Share

CHAPTER 3

Penulis: Aevren Veylor
last update Tanggal publikasi: 2026-11-21 11:26:37

CHAPTER 3: FIRST STEP TO SUCCESS

Hindi maalis ni Angelica ang tingin kay Rhodora habang papalapit ito sa kanila. Nakasuot ang dalaga ng mamahaling pink dress, may designer bag na nakasabit sa balikat, at nakapaskil sa labi ang pamilyar nitong matamis na ngiti. Kung hindi niya alam ang tunay na pagkatao nito, iisipin niyang isa itong mabuting kaibigan na nag-aalala sa kaniya.

Ngunit hindi na siya ang dating Angelica na madaling maniwala sa matatamis na salita.

“Angelica! Kanina pa kita hinahanap. Bakit hindi mo man lang sinabi na nandito ka na?” masiglang bati ni Rhodora.

“Hindi ko alam na kailangan ko pang magpaalam sa'yo,” malamig niyang sagot.

Saglit na nawala ang ngiti ng dalaga bago ito tumawa nang pilit. “Ang sungit mo naman. May problema ka ba? Kung may nagawa ako, sabihin mo lang.”

“Wala. Pagod lang ako.”

Napunta ang pansin ni Rhodora kay Ryan, na tahimik na nakatayo sa tabi niya. Sinipat nito ang binata mula ulo hanggang paa bago muling ngumiti.

“Kasama mo siya? Hindi ko alam na close na pala kayo ni Ryan.”

“May problema ba roon?”sambit nya

“Wala naman. Nagtatanong lang ako.” Bahagyang natawa si Rhodora. “Huwag kang masyadong seryoso. Baka isipin nilang inaaway kita.”

Napansin ni Angelica ang bahagyang pagyuko ni Ryan. Halatang hindi komportable ang binata sa paraan ng pakikitungo sa kaniya. “May pangalan siya, Rhodora. Hindi mo kailangang tingnan siya na parang wala siyang halaga.”

Napatigil ang dalaga. Hindi niya inaasahang sasagot nang ganoon si Angelica, lalo na't dati ay madalas silang magkasundo sa lahat ng bagay.

“Joke lang naman. Bakit parang ang laki ng kasalanan ko?”giit nito.

“Hindi lahat ng bagay kailangang gawing biro.” Hindi na naghintay si Angelica ng sagot. Bago siya tuluyang umalis, may isa pang tanong si Rhodora.

“Sandali! Pupunta ka ba sa birthday party ko sa Sabado? Nandoon din si Mark. Gusto ka niyang makasama.”

Dati, tiyak na agad siyang papayag. Ngunit ngayon, hindi na niya nakikita ang dahilan para makisama sa mga taong minsan nang sumira sa kaniya.

“Hindi ako makakapunta. May aasikasuhin ako.”

“Sigurado ka? Matagal na nating pinaplano iyon.”

“Mas marami na akong ibang pinagkakaabalahan ngayon.” Iniwan niya ang dalaga na hindi pa rin maalis ang pagtataka sa mukha.

SA UNIVERSITY CAFETERIA

Magkatapat na nakaupo sina Angelica at Ryan sa isang mesa malapit sa bintana. Abala ang ibang estudyante sa kani-kanilang usapan, ngunit tahimik lamang ang binata habang kinakain ang kaniyang tanghalian. Paminsan-minsan ay palihim siyang sumusulyap kay Angelica, na tila may malalim na iniisip.

“May gusto akong itanong sa'yo,” panimula ng dalaga.

Agad na umayos ng upo si Ryan. “Ano iyon?”

“Kung magkakaroon ka ng sapat na puhunan para magsimula ng negosyo, ano ang una mong gagawin?”

Napakamot siya sa batok. “Bakit mo natanong? May balak ka bang magnegosyo?”

“Pag-isipan natin na pareho tayong may pagkakataon. Ano ang pipiliin mo?”

