LOGINKakaibang intensidad ang bumabalot kay Brendan habang nakaupo sa malaking leather swivel chair sa loob ng kanyang penthouse office. Sa edad niyang tatlumpu't walo, sanay na siyang makuha ang lahat ng gustuhin niya—mapa-negosyo man o babae. Nagkaroon na siya ng mga naka-fling sa Amerika noong nag-aaral pa siya at nagsisimulang hawakan ang kanilang imperyo. Ngunit nang pumanaw ang kanyang ama, ibinuhos niya ang buong atensyon sa pagpapalawak ng kanilang family business at nawalan na ng gana sa pakikipaglaro sa mga babae.
Subalit iba ang nangyari kagabi. Hindi siya sanay na may babaeng tumatakbo palayo sa kanya—lalo na ang babaeng nakuha niya ang pinakaiingatang puri.
"Hindi mo man lang ibinigay ang pangalan mo... pero sa tingin mo ba makakatakas ka sa akin?" malamig ngunit may pagnanasang bulong niya habang pinapaikot sa kanyang mga daliri ang pilak na bracelet na may nakaukit na M.S. "Birhen ka pa, pero nagawa mong baliin ang kontrol ko. Akin ka na simula kagabi, at sisiguraduhin kong makikita kita."
Agad niyang dinampot ang telepono at tinawagan ang manager ng kanyang hotel. Walang paligoy-ligoy ang kanyang tono—isang tunay na CEO na sanay sundin sa isang utos lamang.
"William. My office, or on the phone—listen carefully. This stays between us."
"Yes, Sir Brendan! Ano po ang ipag-uutos niyo?" tarantang sagot ni William sa kabilang linya.
"I-check mo ang CCTV sa hallway ng Penthouse Suite 3 kagabi. May naglagay ng gamot sa inumin ko at nagkamali ako ng pasok na kwarto. May hotel staff na pumasok doon at may nangyari sa amin."
"Wow, sir! Bingo, ah!" biro ni William sabay tawa nang bahagya.
"One more joke and you're fired, William," putol ni Brendan sa nakakakilabot na lamig ng boses. "Alamin mo kung sino ang babaeng 'yon. Ibigay mo sa akin ang buong pangalan at detalye niya sa loob ng trenta minutos. Isa pa, tingnan mo kung sino ang pumasok sa penthouse ko kagabi. I'm going to make whoever drugged me pay."
"M-masusunod po, Sir Brendan! Ngayon din po!"
Binaba ni Brendan ang telepono, kinuha ang kanyang suit jacket, at lumabas ng gusali upang magkape saglit habang naghihintay ng report.
Samantala, sa labas ng hotel, naglalakad nang tulala at mabigat ang dibdib si Monique. Hindi niya napansin ang humaharurot na sasakyan habang tumatawid siya sa kalsada.
"Watch out!" malalim at makapangyarihang sigaw ni Brendan nang makita ang dalaga.
Sa isang mabilis na galaw, nahablot ni Brendan ang beywang ni Monique at hinila ito palapit sa kanyang katawan, palayo sa rumaragasang kotse. Bumagsak si Monique sa matipunong dibdib ng binata. Hindi agad siya binitiwan ni Brendan; nanatiling nakapulupot ang matigas nitong braso sa kanyang beywang habang nakatitig nang matalim sa kanyang mga mata.
"Are you trying to get yourself killed, miss?" seryoso at maawtoridad na sita ni Brendan, ngunit bumaba ang tingin niya sa mapupulang labi ng dalaga—tila may kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan nang mahawakan ito.
Napaangat ng tingin si Monique. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Ang mapupulang labi, ang matangos na ilong... at ang boses na 'yon... Ngunit bago pa siya lamunin ng kaba, umiral ang pagiging matapang niya nang maramdamang masyadong mahigpit ang hawak ng lalaki sa beywang niya.
"Excuse me po, sir, salamat sa pagligtas, pero pwede niyo na po akong bitawan," matatag at medyo mataray niyang sabi habang pilit na kumakawala. "Hindi po ako magpapakamatay, nagmamadali lang ako!"
