Isang trahedya ang nagpabago sa buhay ni Lexxeignne. Naging instant multi-billionaire ito agad ng ipamana sa kanya ang lahat ng mga ari-arian ng kanyang amo ng ito ay maaksidente. Wala siyang nagawa kundi ang tanggapin ang napakabigat na responsibilidad sa buhay niya. Lalong-lalo na't nangangako siyang aalagaan ang mga ari-ariang ipinagkatiwala sa kanya. She's young, beautiful and intelligent. Kaya naman ay marami ang humahanga sa kanya. Ang akala niya ay tuluyan ng magbabago ang buhay niya at mamuhay ng tahimik ay hindi pala. Ang nakaraan na pilit niyang kinakalimutan ay pilit bumabalik kahit anong taboy niya. Ngunit paano kung ang nakaraan niya ang maglalagay sa buhay niya sa alanganin? Matatakasan kaya niya ang kamatayan?
View MoreLexxeignne's POV
"Ayos na ba lahat?"
"Opo, Ma'am! Everything were all set!" Sagot ko.
"Ok. Good. I'll be there an hour. Gotta go"
"Ok po Ma'am!" Pagkababa ko sa aking telepono ay nagmamadali na akong magligpit ng mga kalat. Tinignan ko muna ang inayos at hinanda ko. Ang ganda! sigurado akong matutuwa si Ma'am Vanessa nito.
By the way, my name is Lexxeignne Morales, Lex for short.
Inutusan ako ni ma'am Vanessa na magset up ng romantic dinner sa may garden ng mansion. Anniversary nila ngayon at susurpresahin ni ma'am Vanessa si sir Troy. Magdedate sila ng long time boyfriend niya. 7 years na din sila ma'am Vanessa at sir Troy. Hayy, kainggit si ma'am Vanessa kasi nahanap na niya ang ka forever niya. Ako kaya kailan?
Habang naghihintay kay ma'am Vanessa ay umupo muna ako sa bench na nasa may puno. Nagselfie muna ako.
*click*
*smile*
*click*
*pa cute post*
*click*
Hayy, ang ganda ko talaga! Hehe inupload ko ito sa facebook and boom! viola! Madami agad ang naglikes at nagloves. Pero joke lang! Walang ni isa ang nag likes sa pictures ko. Kalungkot!
Paano ba naman kasi ay nakasuot ako ng big eyeglasses at may braces pa ako plus may bangs pa na ala dora the explorer! Tapos ang oily pa ng mukha ko! Tsk. Ang pangit ko talaga! Kung hindi lang... naku! Nevermind! Hehehe
Pinapak na ako ng mga lamok pero wala pa din sila ma'am Vanessa. Ano ba yan!
*riinngggg*
Ay! Pasnea ka!
Muntik ng nahulog ang telepono ko. Sino ba naman ang hindi magugulat kung biglang nagriring phone ko eh ang tahimik ng paligid?! Sino ba itong tumawag?
*riinnggg*
Ma'am Vanessa Maganda calling....
Ay! Si ma'am Vanessa! Dali dali kong sinagot ang call ni madam.
"Hello ma'am! Malapit na po ba kay---" napatigil ako bigla ng makarinig ako ng iyak sa kabilang linya. Nag-alala naman ako kung napano ito.
"Ma'am ok lang po kayo?" Nag-aalalang tanong ko. Sa tanong ko ay mas lumakas ang iyak nito.
"Hindi ako ok! Sinong gaga ang magiging ok! Kung niloko ka ng boyfriend mo? Hah? Sino? Huhuhuhu *sob* c-cancel all the surprises now! D-dapat pagdating ko sa bahay wala na ang mga iyan! Nakuha mo ba!?" umiiyak na sabi nito.
"O-opo!" Napangiwi ako sa inasta ni ma'am Vanessa. Kasasabi ko lang na may forever sila, biglang naging whatever?! Hay naku! Pinaghirapan ko pa naman lahat ng ito.
