MasukCHAPTER 2: ANG LALAKING HINDI NIYA NAPANSIN NOON
Hindi mapakali si Angelica habang naghahanda para pumasok sa unibersidad. Paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang isip ang huling mensaheng natanggap niya mula sa system: He is the man who loved you before you became the Billionaire Queen. Sino kaya ang tinutukoy nito? Sa una niyang buhay, masyado siyang naging abala sa paghabol sa atensiyon ni Mark. Halos lahat ng oras at lakas niya ay inilaan niya sa lalaking iyon—kaya hindi niya napansin ang iba pang taong may tunay na malasakit sa kaniya. At ngayon, binigyan siya ng pangalawang pagkakataon upang itama ang lahat. “Angelica, anak! Nasa mesa na ang almusal mo!” tawag ng kaniyang ina. “Sandali lang po, Ma!” Kinuha niya ang kaniyang bag at bumaba. Pagdating sa hapag, nakita niya ang kaniyang ama na nagbabasa ng diyaryo habang naghahanda naman ng pagkain ang kaniyang ina. Naroon din ang nakababata niyang kapatid na si Enrique. Napangiti siya nang malumanay. Hindi niya alam kung gaano katagal niyang ipinagdasal at pinangarap na makita silang muli nang buo, ligtas, at masaya. “Bakit nakangiti ka diyan?” tanong ni Enrique habang nagsasandok ng kanin, may halong panunukso sa boses. “May boyfriend ka na naman ba?” Napatigil si Angelica.“Wala akong boyfriend noh!.”giit niya. “Talaga? Eh, sino 'yung Mark na lagi mong ka-chat?”pang aasar nito. Napakunot ang noo niya. “Enrique, huwag mo nang banggitin ang pangalan niya habang kumakain tayo,” saway ng kanilang ina, may bahagyang pag-aalala sa mga mata. Napangiti si Angelica nang bahagya upang pakalmahin ang ina. “Okay lang po, Ma. Wala na rin naman akong balak makipag-usap sa kaniya.” Napatingin sa kaniya ang kaniyang ama, matalim at mapanuri ang tingin. “May problema ba kayo ng binatang iyon?” “Wala naman po, Pa,” sagot niya nang mahinahon pero may bigat sa dibdib. “May mga bagay lang po akong kailangang pag-isipan.” Hindi na siya nagdagdag ng paliwanag. Hindi pa niya kayang sabihin sa kanila ang tungkol sa kaniyang pagbabalik mula sa nakaraan. Pagkatapos kumain, hinalikan niya sa pisngi ang kaniyang mga magulang. “Ma, Pa, aalis na po ako.” “Mag-ingat ka, anak,” paalala ng kaniyang ama, punô ng pag-aalaga. “Opo.” Sa paglabas niya ng bahay, isang tahimik ngunit matatag na pangako ang binuo niya sa sarili: *Hindi ko na hahayaang may mangyaring masama sa inyo. SA PRESTIGIOUS UNIVERSITY Pagdating ni Angelica sa unibersidad, agad niyang napansin ang ilang estudyanteng nag-uusap sa may entrance. Pamilyar ang lugar. Dito nagsimula ang maraming alaala ng kaniyang kabataan—at dito rin niya unang nakilala si Mark. Dati, tuwing pumapasok siya sa campus, awtomatikong hinahanap ng mga mata niya ang lalaki, sabik sa isang sulyap o ngiti. Ngunit ngayon, wala na siyang nararamdamang pananabik. Sa halip, gusto na lamang niyang makalayo rito. Biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Mark Villanueva: Good morning, baby. Nasaan ka na? Hintayin kita sa cafeteria. Napailing siya at hindi sumagot. Ilang segundo lamang ang lumipas nang muling mag-vibrate ang cellphone. Mark Villanueva: Bakit hindi ka nagre-reply? May problema ba? Diretso niyang pinatay ang screen. “Hindi na kita kailangan, Mark,” bulong niya sa sarili, walang bahid ng pag-aalinlangan. Habang naglalakad siya patungo sa building, narinig niya ang malakas at mapanuyang tawanan mula sa kabilang bahagi ng campus. “Hoy, Ryan! Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin kayang buhatin 'yan? “Baka kailangan mo munang mag-diet bago ka magbuhat!” Natawa ang ilang estudyante. Napalingon si Angelica. Sa gitna ng grupo ay isang lalaking nakasuot ng simpleng puting polo at itim na pantalon. Medyo mataba ito, magulo ang buhok, at may salamin sa mata. Hawak nito ang ilang makakapal na libro habang nakayuko. “Pakiusap, ibalik ninyo na lang ang gamit ko,” mahinahon ngunit nanginginig na sabi ng lalaki. “Anong problema mo? Nagbibiro lang kami!” Isang estudyante ang biglang kumuha ng libro mula sa hawak nito at inihagis sa sahig. Nagsipagtawanan ang grupo. “Pulutin mo nga, Ryan!” Tahimik at marahang yumuko ang lalaki upang damputin ang libro. Napakunot ang noo ni Angelica. Ryan? Biglang lumitaw ang system sa kaniyang paningin. [TING!] ✓[HIDDEN MISSION UPDATED.] ✓Target Identified:✓ Ryan Layug ✓Previous Life Relationship:✓ Secret Admirer ✓Hidden Information:✓Ryan Layug secretly assisted the Host during her lowest moments in the previous timeline. ✓Mission:✓ Help Ryan Layug regain his confidence. ✓Reward:✓₱50,000 + Personal Development Skill Natigilan si Angelica. Ryan Layug. Sinubukan niyang halukayin ang kaniyang mga alaala. May naaalala siyang lalaking may ganoong pangalan, ngunit sa unang buhay niya, halos hindi niya ito pinansin. Isa lamang ito sa mga kaklase niyang tahimik at madalas pagtawanan ng iba. “Hindi maaari…” mahinang usal niya. Muli siyang tumingin sa lalaki. Iyon ba ang taong lihim na nagmamahal sa kaniya? “Hoy! Bakit nakatitig ka?” tanong ng isang pamilyar na boses sa likod niya. Si Mark. Nakatayo ito kasama ang dalawang kaibigan. “Kanina pa kita hinahanap,” nakangiting sabi nito, pilit na pinapaganda ang tono. “Bakit hindi ka sumagot sa messages ko?” Tiningnan siya ni Angelica mula ulo hanggang paa. Dati, sapat na ang isang ngiti ni Mark upang mapasaya siya. Ngayon, parang wala na siyang nararamdaman—ni kirot, ni kilig. “May ginagawa ako,” malamig na sagot ni Angelica. Nawala ang ngiti ni Mark. “Galit ka ba sa akin?” “Hindi naman”aniya. “Kung gano'n, halika. May gusto akong ipakilala sa'yo.” Hindi na nagulat si Angelica nang banggitin nito ang pangalan ng babaeng matagal na niyang kinamuhian. “Kasama natin si Rhodora mamaya. Hinahanap ka rin niya.” Bahagyang ngumiti si Angelica, isang ngiting walang init. “Hindi na kailangan.” “Bakit?” “Hindi ako interesado.” Napatitig sa kaniya si Mark na para bang hindi maintindihan ang kaniyang sinasabi. “Angelica, anong nangyayari sa'yo? Hindi ka naman ganito dati.” “Maraming bagay ang nagbabago, Mark.” Iniwan niya ito bago pa man ito makasagot. SA LIKOD NG CAMPUS BUILDING.. Nasa ilalim ng malaking puno si Ryan habang maingat na inaayos ang mga librong nahulog kanina. Hindi niya pinansin ang mga taong patuloy na tumatawa sa kaniya. Sanay na siya. Sa loob ng ilang taon, naging bahagi na ng araw-araw niya ang pang-aasar ng mga kaklase dahil sa kaniyang pangangatawan at tahimik na personalidad. Ngunit kahit ganoon, hindi siya sumusuko sa pag-aaral. May pangarap siya—gusto niyang magkaroon ng sariling kumpanya at patunayan na hindi kailangang maging mayaman o sikat upang magtagumpay. “Ryan.” Napahinto siya nang marinig ang isang pamilyar at malambing na boses. Pag-angat niya ng ulo, nakita niya si Angelica Monteverde. “Angelica?” gulat at halos pabulong niyang tanong. Tumayo siya agad at inayos ang suot niyang polo. “Bakit?” nahihiya at naguguluhan niyang tanong. Napansin ni Angelica ang bahagyang pamumula ng kaniyang mukha. “Okay ka lang ba?” malumanay na tanong ni Angelica. “Oo. Bakit mo naitanong?” “Nakita ko 'yung ginawa nila sa'yo