Home / Romance / The Billionaire's Midnight Mistake / Kabanata 4: Ang Paghingi sa Kamay

Share

Kabanata 4: Ang Paghingi sa Kamay

Author: Gwen Nocturne
last update publish date: 2026-11-24 20:29:17

Hindi pa rin nakakabawi si Monique sa bilis ng tibok ng kanyang puso nang muling magsalita si Brendan, na ngayo'y nakangisi nang may buong kumpiyansa sa sarili.

"Baka naman pwede mo na akong ipakilala sa tiyahin mo? Hihingin ko na ang kamay mo ngayon din," seryoso ngunit mapang-akit na sambit ni Brendan.

Nanlaki ang mga mata ni Monique. "What?! Okay ka lang ba, sir—este, Brendan?! Jusko, huwag mo naman akong binibigla nang ganito!"

"I've never been more serious in my life, baby," bulong ni Brendan bago marahang hinawakan ang kamay ng dalaga at pinagsiklop ang kanilang mga daliri—isang simpleng galaw ngunit puno ng pag-aangkin. "Lead the way, or I'll knock on every door in this barangay until I find your aunt."

"Oo na, tara na nga! Ang kulit mo!" namumulang sagot ni Monique, pilit na itinatago ang kilig sa likod ng pagtataray.

Pagdating sa kanilang maliit ngunit maaliwalas na bahay, agad na tumawag si Monique. "Tiyang! Tiyang, nandito na po ako!"

Lumabas mula sa kusina ang kanyang Tiyang Rosa habang nagpupunas ng kamay sa apron. Natigilan ang matanda nang makita ang matangkad, mestiso, at napakakisig na lalaking nakatayo sa tabi ng kanyang pamangkin—na nakasuot pa ng mamahaling designer polo at relo na halatang milyones ang halaga.

"O, Monique, sino 'yang kasama mo? Pasok kayo! Napakagwapo naman ng bisita mo, artista ba 'yan?" gulat na tanong ni Tiyang Rosa.

Agad na lumapit si Brendan at magalang na nagmano sa matanda—isang bagay na ikinagulat ni Monique dahil hindi niya inakalang marunong magmano ang isang bilyonaryong lumaki sa Amerika.

"Hello po, Tita. Magandang hapon po," magalang ngunit may awtoridad na bati ni Brendan.

"A-ah, siya po si sir... ahh, si Brendan po. May-ari ng hotel na pinapasukan ko sa Maynila," pagpapakilala ni Monique habang kinakabahan.

"Haaaa?!" nanlaki ang mga mata ni Tiyang Rosa at agad na tiningnan nang masama ang pamangkin. "O, bakit ka po napadaan dito, sir? Ang layo po ng lugar namin! May atraso po ba 'tong pamangkin ko? Naku, anong ginawa mo, iha?! Kaya ka ba nag-resign agad ay dahil may nagawa kang kasalanan sa hotel?!"

"Naku, Tita, wala po!" mabilis na depensa ni Brendan sabay akbay nang marahan sa beywang ni Monique, dahilan upang mapasinghap ang dalaga. "Mabait at napakasipag pong empleyado ni Monique. Ang totoo po niyan, kaya ako nandito ay—"

Pasimpleng kinurot ni Monique ang matigas na tagiliran ni Brendan upang pigilan ito. "A-ahh, Tiyang! Ang ibig niya pong sabihin, nangangamusta lang po siya kung okay ako. Hindi po kasi ako nakapagpaalam nang maayos noong nag-resign ako."

Napangisi si Brendan sa tapang ng dalaga, ngunit hindi niya tinanggal ang kanyang braso sa beywang nito. "Opo, tama po siya. At bukod doon, Tita... malapit po kasi kami sa isa't isa, kahit na boss niya ako."

Napakunot ang noo ni Tiyang Rosa. "Ah, ganoon ba? Hindi kaya nasisilip kayo sa hotel ng mga nagtatrabaho roon kaya bigla siyang umalis?"