Niligpit ko na lahat ng inayos ko kanina. Naiiyak ako. Yung pinaghirapan kong ayusin ng ilang oras ay napupunta lang pala sa wala? Huhuhu. Saklap besh! Tapos ang ending ay masasayang lang ang ibang pagkain?
Naayos ko na lahat lahat at walang ni isa mang kalat na makikita ay hindi pa rin dumating si ma'am Vanessa!
Nasaan na kaya yun? Alas onse y media na pero wala pa rin siya. Natatakot na ako dito sa mansion. Ang tahimik. Waahhh! I hate being alone! Bakit kasi hindi kumuha ng isa pang katulong si ma'am Vanessa disin sanay may kasama ako ngayon. Huhuhu. Wer na u ma'am?
Napatalon naman ako sa gulat ng biglang tumunog ang telepono ko. Si ma'am Vanessa! Excited ko itong sinagot.
"Ma'am Vanessa! Nasaan ka na po?! Nag-aalala na po ako sa inyo!" Bungad ko dito pero nabigla ako ng hindi si ma'am Vanessa ang sumagot.
"Kaano-ano niyo po si Ms. Vanessa Crisostomo?" Tanong nito at boses lalaki. Nangunot ang noo ko pero sumagot pa din ako.
"Personal assistant slash katulong niya po ako! Bakit po nasa inyo ang telepono niya? May nangyari po ba? Oh my gash! Ano pong nangyari? Sabihin niyo!--" naghi-hysterical kong sagot. Bigla akong kinabahan.
"Huwag po kayong magpanic ma'am! Na-accidente po si Ms. Vanessa Crisostomo. At pumunta na lang po kayo dito sa St. Luke Hospital. Dito na po natin ididiscuss ang nangyari" pagkasabi nito ay binaba na nito ang telepono. Napatulala naman ako.
Anong nangyari kay ma'am Vanessa?
Dali dali akong nagbihis at lumabas ng bahay. Ni lock ko muna ito ng mabuti.
Pumara agad ako ng taxi at sinabi ang address na pupuntahan ko. Kagat kagat ko ang kuko ko sa kamay. Kinakabahan ako. Sana walang nangyaring masama kay ma'am Vanessa.
Ano na lang ang mangyayari sa akin kung mawala si ma'am Vanessa? Huhuhu.
"Nandito na po tayo ma'am" pagkasabi ng driver ay agad ko na itong binayaran at hindi na hinintay ang sukli. Dali dali akong pumasok ng hospital.
"Miss nurse! Saan po ang room ni Vanessa Crisostomo?" Kinakabahang tanong ko.
"Kaano ano niyo po ang pasyente ma'am?" Tanong nito at nairita naman ako.
"Pwede bang sabihin mo na lang! Kita ng nag-aalala na ako nakuha mo pang magtanong! Bilis ano na!" Nafufrustrate kong sabi.
"Sorry po! Nasa ICU pa po siya ngayon ma'am!" Sagot nito.
"Thanks!" Tumakbo na ako at hindi ko pala alam kung nasaan ang ICU. Tanga lang! Bumalik naman ako at nagtanong.
"Nasaan pala ang ICU?" Tanong ko dun sa nurse kanina.
"Deretso lang po kayo ma'am at pakaliwa po" pagkatapos nitong sabihin yun ay nagpasalamat ako at sinunod ko ang sinabi niya.
Nakita ko naman ang ICU. Napaupo ako sa upuan na nakahilera sa may labas ng mga kwarto dahil hinihingal ako sa pagtakbo. Nakita kong may pulis na kinausap yung manong na may mga dugo. Lumapit ako dito.
"Excuse me po! Mamang pulis! Sino po ang nandiyan sa loob ng ICU?"
"Si Ms. Vanessa Crisostomo ma'am. Bakit?" Totoo nga! Napaupo naman ako. Halos pinagsakluban ako ng langit at lupa.
Lord, huwag niyo naman pong kunin sa akin si ma'am Vanessa. Siya nalang po ang meron ako ngayon.
