LOGINAkala ni Angelica Monteverde, natagpuan na niya ang lalaking makakasama niya habambuhay. Ngunit nagkamali siya. Ang lalaking minahal niya nang buong puso ay siya ring nagdala sa kaniya sa kapahamakan. Matapos matuklasan ang pagtataksil ng kaniyang asawa na si Mark Villanueva at ng dati niyang kaibigan na si Rhodora Coronel, nalaman ni Angelica ang madilim na lihim na nag-uugnay sa kanilang mga pamilya—mga ilegal na casino, malalaking transaksiyon, at isang makapangyarihang kriminal na organisasyon. Bago pa niya mailantad ang katotohanan, itinulak siya ni Rhodora mula sa rooftop. Ngunit sa halip na tuluyang mamatay, nagising si Angelica limang taon sa nakaraan—noong isa pa lamang siyang estudyante sa kolehiyo. Kasabay ng kaniyang pagbabalik ay ang paglitaw ng isang misteryosong sistema: ang BILLIONAIRE QUEEN SYSTEM. Bibigyan siya nito ng pera, pambihirang kaalaman, negosyo, kasanayan, at mga misyon upang mabuo ang sarili niyang imperyo. Sa pagkakataong ito, hindi na siya magiging sunud-sunuran sa pag-ibig. Poprotektahan niya ang kaniyang pamilya, bubuo ng sariling kayamanan, at sisiguraduhing magbabayad ang mga taong sumira sa kaniyang buhay. Ngunit may isang taong hindi niya inaasahang muling makikilala—si Ryan Layug, ang tahimik at palaging minamaliit na estudyanteng lihim na nagmamahal sa kaniya. Habang unti-unting umaangat si Angelica bilang isang makapangyarihang negosyante, matutuklasan niyang hindi lamang pera at paghihiganti ang nakataya sa ikalawang buhay na ipinagkaloob sa kaniya. Dahil sa likod ng bawat tagumpay ay may mga lihim na kailangang mabunyag, mga kaaway na kailangang harapin, at isang pag-ibig na maaaring maging pinakamahalagang kayamanang makakamit niya. Mula sa babaeng pinatay at itinapon na parang walang halaga, babangon siya bilang reyna ng isang bilyong pisong imperyo. At sa pagkakataong ito, walang sinuman ang makapagtutulak muli sa kaniya pababa. Dahil siya na ang maghahari.
View MoreCHAPTER 1: REBORN
“Bakit, Rhodora? Ano bang nagawa ko sa'yo?” Basag at nanginginig ang boses ni Angelica Monteverde habang nakatayo sa gilid ng mataas na rooftop. Basang-basa na ang kaniyang mukha dahil sa walang tigil na ulan at sa mga luhang hindi na niya kayang pigilan. Sa harapan niya ay nakatayo si Rhodora Coronel, nakasuot ng mamahaling pulang damit na tila sinadya pang bumagay sa madilim na gabi. Sa tabi nito ay nakatayo ang lalaking minsang nangakong mamahalin siya sa hirap at ginhawa, habambuhay. Ang kaniyang asawa. Si Mark Villanueva. “Hanggang ngayon, hindi mo pa rin ba naiintindihan?” malamig at walang bahid ng awa ang tanong ni Rhodora. “Lahat ng mayroon ka, gusto ko. Ang pangalan mo, ang yaman at impluwensiya ng pamilya mo, pati ang lalaking pinakasalan mo.” Napalingon si Angelica kay Mark, punong-puno ng pagmamakaawa ang mga mata. “Mark… pakiusap, sabihin mong hindi totoo ang lahat ng ito.” Ngunit nanatiling tikom ang bibig ng lalaki. Sa halip na ipagtanggol siya, may kinuha itong makapal na folder mula sa dalang bag at marahas na inihagis iyon sa basang sahig. “Wala ka nang dapat malaman, Angelica. Matagal nang tapos ang lahat sa atin. Ginamit lang kita.” Nanginginig ang mga kamay niyang