Share

Chapter 70

Nanghihina si Eiress bago makarating sa Purok. Nanunuyo ang lalamunan niya dahil sa walang humpay na pagtakbo, pero halos matuyuan na rin siya ng tubig sa katawan dahil sa labis na pag-iyak. Tinupok ng pagsabog ang buong purok. Wala na siyang nakikitang kahit anong puno na nakatayo roon. Isa na ’yong malaking butas ngayon.

“H-Hindi. L-Liam, anak ko? A-Aline? Nuno Karding? Nana Saling? Nasaan kayo?” Para na siyang mababaliw kapag nakikita niya ang mga bangkay ng mga kasama niya sa tribo habang naglalakad siya. “P-Please, magpakita kayo sa ’kin!” sigaw niya.

Halos mawalan na siya ng lakas habang naglalakad sa natupok na lugar. Ang dating masayang Purok, ngayon ay abo na. Ang lugar na dating puno ng tawanan, ngayon ay pag-iyak na lang niya ang maririnig sa buong paligid. Wala na ang mga ngiti ng buong tribo dahil bangkay na ang mga ito. Ang iba ay sunog na sunog at hindi na makilala. Meron din natakpan ng lupa at kalahati na lang ng katawan ang nakikita.

“H-Hindi totoo ’to! Panaginip lan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status