"A-ano pong n-nangyare sa k-kanya? Huhuhu mamang pulis! Sabihin niyo po! Huhuhu" naluluhang tanong ko dito. Hindi na ako mapakali dahil sa kabang nararamdaman ko.
"Kung ganon ikaw yung kausap ko kanina sa telepono?" Tanong nito.
"Obvious po ba? Huhuhu ano ba talagang nangyari?" Umiiyak na ako.
"Naaksidente po ang sinasakyan niyang kotse. Ayon sa mga nakasaksi ay pagewang gewang daw ang kotse nito sa gitna ng kalsada at may nakasalubong daw itong truck. Sa bilis ng mga pangyayari ay biglang nagsalpukan ang dalawang sasakyan. Halos sira sira na ang kotse na sinasakyan ni Ms. Vanessa dahil sa lakas ng impact nito. Nakita iyon ni mang Oscar kaya agad siyang humingi ng saklolo. Agad niyang dinala dito si Ms. Vanessa dahil nagbabasakali siyang buhay pa ito. At kasalukuyan po siyang inooperahan ngayon dahil sa dami ng dugong nawala sa kanya" paliwanag ng mamang pulis. Natulala ako. Kanina lang ay nag-uusap pa kami. Huhuhu.
"Salamat po mang Oscar sa pagdala kay ma'am Vanessa dito" baling ko sa mamang kausap ng mamang pulis kanina.
"Wala iyon hija! Sana mabuhay pa siya" sabi nito at ngumiti.
Ilang oras na akong naghihintay sa labas ng ICU habang nananatiling nagdadasal. Samu't saring emosyon ang naramdaman ko ngayon.
Palagi nalang akong nasa hospital.
Biglang bumukas ang pinto ng ICU at iniluwa nito ang doctor. Agad akong lumapit dito habang kinakabahan.
"Sino ang pamilya ni Ms. Vanessa Crisostomo?" Tanong nito pagkakuha sa mask.
"Doc! Katulong niya po ako kasi nag-iisa nalang po si ma'am Vanessa sa buhay kaya ako nalang po ang pamilya niya! Kamusta na po si ma'am Vanessa? Ok na po ba siya? Gising na ba?" Natatarantang tanong ko. Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita.
"We did our best to save her but I'm sorry. She didn't make it. She lost a lot of blood and got brain damage. I'm so sorry. Condolence!" Pagkasabi nito ay umalis na ito agad.
Nagpaulit-ulit sa tenga ko ang sinabi ng doktor. Halos hindi ito magsink in sa isip ko.
Hindi. Hindi ito totoo. Panaginip lang ang lahat ng ito.
Bumagsak ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
Bakit? Bakit ganun? Lahat nalang ba mawawala sa akin? Umiyak ako ng umiyak. Kahit masungit si ma'am Vanessa ay minahal ko siya na parang tunay kong Ate. Hindi man niya alam pero pinapahalagahan ko siya. Paano na ako ngayon ma'am Vanessa? Huhuhu.
Pumasok ako sa ICU. Nakita ko ang isang tao na nakabalot sa puting kumot. Dahan dahan ko itong binuksan habang nanginginig ang aking mga kamay. Hindi ko napigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Ang sakit.
Parang tumigil ang mundo ko pagkakita sa mukha nitong ang putla at wala ng dugo.
"Huhuhu ma'am Vanessaaaaaa!! Please don't leave me! Paano na ako ngayon? Huhuhuhu please... wake up! Wake up please...." niyugyog ko ang katawan nito habang niyayakap.
Yung mga memories na kasama ko siya ay nagfaflash lahat sa isip ko.
Bakit ba lahat nalang ay iniiwan ako? Una, ang kambal ko, si kuya, si Lola at ngayon naman si ma'am Vanessa? Bakit ang unfair?
Parang sirang gripo ang mga mata ko dahil hindi pa rin humihinto ang aking mga luha.
Bakit lahat ng taong pinahahalagahan ko ay iniiwan ako?