dinampot ang mga basang dokumento. Habang binabasa niya ang bawat pahina, unti-unting namutla at nanlamig ang kaniyang buong pagkatao. Mga pekeng transaksiyon. Mga ghost corporation. Mga ilegal na casino. Mga pangalan ng mga maimpluwensiyang taong konektado sa mga pamilyang Villanueva at Coronel. At higit sa lahat, may mga dokumentong nagpapatunay na matagal nang ginagamit ang kaniyang pamilya bilang front sa isang malaking sindikato at ilegal na operasyon. “Ginamit ninyo ang pamilya ko…” halos pabulong na sambit niya, hindi makapaniwala sa bigat ng katotohanang bumagsak sa kaniya. “Sa wakas, naintindihan mo rin,” matabang na sagot ni Mark. “Pati ang mga magulang ko? Pati si Enrique?” “Wala ka nang magagawa para sa kanila,” malamig nitong tugon. “Dapat kasi, hindi ka na nakialam. Mas maganda kung nanatili kang mangmang.” Napahagulgol si Angelica. Parang pinipunit ang kaniyang dibdib sa tindi ng sakit at pagtataksil. Hindi niya kayang lunukin na ang lalaking pinili niyang makasama sa pagtanda ay siya palang pinakamalaking pagkakamali ng kaniyang buhay. “Minahal kita nang totoo, Mark.” Sandaling tumingin sa kaniya ang lalaki—walang pagsisisi, walang lambing—bago umiwas ng tingin. “Problema mo na iyon.” Napahawak si Angelica sa kaniyang dibdib, hinahabol ang hiningang tila kinakapos. Wala na siyang natitirang lakas. Wala na ring natitirang taong mapagkakatiwalaan. Lumapit si Rhodora at marahang hinawakan ang baba ni Angelica, pilit itong iniaangat upang magtama ang kanilang mga mata. “Alam mo kung ano ang pinakamasayang bahagi nito, Angelica? Kahit hanggang sa huli, ikaw pa rin ang talunan.” “Bakit?” mahina at pagod niyang tanong. “Bakit kailangan mo pa akong patayin?” Ngumiti nang pagak si Rhodora, ang mga mata’y kumikislap sa malisyosong tagumpay. “Dahil marami ka nang nalalaman, . At mas lalong hindi ka nababagay na mabuhay nang mas maganda kaysa sa akin.” Bago pa makapagsalita o makapaghanda si Angelica, buong lakas siyang itinulak nito. “AHHH!” Naramdaman niya ang biglaang pagkawala ng lupa sa ilalim ng kaniyang mga paa. Bumagsak ang kaniyang katawan mula sa matayog na rooftop. Sa loob ng ilang segundong iyon, sunod-sunod na larawan ang mabilis na dumaan sa kaniyang isipan—ang mga magulang niyang nagpakahirap para sa kaniya, ang nakababatang kapatid na si Enrique, ang mga pangarap na hindi natupad, at ang lahat ng pagkakataong sinayang niya dahil sa maling taong minahal at pinagkatiwalaan. “Kung bibigyan lang sana ako ng isa pang pagkakataon… “Hindi ko na hahayaang mangyari ang bangungot na ito. “Hindi na ako magtitiwala nang basta-basta. “At hinding-hindi ko na hahayaang tapakan ulit nila ako.” Pagkatapos ng isang nakabibinging bagsak, nilamon ng malalim na dilim ang lahat. BUMALIK LIMANG TAON BAGO ANG KANIYANG KAMATAYAN “ANGELICA! GUMISING KA NA! MAHUHULI KA NA SA UNIBERSIDAD!” Napabalikwas si Angelica. Mabilis siyang napaupo sa kama habang habol-habol ang kaniyang hininga. Pawis na pawis siya at nanginginig pa rin ang mga kamay. “Nasaan ako?” Napatingin siya sa paligid. Pamilyar ang silid. Ang lumang kurtinang kulay krema na sumasayaw sa hangin. Ang maliit na aparador. Ang study table na puno ng mga makakapal na