Sandaling pinag-isipan ni Ryan ang kaniyang sagot. “Gusto kong pumasok sa construction materials trading. Maraming maliliit na contractor ang nahihirapang makahanap ng de-kalidad na materyales sa abot-kayang presyo. Kung makakakuha ako ng maayos na supplier, puwede akong magsimula roon.”

Napangiti si Angelica. Hindi niya inaasahang ganoon na kalalim ang kaalaman ng binata tungkol sa negosyong nais nitong pasukin.

“May mga supplier ka nang nakakausap?”tanong niya.

“May ilan akong pinag-aaralan. Matagal ko nang binubuo ang plano, pero kulang pa ako sa puhunan.” Bahagya itong natawa. “Sa ngayon, hanggang notebook lang muna ang negosyo ko.”

“Magkano ang kailangan mo para makapagsimula?”

Tumaas ang kilay ni Ryan. “Huwag mong sabihing balak mo akong pautangin.”

“Hindi ko pa naman sinasabi iyon.”

“Kung ganoon, mabuti. Hindi ko rin tatanggapin kung ganoon ang mangyayari.”

Nagtaka si Angelica. “Bakit naman?”

“Dahil gusto kong patunayan na kaya kong makamit ang mga pangarap ko sa sarili kong pagsisikap. Ayokong umasa sa pera ng iba, lalo na kung wala pa akong napapatunayan.”

Hindi agad nakasagot ang dalaga. Sa unang tingin, maaaring isipin ng iba na mahina ang loob ni Ryan dahil sa pagiging tahimik at pangangatawan nito. Ngunit sa likod ng kaniyang simpleng kilos ay isang lalaking may malinaw na pangarap at matibay na paninindigan. “Paano kung hindi pautang ang pag-usapan natin?” tanong niya. “Puwede tayong gumawa ng business proposal. Ikaw ang bahala sa research at operasyon, habang ako ang maglalaan ng puhunan. Kapag maayos ang plano, saka natin pag-usapan ang partnership.”

Nanlaki ang mga mata ni Ryan. “Talaga bang gusto mong makipag-negosyo sa akin?”

“Bakit? Hindi ba ako puwede?”

“Hindi naman sa ganoon. Marami kang puwedeng piliin na mas may karanasan kaysa sa akin.”

“Pero ikaw ang may ideya. Gusto kong makita kung hanggang saan mo kayang dalhin iyon.”

Napayuko ang binata. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang saya na nararamdaman niya. Sa loob ng maraming taon, madalas siyang maliitin at pagtawanan. Ngayon lamang may isang taong seryosong nakinig sa kaniyang mga plano.

“Salamat, Angelica. Hindi ko sasayangin ang tiwalang ibinibigay mo.”

Ngumiti siya. “Hindi mo kailangang magpasalamat agad. Patunayan mo muna sa proposal mo.”

[BILLIONAIRE QUEEN SYSTEM\]

TING!

✓[Suggested Business: Construction Materials Trading\]

✓ Initial Capital: ₱80,000

✓ Estimated Monthly Net Profit: ₱25,000–₱40,000

* Risk Level: Moderate

* Growth Potential: High

✓[Special Opportunity Detected: Discounted Construction Materials Supplier in Quezon City.]

Napatingin si Angelica sa impormasyong lumitaw sa kaniyang paningin. May kasama itong pangalan ng supplier, address, listahan ng produkto, at tinatayang presyo.

Hindi siya agad nagpasyang gamitin ang impormasyong iyon. Kahit may system siyang tumutulong sa kaniya, alam niyang hindi sapat ang basta pagtanggap sa bawat oportunidad. Kailangan pa rin niyang tiyakin ang kalidad ng produkto, legalidad ng transaksiyon, at reputasyon ng supplier.

Hindi ako magiging mayaman sa pamamagitan ng padalos-dalos na desisyon, pangako niya sa sarili.

HAPON SA MONTEVERDE RESIDENCE

Pagdating sa bahay, nadatnan ni Angelica ang kaniyang ama na abala sa pakikipag-usap sa telepono. Halatang hindi maganda ang kaniyang mood dahil mariin nitong ibinaba ang tawag.

