Share

Chapter 2

Author: Wysiwyg
last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-18 21:49:17

‘Di gaya noong kinasal kami, puno ngayon ng pamilyang Constantino ang hospital room. Katabi niya ngayon ang ina na nakaupo sa kama, hawak-hawak ang kamay ni Timothee, ang ama niya naman ay nakatayo kaharap ang kanilang doctor. Ang dalawang niyang mga kapatid kasama na dun si Anthony ay nasa likod ng kanilang ama.

“Wala kaming negatibong nakita sa kanyang test results. For now, kailangan muna namin siyang obserbahan, kung normal na ang iyang pakiramdam ay pwede na siyang umuwi mamayang gabi. Paalam po Mrs. and Mr. Constantino.” Ani ng doctor at lumabas.

“Oh thank God you’re doing okay. Isang buwan kaming nag-aalala sayo.” Sabi ng ina ni Timothee sa kanya na may bakas ng pag-alala.

Tama nga ako, gwapo siya kung gising. Makapal ang kilay, mapupungay ang mata, at matatangos na ilong. Pero mukhang suplado. Mula noong nagising siya ay nakatumpok ang mga kilay niya. Na para bang default face niya na ang naiinis.

“Did the police caught the black sedan who crashed om my car?” tanong ni Timothee sa ama. 

Parang yun ata ang una niyang nasabi ah. Maliban sa pangalan ko- sa pangalan ni Veronica pala.

“The accident is still under investigation anak. Wag kang mag-alala, ako na ang bahala. For now, focus on your recovery, and-” napatingin ang matandang Constantino sa akin. “On your wife.”

Parang napintig naman ang tenga ko sa aking narinig. Oo nga pala, kasal na ako sa kanya. Sabay-sabay silang pamilya napatingin sakin. Kasama na dun si Timothee.

“Welcome to the family, anak.” Sabi ng ina niya at lumapit sakin para b****o. “I’ve always wanted a daughter.” Ani niya pa habang hawak-hawak ang mga balikat ko.

“Thank you po.” Sagot ko at ngumiti sa kanila.

“Oh please call me mom.” Pagpupumilit niya. Napatingin naman ako kay Anthony na nakangiti sakin, na para bang hinihikayat niya ako na gawin ang gusto ng mama niya. 

Parang may humaplos sa aking puso. Hindi ko nakilala ang mga magulang ko kaya hindi ko pa nasasambit ang mga salitang mama at papa.

“Thank you, Mom.” Ilang kong sambit sa kanya.

“Ehem. Can you guys leave now? I need some rest.” Pagputol ni Timothee sa moment namin ng mommy niya.

“Right, babalik kami if doc has the result na. We’ll be back.” Huling sabi ng Ina niya bago tuluyang umalis ang buo nilang pamilya.

Kami na lang ni Timothee ang naiwan sa kwarto. Ako na nakaupo sa sofa at siya naman na komportableng nakaupo na sa kama niya habang nakasandal sa headboard ng kama niya. Napuno na nga ng katahimikan ang buong silid. Nakatingin lamang siya sakin habang ako naman ay umiiwas ng tingin sa kaniya. Para kaming naghahabulan ng tingin.

“You’re acting very strange.” Sambit ni Timothee. 

“What do you mean?” sabat ko naman. Hindi ko alam kung kuha ko ba ang maarteng accent ni Veronica. Pero base sa pagkakakilala ko sa kanya sa nagdaang araw ay maarte siyang magsalita at inglesera pa.

“Parang ang tahimik mo yata ngayon. It’s unlikely of you.” Sabat niya sakin. Inoobserbahan niya ako mula ulo hanggang paa. “Not that I hate it.”

“Syempre, naaksidente ka. I should control myself, right?” pabalik kong sagot sa kanya.

Hindi pa man siya nakasagot ay may dumating na nurse na may dala-dalang tray. May isang basong tubig at mangkok. 

“Oras na po para sa lunch niyo po.” Ani ng nurse.

Tumayo naman ako agad at kinuha ang tray sa kamay ng nurse. “Ako na po. Salamat.” Sabi ko.

“No solids po muna tayo Sir kaya soup po ang aming inihanda.” Bilin ng nurse sa amin. “Hanggang ngayon lang naman po habang wala pa ang lab results niyo Sir. Kailangan niyo po ba ng tulong?”

