Share

[TRIST] Part5.3: Between Love And Friendship

HINDI makapaniwalang bumitaw si Ynaria sa kamay ni Lilia nang malaman ang kalunos-lunos na nangyari kay Dylan. Maging sina Clement at Paul, gano'n din. Kapagkuwan ay nanghihinang napaatras si Ynaria dahilan para mabilis na saluhin siya ni Paul.

"Bakit nangyayari 'to?" Naghahangos na sabi ni Ynaria.

"Hindi siya titigil hangga't 'di niya kayo nauubos." Pahayag ni Lilia.

"Gusto niya kaming lahat patayin?" Biglang tanong ni Paul. "Pero bakit niya ginagawang pumaslang ng inosenteng tao?" Kuryosidad na tanong pa nito.

"Sorry, kung nadamay kayo," paghingi ng paumanhin ni Clement. "Nagpaliwanag na ako kanina kung bakit siya pumapatay."

"Manager Clement, dahil sa laro, right?" Seryosong sambit ni Paul.

Humugot ng malalim na hininga si Ynaria kapagkuwan ay sinenyasan nito si Paul na huwag na siyang alalayan pa nito kung kaya't binitiwan siya ni Paul, saka siya umayos ng tayo. Ngunit natigilan si Ynaria nang makaramdam muli ng panlalamig sa paligid, habang sina Clement, Paul, at Lilia ay patuloy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status