Ganito na ba talaga ako kamalas?
"Ma'am tama na po. Ililipat na po sa morgue ang katawan ng pasyente."
Tumingin ako sa nurse at tumango.
Agad kong kinuha ang telepono ko at dinial ang numero ni sir Troy. Ring lang ito ng ring. Please pick-up the phone!? Dial lang ako ng dial pero hindi nito sinagot. Naiiyak na naman ako. Huhuhu. Itetext ko nalang siya.
To: Sir Troy - boyfriend ni Ma'am Vanessa
Sir Troy! Wala na si Ma'am Vanessa huhuhu wala na siya...
-Lex
Naiiyak na naman ako. Tulo pa rin ng tulo yung luha ko.
Kausap lang kita kanina ma'am Vanessa? Kung alam ko lang na mawawala ka dapat pala hindi ko na hinayaan na sorpresahin ang manloloko mong boyfriend! Huhuhu.
Umuwi muna ako sa mansion. Umaga na pala. Nakatulala lang ako. Ano ang gagawin ko? Paano itong bahay? Ang mga negosyo ni ma'am? Wala naman siyang kamag-anak? Huhuhu Lord! Please help me! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Huhuhu.
*tottot*
1 message received.
From: Sir Troy - boyfriend ni Ma'am Vanessa
No! You're kidding right? Anong nangyari sa kanya? Tell me?!
Ilang segundo lang ay nagring bigla ang telepono ko.
Sir Troy - boyfriend ni Ma'am Vanessa calling.....
"Hello?" Sagot ko na pinipigil na humikbi.
"Lex! Tell me you're kidding right?!"
"Kidding? Sa tingin mo ba magagawa kong mag joke ng ganitong bagay? Ha?"
"A-anong nangyari?"
"S-she's gone! And it's all because of you! Bakit? B-bakit...." hindi ko na napigilan ang sarili ko na sisihin siya. Iyak nalang ang nadidinig ko mula sa akin.
"No! No... no... hindi.. hindi ito totoo." nafufrustrate na sabi nito.
"....."
"N-nasaan siya?" Garalgal na boses na tanong nito. Parang pinipigilan nitong umiyak.
"Nasa morgue na siya." sagot ko at pinatay na ang tawag. Padausdos akong umupo sa sofa.
Life is really unfair...
I can't accept this.
Alexis Maureen's POV Bago ako lumabas ng kotse ay inayos ko muna ang suot kong aviator sunglassess at ang aking damit. Sabay na kaming lumabas ni Ayenn ng sasakyan at napansin ko naman ang mga bodyguards ko na nakatanaw sa amin. Mabuti nalang at walang media na nakapaligid na ikinahinga ko ng malawag. Pero alam kong may mga paparazzi na nagmamasid sa mga galaw ko. For sure, lalabas na naman ang litrato namin ni Victoria mamaya. Bakit ba kasi interesadong-interesado sila sa buhay ko? Tsk.Pagpasok namin sa loob ng restaurant ay binati naman kami ng waitress. "Reservation for Ms. Crisostomo, please." wika ni Ayenn sa waitress ng ito ay magtanong kung may reservation ba kami. "This way po," Iginiya naman kami ng waitress sa VIP section ng resto. Si Victoria ang pumili nitong restaurant at masasabi kong marunong itong kumilatis ng mga five star restaurants. What she doesn't know is that this
Alexis Maureen's POVAng sarap sa pakiramdam yung wala akong iniisip na mga problema. Masasabi kong maayos na ang buhay ko sa mga nakalipas na taon dahil walang gulo at walang pagbantang nangyare sa buhay ko. Hindi man ito naging perpekto ay masaya naman ako dahil sa mga taong nagmamahal sa akin. Nawala man ang tunay kong mga magulang at kapatid, may mga tao namang tumanggap sa akin at minahal ako. At ng dumating si Maia ay naging mas lumiwanag pa ang buhay ko."Hey, anong iniisip mo diyan?" untag sa akin ni ate Georgina."Nothing. Just random thoughts." sagot ko at kinuha ang baso na may lamang tequila. Akmang dadalhin ko na ang baso sa aking bibig ng may kumuha nito. "What the?!" sigaw ko."Baka malasing ka niyan. Ilang baso naba nainom mo at ang pula na ng mukha mo?" wika ni Zeil habang umupo sa tabi ko. Nginitian naman ako ni ate G at iniwan ako kasama
