula mga mata, papunta sa ilong hanggang sa mga labi ay parehong-pareho kami.
“What the hell?” rinig kong bulong niya sa sarili bago umalis. Kahit na ay nakaalis na siya sa pila at ramdam ko pa rin ang titig niya. Kahit naman ako ay di makapaniwala sa nakita ko.
Kinuha ko na ang resibo ng babayaran namin sa hospital at nanlumo. Saan ako kukuha ng ganitong kalaking pera?
“Salamat po sa pagpapautang ah. Promise po talaga babayaran ko po kayo pagnakahanap na ako ng trabaho.” Sabi ko kay Mang Tomas na kaibigan ni lola dahil sa kanya siya bumubili na timba-timbang isda na binebenta siya sa merkado.
“Huwag kang mag-aalala. Tulong ko na yan sa lola mo. At tsaka pa, kulang pa nga yan eh.” Sagot niya.
“Salamat po Talaga.” Ani ko ulit bago umalis.
Nilalakad ko lang ngayon mula sa samin papunta sa hospital. Medyo malayo pa dahil sa hospital na nasa bayan naming dinala si lola.
“Ilang libo pa ang kulang- bulong ko sa sarili bago ko naramdaman na may humablot sakin papasok sa isang van.
“Tulong!” sigaw ko habang nagpupumilit makawala sa dalawang naglalakihang lalaki na gumapos sakin.
“Huwag kang lumaban kung ayaw mong matuluyan na namin!” banta ng isa. Napaiyak na lang ako sa takot. Tinakpan nila ng tela ang aking mga mata kaya naman wala akong makita.
“Pakawalan niyo ako, nagmamakaawa ako sa inyo.” Sambit ko ngunit umasta sila na parang wala silang naririnig.
Naramdaman ko ang pag-andar ng van. Ang minuto ay animo’y nagiging oras para sakin. Ayoko pang mamatay. Hindi ko pa napapagamot si lola, kailangan ko pang makabawi sa kanya.
Tanging hikbi ko lang ang umaalingawngaw sa loob. Tumatawa rin ang mga lalaki paminsan-minsan. Tatlong magkakaibang boses ang naririnig ko. Dalawa sa magkabilang-tabi ko at isa na nagmamaneho.
“Oo madam, malapit na kami. Masisiyahan ka talaga sa regalo naming sayo.” Rinig kong sinabi ng lalaki sa kanan ko. Hindi ko lang madinig kung sino ang kinakausap niya.
“Dapat may bonus kami madam!” sabat naman ng lalaki na nagmamaneho at sabay silang nagtawanan. Natakpan ng mga hiyaw nila ang sunod-sunod kong hikbi.
Biglang huminto ang van at napasubsob ako sa unahan. Narinig ko ang pagbukas ng mga p***o. Agad naman akong marahas na pinalabas ng dalawang lalaki. Nag-iba ang dinadaanan namin, mula sa lubak-lubak na daan patungo sa makinis at pantay-pantay na sahig. Ilang metrong lakad pa at mga hakbang sa hagdan ay naramdaman ko na nakapasok kami sa isang silid.
Marahas nila akong pinaupo sa isang silya. Tinali ang dalawang kamay ko sa likod ng upuan at ang magkabilang paa ko. Kinuha na nila ang napakahigpit na tali sa mga mata ko. Panadaliang nabulag ako sa napakasilaw na liwanag. Ilang segundo pang nag-adjust ang aking mata bago tuluyang makakita.
Ang babae sa hospital, nasa harapan ko na siya ngayon. Ngayong ilang sentimetro na lang ang pagitan ng aming mukha ay mas nakita ko pa ang pagkakahalintulad ng aming mga mukha.
“This is freaking me out.” Sabi niya at umatras ng bahagya.
“Parang kambal mo nga siya madam.” Ani ng isa sa mga alipores niya.
“Shut up. She looks a cheaper and less hot version of me. Pero she’ll do just fine.”
“Ano bang kailangan mo sakin?” tanong ko sa pagitan ng mga hikbi ko. Hindi ko maunawaaan kung bakit niya ako pinakidnap. Dahil ba magkamukha kami?
“First of all, let me apologize for the kidnapping theatrics. I love drama kasi eh.” Biro niya at parang on cue at sabay na tumawa ang tatlong alipores niya na tumahimik nung sinide-eye na niya. “Second. Let me ask you something, are you in need of money?”
Natigilan ako ng marinig ko ang salitang pera.
