Share

[FACKLY] Part9.5: Chapter5: Cover of Sin

BIGLANG nakaramdam ng panghihina si Yrannie sa nasaksihan niya. Sa mga sandaling 'yon hindi niya alam kung anong gagawin. Naghahalo ang kanyang emosyon; takot, hindi makapaniwala, maiiyak, naguguluhan at tuliro. Nabalik siya sa kanyang huwisyo nang maramdaman niyang may yumakap sa kanyang likuran. Agad siyang humiwalay kahit nanginginig ang kanyang mga kamay at tuhod. Sunod-sunod pa ang kanyang pag-iling habang lumuluhang nakatingin kay Leon.

"Yrannie, hindi ko intensyon 'yon," pagkuha ng loob ni Leon sa kanya. "Masyado siyang nagmamatigas kaya hindi ko sinasadyang natulak ko siya ng malakas." Paliwanag nito.

"Hindi, pinatay mo siya." Walang mapagsidlan ang kanyang pag-iling.

"Maniwala ka, hindi ko siya kayang patayin." Pangungumbinsi ni Leon.

"Huwag mo kong lalapitan!" Bulyaw niya kay Leon nang pagtangkain nitong lumapit sa kanya.

Sa pagpikit ng mga mata niya muling tumulo ang kanyang luha, at nang dumilat siya. Naroon sa likuran Leon si Fackly at ang kanyang mga kaibigan.

"Anong nan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status