Bahagyang nagulat si Brendan, at pagkatapos ay sumilay ang isang nakakalokong ngisi sa kanyang labi. Walang babaeng naglalakas-loob na magtaray sa kanya—lahat ay nagkakandarapa kapag hinahawakan niya. Feisty. Just like last night.
"Next time, look where you're going," bulong ni Brendan nang mas ilapit pa ang mukha sa dalaga, sapat upang maamoy ang pamilyar na bango nito. "Hindi sa lahat ng oras ay nandiyan ako para saluhin ka."
Biglang tumunog ang cellphone ni Brendan. Nang sulyapan niya ito saglit, sinamantala ni Monique ang pagkakataon—kumawala siya at patakbong sumakay sa paparating na jeep. Paglingon ni Brendan, wala na ito. Kumunot ang kanyang noo at napakuyom ang kanyang kamao. That scent... that attitude... Siya 'yon.
Ilang segundo pa ay tumawag na muli si William. "Sir Brendan, nakita na po namin ang CCTV, pero naka-face mask po ang housekeeper. Dalawa lang po ang naka-assign sa floor na 'yon kagabi: sina Stella Morales at Monique Santos."
"Monique Santos," ulit ni Brendan nang may diin at ngisi sa labi. "M.S. Alam ko na."
Agad niyang tinawagan ang Human Resources. "Ito si Brendan Miller. Ipadala mo sa opisina ko ang 201 file ni Monique Santos. Ngayon din."
"A-ay, Sir Brendan, kaka-resign lang po niya kaninang umaga. Nagmamadali nga po at uuwi raw ng probinsya."
Nagdilim ang mukha ni Brendan. "I didn't ask if she resigned. Send me her file, her address, and her contact number in five minutes. Move."
Samantala, pagbaba ni Monique sa jeep, ilalabas pa lamang niya ang kanyang cellphone nang bigla itong hablutin ng isang snatcher at sumakay sa naghihintay na motorbike.
"Tulong! Ang phone ko!" sigaw niya, ngunit huli na ang lahat.
Umiiyak at nanlulumong umuwi si Monique sa kanyang inuupahang apartment. Pagdating doon, nakahinga siya nang maluwag nang makitang gumagana pa ang luma niyang keypad phone. Ngunit bigla itong tumunog—ang landlady niyang si Aling Imelda.
"Hoy, Monique! Dalawang buwan ka nang delayed sa upa! Nagamit mo na rin ang deposito mo! Kung wala kang pambayad ngayon, magbalot ka na! Mamayang alas-siyete, dapat wala ka na diyan!"
"Aling Imelda, nawalan po ako ng trabaho kanina at na-snatch pa ang phone ko. Baka pwede pong—"
"Wala akong pakialam! Lumayas ka na diyan!"
Tulo ang luhang nagbalot ng gamit si Monique. Mabuti na lamang at may natira pa siyang kaunting ipon upang makabili ng tiket ng bus pauwi sa Laguna.
Sa opisina naman, nakakunot ang noo ni Brendan habang hawak ang 201 file ni Monique. Nabasa ng kape ang 2x2 picture nito kaya malabo ang mukha, ngunit sapat na ang nakasulat na address sa Sampaloc. Tinawagan niya ang numero ng dalaga ngunit cannot be reach na ito.
"Trying to hide from me, Monique? Bad move," malamig niyang sambit.
Hindi na siya naghintay pa ng gabi. Pinakansela niya ang iba niyang appointments at siya mismo ang nagmaneho patungong Sampaloc. Habang nakatigil sa traffic sa kahabaan ng EDSA, napahinto ang kanyang mamahaling kotse katabi ng isang pampasaherong bus.
Napatingin si Monique mula sa bintana ng bus at nanlaki ang mga mata nang makita si Brendan sa loob ng sasakyan. Nagtama ang kanilang mga paningin sa pagitan ng salamin. Tila may kuryenteng bumalot sa kanila—matalim at nag-aangkin ang tingin ni Brendan, habang gulat at hindi makagalaw si Monique. Ngunit biglang nag-berde ang traffic light at magkasalungat na umandar ang kanilang mga sasakyan.
"Damn it! Siya nga 'yon!" bulalas ni Brendan nang makilala ang babaeng muntik nang masagasaan kanina.