libro. Maging ang lumang alarm clock sa tabi ng kaniyang kama. Hindi ito ang kaniyang marangyang penthouse. Hindi rin ito ang malamig na silid kung saan siya nanirahan matapos ang kasal nila ni Mark. Dahan-dahan niyang hinawakan ang sariling mukha. Walang sugat. Walang dugong dumadaloy. At nang tingnan niya ang kaniyang mga kamay, wala rin ang singsing na matagal niyang sinuot bilang simbolo ng isang kasal na puro kasinungalingan. “Imposible…”Mabilis siyang bumaba sa kama at tumakbo patungo sa salamin. Napahinto siya. Ang babaeng nakikita niya roon ay hindi ang pagod, sugatan, at wasak na babaeng namatay sa rooftop. Mas bata ang kaniyang mukha. Mas makinis ang kaniyang balat. Wala ang mga linyang dulot ng matinding pagdurusa at pagod. “Bakit…?”anong nangyari..bulong nya. Biglang bumukas ang p***o. “Angelica, anak! Bakit hindi ka pa nagbibihis?” Nanlaki ang kaniyang mga mata. Siya iyon. Ang kaniyang ina. Buhay na buhay. Walang sakit. Walang bakas ng pagdurusa o pangamba sa mukha. “M-Mama?” Nagtaka ang ina sa naging reaksiyon niya. “Bakit? May sakit ka ba? Namumutla ka.” Hindi na napigilan ni Angelica ang sarili. Mabilis siyang lumapit at mahigpit na niyakap ang kaniyang ina, tila natatakot na bigla itong mawala. “Ma… Mama…” Napakunot ang noo ng kaniyang ina, ngunit marahan din itong gumanti ng yakap. “Anak, ano ba? Para kang nakakita ng multo.” Napahagulhol si Angelica sa balikat nito, ang mga luha’y dumadaloy nang may halong pasasalamat at pangungulila. Akala niya hindi na niya muling mararamdaman ang mainit na yakap na iyon. Akala niya tuluyan na niyang nawala ang pagkakataong makasama nang matagal ang kaniyang pamilya. “Miss na miss kita, Ma.” “Anak, kagabi lang tayo magkasama sa hapunan.” Napapikit si Angelica. Kagabi? Ibig sabihin… Mabilis siyang kumalas sa yakap at tumingin sa kalendaryong nakasabit sa dingding. **JUNE 15, 2016.** Nanlaki ang kaniyang mga mata. Limang taon bago ang kaniyang kamatayan. Limang taon bago siya paikutin at pakasalan ni Mark. Limang taon bago siya traydorin nang walang awa ni Rhodora. “Bumalik ako…”Hindi siya makapaniwala sa natuklasan. Binigyan siya ng pagkakataong baguhin ang kaniyang kapalaran. At sa pagkakataong ito, hindi na siya magiging bulag sa mga taong nakapaligid sa kaniya. “Angelica!” tawag muli ng kaniyang ina. “Bilisan mo na! Baka mahuli ka sa unang klase mo!” Tumango siya at mabilis na pinunasan ang mga luha. “Opo, Ma. Susunod na po ako.” Pagkaalis ng kaniyang ina, mabilis niyang kinuha ang cellphone sa ibabaw ng mesa. Binuksan niya ang social media. Agad niyang nakita ang pangalan ni Mark Villanueva sa kaniyang notifications. “Mark Villanueva: Good morning, beautiful. See you later. I miss you.” Napatawa siya nang mapait, puno ng pangungutya. “Miss mo ako?” Pinatay niya ang screen. “Hindi na ako ang tanga at mahinang babaeng kilala mo, Mark.” Ngunit bago pa siya makapaghanda, biglang may narinig siyang kakaiba at malinaw na tunog sa kaniyang isipan. TING! Isang malamig ngunit malinaw na tinig ang umalingawngaw sa kaniyang isip. !SYSTEM ACTIVATED! [BILLIONAIRE QUEEN SYSTEM INITIALIZING...] [Host identified: Angelica Monteverde.] [Life status: Reborn.] [Previous life: Failed.] [New timeline: Successfully established.]