Kinaumagahan, maagang-maaga gumising si Monique upang maghanda ng almusal."Monique, pupunta muna ako ng bayan para mamalengke," paalam ni Tiyang Rosa. "Kung hindi ko na kayo maabutan dahil nagmamadali rin si Brendan, paki-lock na lang ng pinto, ah?""Sige po, Tiyang, ingat ka po!""Sige, sige. Ingat din kayo sa pagluwas."Pagkaalis ng tiyahin, umakyat na si Monique sa ikalawang palapag upang gisingin si Brendan. Kumatok siya at pumasok sa silid. "Brendan, gising ka na ba? Luto na ang almusal."Dumilat si Brendan at napangiti nang makita ang dalaga, sabay hawak sa kanyang ulo. "Hmm, Monique, magaling ka ba maghilot? Ang sakit ng ulo ko, eh, pwede mo ba akong hilutin saglit?""Jusko, oo na, wait lang, kunin ko 'yung balm ni Tiyang," sagot ni Monique. Pagbalik niya, nagtanong si Brendan, "Nasaan ba si Tita?""Nagpunta sa bayan.""Talaga?" Biglang nangislap ang mga mata ni Brendan nang marinig iyon."Hilutin na kita," sabi ni Monique at lumapit sa kama upang masahiin ang sentido ng binat
Last Updated : 2026-11-24 Read more