Pagdating niya sa Sampaloc, agad niyang pinuntahan ang address ng dalaga, ngunit nakakandado na ito.
"Wala na pong tao diyan, sir! Pinaalis na ng landlady, umuwi na raw po sa probinsya!" sigaw ng isang kapitbahay.
Sa halip na manlumo, mas lalong tumalim ang tingin ni Brendan. Humigpit ang hawak niya sa pilak na bracelet at kinuha ang kanyang cellphone upang tawagan ang kanyang head of security.
"I want a full background check on Monique Santos—find out what province she's from, where her family lives, everything. Use every connection we have. I want her location on my desk before sunrise tomorrow."
Ibinaba niya ang tawag at sumandal sa kanyang kotse nang may determinadong ngisi.
"Hindi mo kinuha ang tseke ko, tinakbuhan mo ako, at nagawa mo pang magtaray sa akin," bulong niya sa hangin. "Magtago ka na hangga't kaya mo, Monique. Dahil sa oras na mahanap kita, hinding-hindi ka na makakawala sa akin."
"Hmmm, umandar na naman ang kapilyuhan mo, ha!" tawa ni Monique sabay kurot sa pisngi ng binata nang sabihin nitong binigyan niya ng day off ang lahat ng kasambahay. "Magluluto muna ako ng sopas, I'm sure kumpleto ang ingredients mo rito, tapos gagawa na rin ako ng salad.""Magpahinga ka muna at libutin din natin ang mansyon, saka ka magluto—at tutulungan kita," malambing na sabi ni Brendan habang nakapulupot pa rin ang braso sa beywang ng dalaga."Weh, talaga? Tutulungan mo akong magluto?""Oo naman!""Sige, sige, magpapalit muna ako ng pambahay at magha-half bath na rin," nakangiting sagot ni Monique."Okay, pero magsu-swimming tayo mamaya. I assume may dala kang two-piece... yum!" pilyong hirit ni Brendan sabay kindat.Muli siyang kinurot ni Monique sa tagiliran. "Jusko, nananakot ka ba, hahaha!"Matapos magbihis ng komportableng pambahay, inilibot ni Brendan si Monique sa buong mansyon. Namangha ang dalaga sa lawak at garbo ng bawat sulok—mula sa naglalakihang chandelier, malawak
Kinaumagahan, maagang naghanda si Monique para sa kanyang pagbabalik sa Miller’s International Group of Companies. Suot ang isang simpleng cream blouse at black pencil skirt, huminga siya nang malalim habang nakatayo sa harap ng salamin ng condo, marahang hinaplos ang kanyang impis pang tiyan."Kaya natin 'to, baby," bulong niya nang may determinadong ngiti. "Hindi tayo magpapaapi kahit kanino."Gaya ng ipinangako ni Brendan kagabi, sinundo siya nito sa condo patungo sa opisina. Ngunit pagdating nila sa gusali, kinailangan agad pumasok ni Brendan sa isang urgent video conference kasama ang mga investors mula sa Europa, kaya nauna nang naupo si Monique sa kanyang mesa sa executive floor.Tahimik at abala si Monique sa pag-aayos ng mga kontrata nang biglang lumapit sa kanyang mesa si Amanda, may bitbit na isang umuusok na paper cup ng mainit na kape at nakasuot ng isang napakatamis ngunit plastik na ngiti."Good morning, Monique! Welcome back," bati ni Amanda na tila walang anumang nang
Pagbalik sa opisina matapos maihatid si Monique sa condo, agad na pumasok si Brendan sa kanyang pribadong silid nang naglalagablab ang mga mata sa galit. Hindi na siya nag-aksaya ng oras, binuksan niya agad ang security system sa kanyang computer at pinanood ang hidden CCTV footage ng insidente kanina.Kitang-kita roon ang buong pangyayari: ang pagpasok ni Amanda habang nasa board meeting siya, at ang mabilis nitong paglalagay ng brown envelope at flash drive sa ibabaw ng kanyang mesa."Amanda... you've gone way too far, woman," mariin at nakakakilabot na bulong ni Brendan.Agad niyang pinindot ang intercom upang tawagan ang kanyang executive manager. "William, papasukin mo si Amanda sa opisina ko ngayon din!""Opo, Boss," mabilis na sagot ni William sa kabilang linya.Ilang segundo pa ay bumukas ang pinto at pumasok si Amanda nang may matamis na ngiti, na tila walang anumang kasalanang ginawa. "Bren—""Amanda! Panoorin mo 'to!" sigaw ni Brendan sabay pihit ng monitor paharap sa dalag