"Hindi naman po, Tita," sagot ni Brendan bago seryosong tiningnan ang matanda. "Ang totoo, nandito ako dahil gusto ko sanang bumalik siya sa kumpanya namin—pero hindi na bilang housekeeper. Nakita ko sa records niya na nakapagtapos pala siya ng HRM. May mga bakanteng posisyon kami sa front desk o admin staff na mas babagay sa kakayahan niya."

"Nakakahiya naman, Brendan... baka magulat ang mga kasamahan ko," mahinang tutol ni Monique.

"No, of course not," matatag na sagot ni Brendan. "Nakita ko ang credentials mo at mataas ang mga grades mo. You deserve a better position."

Biglang ibinaba ni Brendan ang kanyang mukha malapit sa tainga ni Monique at bumulong nang paos at mapang-akit, "Actually, pwede nga sa mansyon ka na lang at huwag ka nang magtrabaho... basta magkasama lang tayo araw-araw."

Namula nang husto ang leeg hanggang mukha ni Monique. Muli niyang kinurot nang patago ang braso ng binata. "Huyyy! Tumigil ka nga!" mahinang sita niya ngunit hindi niya mapigilan ang pagngiti.

Napangiti si Tiyang Rosa nang makita ang kakaibang kislap sa mata ng dalawa. "Siya, siya, maupo muna kayo at kumain ng meryenda. Nagluto ako ng ginataang bilo-bilo. Tikman mo, iho, kumakain ka ba niyan?"

"Hmm, hindi pa po ako nakakakain niyan, Tita, pero sige po, titikman ko," nakangiting sagot ni Brendan.

"At eto pa, may kapartner na lumpiang toge. Kumakain ka ba niyan?"

"Never po, pero mukhang masarap," sagot ni Brendan. Nang tikman niya ang ginataang bilo-bilo at lumpiang toge, agad nanlaki ang kanyang mga mata sa sarap. "Hmm! Ang sarap naman nito, Tita!"

"Naku, Brendan, kung hindi mo naitatanong, mas masarap pang magluto itong si Monique!" pagmamalaki ni Tiyang Rosa.

Agad na lumingon si Brendan kay Monique nang may makahulugang ngiti. "Talaga ba? Tamang-tama pala. Pagbalik mo sa Maynila, ipagluto mo ako."

"Sure, walang problema... kaso, wala na akong tirahan doon. Pinaalis na ako sa apartment ko," malungkot na sabi ni Monique.

"Huwag kang mag-alala," walang pag-aalinlangang sagot ni Brendan. "Sa mansyon ko ikaw titira."

"Haaaa?!" halos sabay na bulalas nina Monique at Tiyang Rosa.

"Naku, hindi pwede! Ano na lang ang sasabihin ng mga tao?!" tutol ni Monique.

"Walang nakatira roon, promise," seryosong sabi ni Brendan habang nakatitig nang malalim sa mga mata ng dalaga. "Ako lang at ang mga kasambahay. At para walang masabi ang kahit sino, Tita..."

Huminga nang malalim si Brendan, ibinaba ang platito, at tumingin nang diretso at buong sinseridad kay Tiyang Rosa.

"Okay lang po ba sa inyo? Ang totoo po... gusto ko sanang pakasalan si Monique."

Nabitawan ni Tiyang Rosa ang hawak niyang kutsara. "Haaaa?! Pagkabilis mo naman, iho! Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Baka naman magulat ang mga magulang mo at hindi matanggap ang pamangkin ko dahil mahirap lang kami!"

Tumayo si Brendan at tumayo nang tuwid, ipinapakita ang buong awtoridad ng isang lalaking sanay magdesisyon para sa kanyang sarili.

"Naku, Tita, tatlumpu't walo na po ako. Wala na po ang ama ko at ako ang nasusunod sa buhay at puso ko," matatag at maawtoridad na pahayag ni Brendan bago muling tiningnan si Monique nang may matinding pagnanasa at lambing. "Iyon ay... kung papayag si Monique."

Napalunok si Monique, pakiramdam niya ay sasabog ang kanyang dibdib sa kaba at kilig. Nag-iwas siya ng tingin at nagkunwaring mataray upang pagtakpan ang panlalambot ng kanyang mga tuhod.

"H-hindi ako sure diyan! Maghahanap na lang ako ulit ng mauupahan sa Maynila, no!"