“Do I still look like in comatose to you?” sabat naman ni Timothee at nagulat kaming dalawa ng nurse. Wow, ang balasubas naman ng lalaking ito. Sana naman ay tinanong ko muna si Veronica kung anong klaseng lalaki ang papakasalan ko.

“Thank you po. Ako na po ang bahala” Ako na ang sumabat ng maayos sa bilin ng nurse.

Matapos magpaalam ng nurse ay inilagay ko ang tray sa bedside table niya. Umupo naman ako sa gilid ng kama niya. Kinuha ko ang mangkok at kutsara. Isang kutsarang soup ang kinuha ko at inihipan muna bago isubo sa kanya.

Akma ko na sanang isusubo sa kanya ang soup ngunit nakasira pa rin ang bibig niya at takang taka na tumingin sakin.

“Bakit?” Nagtataka kong tanong.

“I can feed myself.” Tanging sabat niya. 

Dahil sa takot na baka ako naman ang ma pilosopo niya ay binawi ko ang kamay at akma na sanang tatayo ngunit kumapit naman siya agad sa pulso ko kung saan hawak-hawak ko ang kutsara.

“Now that I think of it, it’s actually not a bad idea. Bago gising lang ako, baka mahulog ko pa ang bowl at mapaso sa soup. So, you can feed me.” Pagbawi niya naman sa naunang sinabi. 

Isinubo ko na sakanya ang soup. Napapansin ko na ngumingisi siya habang sinusubuan ko siya ng soup.

“Okay ka lang?” tanong ko at inabot sa kanya ang baso dahil tuloy-tuloy ang pagkain niya.

“I’m fine, I never expect that you will feed someday.” Ani niya bago inumin ang tubig na inabot ko. “I never seen this side of you. This kind side.” Sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Ngumiti naman ako pabalik sa kanya. Close na ba sila ni Veronica noon? Kung ganun bakit ayaw niyang pakasalan ang lalaking ito dahil lang nacomatose siya? O dahil alam niya ang ugali ng lalaking ‘to? Parang magka-ugali naman sila eh, mga balasubas at parating wala sa modo.

Nagkamali ba ako sa mga inaasal ko ngayon. Paano na lang kung malaman niya na hindi ako ang totoong Veronica na kakilala niya.

Naubos na ni Timothee ang soup niya kaya binalik ko na ito sa tray. Bigla namang tumunog ang cellphone ko at ng tingnan ko ay unknown caller ang tumatawag.

“Labas muna ako, sasagutin ko lang to.” Sabi ko at tinugunan niya lang ako ng tango.

Lumabas ako sa kwarto at tinanggap ang tawag.

“Hello? Sino po ito?” Tanong ko sa tumawag.

“What? You didn’t save my number? It’s Veronica, the real one.” Rinig ko ang bahid ng inis sa tinig niya. 

“Bakit po kayo napatawag?” tanong ko naman, iniiwasang sagutin ang una niyang tanong. Hindi niya naman kasi binigay ang number niya sakin. Kinuha niya lang number ko bago sila umalis ng pilipinas.

“You didn’t tell me na gising na pala si Timothee.” 

“Ngayong umaga lang naman po kasi siya nagising.” Sabi ko sa kanya. “Maayos naman po ang kalagayan niya ngayon.” 

“Hindi ako tumawag para malaman ang kalagayan niya. I called to let you know that I can’t book a flight pauwi diyan asap. So, I guess you have to keep pretending hanggang sa makauwi na ako. Understood?” 

“Opo.” Sagot ko at agad niya akong binabaan ng tawag.

Diba, wala talagang modo. Kahit sa tawag ay naiimagine ko kung pano umirap ang kanyang mga mata. Bumalik na ako sa kwarto at nakaupo pa rin si Timothee sa kanyang kama, na para bang hinihintay ako.

“Who was it?” tanong niya.

Napaisip muna ako kung sino ang posibleng tinatawagan or tatawag sa totoong Veronica. “Si Gov.” confident kong sagot sa kanya.

“You mean your dad?” taka niyang tanong, nakataas ang kanang kilay.

Napamura ako sa isipan ko. Hindi ako sanay tumawag ng mom or dad sa ibang tao, lalo na’t wala naman akong totoong magulang.

“Yeah, si dad. Nagtanong lang kung kamusta ka na.” Please wag mo akong panghinalaan. First day pa lang ng magising siya pero mukhang aberya na ang kaharap ko agad. 

