Share

[TRIST] Part3.3: The Plan Is Already Beginning

KINABUKASAN, maagang nagtungo sina Clement at Ynaria sa ospital para sunduin si Trist dahil ma-didischarge na ito. Hawak kamay naglalakad sa pasilyo ng ospital sina Ynaria at Clement kapagkuwan ay biglang bumitaw ang dalaga nang huminto sila sa tapat ng room ni Trist dahilan para magtaka ang binata.

"H'wag muna natin sabihin sa kanila." Nakayukong sambit ni Ynaria.

"Okay, pumapayag akong itago natin ito." Sang-ayon ni Clement dahilan para iangat ni Ynaria ang ulo nito at ngumiti.

"Thank you!" Giit ni Ynaria.

"I love you too.." Mahinang tugon ni Clement dahilan para matawa si Ynaria.

Pigil tawang umiling ng marahan si Clement saka nito binuksan ang pinto ngunit natigilan nang makitang wala sa kinahihigaan nito si Trist. Maging si Ynaria ay napahinto rin nang makuryos ito kung bakit natigilan ang nobyo.

"Titignan ko si Trist baka nasa comfort room lang siya, at ikaw, magtanong ka kung lumabas na ba siya." Utos ni Clement kay Ynaria. Ang tinutukoy ni Clement sa huling sinambit ay si Tris
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status