“Oo.” walang pag-aalinlangan kong sagot.
“Perfect!” parang baliw na tili niya. “Five-million pesos for marrying someone. Deal?”
Never pa akong nagkaboyfriend, kaya naman parang nag-aalinlangan pa ako. Pero lahat ay gagawin ko para saking lola.
“Let me add something, parang ang dali naman kung magpapakasal ka lang. It was supposed to be me kasi eh. But who would marry a sleeping beauty guy? No one. Unless desperada kana siguro sa pera. So, what I want you to do is to be Veronica Guerreo, marry that asleep billionaire, impersonate me and voila! Easy money!”
Hindi madali ang pinagsasabi niya. Pero limang milyon! Hindi lang naman mababayaran ang bill naming sa hospital, mapapagamot ko pa siya at siguro, mabigyan siya ng magandang buhay.
“Pano kung malaman nila na manloloko ako” tanong ko.
She smirked. “This is what you call high risk, high reward. Darling, limang milyon ang pinag-uusapan natin. Your hospital problems will be solved, instantly! Pero- kung ayaw mo, maybe there’s someone who’s more desperate for this money, yung willing, yung kayang gawin ang lahat”
“Sige, papayag na ako.” para kay lola, gagawin ko ang lahat.
Inilahad niya ang kanang kamay. Hindi ko naman kayang makipagkamay sa kanya dahil nakatali pa rin ako.
“Well, let us fix you first.”
Ilang araw ang nakalipas ay nasa harapan ko na ang mapapangasawa ko, hindi bilang Ryaia kundi bilang Veronica. Nabayaran ko na ang hospital bills at pagpapagamot kay lola. Hanggang ngayon ay nasa hospital pa rin siya, nagpapagaling. Nasa hospital din ako ngayon kung saan na admit si lola, ngunit sa ibang silid.
Mas malapad at mailawalas dito. Kumpara sa hospital room ni lola na may kasama siyang tatlo pang pasyente, nag-iisa lang ang lalaki dito. Naka king-size rin ang kama niya, malayo sa normal na hospital bed. Parang bahay na rin naming ang laki ng hospital room niya.
“Vera!” bati ng lalaking matangkad na kakapasok lang ng hospital room.
Buti na lang ay pinakilala na agad ng totoong Vera ang pamilya ng papakasalan ko at ang pamilya niya. Ilang araw ko rin silang kinilala at piang-aralan ang ugali ng taong gagayahin ko.
“Anthony.” Bati ko sa kanya. Ang ikalawa sa magkakapatid na Constantino.
Sumunod sa kanya papasaok ay ang isang marriage officiant na nakaitim na polo at slacks na may hawak-hawak na folder.
“Say hi to your one and only witness.” Dagdag pa ni Anthony. Kami lang apat ang nasa silid ngayon. Nakaratay pa sa kama ang isa. “You look good in white.” Ani niya pa.
Isang long white dress lang ang suot ko ngayon. Galing pa sa closet ni Veronica, prada raw ang tatak. Hindi na rin nakatali ang kulot na mahaba kong buhok. Nirebond na ito at ginupitan hanggang balikat para magkamukha na talaga kami ni Veronica. Pinapaputi niya rin ang morena kong balat para magkapareha na kami ng kutis. Ilang gamot din ang naturok sakin para pumuti lang.
“Bakit ikaw lang yung nandito? Nasan yung iba, yung mga kapatid niyo?” tanong ko kay Anthony na nasa kabilang tabi ng kama, nasa pagitan naming ang natutulog na si Timothee, ang aking mapapangasawa.
“They say it’s a waste of time. Don’t worry, sabi nila kung magigising man si Kuya ay ikakasal kayo ulit. Probably in Madrid since dun yung gusto mo talaga.” Sagot niya bago tipid na ngumiti.
Sa Madrid, Spain pala sila dapat ikakasal. Kung hindi kaya na comatose si Timothee, papakasalan pa rin ba siya ni Veronica?
“Let’s start.” Ani ng civil officiant.
Marami siyang sinasabi, most of it ay hindi ko na naiintindihan. Nasa lalaking nakahiga lang ang tingin ko ngayon. Parang mahimbing siyang natutulog, akalain mo ay maamong tupa. Mahaba ang kanyang pilik mata at mapupula ang mga labi, Sharp and well-defined ang jawline niya, artistahin ang dating. Siguro mas guguwapo pa siya kung gising.
