ONE month later.....
Balik sa dati ang buhay nina Ynaria, Clement, Trist, Dylan, Helen, Wendy, Ryan at Paul. Tila ba'y walang nangyari sa kanila sa Laguna noong isang buwan na ang nakalilipas--sa araw ng 5th anibersayo ng Seven Restaurant.
Bumuntong hininga si Ynaria matapos nito kumain ng agahan. Tumayo ito't nagtungo sa lababo para hugasan ang mga pinagkainan. Pagkatapos maghugas bumalik ito sa kwarto't muling inayusan ang sarili. Nang makuntento, bumuntong hininga ito bago lumabas ng kwarto. Nakasalubong pa ni Ynaria ang nakakabatang kapatid na babae na si Yrannie
"Good morning, Ate Ynaria!" Masiglang pagbati ni Yrannie. "Papasok ka na ba sa trabaho mo?" Tanong pa nito. Tila ang ngiti ng kapatid ni Ynaria ay wala ng bukas.
Nginitian ito pabalik ni Ynaria dahilan para mas lumawak lalo ang ngiti ni Yrannie. "Yes," sagot ni Ynaria. "Saan ang punta mo?" Tanong nito nang mapansing nakabihis ng pang-alis ang kapatid.
"May gimik kami ng mga kaibigan ko, Ate Ynaria. Sabado ngayon at wala kaming pasok!" Tugon ni Yrannie.
"Oh, ang aga naman ng gimik niyo. Panigurado kinabukasan ka na naman makakauwi, tama ba 'ko?" Tila may tonong istriktong sambit ni Ynaria.
"Pupunta kami ng Laguna para maghiking." Nakangiting ani Yrannie.
Biglang nakaramdam ng kaba si Ynaria sa sinabi ng kanyang kapatid, tila bumalik sa kanyang alaala ang nangyari sa kanila ng mga kasamahan niya sa Seven Restaurant ang sinapit nila sa Laguna. Bagama't di maunawaan ang kanyang nadarama kung bakit siya kinabahan. Sumeryoso si Ynaria at pinaningkitan ng mga mata si Yrannie.
"Anong sinabi mo? Magha-hiking kayo sa Laguna?" Di makapaniwalang tanong ni Ynaria.
"Yes," mabilis na sagot ni Yrannie. "Ate Ynaria, anong nangyari sa'yo at namumutla ka?" May pag-aalalang tanong ni Yrannie.
Huminga ng malalim si Ynaria bago nagsalita. "Yrannie, makinig ka. Mas makabubuti na wag ka na lang sumama sa mga kaibigan mo, okay?"
"May mali ba sa pagpunta namin sa Laguna?" May dudang sambit ni Yrannie. Nakakunot-noo pa.
"Makinig ka sakin, hangga't maaari dito ka na lang sa Maynila. Pwede naman kayo pumunta sa Antipolo, Bulacan or Pampanga pero bakit doon niyo pa naisipan?" Natatarantang usal ni Ynaria sa kapatid nito.
"Ate Ynaria, bakit ang weird ng inaakto mo ngayon? Hindi namin pwede ipagpaliban dahil nasa bucket list namin iyon." Katwiran ni Yrannie.
Pikit-matang bumuntong hininga si Ynaria para pakalmahin ang sarili. "Nag-aalala lang ako na baka may masamang mangyari sa'yo doon. Alam mo na, ikaw na lang ang natitira kong pamilya. Iniwan na tayo ng mga magulang natin, mayroon na silang kanya-kanyang pamilya." Malumanay na sambit ni Ynaria. Ngunit sa loob-loob niya malakas ang kanyang kutob na tila may mangyayari sa kanyang kapatid.
"Alam ko ang tungkol kina Mommy at Daddy. Wag ka mag-alala, mag-iingat ako para sa'yo at mananatili ako sa tabi mo." Nakangiting sambit ni Yrannie.
Dahil sa sinabi ng kapatid ni Ynaria, kumalma siya't napagtantong mali ang kanyang iniisip. Naalalang nagkataon lang iyon, kaya kung anu-anong negative ang bumabalot sa kanyang isip. Baka nag-iilusyon lang ang kanyang utak dahil sa nangyari sa kanya sa Laguna.
"Mag-iingat ka, Yrannie." Malumanay na sambit ni Ynaria, tsaka ito pumeke ng ngiti.
