Compartilhar

05: The Man Everyone Fears

last update Data de publicação: 2026-11-25 03:14:48

Hazielle’s POV

Hindi ko kailangang itanong kung sino ang pinakamakapangyarihang taong naroon.

Sapat nang pagmasdan ang reaksyon ng mga bisita nang tuluyang lumapit si Davian de Valtieri sa gitna ng bulwagan. Unti-unting humina ang mga pag-uusap. May ilang nag-ayos ng kanilang postura, habang ang iba naman ay agad na nag-abot ng kamay sa kaniya.

“Mr. de Valtieri,” bati ng isang lalaking nakasuot ng mamahaling tuxedo.

Bahagyang tumango si Davian. “Good evening, Mr. Albrecht.”

“An honor to be invited to your event.”

“The pleasure is mine.”

Maikli. Magalang. Walang labis na emosyon.

Gayunpaman, tila sapat na ang ilang salitang iyon upang mapasaya ang lalaki.

Napahigop ako ng inumin.

Interesting.

Sa mundong ginagalawan ko, sanay akong makakita ng mga taong nag-aagawan sa atensiyon ng mga makapangyarihan. Ngunit iba ang eksenang ito. Hindi lamang paghanga ang nakikita ko sa mga bisita.

May pag-iingat. May takot.

At marahil, may kaunting pagnanais na huwag mapasama sa listahan ng mga taong hindi dapat galitin si Davian de Valtieri.

“Hindi ka ba lalapit para batiin ang host?” tanong ni Bianca habang nakatayo sa tabi ko.

Umiling ako. “Nasa gitna siya ng mga bisita. Hindi ko kailangang makipagsiksikan.”

“Pero client natin siya.”

“Exactly. Client. Hindi ko kailangang maging isa sa mga taong nakapaligid sa kaniya.”

Napangiti si Bianca. “You really don't care, do you?”

“About what?”

“About impressing him.”

Tiningnan ko siya bago muling ibinalik ang tingin sa ballroom.

“I'm here to do my job, Bianca.”

At iyon ang totoo.

Hindi ko kailangang magpakitang-gilas sa isang lalaking kayang bumili ng kalahati ng mga establisimiyentong pinupuntahan ko. Hindi ko rin kailangang makipagkompetensiya sa mga babaeng halos hindi na mapakali sa paghihintay na mapansin niya.

“Miss Bernessa!”

Napalingon ako nang tawagin ako ng isang lalaki mula sa Events Committee. Agad akong ngumiti at lumapit upang kausapin siya tungkol sa coverage ng programa.

Samantala, sa kabilang bahagi ng bulwagan, may isang pares ng matang hindi inalis ang tingin sa akin.

-

Third Person’s POV

“Mr. de Valtieri?”

Bahagyang lumingon si Davian nang tawagin siya ng isa sa kaniyang mga tauhan.

“Everything is prepared, sir,” mahinang sabi nito.

Tumango siya, ngunit nanatili ang kaniyang tingin sa babaeng nakikipag-usap sa Events Committee.

“Who is she?” tanong ni Davian.

Sinundan ng lalaki ang kaniyang paningin.

“Miss Hazielle Bernessa. Executive Creative Director ng ÉLAN Media Group. Siya ang namamahala sa campaign natin.”

Bahagyang kumunot ang noo ni Davian. “Bernessa,” pag-uulit pa nito. Kilala niya ang babaeng iyon.

“Yes, sir.”

Naalala niya ang babaeng walang pag-aalinlangang sumalungat sa kaniya sa meeting. Ang babaeng hindi nag-atubiling tawaging arrogance ang kaniyang pagdududa sa proposal nito.

At ngayon, naroon siya sa ball.

Hindi nakapaligid sa kaniya ang mga tao. Hindi rin siya naghahanap ng pagkakataong makipag-usap sa mga kilalang pangalan sa silid.

Tila mas interesado pa itong kausapin ang mga miyembro ng Events Committee kaysa makuha ang atensiyon ng host.

Interesting.

“She's not approaching you,” komento ng isang lalaking lumapit sa kaniya.

Tumingin si Davian sa kaniya. “Should she?”

Napatawa nang alanganin ang lalaki. “Well, most people would.”

“Then perhaps most people should find something better to do," tugon naman ni Davian saka tiningnan nang masinsinan ang kausap.

Hindi na nakasagot ang lalaki.

Muling ibinalik ni Davian ang kaniyang pansin kay Hazielle.

-

Hazielle’s POV

“Miss Bernessa, may I have a moment?”

Napalingon ako nang marinig ang boses na pamilyar na sa akin. Nakatayo sa harap ko si Davian. Napatingin ako sa kaniya bago bahagyang itinuwid ang aking postura.

“Mr. de Valtieri,” bati ko sa lalaking nakatayo sa harap ko. Naaamoy ko ang matapang na amoy ng pabango niya.

“Enjoying the evening?” pangangamusta niya.

Tumango ako saka ngumiti. “Quite. Your event is impressive.”

“Only impressive?” Parang na-disappoint pa siya.