“Paki-pirmahan po ito.” Sabi ng officiant at inabot ang isang folder sakin.
“Walang kiss the bride?” inosente kong tanong.
Tulala lang ang officiant sakin habang malakas na tumawa naman si Anthony. Nagtatakang nakatingin lamang ako sa kanila.
“I didn’t know you could joke like that.” Sambit ni Anthony na nakahawak ang kamay sa tiyan habang tumatawa.
“Wala po. Kahit na official po ang inyong pag-iisang dibdib ay kailangan pong gising si Mr. Constantino para kayo ay-” napaubo muna siya. “mag halikan.” Dagdag niya.
Kinuha ko na ang folder na inabot niya at pinirmahan ang mga dokumento.
“Congratulations po sa inyo. Isa na po kayong ganap na Mrs. Constantino.” Ani niya bago umalis na ng tuluyan sa silid.
Umayos naman ng tindig si Anthony at humarap sakin. “Welcome to the family. Pinadala na ni Gov ang mga gamit mo sa bahay.” Seryosong sabi niya sakin.
Governor Amadeo Guerreo, ang ama ni Veronica na kilalanin ko bilang ama mula sa ngayon. Hindi niya alam na ang totoo niyang anak ay nagtago na sa America dahil ayaw magpakasal neto sa natutulog na Timothee.
“Sige, dito na muna ako.” Sabi ko sa kanya.
“Gusto mo bang padalhan kita ng damit mamaya?” tanong niya.
Tumango ako sa kanya. “Kahit bukas na. Dito na muna ako matutulog.” Sabi ko at nagpaalam na siya sakin. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mata kahit na ngumingiti siya habang nagpapaalam sakin.
Ng makalabas na siya sa silid ay umupo ako sa mahabang sofa sa tabi ng kama. Mas malambot pa ang sofa nila dito kesa sa di banig naming na tinutulugan ni lola. Dala na siguro ng pagod at lambot ng sofa ay unti unting bumibigat ang talukap ng aking mata at tuluyan ng nakatulog.
Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko kinabukasan. Magigising kaya ang lalaking ito? Kung hindi, sa mansion na ba nila ako titira? Paano na lang kung malaman nila na hindi ako ang tunay na Veronica? Marami ang pera ng pamilyang Constantino at Guerreo. Hindi na nga ako nagtaka kung ikakasal ang sila sa isa’t isa. Ngunit hindi ko ma imagine ang kaya nilang gawin kung malaman nila ang totoo.
Nagising ako ng may marinig akong paggalaw sa kwarto. Madilim ang paligid ngunit dahil sa liwanag sa labas ay kitang-kita ko ang kama. Hindi na nakahiga ang lalaki dahil nakaupo na ito, diretso ang tingin sakin.
“Vera?”
Nagsimula ng kumain ang lahat. Napupuno ng tawanan ng mga matatanda ang mesa habang ang mag-asawang Guerreo, mag-asawang Constantino at kaming mga anak nila ay tahimik lang na kumakain.“Buti na lang talaga Amigo at nagkaapo ka ng babae.” Sabi ng matandang Constantino.“Kaya nga, bakit kasi lalaki ang mga naging anak natin.” Sabat naman ng matandang lalaking Guerreo. Mukhang nasa 70’s na siya, kagaya ni Agustus Constantino, ang lolo nina Timothee.“Alam niyo ba na dapat ang mga anak namin nitong si Thelio ang gusto namin ikasal sa isa’t isa? Malas at iisang lalaki lang ang mga naging anak namin.” Kuwento ni lolo Agustus.“Buti na lang at nag-anak ng babae itong si Sebastian kaya sa wakas at natali na rin ang pamilyang Guerreo at Constantino.” Pagdagdag naman ni lolo Thelio sa kuwento. “Ilang anak ba ang gusto niyo?” nabilaukan ako sa biglaang tanong ni lolo Agustus.“Ayos na ang tatlo.” Sagot ng asawa ni lolo Thelio. Inubo ako ng ilang beses habang hinahagod ang aking dibdib. Dalawa