"Salamat, Ate Ynaria!" Masayang sambit ni Yrannie, kasabay ng mahigpit nitong yakap kay Ynaria.
Bumuntong hininga si Ynaria matapos parehong kumalas sila ng kanyang kapatid sa yakap ng isa't isa. Pagkatapos nagpaalam na ang kanyang kapatid na aalis na ito kung kaya't tanging pagtango lamang ang sinagot ni Ynaria rito. Dahilan upang walang lingon-likod na lumabas ng bahay ang kanyang kapatid.
Sinundan ni Ynaria, si Yrannie palabas ng bahay. Napakunot-noo nang mapansing may lalaking nakaangas sa likuran ng motor ng kanyang kapatid habang papalayo ito. Puti ang kasuotan ng pang-itaas nito at itim naman ang pang-ibaba nitong pantalon. Wala itong suot na sapatos, ngunit agaw pansin ang kulay pulang likido sa paanan nito.
Muling bumalik ang kaba sa dibdib ni Ynaria. Tila hindi nag-iilusyon. Bumalatay ang pag-aalala sa mukha ni Ynaria na baka may mangyaring masama sa kanyang kapatid. Nakarinig ng busina si Ynaria, kung kaya't nilingon nito kung saan iyon nanggaling. Isang pulang kotse ang nakaparada sa harapan ng bahay nila.
"Ynaria, Let's go!" Aya ni Clement. Nakaupo ito sa driver seat habang ang kanang kamay nito ay nakadungaw sa window.
"Ah, wait, ikakando ko lang yung pinto," usal ni Ynaria. Bago nito ikando ang pintuan ng bahay. "Ynaria, kumalma ka." Bulong nito sa sarili.
Pumihit paharap si Ynaria, tsaka ito nagsimulang maglakad pasakay sa kotse ni Clement. Umupo ito sa passenger seat at binigyan ng pekeng ngiti si Clement dahilan upang paandarin nito ang sasakyan patungo sa restaurant na kanilang pinagta-trabuhan.
Pagkarating sa destinasyon nagpasalamat si Ynaria kay Clement bago bumaba sa sasakyan. Papasok pa lamang si Ynaria sa loob ng restaurant nang may isang lalaki ang lumapit sa kanya.
"Magandang umaga, binibini," panimulang pagbati nito kay Ynaria. May inilabas itong puting sobre mula sa suot nitong kulay brown na leather jacket. "Maaari bang ibigay mo ang sulat na ito sa may-ari ng restuarant?" Ani ng lalaki at inabot sa kanya yung hawak nitong sobre.
Tatanggapin na sana ni Ynaria yung sobreng inaabot sa kanya ng lalaki nang hablutin iyon ni Clement.
"Ynaria, pumasok ka na sa loob." Utos sa kanya ni Clement.
"O-Okay, Manager Clement. Ikaw na bahala sa kanya." Hugot hiningang sambit ni Ynaria. Tsaka ito tuluyang pumasok sa restaurant iwan si Clement at ang lalaki sa labas.
Dumiretso si Ynaria sa locker room, pagkatapos tsaka ito nagpalit ng damit. Nakaduty siya ngayon bilang counter girl. Samantala naningkit ang mga mata ni Clement sa taong kaharap niya.
"Fackly, anong ginagawa mo rito? At para saan ang sulat na ito?" Sunod-sunod na tanong ni Clement rito. Bahagyang tinaas pa nito ang hawak na sobre. Hudyat na wala itong ideya.
Ningisian ni Fackly, si Clement dahilan ng pagtalim ng tingin nito. "Clement, parang nakalimutan mo na yata kung paano natin panatilihing konektado sa isa't isa. Gayong alam natin, unti-unti tayong nababawasan." Saad ni Fackly.
Nangunot-noo si Clement sa katagang isinambit sa kanya ni Fackly. "Anong ibig mong sabihin?" Kawalang ideyang tanong ni Clement.
"Hindi akong maaaring magtagal aking kaibigan. Inabot ko lamang iyan upang malaman niyo ang nangyari sa pagitan ng magkambal," makahulugang tugon ni Fackly. "Pakisabi kay Trist, sakin nanggaling ang sulat na 'yan. Bahala na kayo gumawa ng paraan basta sulatan niyo na lang kami ni George." Huling sambit ni Fackly bago ito umalis.