kanina.” Umiling si Ryan, pilit na pinapagaan ang sitwasyon. “Wala iyon. Nagbibiro lang sila.” “Hindi lahat ng pang-aasar ay biro,” mariing sagot ni Angelica, may halong malasakit. Hindi nakasagot si Ryan. Saglit siyang napatingin kay Angelica bago muling ibinaba ang kaniyang tingin. “Salamat,” mahina niyang sabi. “May masakit ba sa'yo?” “Wala naman.” Napansin ni Angelica ang maliit na gasgas sa kamay nito. “Duguan ang kamay mo.” “Ah, maliit lang 'yan.” Kinuha ni Angelica ang panyo mula sa kaniyang bag at iniabot dito. “Punasan mo.” Nagulat si Ryan, tila hindi makapaniwala. “Para sa akin?” Napangiti siya nang taimtim. “Oo. May iba ka bang nakikita rito?” “Wala… salamat.” Maingat at magalang nitong tinanggap ang panyo. Hindi alam ni Angelica na sa simpleng kilos na iyon ay halos hindi na makahinga sa kaba at tuwa si Ryan. Matagal na niyang hinahangaan ang dalaga—hindi dahil mayaman ito o maganda, kundi dahil minsan, nakita niya itong tumulong sa isang matandang janitor kahit walang ibang nakatingin. Mula noon, lihim na niya itong hinahangaan, bagama't alam niyang hindi siya kailanman mapapansin ng isang tulad ni Angelica. “Ryan, may klase ka pa ba mamaya?” tanong nito. “Oo. Sa susunod na building.” “Pwede bang sabay na tayo?.” “Nanlaki ang mga mata niya sa gulat”, dahil madalas hindi naman siya napapansin nito. “S-Sabay?” “Oo. Bakit, ayaw mo yata eh’? “Hindi! Ibig kong sabihin… sige,” mabilis at medyo nauutal niyang sagot. Hindi napigilan ni Angelica ang mapangiti. Sa unang pagkakataon, napansin niyang may kakaibang kabaitan sa lalaking ito—at marahil, iyon ang dahilan kung bakit sinabi ng system na naging bahagi ito ng kaniyang buhay. [SYSTEM NOTIFICATION] ✓[Hidden Mission: First Step Successfully Completed.] ✓Reward Unlocked: ₱50,000 ✓Personal Development Skill:Locked ✓Additional Information: Ryan Layug's current confidence level is critically low. His physical and mental development potential is exceptionally high. Napatingin si Angelica sa notification. Critically low? Muli siyang tumingin kay Ryan na naglalakad sa tabi niya. Hindi niya kailangang baguhin ang lalaki para lamang maging karapat-dapat itong mahalin—ngunit gusto niyang tulungan itong makita ang tunay na halaga ng sarili. “Ryan?”tanong nya. “May mga pangarap ka ba?” Sandaling natahimik ang lalaki bago sumagot, may pag-asa sa boses. “Gusto kong magkaroon ng sariling kumpanya balang araw.” “Anong klaseng kumpanya?” “Construction company. Gusto kong gumawa ng mga gusaling makakatulong sa maraming tao.” Napangiti si Angelica. “Magandang pangarap 'yan.” “Pero malayo pa,” pag-amin nito, bahagyang humihina ang loob. “Wala akong sapat na pera, at hindi rin ako ganoon kagaling makipag-usap sa mga tao.” “Hindi ibig sabihin na hindi mo kaya,” mariing sabi ni Angelica. Napatingin siya kay Angelica, puno ng pag-aalinlangan at pag-asa. “Naniniwala ka ba talaga?” “Oo,” sagot ni Angelica nang buong kumpiyansa. “Basta handa kang magsikap.” Hindi na nakapagsalita si Ryan, ngunit tila may mabigat na pasanin na naalis sa kaniyang dibdib. Samantala, sa kabilang bahagi ng campus, nakatayo si Mark at pinagmamasdan silang dalawa. Kasama niya si Rhodora na bagong dating. “Mark, sino ang kasama ni Angelica?” tanong nito, may bahagyang pagtataka at inggit.nNapakunot ang noo ng lalaki. “Si (Taba) Ryan Layug. Kaklase natin.” “Bakit parang ang saya nilang magkasama?” Hindi sumagot si Mark, ngunit hindi niya nagustuhan ang nakikita. Sa unang pagkakataon, hindi siya ang lalaking pinapansin ni Angelica—at hindi iyon maintindihan