` Napaatras siya nang bahagya, napalingon sa paligid kahit alam niyang walang ibang tao sa kuwarto. “Ano 'to?” Muling umalingawngaw ang boses. [Welcome, Host.] [You have been selected to become the next BILLIONAIRE QUEEN. [Your mission is to rewrite your destiny, protect your family, and build an empire that no one can take away from you.] Napatingin si Angelica sa kawalan, pilit pinoproseso ang nangyayari. “Panaginip ba ito?” [Negative.] [First Mission Unlocked: Do Not Repeat Your Past Mistakes.] MISSION OBJECTIVES: ✓Huwag makipagkita kay Mark Villanueva nang mag-isa. ✓ Iwasan ang anumang transaksiyong may koneksiyon sa pamilyang Coronel. ✓ Simulan ang unang hakbang tungo sa sariling negosyo. {Mission Reward: ₱100,000 Initial Capital + Business Intelligence Skill.} Napahawak si Angelica sa kaniyang dibdib. Isang daang libong piso bilang panimula? At isang skill na may kinalaman sa negosyo? Hindi niya alam kung paano nagkaroon ng ganitong sistema, ngunit isang bagay ang malinaw sa kaniya. Hindi niya sasayangin ang ikalawang pagkakataong ibinigay sa kaniya. Muling tumunog ang cellphone niya. Isang bagong mensahe mula kay Mark. “Mark Villanueva: Angelica, sunduin kita mamaya. May gusto akong ipakilala sa'yo. Kasama si Rhodora.’ Napatitig siya sa pangalan ng babaeng iyon. Dati, tuwang-tuwa siyang makilala ang kaibigan ng kaniyang magiging nobyo. Ngayon, alam na niya kung anong klaseng halimaw ang nagtatago sa likod ng magandang ngiti at matamis na salita nito. Dahan-dahan siyang ngumiti—isang ngiting may lamig at determinasyon. “Sa pagkakataong ito, Rhodora…” Pinatay niya ang cellphone. “Hindi na ako ang babaeng itutulak mo sa bangin.” [SYSTEM ALERT!] [Hidden Mission Detected.] [A person who once helped the Host in her previous life is currently being humiliated at the university.] [Would you like to save him?] Napakunot ang noo ni Angelica. “Isang tao? Tinutulungan ako sa nakaraan kong buhay?” [Hint: He is the man who loved you before you became the Billionaire Queen.] Natigilan siya. Hindi niya alam kung sino ang tinutukoy ng system. Ngunit sa unang pagkakataon mula nang magising siya, may kakaiba at mabilis na tibok ng kaba siyang naramdaman. Sino ang lalaking iyon? At bakit hindi niya ito naalala sa una niyang buhay?CHAPTER 9: ANG BITAG Alas-siyete pa lamang ng umaga ay gising na si Angelica. Nasa harap siya ng salamin habang inaayos ang kaniyang buhok, ngunit hindi ang kaniyang itsura ang laman ng isip niya kundi ang misteryosong mensaheng natanggap kagabi.May isang taong nag-aalok sa kaniya ng orihinal na kasunduan ng Monteverde Trading, at malinaw na may gustong mangyari ang taong iyon. Hindi niya alam kung sino ang nasa likod ng imbitasyon, ngunit hindi siya maaaring magpadala sa takot dahil maaaring iyon na ang pinakamahalagang ebidensiyang kailangan nila.Kinuha niya ang cellphone at binuksan ang mensahe ni Ryan.Ryan: Good morning. Nandiyan ako sa university mamayang alas-diyes. Sabihin mo lang kung saan tayo magkikita.Napangiti siya nang bahagya bago sumagot.Angelica: Salamat. Kailangan kitang makausap tungkol sa isang mahalagang bagay.Ilang segundo lamang ang lumipas bago nag-reply ang binata.Ryan: Huwag kang mag-alala. Nandito lang ako.Napahinga nang malalim si Angelica. Hindi ni