“Hindi puwedeng ganoon ang presyo. Matagal na kaming customer ninyo. Hindi makatarungang bigla na lang kayong magtaas nang ganoon kalaki,” narinig niyang sabi nito.

“Pa, may problema po ba?”

Napalingon si Eduardo. Pinilit nitong ngumiti, ngunit hindi nakaligtas sa pansin ng anak ang pag-aalala sa kaniyang mukha.

“Problema lang sa supplier. Bigla nilang tinaasan ang presyo ng construction materials. Kapag nagpatuloy ito, baka mahirapan tayong mapanatili ang kita ng negosyo.”

Naupo si Angelica sa katapat nitong sofa. Sa unang buhay niya, hindi niya gaanong pinansin ang maliit na construction supply business ng kanilang pamilya. Mas interesado siya noon sa mga mamahaling gamit at sa pagpapasaya kay Mark. Hindi niya alam na unti-unti na palang nahihirapan ang kaniyang ama bago pa man tuluyang bumagsak ang kanilang pamilya.

“May iba po ba tayong puwedeng maging supplier?”

“Mayroon naman, pero hindi ganoon kadali. Matagal na tayong may kasunduan sa kasalukuyang supplier. Ayokong basta lumipat nang hindi muna sinusuri ang magiging epekto nito.”

“Puwede ko po bang tingnan ang records ng negosyo? Baka may makita akong ibang paraan para makatipid tayo.”

Napatingin sa kaniya si Eduardo. “Interesado ka na ba talaga sa negosyo natin?” Opo. Gusto ko ring matuto. Hindi naman habang-buhay na kayo ang aasikaso sa lahat, di ba?”

Napangiti ang kaniyang ama. May halong pagmamalaki sa mga mata nito.

Kung ganoon, bukas ay ipapakita ko sa'yo ang mga records. Pero huwag mong pababayaan ang pag-aaral mo, anak. Ayokong mapagod ka nang sobra.”

“Hindi po. Kaya ko naman.” Sa pagkakataong ito, hindi niya hahayaang mag-isa ang kaniyang ama sa pagharap sa mga problema. Sisiguraduhin niyang mapapalago nila ang negosyo bago pa ito tuluyang masangkot sa anumang mapanganib na transaksiyon.

KINAGABIHAN SA SILID NI ANGELICA

Nasa harap ng laptop si Angelica habang gumagawa ng listahan ng mga posibleng supplier. May ilang dokumentong nakakalat sa kaniyang mesa nang tumunog ang cellphone.

Si Mark ang tumatawag. Hinayaan niya muna itong mag-ring nang ilang segundo bago tuluyang sinagot.

“Hello?”

“Angelica! Sa wakas, sinagot mo rin ang tawag ko. Kanina pa kita hinahanap. Bakit hindi ka nagre-reply sa messages ko?”

“Busy ako.”

“Busy sa ano? Kanina pa kita gustong makausap.”

“May ginagawa akong importante. Kung may kailangan ka, sabihin mo na.”

Natahimik si Mark bago muling nagsalita. “May problema ba tayo? Hindi ka naman ganito dati.”

Napangiti nang mapait si Angelica. Hindi nga ako ganito dati. Dati, handa akong iwan ang lahat para lang sa'yo. Wala tayong problema, Mark. Sadyang may mga bagay lang akong kailangang unahin.”

“Gusto kong magkita tayo bukas. May importante akong sasabihin.”

“Hindi ako puwede.”

“Angelica, girlfriend kita. Hindi mo ba ako bibigyan ng oras?”

Napapikit siya at pinigilan ang sarili na sagutin ito nang masakit. Mark, hindi ibig sabihin na girlfriend mo ako ay kailangan kong laging sumunod sa gusto mo. May sarili rin akong buhay.”

Bago pa makasagot ang lalaki, pinatay niya ang tawag. Hindi niya alam na sa kabilang linya ay mariing napakunot ang noo ni Mark.

Hindi sanay ang lalaki na tinatanggihan, lalo na ng isang babaeng dati ay halos hindi makapaghintay na makita siya. Kaya sa halip na mag-alala, nagsimula siyang maghinala na may ibang dahilan sa pagbabago ng nobya.

Samantala…

SA CORONEL MANSION

“May kakaiba talaga kay Angelica.”

Nakasandal si Rhodora sa mamahaling sofa habang hawak ang isang baso ng juice. Katabi niya si Kyla Ilagan, na abala sa pagtingin sa mga bagong litrato sa cellphone.

“Baka may tampo lang sa'yo,” walang interes na sagot ni Kyla. “O baka may problema sila ni Mark.”

“Hindi iyon ang ibig kong sabihin.” Inilapag ni Rhodora ang baso. “Kanina, para bang galit na galit siya sa akin. Hindi niya man lang ako tiningnan nang maayos.”

“Baka pagod lang. Huwag mong gawing malaking bagay.”

Umiling si Rhodora. May kung anong bumabagabag sa kaniya, ngunit hindi niya matukoy kung ano iyon. Sanay siyang kontrolin ang mga taong nakapaligid sa kaniya, at hindi niya nagugustuhan ang pakiramdam na may isang taong hindi na niya kayang impluwensiyahan.

Kinuha niya ang cellphone at nagpadala ng mensahe sa isang kakilala. Alamin mo kung ano ang ginagawa ni Angelica Monteverde. Gusto kong malaman kung sino ang mga nakakasama niya at kung bakit bigla siyang nagbago.

Ilang sandali pa ay dumating ang sagot.

Understood.

Malamig na ngumiti si Rhodora bago ibalik ang cellphone sa mesa. “Kung may itinatago ka, Angelica, malalaman ko rin.”

11:47 PM – MONTEVERDE RESIDENCE

Katatapos lamang ni Angelica sa kaniyang business proposal nang biglang lumitaw ang system.

✓[MISSION UPDATE: FIRST BUSINESS EMPIRE\]

Objective: Secure your first supplier agreement within 72 hours.

✓Potential Reward: ₱200,000 + Negotiation Skill.

Napangiti siya sa nakitang gantimpala. Ngunit bago niya maisara ang notification, isang pulang babala ang biglang lumitaw.

!URGENT SYSTEM ALERT!

[A suspicious financial transaction connected to the Villanueva family has been detected.]

[The transaction involves a company currently supplying construction materials to Monteverde Trading.]

Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Angelica.

“Villanueva?”

Mabilis niyang binuksan ang karagdagang impormasyon. Lumitaw ang pangalan ng isang kumpanyang hindi niya inaasahang makikita sa mga dokumento ng kanilang negosyo.

VILLANUEVA HOLDINGS.

Kasunod nito ang isang babala.

![WARNING! Failure to investigate this connection may result in a major financial loss for the Monteverde family.]

Nanlamig ang kaniyang mga daliri.

Hindi pala nagkataon lamang ang lahat. May koneksiyon na ang pamilya ni Mark sa negosyo ng kaniyang ama, at posibleng matagal na itong nangyayari bago pa man siya mamatay sa unang buhay.

Napatingin siya sa mga dokumentong nakakalat sa mesa. Unti-unti niyang naunawaan na hindi lamang pagtataksil ang kailangan niyang harapin. May mas malaking lihim na nakatago sa likod ng yaman ng mga pamilyang Villanueva at Coronel.

Tumayo siya at lumapit sa bintana. Tanaw mula roon ang tahimik na kalsada, ngunit hindi ganoon kapayapa ang kaniyang isip.

“Kung negosyo ng pamilya ko ang pinakikialaman ninyo, hindi ko kayo hahayaang magtagumpay.”

Mahigpit niyang ikinuyom ang mga kamay.

“Sa pagkakataong ito, ako naman ang maghahanda. Hindi ko na hahayaang maunahan ninyo ako.” Hindi pa nagsisimula ang tunay na laban, pero sisiguraduhin niyang siya ang huling tatayo.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • REBORN:THE BILLIONAIRE QUEEN SYSTEM   CHAPTER 9

    CHAPTER 9: ANG BITAG Alas-siyete pa lamang ng umaga ay gising na si Angelica. Nasa harap siya ng salamin habang inaayos ang kaniyang buhok, ngunit hindi ang kaniyang itsura ang laman ng isip niya kundi ang misteryosong mensaheng natanggap kagabi.May isang taong nag-aalok sa kaniya ng orihinal na kasunduan ng Monteverde Trading, at malinaw na may gustong mangyari ang taong iyon. Hindi niya alam kung sino ang nasa likod ng imbitasyon, ngunit hindi siya maaaring magpadala sa takot dahil maaaring iyon na ang pinakamahalagang ebidensiyang kailangan nila.Kinuha niya ang cellphone at binuksan ang mensahe ni Ryan.Ryan: Good morning. Nandiyan ako sa university mamayang alas-diyes. Sabihin mo lang kung saan tayo magkikita.Napangiti siya nang bahagya bago sumagot.Angelica: Salamat. Kailangan kitang makausap tungkol sa isang mahalagang bagay.Ilang segundo lamang ang lumipas bago nag-reply ang binata.Ryan: Huwag kang mag-alala. Nandito lang ako.Napahinga nang malalim si Angelica. Hindi ni

  • REBORN:THE BILLIONAIRE QUEEN SYSTEM   CHAPTER 8

    CHAPTER 8: ANG GABING HALOS MAWALA SA KANIYA ANG LAHATHindi na nag-aksaya ng oras si Angelica. Mabilis niyang kinuha ang susi ng sasakyan at halos patakbong lumabas ng bahay habang paulit-ulit na tinatawagan ang kaniyang ama. Ilang beses nang nag-ring ang cellphone nito, ngunit walang sumasagot.“Please, Papa. Sagutin ninyo ang tawag ko,” bulong niya habang nanginginig ang mga daliring mahigpit na nakahawak sa manibela.Nang tuluyang maputol ang tawag, mariin siyang napapikit at pinilit na pakalmahin ang sarili. Hindi niya maaaring hayaang pangunahan siya ng takot. Kailangan niyang makarating sa opisina bago pa mahuli ang lahat.[SYSTEM ALERT!]Remaining Time: 12 Minutes.Host, your father's life may be in danger. Proceed with caution.“Alam ko! Kaya nga nagmamadali ako!” iritableng sagot niya.Hindi niya maintindihan kung bakit labis na nag-aalala ang system, ngunit wala na siyang panahon upang magtanong. Lalong diniinan niya ang silinyador habang pilit na iniiwasan ang mabigat na t

  • REBORN:THE BILLIONAIRE QUEEN SYSTEM   CHAPTER 7

    CHAPTER 7: ANG LIHIM NG KANIYANG AMA Ilang beses na tiningnan ni Angelica ang larawang ipinadala ni Liza. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Ang kaniyang ama, na buong buhay niyang itinuring na isang matapat at mapagmahal na tao, ay palihim na pumasok sa storage room noong gabing nawala ang mahahalagang dokumento. Mas lalong gumulo ang kaniyang isip nang makita si Victor Salcedo na naghihintay sa labas. Bakit sila nagkita? At ano ang kinalaman ni Papa sa nawawalang records? Agad niyang tinawagan si Liza. “Liza, sigurado ka bang malinaw ang kuha ng CCTV?” “Opo, Ma'am. Ilang beses ko na pong tiningnan. Si Sir Eduardo talaga iyon, at si Victor Salcedo ang naghihintay sa kaniya.” “May iba pa bang nakakita sa footage?” “Wala po. Ako lang ang nakakita dahil ako ang nag-aayos ng CCTV records. Hindi ko rin po alam kung bakit naroon si Sir Eduardo noong gabing iyon.” Napapikit si Angelica. “Salamat sa pagsabi sa akin. Pero huwag mo munang ikuwento kahit kanino ang tungkol dito. Kail

  • REBORN:THE BILLIONAIRE QUEEN SYSTEM   CHAPTER 6

    CHAPTER 6: ANG BABALAHindi agad umalis si Angelica sa Meridian Hotel at nanatili siya sa loob ng lobby habang mahigpit na hawak ang sobre at ang litrato nina Ramon Dela Cruz at Victor Salcedo. Paulit-ulit niyang tiningnan ang itim na sasakyan sa labas dahil hindi niya matiyak kung nagkataon lamang na naroon iyon o may naghihintay sa kaniyang paglabas, gayunman ay hindi niya balak sumugal sa sariling kaligtasan.Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang kaniyang ama upang ipaalam ang kaniyang kalagayan. “Hello, Pa?” bungad ni Angelica nang may bahagyang pag-aalangan sa tinig.“Angelica? Bakit gising ka pa at hindi ba dapat nasa bahay ka na?” tanong ni Eduardo na may halong pagtataka at pag-aalala.Sandaling huminto si Angelica upang pumili ng salita bago sumagot. “Pa, nasa labas lang po ako at may inasikaso, pero pauwi na rin naman po ako.”“Nasaan ka ba? gusto mo bang sunduin kita ngayon?”“Hindi na po at magpapahatid na lang ako dahil may mahalaga akong sasabihin sa inyo pagdating

  • REBORN:THE BILLIONAIRE QUEEN SYSTEM   CHAPTER 5

    CHAPTER 5: ANG TRAYDOR SA LOOB NG KUMPANYAHindi nakatulog nang maayos si Angelica matapos matanggap ang hindi kilalang mensahe. Paulit-ulit niyang binasa ang babala tungkol kay Ramon Dela Cruz, ang operations manager na matagal nang pinagkakatiwalaan ng kaniyang ama.Hindi niya alam kung totoo ang paratang o sinadya lamang iyon ng isang taong gustong sirain ang reputasyon ng lalaki. Isang maling akusasyon lamang ay maaaring makasira sa buhay ng isang inosenteng tao, kaya hindi niya hahayaang pangunahan siya ng galit o takot.Gayunman, hindi rin niya maaaring balewalain ang babala.Kinuha niya ang cellphone at binuksan ang impormasyong ibinigay ng system.[SECRET MISSION: FIND THE MISSING FINANCIAL RECORDS]Time Remaining: 41 Hours and 26 Minutes.Mission Objective: Locate the missing accounting documents and identify the person responsible.Potential Reward: ₱300,000 + Business Intelligence Upgrade.“Kung may nagtatago ng dokumento, siguradong may dahilan kung bakit ayaw nilang mak

  • REBORN:THE BILLIONAIRE QUEEN SYSTEM   CHAPTER 4

    CHAPTER 4: ANG LIHIM SA LIKOD NG NEGOSYO Alas-siyete pa lamang ng umaga ay nakaupo na si Angelica sa hapag-kainan. Hindi siya gaanong nakatulog dahil sa impormasyong natanggap niya mula sa system. Paulit-ulit niyang pinag-aralan ang pangalan ng Villanueva Holdings at ang posibleng koneksiyon nito sa supplier ng kanilang negosyo. Hindi niya alam kung gaano kalalim ang pagkakasangkot ng pamilya ni Mark, pero malinaw sa kaniya na hindi dapat balewalain ang babala. “Maaga kang nagising ngayon,” puna ng kaniyang ina habang inilalapag ang isang plato ng pandesal sa mesa. “May exam ka ba?” “Wala po, Ma. May gusto lang akong asikasuhin kasama si Papa.” “Negosyo na naman ba ang iniisip mo?” tanong ni Eduardo habang papasok sa dining area. “Kumain ka muna. Hindi tatakbo ang kumpanya natin.” Napangiti si Angelica. “Hindi naman po. Gusto ko lang siguraduhin na maayos ang lahat.” Umupo ang kaniyang ama sa tabi niya at inilabas ang isang makapal na folder. “Ito ang mga records ng Montever

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status