Sorry, Davian. I hate apologizing.

“Would you prefer extraordinary?”

Bahagyang umangat ang sulok ng kaniyang labi. “I would prefer an honest answer.”

“Then I suppose impressive is already a compliment.”

Napahinto ang lalaking kasama niya. Mabilis nitong itinago ang reaksiyon, ngunit hindi ko napalampas ang bahagyang pagtaas ng kilay nito.

Si Davian naman ay tila naaaliw.

“You haven't changed,” sabi niya.

“Neither have you, apparently,” I pointed out.

“Is that a complaint?” paglilinaw niya kahit alam niyang biro lang,

“An observation.”

Saglit siyang natahimik bago tumingin sa hawak kong baso. “Are you enjoying the champagne?”

“It's fine.”

“Just fine?”

“I'm beginning to think you have a problem with ordinary compliments, Mr. de Valtieri,” biro ko sa kaniya. 

Hindi ko inaakalang ngingiti siya sa mga jokes ko, pero laking gulat ko nang bigla itong ngumiti. At nakakainis man aminin, mas lalong naging kapansin-pansin ang kaniyang mukha.

“Perhaps I simply expect better answers from you, Miss Bernessa,” saad niya habang nakangisi. Inayos niya ang pagkakatali ng kaniyang bow tie. 

Ang cute sana kung hindi ganitong katikas ang kaharap ko.

“Then you should ask better questions.”

Napailing siya nang bahagya.

Sa paligid namin, unti-unti nang napapalingon ang ilang bisita. Hindi ko kailangang makita ang kanilang mga mukha upang malaman na pinag-uusapan na nila ang eksenang ito.

Hindi araw-araw na nakikitang nakikipagpalitan ng salita si Davian de Valtieri sa isang babaeng hindi kabilang sa pinakamakapangyarihang pamilya sa bansa.

Lalo na kung ang babaeng iyon ay hindi naman mukhang natatakot sa kaniya.

“Excuse me, Miss Bernessa,” sabi ng isang babae na lumapit sa amin. “Mr. de Valtieri, may I speak with you?”

“Later,” malamig na sagot ni Davian.

Natigilan ang babae bago pilit na ngumiti. “Of course.”

Pagkaalis nito, ibinalik ko ang tingin sa kaniya.

“Popular tonight, aren't you?”

“I'm the host.”

“An understandable explanation.”

Tumingin siya sa akin nang ilang segundo. Pagkatapos, bahagya siyang lumapit at inilahad ang isa niyang kamay. “Miss Bernessa.”

Napatingin ako sa palad niya. “Ano ‘yan, Mr. de Valtieri?”

“May I have this dance?” tanong niya.

Biglang tila tumigil ang ingay sa paligid namin. Bumilis ang takbo ng puso ko, tila gustong kumawala mula sa dibdib ko. Ramdam ko rin ang daliang pag-akyat ng dugo sa mukha ko dahilan para mamula ang mga pisngi ko.

Shit, sana hindi niya napapansin ‘to. Bakit nga ba ganito ang reaksyon ko?

Napalingon ang mga bisita. May ilang napahinto sa pag-uusap, habang ang iba ay hayagang nakatitig sa aming dalawa.

Hindi ko kailangang tumingin sa likod ko upang malaman na halos buong bulwagan ay naghihintay sa magiging sagot ko.

Dahil si Davian de Valtieri, ang lalaking halos walang nangangahas lapitan, ay nakatayo sa harap ko.

At hinihingi niya ang aking kamay.

Sa harap ng lahat.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • MF1: Cinderella is Married to the Mafia Don   05: The Man Everyone Fears

    Hazielle’s POVHindi ko kailangang itanong kung sino ang pinakamakapangyarihang taong naroon.Sapat nang pagmasdan ang reaksyon ng mga bisita nang tuluyang lumapit si Davian de Valtieri sa gitna ng bulwagan. Unti-unting humina ang mga pag-uusap. May ilang nag-ayos ng kanilang postura, habang ang iba naman ay agad na nag-abot ng kamay sa kaniya.“Mr. de Valtieri,” bati ng isang lalaking nakasuot ng mamahaling tuxedo.Bahagyang tumango si Davian. “Good evening, Mr. Albrecht.”“An honor to be invited to your event.”“The pleasure is mine.”Maikli. Magalang. Walang labis na emosyon.Gayunpaman, tila sapat na ang ilang salitang iyon upang mapasaya ang lalaki.Napahigop ako ng inumin.Interesting.Sa mundong ginagalawan ko, sanay akong makakita ng mga taong nag-aagawan sa atensiyon ng mga makapangyarihan. Ngunit iba ang eksenang ito. Hindi lamang paghanga ang nakikita ko sa mga bisita.May pag-iingat. May takot.At marahil, may kaunting pagnanais na huwag mapasama sa listahan ng mga taong h

  • MF1: Cinderella is Married to the Mafia Don   04: An Invitation to the Lion's Den