CHAPTER 8: ANG GABING HALOS MAWALA SA KANIYA ANG LAHATHindi na nag-aksaya ng oras si Angelica. Mabilis niyang kinuha ang susi ng sasakyan at halos patakbong lumabas ng bahay habang paulit-ulit na tinatawagan ang kaniyang ama. Ilang beses nang nag-ring ang cellphone nito, ngunit walang sumasagot.“Please, Papa. Sagutin ninyo ang tawag ko,” bulong niya habang nanginginig ang mga daliring mahigpit na nakahawak sa manibela.Nang tuluyang maputol ang tawag, mariin siyang napapikit at pinilit na pakalmahin ang sarili. Hindi niya maaaring hayaang pangunahan siya ng takot. Kailangan niyang makarating sa opisina bago pa mahuli ang lahat.[SYSTEM ALERT!]Remaining Time: 12 Minutes.Host, your father's life may be in danger. Proceed with caution.“Alam ko! Kaya nga nagmamadali ako!” iritableng sagot niya.Hindi niya maintindihan kung bakit labis na nag-aalala ang system, ngunit wala na siyang panahon upang magtanong. Lalong diniinan niya ang silinyador habang pilit na iniiwasan ang mabigat na t
CHAPTER 7: ANG LIHIM NG KANIYANG AMA Ilang beses na tiningnan ni Angelica ang larawang ipinadala ni Liza. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Ang kaniyang ama, na buong buhay niyang itinuring na isang matapat at mapagmahal na tao, ay palihim na pumasok sa storage room noong gabing nawala ang mahahalagang dokumento. Mas lalong gumulo ang kaniyang isip nang makita si Victor Salcedo na naghihintay sa labas. Bakit sila nagkita? At ano ang kinalaman ni Papa sa nawawalang records? Agad niyang tinawagan si Liza. “Liza, sigurado ka bang malinaw ang kuha ng CCTV?” “Opo, Ma'am. Ilang beses ko na pong tiningnan. Si Sir Eduardo talaga iyon, at si Victor Salcedo ang naghihintay sa kaniya.” “May iba pa bang nakakita sa footage?” “Wala po. Ako lang ang nakakita dahil ako ang nag-aayos ng CCTV records. Hindi ko rin po alam kung bakit naroon si Sir Eduardo noong gabing iyon.” Napapikit si Angelica. “Salamat sa pagsabi sa akin. Pero huwag mo munang ikuwento kahit kanino ang tungkol dito. Kail
CHAPTER 6: ANG BABALAHindi agad umalis si Angelica sa Meridian Hotel at nanatili siya sa loob ng lobby habang mahigpit na hawak ang sobre at ang litrato nina Ramon Dela Cruz at Victor Salcedo. Paulit-ulit niyang tiningnan ang itim na sasakyan sa labas dahil hindi niya matiyak kung nagkataon lamang na naroon iyon o may naghihintay sa kaniyang paglabas, gayunman ay hindi niya balak sumugal sa sariling kaligtasan.Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang kaniyang ama upang ipaalam ang kaniyang kalagayan. “Hello, Pa?” bungad ni Angelica nang may bahagyang pag-aalangan sa tinig.“Angelica? Bakit gising ka pa at hindi ba dapat nasa bahay ka na?” tanong ni Eduardo na may halong pagtataka at pag-aalala.Sandaling huminto si Angelica upang pumili ng salita bago sumagot. “Pa, nasa labas lang po ako at may inasikaso, pero pauwi na rin naman po ako.”“Nasaan ka ba? gusto mo bang sunduin kita ngayon?”“Hindi na po at magpapahatid na lang ako dahil may mahalaga akong sasabihin sa inyo pagdating
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews