CHAPTER 1: REBORN “Bakit, Rhodora? Ano bang nagawa ko sa'yo?” Basag at nanginginig ang boses ni Angelica Monteverde habang nakatayo sa gilid ng mataas na rooftop. Basang-basa na ang kaniyang mukha dahil sa walang tigil na ulan at sa mga luhang hindi na niya kayang pigilan. Sa harapan niya ay nakatayo si Rhodora Coronel, nakasuot ng mamahaling pulang damit na tila sinadya pang bumagay sa madilim na gabi. Sa tabi nito ay nakatayo ang lalaking minsang nangakong mamahalin siya sa hirap at ginhawa, habambuhay. Ang kaniyang asawa. Si Mark Villanueva. “Hanggang ngayon, hindi mo pa rin ba naiintindihan?” malamig at walang bahid ng awa ang tanong ni Rhodora. “Lahat ng mayroon ka, gusto ko. Ang pangalan mo, ang yaman at impluwensiya ng pamilya mo, pati ang lalaking pinakasalan mo.” Napalingon si Angelica kay Mark, punong-puno ng pagmamakaawa ang mga mata. “Mark… pakiusap, sabihin mong hindi totoo ang lahat ng ito.” Ngunit nanatiling tikom ang bibig ng lalaki. Sa halip na ipagtanggol si
Terakhir Diperbarui : 2026-11-20 Baca selengkapnya