ni Rhodora. “Parang may nagbago sa kaniya,” bulong ni Rhodora. Malamig na ngumiti si Mark. “Alamin natin kung ano ang nangyayari.” Hindi nila alam na ang pagbabagong iyon ay simula na ng pagbagsak ng kanilang impluwensiya sa buhay ni Angelica. At sa ilalim ng tahimik na ngiti ng dalaga, unti-unti nang nabubuo ang plano para sa kaniyang paghihiganti at pagbangon. [SYSTEM ALERT!] [New Main Mission Unlocked.] ✓MISSION: BUILD YOUR FIRST BUSINESS EMPIRE ✓Objective: Earn your first ₱1,000,000 within 30 days X Failure Penalty:Initial Capital Reward will be revoked Napahinto si Angelica sa paglalakad. “Isang milyon sa loob lamang ng tatlumpung araw?* Napangiti siya. “Challenge accepted.” Ngunit bago pa siya makapagtanong tungkol sa unang negosyo na dapat niyang simulan, lumitaw ang huling mensahe [WARNING: Someone from your previous life is already watching you.] Nanlamig ang kaniyang mga daliri. Dahan-dahan siyang napalingon. Sa di-kalayuan, nakatayo si Rhodora Coronel habang nakatitig sa kaniya. At nakangiti ito—isang ngiting may lihim na babala.CHAPTER 9: ANG BITAG Alas-siyete pa lamang ng umaga ay gising na si Angelica. Nasa harap siya ng salamin habang inaayos ang kaniyang buhok, ngunit hindi ang kaniyang itsura ang laman ng isip niya kundi ang misteryosong mensaheng natanggap kagabi.May isang taong nag-aalok sa kaniya ng orihinal na kasunduan ng Monteverde Trading, at malinaw na may gustong mangyari ang taong iyon. Hindi niya alam kung sino ang nasa likod ng imbitasyon, ngunit hindi siya maaaring magpadala sa takot dahil maaaring iyon na ang pinakamahalagang ebidensiyang kailangan nila.Kinuha niya ang cellphone at binuksan ang mensahe ni Ryan.Ryan: Good morning. Nandiyan ako sa university mamayang alas-diyes. Sabihin mo lang kung saan tayo magkikita.Napangiti siya nang bahagya bago sumagot.Angelica: Salamat. Kailangan kitang makausap tungkol sa isang mahalagang bagay.Ilang segundo lamang ang lumipas bago nag-reply ang binata.Ryan: Huwag kang mag-alala. Nandito lang ako.Napahinga nang malalim si Angelica. Hindi ni
CHAPTER 8: ANG GABING HALOS MAWALA SA KANIYA ANG LAHATHindi na nag-aksaya ng oras si Angelica. Mabilis niyang kinuha ang susi ng sasakyan at halos patakbong lumabas ng bahay habang paulit-ulit na tinatawagan ang kaniyang ama. Ilang beses nang nag-ring ang cellphone nito, ngunit walang sumasagot.“Please, Papa. Sagutin ninyo ang tawag ko,” bulong niya habang nanginginig ang mga daliring mahigpit na nakahawak sa manibela.Nang tuluyang maputol ang tawag, mariin siyang napapikit at pinilit na pakalmahin ang sarili. Hindi niya maaaring hayaang pangunahan siya ng takot. Kailangan niyang makarating sa opisina bago pa mahuli ang lahat.[SYSTEM ALERT!]Remaining Time: 12 Minutes.Host, your father's life may be in danger. Proceed with caution.“Alam ko! Kaya nga nagmamadali ako!” iritableng sagot niya.Hindi niya maintindihan kung bakit labis na nag-aalala ang system, ngunit wala na siyang panahon upang magtanong. Lalong diniinan niya ang silinyador habang pilit na iniiwasan ang mabigat na t