    Hazielle’s POV"Ma'am Hazielle, may invitation po kayo."Napatingin ako kay Bianca habang inilalapag niya ang isang eleganteng itim na sobre sa ibabaw ng aking mesa."From whom?""De Valtieri Group po."Bahagya akong napataas ng kilay. Una kong napansin ang pangalan ng host.Davian de Valtieri.Nakasulat iyon sa makapal at mamahaling papel, may gintong ukit sa gilid at sagisag ng de Valtieri family sa gitna.“Executive Creative Director,” basa ni Bianca, ang personal assistant ko, habang inilalapag ang invitation sa mesa. “Mukhang hindi ordinaryong event ang pupuntahan natin.”Kinuha ko ang sobre at binasa ang detalye.Aurevayne Grand Ball. Isang pagtitipong dadaluhan ng pinakamayayamang negosyante, matataas na opisyal, kilalang personalidad, at mga kinatawan ng pinakamakapangyarihang pamilya sa bansa.“Hindi talaga ordinaryo ito,” sagot ko.Hindi kung ang host ay si Davian de Valtieri.Ang Aurevayne ay kilala bilang Country of Mafias. Isang moderno at mayamang bansa na may sariling p

  • MF1: Cinderella is Married to the Mafia Don   03: Cinderella's Career

    Hazielle’s POVHindi ko kailangang maging asawa ni Kit Vale para magkaroon ng magandang buhay.Iyon ang una kong naisip habang nakatayo sa harap ng salaming pader ng opisina ko. Dalawang taon bago ang kamatayan ko, at marami pa akong pagkakataong baguhin ang buhay na minsan kong hinayaang kontrolin ng ibang tao.Ngayon, sisiguraduhin kong hindi na mauulit iyon."Ma'am Hazielle!" hinihingal tawag ni Bianca mula sa hallway. "Nandito na po ang client ninyo."Napatingin ako sa relo ko. "Already?""Yes, Ma'am. Nasa conference room na po sila."Tumango ako at kinuha ang tablet. "Let's not keep them waiting."Hindi ko inaasahang ang pinakamahalagang meeting ko ngayong araw ay makakasama ang isa sa pinakamakapangyarihang negosyante sa Aurevayne.Davian de Valtieri.Pagpasok ko sa conference room, agad kong napansin ang lalaking nakaupo sa pinakadulong bahagi ng mesa.Hindi ko agad napansin ang kulay ng kaniyang suit. Ang una kong napansin ay kung paano ito bumagay sa kaniya—parang hindi laman

  • MF1: Cinderella is Married to the Mafia Don   02: Ang Ikalawang Pagkakataon

    Hazielle’s POVMadilim.Iyon ang huling naaalala ko.Ang nakangiting mukha ni Yzara. Ang malamig na tingin ni Kit. At ang pakiramdam na unti-unting nawawala ang lahat sa paligid ko.Ngunit bakit?Bakit nakahiga ako ngayon sa sarili kong kama?Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Pamilyar ang kisame, ang mga kurtinang kulay champagne, at ang mga muwebles sa paligid.Agad akong napaupo at hinawakan ang dibdib ko."Nasaan ako?" bulong ko habang kinakapa ang sarili.Wala akong nararamdamang kakaiba. Mabilis kong inabot ang cellphone sa bedside table.Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang petsa.Dalawang taon bago ang ako patayin ng dalawang taksil."Hindi maaari..." Napahawak ako sa bibig. Nababaliw na ata ako!Binuksan ko ang gallery at sunod-sunod na tiningnan ang mga larawan. Mas bata ang mukha ko. Wala pa akong singsing sa daliri. Buhay pa ako.Bumalik ako. Bumalik ako sa panahong hindi pa nangyayari ang lahat!At alam ko kung anong araw ngayon. Ito ang araw na magpo-propose s

  • MF1: Cinderella is Married to the Mafia Don   01: Ang Babaeng Pinagtaksilan

    Hazielle’s POV Hindi ko inakalang sa mismong araw ng aming anibersaryo ko matutuklasan ang pagtataksil ng asawa ko. Bitbit ang isang kahon ng paborito niyang triple chocolate cake at isang mamahaling relo, nakatayo ako sa harap ng penthouse namin ni Kit Vale. Ilang linggo ko ring pinag-ipunan ang regalo. Gusto ko kasing maging espesyal ang gabing ito, lalo na't nitong mga nakaraang buwan ay halos hindi na kami nagkakasabay ng asawa ko. Abala siya sa kaniyang mga proyekto, samantalang ako naman ay nakatuon sa trabaho ko bilang Executive Director ng Lifestyle Division ng ÉLAN Media Group. Pero kahit ganoon, sinisiguro kong nabibigyan ko siya ng oras. "Surprise," nakangiting bulong ko habang marahang itinutulak ang pintuan. Nae-excite na kasi akong makita ang reaksyon ni Kit! Hindi ko na kinailangang gumamit ng susi dahil bahagyang nakabukas iyon. "Kit?" tawag ko sa pangalan niya, ngunit walang sumagot. Inilapag ko muna ang mga dala ko sa mesa at naglakad patungo sa sala. May dala

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status