Mabilis na isinugod ni Brendan si Monique sa St. Paul Hospital. Buhat-buhat niya ang walang malay na dalaga papasok sa Emergency Room, bakas sa mukha ng bilyonaryo ang matinding pag-aalala na ngayon lamang nakita ng kanyang mga tauhan.Habang inaasikaso ng mga nurse si Monique, biglang nag-ring ang cellphone ni Brendan. Nang makita niya ang pangalan ng kanyang ina sa screen, napatiim-bagang siya ngunit sinagot pa rin ito."Brendan, mag-usap tayo. Iwan mo muna ang babaeng 'yan diyan at papuntahin mo si William. Pumunta ka sa mansyon ngayon din. This is not a request, it's an order. Come here right now!" malamig at maawtoridad na utos ni Madam Olivia bago ibinaba ang linya.Napahilamos sa mukha si Brendan at lumapit sa nurse na nagbabantay kay Monique. "Nurse, okay na ba siya?""Unconscious pa po siya, sir, pero stable naman ang kanyang vital signs. Maaaring dahil lang ito sa matinding stress o fatigue. Nagsagawa na kami ng blood tests, ECG, at iba pang laboratory exams. Hintayin lang p
Alas-tres na ng hapon at patuloy pa rin ang mahabang board meeting ni Brendan sa conference room sa kabilang dulo ng executive floor. Samantala, tahimik at seryosong nag-aayos ng mga dokumento sa kanyang mesa si Monique nang biglang tumunog ang kanyang intercom.Nang sagutin niya ito, isang pamilyar at matinis na boses ng babae ang narinig niya sa kabilang linya—si Amanda."Monique, kung gusto mong patunayan na karapat-dapat ka sa posisyon mo riyan, pumasok ka sa opisina ni Brendan ngayon din," malamig at mapanghamong utos ni Amanda. "Nandoon na ang mga confidential files na kailangan niyang pirmahan bago matapos ang meeting. Huwag kang tatanga-tanga."Bago pa makasagot si Monique, naputol na ang linya. Napabuntong-hininga siya at napakagat-labi. Ayaw niyang magkaroon ng dahilan si Amanda para siraan siya sa trabaho, kaya kahit nag-aalinlangan ay tumayo siya at pumasok sa loob ng opisina ni Brendan.Pagpasok niya sa silid, agad niyang napansin ang isang makapal na brown envelope na na
Kinaumagahan, maagang-maaga gumising si Monique upang maghanda ng almusal."Monique, pupunta muna ako ng bayan para mamalengke," paalam ni Tiyang Rosa. "Kung hindi ko na kayo maabutan dahil nagmamadali rin si Brendan, paki-lock na lang ng pinto, ah?""Sige po, Tiyang, ingat ka po!""Sige, sige. Ingat din kayo sa pagluwas."Pagkaalis ng tiyahin, umakyat na si Monique sa ikalawang palapag upang gisingin si Brendan. Kumatok siya at pumasok sa silid. "Brendan, gising ka na ba? Luto na ang almusal."Dumilat si Brendan at napangiti nang makita ang dalaga, sabay hawak sa kanyang ulo. "Hmm, Monique, magaling ka ba maghilot? Ang sakit ng ulo ko, eh, pwede mo ba akong hilutin saglit?""Jusko, oo na, wait lang, kunin ko 'yung balm ni Tiyang," sagot ni Monique. Pagbalik niya, nagtanong si Brendan, "Nasaan ba si Tita?""Nagpunta sa bayan.""Talaga?" Biglang nangislap ang mga mata ni Brendan nang marinig iyon."Hilutin na kita," sabi ni Monique at lumapit sa kama upang masahiin ang sentido ng binat