CHAPTER 7: ANG LIHIM NG KANIYANG AMA Ilang beses na tiningnan ni Angelica ang larawang ipinadala ni Liza. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Ang kaniyang ama, na buong buhay niyang itinuring na isang matapat at mapagmahal na tao, ay palihim na pumasok sa storage room noong gabing nawala ang mahahalagang dokumento. Mas lalong gumulo ang kaniyang isip nang makita si Victor Salcedo na naghihintay sa labas. Bakit sila nagkita? At ano ang kinalaman ni Papa sa nawawalang records? Agad niyang tinawagan si Liza. “Liza, sigurado ka bang malinaw ang kuha ng CCTV?” “Opo, Ma'am. Ilang beses ko na pong tiningnan. Si Sir Eduardo talaga iyon, at si Victor Salcedo ang naghihintay sa kaniya.” “May iba pa bang nakakita sa footage?” “Wala po. Ako lang ang nakakita dahil ako ang nag-aayos ng CCTV records. Hindi ko rin po alam kung bakit naroon si Sir Eduardo noong gabing iyon.” Napapikit si Angelica. “Salamat sa pagsabi sa akin. Pero huwag mo munang ikuwento kahit kanino ang tungkol dito. Kail
CHAPTER 6: ANG BABALAHindi agad umalis si Angelica sa Meridian Hotel at nanatili siya sa loob ng lobby habang mahigpit na hawak ang sobre at ang litrato nina Ramon Dela Cruz at Victor Salcedo. Paulit-ulit niyang tiningnan ang itim na sasakyan sa labas dahil hindi niya matiyak kung nagkataon lamang na naroon iyon o may naghihintay sa kaniyang paglabas, gayunman ay hindi niya balak sumugal sa sariling kaligtasan.Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang kaniyang ama upang ipaalam ang kaniyang kalagayan. “Hello, Pa?” bungad ni Angelica nang may bahagyang pag-aalangan sa tinig.“Angelica? Bakit gising ka pa at hindi ba dapat nasa bahay ka na?” tanong ni Eduardo na may halong pagtataka at pag-aalala.Sandaling huminto si Angelica upang pumili ng salita bago sumagot. “Pa, nasa labas lang po ako at may inasikaso, pero pauwi na rin naman po ako.”“Nasaan ka ba? gusto mo bang sunduin kita ngayon?”“Hindi na po at magpapahatid na lang ako dahil may mahalaga akong sasabihin sa inyo pagdating
CHAPTER 5: ANG TRAYDOR SA LOOB NG KUMPANYAHindi nakatulog nang maayos si Angelica matapos matanggap ang hindi kilalang mensahe. Paulit-ulit niyang binasa ang babala tungkol kay Ramon Dela Cruz, ang operations manager na matagal nang pinagkakatiwalaan ng kaniyang ama.Hindi niya alam kung totoo ang paratang o sinadya lamang iyon ng isang taong gustong sirain ang reputasyon ng lalaki. Isang maling akusasyon lamang ay maaaring makasira sa buhay ng isang inosenteng tao, kaya hindi niya hahayaang pangunahan siya ng galit o takot.Gayunman, hindi rin niya maaaring balewalain ang babala.Kinuha niya ang cellphone at binuksan ang impormasyong ibinigay ng system.[SECRET MISSION: FIND THE MISSING FINANCIAL RECORDS]Time Remaining: 41 Hours and 26 Minutes.Mission Objective: Locate the missing accounting documents and identify the person responsible.Potential Reward: ₱300,000 + Business Intelligence Upgrade.“Kung may nagtatago ng dokumento, siguradong may dahilan kung bakit ayaw nilang mak
CHAPTER 4: ANG LIHIM SA LIKOD NG NEGOSYO Alas-siyete pa lamang ng umaga ay nakaupo na si Angelica sa hapag-kainan. Hindi siya gaanong nakatulog dahil sa impormasyong natanggap niya mula sa system. Paulit-ulit niyang pinag-aralan ang pangalan ng Villanueva Holdings at ang posibleng koneksiyon nito sa supplier ng kanilang negosyo. Hindi niya alam kung gaano kalalim ang pagkakasangkot ng pamilya ni Mark, pero malinaw sa kaniya na hindi dapat balewalain ang babala. “Maaga kang nagising ngayon,” puna ng kaniyang ina habang inilalapag ang isang plato ng pandesal sa mesa. “May exam ka ba?” “Wala po, Ma. May gusto lang akong asikasuhin kasama si Papa.” “Negosyo na naman ba ang iniisip mo?” tanong ni Eduardo habang papasok sa dining area. “Kumain ka muna. Hindi tatakbo ang kumpanya natin.” Napangiti si Angelica. “Hindi naman po. Gusto ko lang siguraduhin na maayos ang lahat.” Umupo ang kaniyang ama sa tabi niya at inilabas ang isang makapal na folder. “Ito ang mga records ng Montever