Buti naman ay hindi na siya nagtanong pa. Ngunit kita ko pa rin ang pagtataka niya tuwing titingin siya sakin. Gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sa kapalpakan ko ngayon.

Dumating ang gabi at lumabas na ang kanyang lab results, normal naman lahat kaya pinayagan na siyang ma discharge. Sinundo kami ng isang black jaguar na sasakyan sa hospital. Tanging ang driver niya lang at personal bodyguard ang sumundo sa amin. 

Nahulog sa sahig ang panga ko ng makarating kami sa mansyon. Matapos kong lumabas sa kotse ay sumalubong sakin ang mala-kastilyong bahay. Totoo nga ang sabi-sabi, ang pamilyang Constantino ang pinakamayaman dito sa Guimaras.

Tinulungan kong makalabas si Timothee na nakasuot na ng navy two-piece suit na pinalit niya pa galing sa hospital. Grabe kakagaling niya lang mula sa comatose ay formal na agad ang kaniyang suot. Na para bang ready na siyang magtrabaho.

“Welcome back, Sir!” Bati ng dalawang katulong ng makapasok na kami sa loob. “Umalis po sina senor at senora dahil sa business meeting kaya hindi na nila ppo kayo nasundo sa hospital.” Pagpaliwanag ng isang katulong na mukhang nasa fifties na.

“It’s fine, I expect nothing from them anyway.” Sagot niya. Pero kita ko ang bakas ng lungkot sa kanyang mga mata. Siguro ay umasa siya babalikan siya ng kanyang mga magulang.

“Brother! Buhay kapa pala!” 

Umalingawngaw ang bati niya sa loob ng mansyon. Mula sa hagdan ay pababa ang isang lalaki na naka puting polo at napakaputing slack. 

“Nagsuot na ako ng puti dahil akala ko lamay na ang aabutan ko.” Dagdag niya ng makarating sa unang palapag.

Nasa harapan na namin ngayon si Titus Constantino, ang ikalawang kapatid ni Timothee at ang nasusunod sa tagapagmana ng kanilang lolo, kung sakaling may mangyari sa panganay na Constantino. Kita ko ang paggigiliti ng galit ng mga mata ni Timothee sa aking tabi.

“Brother.” Tanging sambit niya lang habang galit na galit ang tingin sa kapatid.

“Welcome Home.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaires’ Phony Wife   Chapter 5

    Nagsimula ng kumain ang lahat. Napupuno ng tawanan ng mga matatanda ang mesa habang ang mag-asawang Guerreo, mag-asawang Constantino at kaming mga anak nila ay tahimik lang na kumakain.“Buti na lang talaga Amigo at nagkaapo ka ng babae.” Sabi ng matandang Constantino.“Kaya nga, bakit kasi lalaki ang mga naging anak natin.” Sabat naman ng matandang lalaking Guerreo. Mukhang nasa 70’s na siya, kagaya ni Agustus Constantino, ang lolo nina Timothee.“Alam niyo ba na dapat ang mga anak namin nitong si Thelio ang gusto namin ikasal sa isa’t isa? Malas at iisang lalaki lang ang mga naging anak namin.” Kuwento ni lolo Agustus.“Buti na lang at nag-anak ng babae itong si Sebastian kaya sa wakas at natali na rin ang pamilyang Guerreo at Constantino.” Pagdagdag naman ni lolo Thelio sa kuwento. “Ilang anak ba ang gusto niyo?” nabilaukan ako sa biglaang tanong ni lolo Agustus.“Ayos na ang tatlo.” Sagot ng asawa ni lolo Thelio. Inubo ako ng ilang beses habang hinahagod ang aking dibdib. Dalawa

  • The Billionaires’ Phony Wife   Chapter 4

    Matapos naming kumain ng hapunan ay inaya akong maglibot ni Timothee sa kanilanapakalaking mansion. Hindi ko nga alam kung anong pumasok sa utak niya at naisipang samahan akong maglibot sa bahay niya. Siguradong hindi naman ako mawawala dahil sa bawat sulok ng bahay nila ay may mga katulong.Nandito kami ngayon sa kanilang garden area. Malapad, maraming mga bulaklak, halos sunflower ang karamihan. Sa gitna naman ay may fountain na mukhang luma na dahil kumukupas na ang puting pintura nito. Meron ring mga wooden benches sa mga sulok ng kanilang hardin.“Ang dami niyo namang bulaklak” ani ko habang palibot-libot kami dito. “Yeah, my mom adores sunflowers too much.” Tipid na sagot niya, nakalagay ang dalawang kamay sa kanyang likod habang naglalakad. “Did I lose my memories? Because I remember telling you the same thing before?” Napatigil ako sa paglalakad. Hindi ko nga alam kung may nakaraan itong si Timothee at Veronica eh. Bakit kasi hindi niya ako sinabihan sa mga past niya? Baka m

