Share

Chapter 28

"Liam, sino ba 'yan? Bakit hindi mo papasukin?" Tanong ni Eiress sa anak habang naghahanda ng kanilang agahan.

Binuksan ni Liam ang pinto nang sabihin nito na may tao sa labas. Hinayaan naman ito ni Eiress pero nanatili lang itong nakatayo sa bungad ng pintuan.

"Umalis na po, Mama." Sagot nito at muling sinara ang pinto.

"Kilala mo ba iyon?"

"Hindi po. Tumakbo po siya nang tanungin ko." Hinila nito ang upuan at umupo. "Mama, bakit po ang weird ng mga tao rito?"

Hinila rin ni Eiress ang isang upuan at umupo kaharap ang anak. Pinagmasdan niya ang curious nitong itsura.

"Bakit? May ginawa ba sila sa'yo?" Tanong niya habang nilalagyan ng pagkain ang plato ni Liam.

"Nagtataka lang po ako, Mama. Noong una si Tito Marlon lang ang weird. Lagi po siyang lumalapit sa akin at kinikilabutan po ako sa mga ngiti niya."

Bahagyang tumawa si Eiress sa nanunulis na nguso ni Liam.

"Mabait naman si Tito Marlon ah. Bakit ka kikilabutan sa kanya?"

"Ewan ko po. Iyon po kasi ang naramdaman ko." Kibit bali
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status