Sumilay ang isang mapanghamong ngisi sa labi ni Brendan. Lumapit siya nang bahagya at bumulong, sapat upang silang dalawa lamang ang makarinig:

"Try me, Monique. Tingnan natin kung sino ang mananalo."

Hindi na nagpatumpik-tumpik si Brendan. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang driver upang magpabili ng mga damit na pampalit, panloob, at mga toiletries dahil nagdesisyon na siyang doon magpalipas ng gabi.

"Tita, okay lang po ba na dito muna ako magpalipas ng gabi para bukas, sabay na kaming luluwas ni Monique patungo sa titirhan niyang unit sa Maynila? Mas malapit po kasi iyon sa hotel," magalang ngunit maawtoridad na paalam ni Brendan.

"Naku, nakakahiya naman, iho, napakaliit lang ng kwarto namin dito," alanganing sagot ni Tiyang Rosa. "Sige, ganito na lang—tabi na lang kami ni Monique sa kwarto ko sa ibaba, at doon ka na lang sa kwarto niya sa itaas matulog."

"Ah, okay po, Tita! Akala ko tabi kami ni Monique, hehe... joke lang!" nakangising biro ni Brendan.

Nanlaki ang mga mata ni Monique sa gulat at hiya, samantalang kinindatan lamang siya ni Brendan nang may nakakalokong ngiti.

Samantala, kanina pa pala nagva-vibrate ang cellphone ni Brendan—tawag nang tawag si Amanda. Kumunot ang noo ng binata nang makita ang pangalan nito sa screen.

"I'll just take this call po, excuse me," paalam ni Brendan bago lumabas saglit sa beranda upang sagutin ang tawag.

"Hello, Amanda? Anong problema?" malamig niyang bungad.

"Where are you, Brendan?! Don't you remember na mag-uusap ang parents ko at si Tita Olivia tungkol sa engagement natin?!" matinis na sigaw ni Amanda sa kabilang linya.

"Engagement? What?! Are you insane?! Sinong may sabi na may engagement na magaganap, ha?"

"I'm your fiancée, at 'yan ang agreement ng Sanchez at Miller para sa partnership ng negosyo, remember?! Gosh, I'm thirty-two and I've been waiting for you for years na!"

"Waiting for what?! I don't love you, and I don't even like you!" putol ni Brendan sa nakakakilabot na lamig ng boses. "Teka, teka—may atraso ka pa sa akin, baka nakakalimutan mo. You drugged my wine nights ago, tama?"

"What?! What are you telling me now? Bakit mo ako pinagbibintangan, ha?!" tarantang depensa ni Amanda.

"Haha, CCTV will never lie, woman! Pumasok ka sa penthouse ko nang gabing 'yon at umaga na lumabas. So, what's that?"

"A-ahmm... yes, I was actually searching for you everywhere, and I slept there kasi kakahintay sa'yo! Hindi ko alam kung saan ka nagpunta!"

"Oh, really? Waiting while wearing a very, very sexy night dress? Para saan, Amanda? Brendan, I love you for years, please pakasal na tayo? Go to hell, Amanda! I won't! And stop calling me!"

Binagsakan ni Brendan ng telepono ang dalaga.

Sa kabilang linya, nanginginig sa matinding galit at kahihiyan si Amanda. "Grrr! Hayup ka, Brendan! You always humiliate me! Hindi ako papayag nang basta-basta ganito!"

Hindi tumigil si Amanda. Agad siyang tumawag sa mansyon ng mga Miller at nakausap ang mayordoma.

"Hello, Lisa, nasaan ang Sir Brendan mo?"

"Ah, ma'am, saglit po, kausapin niyo na lang si Mang Mario, 'yung driver niya."

"Hello, ma'am?" sagot ni Mang Mario.

"Mario, nasaan si Brendan?!"

"Ah, eh, galing po kami ng Calamba para bisitahin ang farm, ma'am. Nagpaiwan po siya rito sa Canlubang kay Monique."

Natigilan si Amanda. "Monique? Who the hell is Monique?!"