Alexis Maureen's POV "Please momma? Can he be my daddy?" wika ni Maia habang nakalabi. Nahihiya naman akong napatingin kay Zeil. "Hmm, sorry kung kinukulit ka ng baby ko ha?" wika ko at ngumiti lamang ito ng pilit. "It's okay," bumaling naman ito kay Maia. "Why do you want me to be your daddy?" malumanay na tanong nito. "Because I have no daddy!" nakalabing ani ni Maia at saka hinawakan ang kamay ni Zeil. "Please? Be my daddy? I promise I'll be a good girl!""No! I told you he's my daddy!" angal ng batang babae habang nakayakap sa binti ni Zeil. A-Anak niya? Is he married? Bakit walang nasambit sila Sam na nag-asawa na si Zeil? Bigla naman kumirot ang puso ko. "Can't you share?" sambit ni Maia. "Don't wanna!" nakakunot noong wika ng batang babae. Naiiyak naman si
8 years later...Zeil's POV Kanina pa ako tingin ng tingin sa rolex watch ko. 20 minutes late na ang ka meeting ko. Kapag within 5 minutes ay hindi pa ito magpapakita ay talagang aalis na ako. Anong akala niya, VIP? Nakakapang-init ng ulo. Sira na naman ang araw ko.I took my phone out, at tinext ang secretary ko. I'm going to cancel this meeting. That's it. Dahil lagpas 25 minutes ng late ang ka meeting ko ngayon ay tumayo na ako at nag-iwan ng note sa mesa. My time is too precious to just be wasted.Pagdaan ko sa ilang mesa ng mga teenager ay tumili ang mga ito."OMG! Ang gwapo!""Waahhh ang puso ko!"I just smirked. Nagpatuloy la
Zeil's POV Nakatulala lamang ako habang hawak ko pa rin ang isang papel. Ang papel na may sulat kamay ni Lex. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang sinabi nito sa sulat. Ang sakit lang. Parang piniga ang puso ko. Kung nakakatayo lamang ako ay ginawa ko na at pinuntahan si Lex. Kaso hindi ko magawa dahil naparalyze pa ang katawan ko dahil nga sa spinal cord ako natamaan ng bala. Wala akong nagawa kundi iiyak lamang ang sakit at frustration na nararamdaman. Binasa ko ulit ang sulat dahil nagbabakasakali akong isa lamang itong joke pero kahit ilang beses ko na itong binasa ay gano'n pa rin. ~~ Dear Zeil, Hindi ko alam kung papaano simulan ang sulat na ito pero gusto kong magsorry sa lahat. Sa totoo lang ay hindi ako masaya na ibinuwis mo ang buhay mo para la
Lexxeignne's POV Alas nuwebe na ng makarating ako sa mansion. Medyo tahimik na ang buong mansion. Pinapahinga ko naman sina Leandro at ang ibang bodyguards. I am so tired. I want to sleep but know I couldn't. I sighed as I went inside. Pero nakarinig ako ng mga tawanan sa may dining area. Napangiti naman ako at naglakad papunta doon. Pagpasok ko sa dining room ay si Shania ang unang nakapansin sa akin. She squealed. "Ateee Leexxxx!" she got up and ran towards me then engulfed me with a tight embrace. "Where have you been? We were so worried." she said frowning in the process. I smile faintly. Tumingin naman ako kina Ate Yas at Ate G na may nangungusap na mga mata. Ayenn smile at me. I see, they're already in good terms. Napabuntong hininga naman ako. "I'm sorry for not telling you where I've been t
Comments