Matapos naming kumain ng hapunan ay inaya akong maglibot ni Timothee sa kanilanapakalaking mansion. Hindi ko nga alam kung anong pumasok sa utak niya at naisipang samahan akong maglibot sa bahay niya. Siguradong hindi naman ako mawawala dahil sa bawat sulok ng bahay nila ay may mga katulong.Nandito kami ngayon sa kanilang garden area. Malapad, maraming mga bulaklak, halos sunflower ang karamihan. Sa gitna naman ay may fountain na mukhang luma na dahil kumukupas na ang puting pintura nito. Meron ring mga wooden benches sa mga sulok ng kanilang hardin.“Ang dami niyo namang bulaklak” ani ko habang palibot-libot kami dito. “Yeah, my mom adores sunflowers too much.” Tipid na sagot niya, nakalagay ang dalawang kamay sa kanyang likod habang naglalakad. “Did I lose my memories? Because I remember telling you the same thing before?” Napatigil ako sa paglalakad. Hindi ko nga alam kung may nakaraan itong si Timothee at Veronica eh. Bakit kasi hindi niya ako sinabihan sa mga past niya? Baka m
Nakarating na kami ngayon sa kwarto niya. Mas malaki pa ito kaysa sa hospital room niya. Merong king size bed at sariling mini-living room. May dalawa pang pinto sa loob, isa para sa walk-in closet at ang isa naman ay papunta sa banyo. Dumiretso siya kaagad sa banyo at ako naman ay napaupo sa sofa. Nilibot ko ang tingin sa kanyang kwarto. Halos itim o di kaya brown ang mga gamit dito kaya nagmumukhang madilim ang kwarto niya. Ilang minuto ang lumipas ay natapos na siya at lumabas sa banyo. “I’m done.” Ani niya. Mabilis kong inialis ang tingin ko sa kanya. Lumabas siya na tanging tuwalya lang nakabalot sa kanyang baywang. Kahit galing hospital ay kitang-kita ko pa rin ang hulma ng kanyang katawan. Tumutulo ang mga butil ng tubig sa kanyang mga abs at kitang-kita ang mga nanggigiliting ugat sa biceps niya. Pinikit ko na lang ang aking mga mata para mabura ang itsura ng katawan niya. Ngunit parang nagmarka na ito sa utak ko. “Hindi ka maliligo?” tanong niya habang pinupunasan ang b
‘Di gaya noong kinasal kami, puno ngayon ng pamilyang Constantino ang hospital room. Katabi niya ngayon ang ina na nakaupo sa kama, hawak-hawak ang kamay ni Timothee, ang ama niya naman ay nakatayo kaharap ang kanilang doctor. Ang dalawang niyang mga kapatid kasama na dun si Anthony ay nasa likod ng kanilang ama.“Wala kaming negatibong nakita sa kanyang test results. For now, kailangan muna namin siyang obserbahan, kung normal na ang iyang pakiramdam ay pwede na siyang umuwi mamayang gabi. Paalam po Mrs. and Mr. Constantino.” Ani ng doctor at lumabas.“Oh thank God you’re doing okay. Isang buwan kaming nag-aalala sayo.” Sabi ng ina ni Timothee sa kanya na may bakas ng pag-alala.Tama nga ako, gwapo siya kung gising. Makapal ang kilay, mapupungay ang mata, at matatangos na ilong. Pero mukhang suplado. Mula noong nagising siya ay nakatumpok ang mga kilay niya. Na para bang default face niya na ang naiinis.“Did the police caught the black sedan who crashed om my car?” tanong ni Timothe
“Malaki ang posibilidad na magkastroke ang mga matatanda, lalo na ang lola mo ay 85 na. Mas maigi na muna kung oobserbahan pa naming ang lola mo sapagkat ang stroke sa ganitong edad ay delikado na.” Ani ni Doc na nakatayo saking harapan.Nakaupo ako sa gilid ng hospital bed kung saan nakahiga ang lola ko ngayon. Buti na lang ay may mga mangingisda na napadaan sa bahay namin kaya naisugod namin ng agaran si lola sa hospital.“Gawin niyo po ang lahat para gumaling ho si lola doc.” Pagmamakaawa ko sa Doctor.“Huwag kang mag-alala. Sa ngayon ay ipagdasal mo na lang ang lola mo.” Sambit ni Doc bago tuluyang umalis sa kwarto.Parang bagyo na nagsitulo ang mga luha ko pagka-alis ni Doc. Hindi pa pwedeng umalis si lola sa piling ko, babawi pa ako. Pinunasan ko ang aking mga luha at lumabas sa hospital room. Dumiretso agad ako sa Cashier Window upang makita ang posibleng babayaran ko. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera.Hindi mahaba ang pila sa cashier. Isang babae lang na kasing tangk







