Weekend.Walang pasok sa opisina, walang business meeting, walang tawag mula sa mga investor, at higit sa lahat, walang kailangang habuling deadline.Para sa karamihan, magandang pagkakataon iyon upang magpahinga.Ngunit para kina Eric, Elena, at Daniel, tila may ibang problema.Wala silang magawa.Nasa sala silang tatlo. Si Eric ay nakaupo sa malaking sofa habang nagbabasa ng business news sa kaniyang tablet. Si Daniel naman ay nakahiga sa kabilang sofa, hawak ang cellphone at paulit-ulit na nag-i-scroll. Si Elena ay nasa armchair, nagbabasa ng isang libro.Ilang minuto silang nanatiling tahimik.Hanggang sa si Daniel ang unang nagsalita.“Boss.”Hindi tumingala si Eric.“What?”“I'm bored.”“Then find something to do.”“Iyon nga ang problema. Wala akong maisip.”“Read a book.”“Hindi ako si Elena.”Napatingin si Elena mula sa kaniyang binabasa.“Bakit naman? Maraming magagandang aklat.”“Alam ko. Pero kapag nagbasa ako ngayon, baka makatulog ako bago matapos ang unang pahina.”Bahag
Huling Na-update : 2026-11-26 Magbasa pa