Naiwang nakatanga si Clement habang pinapanuod ang rebulto ni Fackly papalayo. Bahagyang tinignan ang sobreng hawak tsaka ito huminga ng malalim bago pumasok sa restaurant. Dumiretso si Clement sa office ni Trist, nadatnan nitong nagbabasa ng diyaryo ang kaibigan. Umupo siya sa upuang kaharap ng desk nito tsaka ito walang salitang inilapag ang sobre sa ibabaw ng desk.
Bagama't natigilan man si Trist sa bagay na nakalapag sa kanyang desk. Muling binalingan ang artikulong kanyang binabasa. Tungkol iyon sa massacre na nangyari sa isang eskwelahan, walong taon nang nakararaan. Taliwas sa kanyang alaala ang kaganapang iyon dahil high school pa lamang sila nang mangyari 'yon.
"Binibigay ni Fackly ang sulat."
Nagpantig ang tainga ni Trist sa binanggit na pangalan ni Clement. Kapag kuwan ay mabilis itinapon sa kanyang likuran ang makalumang diyaryo. Kasabay ng pagharap kay Clement na tila naiinip--napaghahalataan sa itsura.
"May sinabi siyang unti-unti na tayong nababawasan." Ani Clement.
"Sa palagay ko nga, di siya magbibigay ng sulat kung walang masamang nangyari." Kalmadong komento ni Trist.
"Hindi mo ba babasahin 'yan?" Tukoy ni Clement sa sobre.
Tinignan ni Trist yung sobre bago nito iyon damputin; buksan at basahin. Ayon sa nakasaad sa sulat ibinalita ni Frankly na parehong namatay ang kambal na sina Simon at Samuel sa magkasunod na araw. Pinatay ni Samuel, si Simon dahil lamang sa pagpaslang ni Samuel sa girlfriend ng kakambal nito nakaraang taon na ang nakalilipas. Kung kaya't nagkaroon ng hidwaan sa pagitan ng magkapatid. Sumunod namatay si Samuel, dalawang tao ang pumaslang rito mula sa mga turistang nagbabakasyon sa teritoryo nito. Nakasaad rin sa sulat ang impormasyon ng dalawang taong pumaslang kay Samuel.
Bumuntong hininga si Trist pagkatapos walang salitang inabot kay Clement ang sulat matapos nito basahin. Hudyat na si Clement naman ang magbabasa ng sulat. Sa mga sandaling iyon, hinanakit ang unang naramdaman ni Trist. Una, nagpatayan ang magkapatid. Pangalawa, nabawasan sila ng dalawa at ang huli nais nito maghiganti sa dalawang taong pumatay kay Samuel.
"Nakakalungkot," bahagyang pag-iling na sambit ni Clement matapos nito mabasa ang sulat. "Una, isa lang ang nabawas satin. Ngayon naman dalawa. Tapos sino naman ang susunod?"
"Ang isipin na lang natin. Sa paanong paraang paghihiganti ang maaari nating gawin sa mga nakaligtas." Seryosong ani Trist kasabay ng pagyukom ng kaliwang kamao nito.
"Don't worry, Trist. Mangyayari 'yan sa takdang panahon." Makahulugang usal ni Clement.
"Hihintayin ko ang panahong 'yon." Tipid na komento ni Trist.
"Oh paano, mukhang kailangan ko ng umalis at may aasikasuhin lang akong mga bisita." Paalam ni Clement bago ito lumabas sa office ni Trist.