"Dati pong empleyado raw ng hotel, ma'am. Pinuntahan niya po at doon po raw siya magpapalipas ng magdamag."

"What?! Sige, salamat, Mario."

Nanggagalaiting ibinaba ni Amanda ang tawag. "Monique... Sino kang Monique ka, at anong relasyon mo kay Brendan?!" Agad niyang tinawagan ang Human Resources ng hotel upang mag-imbestiga.

"Hello, HR please. Hi, this is Amanda Sanchez."

"Oh, Ma'am Amanda! Ano pong sadya niyo?"

"Hmm, may employee ba ang hotel na named Monique?"

"Ah, opo, ma'am! Si Monique Santos po. Dating trainee tapos naging regular housekeeper po, pero nag-resign na po siya noong nakaraan at umuwi ng probinsya."

Nanlaki ang mga mata ni Amanda sa nalaman. "Housekeeper?!"

"Yes, ma'am."

"Hmm, okay, thanks." Binaba ni Amanda ang telepono habang nanlilisik ang mga mata. "What is this, Brendan?! Ipagpapalit mo ako sa isang hamak na tagalinis ng hotel?! Seryoso ka ba?! Hindi ito pwede... Humanda kayo sa akin!"

Samantala, sa Canlubang, payapa at masayang naghahanda ng hapunan si Monique. Ipinagluto niya si Brendan ng mainit na bulalo at malutong na pritong tawilis na may masarap na sawsawan.

"Kain na tayo! Ayan, luto ko 'yan, ah," nakangiting sabi ni Monique pagkalapag ng mga ulam sa mesa.

Lumapit si Brendan at suminghot sa bango ng pagkain. "Hmm, ang bango! OMG, ang sarap mo... este, ang sarap ng luto mo, Monique! Lalo mo akong pinapaibig."

Nanlaki ang mga mata ni Monique habang namumula ang pisngi, samantalang halatang kinikilig naman ang kanyang tiyahin.

"Jusko, bagay na bagay kayo!" tawa ni Tiyang Rosa.

"Talaga, Tita?" nakangising sakay ni Brendan.

"Tiyang, kumain na lang kayo, hmmp!" saway ni Monique upang pagtakpan ang kilig.

Pagkatapos maghapunan, inihanda na ni Monique ang kwarto niya sa itaas para kay Brendan. "Brendan, ready na ang kwarto. Pasensya na, walang aircon, ah, pero sobrang lamig naman dito sa probinsya kaya huwag kang mag-alala."

"Okay lang, mas gusto ko nga mag-init, hahaha!" pilyong sagot ni Brendan.

Dinampot ni Monique ang isang unan at ipinukpok sa braso ng binata. "Bastos!"

Papalabas na sana ng p***o si Monique nang bigla siyang yakapin ni Brendan mula sa likod at marahang hinalikan sa leeg. "I miss you, babe..."

"Huyyy! Si Tiyang nasa kabila lang, wag kang ano diyan!" pabulong na saway ni Monique habang pinipigilang mapasinghap sa kiliti at init ng halik nito.

"Sige na, saglit lang. Pa-kiss na lang," paos na bulong ni Brendan.

"Haaa?!" Bago pa makasagot ang dalaga, iniharap na siya ni Brendan at siniil ng isang napakainit at malalim na halik. Napakapit si Monique sa matipunong balikat ng binata habang nalulunod sa tamis ng halik nito.

"Hmmm... miss na miss kita nang sobra, Monique..." bulong ni Brendan sa pagitan ng kanilang mga labi.

Biglang napatigil ang dalawa nang marinig ang boses ni Tiyang Rosa mula sa ibaba. "Monique! Paki-hilot saglit ang likod ko, sumasakit, eh!"

"Tiyang, papunta na po!" sigaw ni Monique sabay tulak nang marahan kay Brendan.

"Sige, Tiyang. Bukas nga pala, uuwi na ang Ate Dory mo kaya may makakasama na ako rito. Okay lang na lumuwas ka na," sabi ng matanda nang makababa ang dalaga.

"Sige po, Tiyang, 'yun nga po ang iniisip ko. Goodnight na po!"

