Tahimik ang mansiyon nang gabing iyon. Nasa hapag-kainan sina Eric, Elena, at Daniel, habang abala ang mga ito sa pagkain ng inihandang hapunan.May adobong manok, ginisang gulay, at pritong isda sa mesa. Paborito na ni Elena ang mga pagkaing iyon, lalo na ang adobo na siya mismo ang nagturo kay Daniel na lutuin.“Daniel, parang mas masarap na ang adobo mo ngayon,” komento ni Elena matapos tikman ang ulam.Napangiti si Daniel.“Of course! I learned from the best.”“Ngunit noong una, halos masunog ninyo ang bawang.”Napatawa si Eric.“Talaga?”“Sir, huwag na nating balikan ang nakaraan.”“Hindi ba ikaw ang nagsabing magaling kang magluto?”“I'm improving, sir. That's what matters.”Napangiti si Elena habang patuloy na kumakain. Maya-maya, tila may naalala siya. Dahan-dahan niyang inilapag ang kutsara at tumingin kay Eric.“May nais po sana akong itanong.”Nag-angat ng tingin si Eric.“Ano iyon?”“May posibilidad po ba na magkaroon ako ng mga dokumentong magpapatunay kung sino ako?”Bah
Huling Na-update : 2026-11-26 Magbasa pa