PAGLABAS ni Ynaria sa restaurant nakaramdam ito ng inang kalikasan kung kaya't muling bumalik ito sa loob upang umihi. Nadatnan pa nito sina Dylan, Helen at Paul na abala sa pagkukwentuhan, tila mga walang balak umuwi ng bahay. Sina Ryan at Wendy naman ay naunang umuwi dahil may date pa ang dalawa. Lumabas ng cubicle si Ynaria matapos umihi tsaka ito nagtungo sa lababo para hugasan ang kamay. Ngunit natigilan nang magpatay sindi ang mga ilaw dahilan para matigilan siya't napaangat ang tingin sa mga ilaw.Binalewala ni Ynaria ang pagpatay-sindi ng mga ilaw at pinagpatuloy ang paghuhugas ng kamay. Nang matapos muling natigilan na naman nang makaramdam ng malamig na hangin mula sa kanyang likuran, tila may dumaan. Ang pakiramdam na iyon ay di na bago sa kanya at alam nito na may kasama siya. Deretso ang kanyang tingin sa gripo habang nakatungkod ang parehong mga kamay sa lababo; nakikiramdam, napapalunok, pinagpapawisan ng malamig at higit sa lahat bumalatay ang kanyang takot.Marahang i
LUNCH break nang dumating si Clement sa Seven Restaurant. Napangiti ito nang bumati sa kanya sina Helen, Dylan, Paul, Wendy at Ryan nang makasalubong ang mga ito. Maliban kay Ynaria na tila hindi ito makatingin ng deretso sa kanya at ni pagbati ay wala. Hindi maiwasan ni Clement magtaka sa ikinikilos ng dalaga, para naman may ginawa siya sa dalaga para ganoon ito umasta sa kanya.Huminto si Clement sa tapat ng pintuan ng office ni Trist. Humugot ito ng hininga bago ipinihit ang seradula at walang pakundangan na pumasok."Wala man lang abiso para sana makapaghanda ako." Nakatalikod na sabi ni Trist. Nakapalmulsa ito habang nakatayo sa tapat ng bintana."Kilala mo nga talaga ako kahit nakatalikod ka," natatawang sagot ni Clement tsaka ito tumabi kay Trist at tumingin sa kalangitan. "Mukhang maganda ang panahon ngayon ah!" Dagdag komento nito."Maganda siguro kung magpalagay ako ng second floor tapos lagyan ko na rin ng veranda, ano sa palagay mo?" Suhestiyon ni Trist."Sa palagay ko, ta
"AYOS ka lang?" Maya't mayang tanong ni Clement kay Ynaria nang makauwi sila. Pareho sila nasa loob ng kotse mga kapwa walang balak bumaba.Bumuntong hininga si Ynaria. "Hindi ko alam," walang emosyong tugon nito, sinabayan pa ng pag-iling. "Sa totoo lang hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit si Wendy nang i-open natin ang topic tungkol sa Resort ni Trist.""Sa palagay ko dahil siguro noong nakulong siya sa cottage." Sagot ni Clement."Hanggang ngayon na-trauma siya dahil doon?" Sarkastikong tanong ni Ynaria, inirapan pa nito si Clement. "Baka naman may iba siyang dahilan.""Ynaria, may problema ka ba kay Wendy?" Turan ni Clement dahilan para matigilan si Ynaria. "Alam mo naman siguro kung anong pinagdaanan ng taong 'yon. Mag-isa siya roon at takot na takot." Nagpapaintinding paliwanag nito.Napasinghap si Ynaria sa sinabi ni Clement, nang mga sandaling 'yon gusto na lamang nito umiyak. Tila walang kakampi, walang nakakaintindi sa kanyang nararamdaman noong mga oras na nakul
BUMUHOS ang malakas na ulan habang binabaybay ni Trist ang daan patungong Laguna kung saan naroon nakatira ang kaibigan nitong si Chris. Bagamat madilim ang paligid at madulas ang kalsada tila walang pakialam si Trist. Ang mahalaga para kay Trist ay makarating ito sa destinasyon.Sinusubukan ni Trist tawagan si Chris sa kabilang linya ngunit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag. Hanggang sa may isang sasakyan ang lumitaw sa kabilang kalsada dahilan para masilaw siya sa ilaw na nagmula sa harapan ng truck, kasabay ng pagsulpot ng isang tao sa kanyang harapan kung kaya't nahagip niya ito.Gulat hininto ni Trist ang sasakyan na kalauna'y naramdaman na lamang niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang dibdib at habol hininga na sinabayan pa ng pagtagaktak na kanyang pawis dahil sa pagkabigla, lalo na sa taong hindi niya inaasahang sagasaan ito."Sana'y patawarin ako sa aking kasalanan!" Humahangos na sambit ni Trist sa kawalan.Pikit-matang humugot ng hininga si Trist upang palakasin ang l
SAMANTALA, sinamantala ni George ang pagkakataon na binulungan si Trist. "Maganda siya, at nakuha niya yung atensyon ko. Pero sa palagay ko, sa'yo siya interesante." Mapanuksong sambit ni George."Imposible!" Bulong na pabalik sagot ni Trist dahilan para mahinang natawa si George."Tignan mo, nag-aalala siya sa'yo. Pero parang magkakaroon ka 'ata ng karibal." Pang-aasar ni George."Ganyan ba ang trabaho ng Doctor sa mga pasyente?" Tila nagsusungit na turan ni Trist kay George. "Bumalik ka na sa gawain mo!" Utos nito."Okay, sige," pagsukong usal ni George. "Goodluck sa'yo!" Nakangiting asar nito bago lumabas ng room.Napabuga na lamang ng hininga si Trist nang lumabas si George. Saka nito binalingan sina Clement at Ynaria na parehong abalang kumakain. Napakahawak siya sa kanyang tiyan nang kumalam ito."Hoy, kayong dalawa, mukhang may kinalimutan kayong pakainin. Ako ang Boss niyo dapat maayos niyong ginagampanan ang mga trabaho niyo!" Kunwaring galit-galitan ni Trist.Parehong nagula
KINABUKASAN, maagang nagtungo sina Clement at Ynaria sa ospital para sunduin si Trist dahil ma-didischarge na ito. Hawak kamay naglalakad sa pasilyo ng ospital sina Ynaria at Clement kapagkuwan ay biglang bumitaw ang dalaga nang huminto sila sa tapat ng room ni Trist dahilan para magtaka ang binata."H'wag muna natin sabihin sa kanila." Nakayukong sambit ni Ynaria."Okay, pumapayag akong itago natin ito." Sang-ayon ni Clement dahilan para iangat ni Ynaria ang ulo nito at ngumiti."Thank you!" Giit ni Ynaria."I love you too.." Mahinang tugon ni Clement dahilan para matawa si Ynaria.Pigil tawang umiling ng marahan si Clement saka nito binuksan ang pinto ngunit natigilan nang makitang wala sa kinahihigaan nito si Trist. Maging si Ynaria ay napahinto rin nang makuryos ito kung bakit natigilan ang nobyo."Titignan ko si Trist baka nasa comfort room lang siya, at ikaw, magtanong ka kung lumabas na ba siya." Utos ni Clement kay Ynaria. Ang tinutukoy ni Clement sa huling sinambit ay si Tris
HATING-GABI ng magising si Trist, nananatiling nakahiga kapagkuwan ay sinapo nito ang ulo nang kumirot ito. Mariin siyang napapikit na tila may kung anong bumubulong sa kanya. Pagkatapos ay marahan siyang umiling-iling, ramdam din niyang pinagpapawisan siya ng malamig kahit malakas ang hangin na pumapasok sa kanyang kwarto mula sa labas dahil sa nakabukas niyang bintana. Wala sa sariling naiyukom niya ang dalawang palad hawak kumot. Maya't maya ay bigla siyang bumangon kasabay pagdilat ng kanyang mga mata. Naghahangos na hinahabol niya ang kanyang hininga. Ilang saglit pa, humalakhak siya na animo'y mala-demonyo.MULING bumalik si Clement sa bahay ni Trist para tignan ang kalagayan nito ngunit nang mapansin nito na nakabukas ang pintuan ng bahay ay naghinala siya. Kung kaya't dali-daling nagtungo ito sa kwarto ni Trist pero natigilan din nang madatnang wala na naman ang kanyang kaibigan."Nasaan na naman siya nagpunta?" Nag-aalalang sambit ni Clement sa kawalan.Natatarantang lumabas
MATAPOS ang trabaho ay agad nagtungo si Ryan sa bahay ng nobya nitong si Wendy. Sarado ang bahay na kanyang madatnan at nakapatay ang mga ilaw nito. Sa mga sandaling iyon pagtataka at kunot-noong tinititigan ni Ryan ang labas ng buong bahay ni Wendy. Hindi mahulaan kung saan nagpunta ang nobya. Biglaan ang hindi nito pagparamdam, ni abiso ay walang presensya.Napagpasyahan ni Ryan na tawagan si Wendy ngunit tila naka-off ang Phone nito. Hindi siya mapakali dahil wala naman sinasabi ang kanyang nobya, pero sa halip na maghintay ay umuwi na lamang siya.Pagkauwi ni Ryan sa kanyang condo ay napahinto siya sa tapat ng pintuan nang mapansin niyang may letter sa ibabang pinto ng kanyang bahay. Nagtatakang luminga si Ryan sa paligid, kapagkuwan ay humugot ng hininga siya't pinulot ang letter. Pagkatapos binuklat niya iyon para basahin."Are you ready for the pain? She's paid now!" Mahinang basa ni Ryan sa letter.Halos magkasalubong ang mga kilay ni Ryan matapos mabasa ang letter at hindi ma