Pagbalik ni Monique sa taas upang isara ang p***o ng kwarto ni Brendan, nakaharang na naman ang binata sa pintuan. "Isa pang kiss na lang."

"Tumigil ka! Ikiskis mo sa pader!" mataray na sagot ni Monique sabay sarado ng p***o.

"Napakasuplada naman nito! Goodnight, babe!" natatawang sigaw ni Brendan mula sa loob.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Midnight Mistake   Kabanata 10: Gabi sa Paraiso at ang Paglusob sa Mansyon

    "Hmmm, umandar na naman ang kapilyuhan mo, ha!" tawa ni Monique sabay kurot sa pisngi ng binata nang sabihin nitong binigyan niya ng day off ang lahat ng kasambahay. "Magluluto muna ako ng sopas, I'm sure kumpleto ang ingredients mo rito, tapos gagawa na rin ako ng salad.""Magpahinga ka muna at libutin din natin ang mansyon, saka ka magluto—at tutulungan kita," malambing na sabi ni Brendan habang nakapulupot pa rin ang braso sa beywang ng dalaga."Weh, talaga? Tutulungan mo akong magluto?""Oo naman!""Sige, sige, magpapalit muna ako ng pambahay at magha-half bath na rin," nakangiting sagot ni Monique."Okay, pero magsu-swimming tayo mamaya. I assume may dala kang two-piece... yum!" pilyong hirit ni Brendan sabay kindat.Muli siyang kinurot ni Monique sa tagiliran. "Jusko, nananakot ka ba, hahaha!"Matapos magbihis ng komportableng pambahay, inilibot ni Brendan si Monique sa buong mansyon. Namangha ang dalaga sa lawak at garbo ng bawat sulok—mula sa naglalakihang chandelier, malawak

  • The Billionaire's Midnight Mistake   Kabanata 9: Ang Patibong sa Opisina at ang Simula ng Pagsasama

    Kinaumagahan, maagang naghanda si Monique para sa kanyang pagbabalik sa Miller’s International Group of Companies. Suot ang isang simpleng cream blouse at black pencil skirt, huminga siya nang malalim habang nakatayo sa harap ng salamin ng condo, marahang hinaplos ang kanyang impis pang tiyan."Kaya natin 'to, baby," bulong niya nang may determinadong ngiti. "Hindi tayo magpapaapi kahit kanino."Gaya ng ipinangako ni Brendan kagabi, sinundo siya nito sa condo patungo sa opisina. Ngunit pagdating nila sa gusali, kinailangan agad pumasok ni Brendan sa isang urgent video conference kasama ang mga investors mula sa Europa, kaya nauna nang naupo si Monique sa kanyang mesa sa executive floor.Tahimik at abala si Monique sa pag-aayos ng mga kontrata nang biglang lumapit sa kanyang mesa si Amanda, may bitbit na isang umuusok na paper cup ng mainit na kape at nakasuot ng isang napakatamis ngunit plastik na ngiti."Good morning, Monique! Welcome back," bati ni Amanda na tila walang anumang nang

  • The Billionaire's Midnight Mistake   Kabanata 8: Ang Huling Babala at ang Tamis ng Kare-Kare

    Pagbalik sa opisina matapos maihatid si Monique sa condo, agad na pumasok si Brendan sa kanyang pribadong silid nang naglalagablab ang mga mata sa galit. Hindi na siya nag-aksaya ng oras, binuksan niya agad ang security system sa kanyang computer at pinanood ang hidden CCTV footage ng insidente kanina.Kitang-kita roon ang buong pangyayari: ang pagpasok ni Amanda habang nasa board meeting siya, at ang mabilis nitong paglalagay ng brown envelope at flash drive sa ibabaw ng kanyang mesa."Amanda... you've gone way too far, woman," mariin at nakakakilabot na bulong ni Brendan.Agad niyang pinindot ang intercom upang tawagan ang kanyang executive manager. "William, papasukin mo si Amanda sa opisina ko ngayon din!""Opo, Boss," mabilis na sagot ni William sa kabilang linya.Ilang segundo pa ay bumukas ang pinto at pumasok si Amanda nang may matamis na ngiti, na tila walang anumang kasalanang ginawa. "Bren—""Amanda! Panoorin mo 'to!" sigaw ni Brendan sabay pihit ng monitor paharap sa dalag