  • The Billionaires’ Phony Wife   Chapter 3

    Nakarating na kami ngayon sa kwarto niya. Mas malaki pa ito kaysa sa hospital room niya. Merong king size bed at sariling mini-living room. May dalawa pang pinto sa loob, isa para sa walk-in closet at ang isa naman ay papunta sa banyo. Dumiretso siya kaagad sa banyo at ako naman ay napaupo sa sofa. Nilibot ko ang tingin sa kanyang kwarto. Halos itim o di kaya brown ang mga gamit dito kaya nagmumukhang madilim ang kwarto niya. Ilang minuto ang lumipas ay natapos na siya at lumabas sa banyo. “I’m done.” Ani niya. Mabilis kong inialis ang tingin ko sa kanya. Lumabas siya na tanging tuwalya lang nakabalot sa kanyang baywang. Kahit galing hospital ay kitang-kita ko pa rin ang hulma ng kanyang katawan. Tumutulo ang mga butil ng tubig sa kanyang mga abs at kitang-kita ang mga nanggigiliting ugat sa biceps niya. Pinikit ko na lang ang aking mga mata para mabura ang itsura ng katawan niya. Ngunit parang nagmarka na ito sa utak ko. “Hindi ka maliligo?” tanong niya habang pinupunasan ang b

  • The Billionaires’ Phony Wife   Chapter 2

    ‘Di gaya noong kinasal kami, puno ngayon ng pamilyang Constantino ang hospital room. Katabi niya ngayon ang ina na nakaupo sa kama, hawak-hawak ang kamay ni Timothee, ang ama niya naman ay nakatayo kaharap ang kanilang doctor. Ang dalawang niyang mga kapatid kasama na dun si Anthony ay nasa likod ng kanilang ama.“Wala kaming negatibong nakita sa kanyang test results. For now, kailangan muna namin siyang obserbahan, kung normal na ang iyang pakiramdam ay pwede na siyang umuwi mamayang gabi. Paalam po Mrs. and Mr. Constantino.” Ani ng doctor at lumabas.“Oh thank God you’re doing okay. Isang buwan kaming nag-aalala sayo.” Sabi ng ina ni Timothee sa kanya na may bakas ng pag-alala.Tama nga ako, gwapo siya kung gising. Makapal ang kilay, mapupungay ang mata, at matatangos na ilong. Pero mukhang suplado. Mula noong nagising siya ay nakatumpok ang mga kilay niya. Na para bang default face niya na ang naiinis.“Did the police caught the black sedan who crashed om my car?” tanong ni Timothe

  • The Billionaires’ Phony Wife   Chapter 1

    “Malaki ang posibilidad na magkastroke ang mga matatanda, lalo na ang lola mo ay 85 na. Mas maigi na muna kung oobserbahan pa naming ang lola mo sapagkat ang stroke sa ganitong edad ay delikado na.” Ani ni Doc na nakatayo saking harapan.Nakaupo ako sa gilid ng hospital bed kung saan nakahiga ang lola ko ngayon. Buti na lang ay may mga mangingisda na napadaan sa bahay namin kaya naisugod namin ng agaran si lola sa hospital.“Gawin niyo po ang lahat para gumaling ho si lola doc.” Pagmamakaawa ko sa Doctor.“Huwag kang mag-alala. Sa ngayon ay ipagdasal mo na lang ang lola mo.” Sambit ni Doc bago tuluyang umalis sa kwarto.Parang bagyo na nagsitulo ang mga luha ko pagka-alis ni Doc. Hindi pa pwedeng umalis si lola sa piling ko, babawi pa ako. Pinunasan ko ang aking mga luha at lumabas sa hospital room. Dumiretso agad ako sa Cashier Window upang makita ang posibleng babayaran ko. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera.Hindi mahaba ang pila sa cashier. Isang babae lang na kasing tangk

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status