Hazielle’s POV"Ma'am Hazielle, may invitation po kayo."Napatingin ako kay Bianca habang inilalapag niya ang isang eleganteng itim na sobre sa ibabaw ng aking mesa."From whom?""De Valtieri Group po."Bahagya akong napataas ng kilay. Una kong napansin ang pangalan ng host.Davian de Valtieri.Nakasulat iyon sa makapal at mamahaling papel, may gintong ukit sa gilid at sagisag ng de Valtieri family sa gitna.“Executive Creative Director,” basa ni Bianca, ang personal assistant ko, habang inilalapag ang invitation sa mesa. “Mukhang hindi ordinaryong event ang pupuntahan natin.”Kinuha ko ang sobre at binasa ang detalye.Aurevayne Grand Ball. Isang pagtitipong dadaluhan ng pinakamayayamang negosyante, matataas na opisyal, kilalang personalidad, at mga kinatawan ng pinakamakapangyarihang pamilya sa bansa.“Hindi talaga ordinaryo ito,” sagot ko.Hindi kung ang host ay si Davian de Valtieri.Ang Aurevayne ay kilala bilang Country of Mafias. Isang moderno at mayamang bansa na may sariling p
Last Updated : 2026-11-25 Read more