  • The Billionaire's Midnight Mistake   Kabanata 7: Ang Lihim na Dinadala

    Mabilis na isinugod ni Brendan si Monique sa St. Paul Hospital. Buhat-buhat niya ang walang malay na dalaga papasok sa Emergency Room, bakas sa mukha ng bilyonaryo ang matinding pag-aalala na ngayon lamang nakita ng kanyang mga tauhan.Habang inaasikaso ng mga nurse si Monique, biglang nag-ring ang cellphone ni Brendan. Nang makita niya ang pangalan ng kanyang ina sa screen, napatiim-bagang siya ngunit sinagot pa rin ito."Brendan, mag-usap tayo. Iwan mo muna ang babaeng 'yan diyan at papuntahin mo si William. Pumunta ka sa mansyon ngayon din. This is not a request, it's an order. Come here right now!" malamig at maawtoridad na utos ni Madam Olivia bago ibinaba ang linya.Napahilamos sa mukha si Brendan at lumapit sa nurse na nagbabantay kay Monique. "Nurse, okay na ba siya?""Unconscious pa po siya, sir, pero stable naman ang kanyang vital signs. Maaaring dahil lang ito sa matinding stress o fatigue. Nagsagawa na kami ng blood tests, ECG, at iba pang laboratory exams. Hintayin lang p

  • The Billionaire's Midnight Mistake   Kabanata 6: Ang Patibong at ang Pagdating ng Reyna

    Alas-tres na ng hapon at patuloy pa rin ang mahabang board meeting ni Brendan sa conference room sa kabilang dulo ng executive floor. Samantala, tahimik at seryosong nag-aayos ng mga dokumento sa kanyang mesa si Monique nang biglang tumunog ang kanyang intercom.Nang sagutin niya ito, isang pamilyar at matinis na boses ng babae ang narinig niya sa kabilang linya—si Amanda."Monique, kung gusto mong patunayan na karapat-dapat ka sa posisyon mo riyan, pumasok ka sa opisina ni Brendan ngayon din," malamig at mapanghamong utos ni Amanda. "Nandoon na ang mga confidential files na kailangan niyang pirmahan bago matapos ang meeting. Huwag kang tatanga-tanga."Bago pa makasagot si Monique, naputol na ang linya. Napabuntong-hininga siya at napakagat-labi. Ayaw niyang magkaroon ng dahilan si Amanda para siraan siya sa trabaho, kaya kahit nag-aalinlangan ay tumayo siya at pumasok sa loob ng opisina ni Brendan.Pagpasok niya sa silid, agad niyang napansin ang isang makapal na brown envelope na na

  • The Billionaire's Midnight Mistake   Kabanata 5: Bagong Simula at ang Unang Patibong

    Kinaumagahan, maagang-maaga gumising si Monique upang maghanda ng almusal."Monique, pupunta muna ako ng bayan para mamalengke," paalam ni Tiyang Rosa. "Kung hindi ko na kayo maabutan dahil nagmamadali rin si Brendan, paki-lock na lang ng pinto, ah?""Sige po, Tiyang, ingat ka po!""Sige, sige. Ingat din kayo sa pagluwas."Pagkaalis ng tiyahin, umakyat na si Monique sa ikalawang palapag upang gisingin si Brendan. Kumatok siya at pumasok sa silid. "Brendan, gising ka na ba? Luto na ang almusal."Dumilat si Brendan at napangiti nang makita ang dalaga, sabay hawak sa kanyang ulo. "Hmm, Monique, magaling ka ba maghilot? Ang sakit ng ulo ko, eh, pwede mo ba akong hilutin saglit?""Jusko, oo na, wait lang, kunin ko 'yung balm ni Tiyang," sagot ni Monique. Pagbalik niya, nagtanong si Brendan, "Nasaan ba si Tita?""Nagpunta sa bayan.""Talaga?" Biglang nangislap ang mga mata ni Brendan nang marinig iyon."Hilutin na kita," sabi ni Monique at lumapit sa kama upang masahiin ang sentido ng binat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status