Sa isang bayan na sakop ng Janduran pansamantalang tumigil si Trigger at Eiress mula sa mahabang paglalakbay. Tinutumbok nila ang daan pabalik sa bayan ng Argenxican, pero natatagalan sila. Bukod sa kabayo ang sinasakyan nila, marami rin ang nagtatangka sa buhay nila na dapat nilang iwasan at lusutan.Bumaba si Trigger sa sinasakyan nilang kabayo bago alalayan sa pagbaba si Eiress. Nakakakilos na si Eiress ngunit hindi ito nagsasalita. Minsan ay bigla na lang itong matutulala at umiiyak. Walang nagagawa si Trigger kun’di hayaan ito sa pagluluksa.“Magpapalipas muna tayo nang ilang araw rito bago tayo maglakbay ulit. Nang sa ganoon, hindi nila tayo makita agad,” saad niya kay Eiress. Tulad ng inaasahan wala pa rin itong reaks’yon, pero alam niyang naririnig siya nito.Sinigurado ni Trigger na hindi sila masusundan sa lugar na iyon ng mga humahabol sa kanila. Gumamit siya ng isa pang kabayo para magpatuloy iyon sa pagtakbo at isipin ng mga kalaban na sila iyon. Ibang direks’yon ang tina
Duguan si Red nang makarating sa sentro ng bayan ng Janduran sakay ang kotseng iniwan niya sa bungad ng kagubatan. Tinamaan siya ng baril ng matanda sa balikat, pero nagawa pa rin niyang tumakas. Nagtungo siya sa pinakamalapit na ospital. Kaagad naman siyang dinaluhan ng mga nurse at doctor nang makita ang kundisyon niya. Nakuha ng mga ito ang balang nakabaon sa balikat niya at kasalukuyan siyang nagpapahinga sa isa sa mga silid doon.Nakatitig lang si Red sa kisame ng hospital habang inaalala ang mga ginawa niya. Kaagad niyang ginawa ang trabaho nang umalis siya sa bayan ng Boran. Bilang tracker, hindi siya nahirapang matagpuan ang kinaroroonan ni Eiress. Marami siyang paraan para matagpuan ito at sa loob ng dalawang araw ay agad niyang nasundan ang tinahak nitong daan. Nasa ganoon siyang akto nang may pumasok sa silid. Binaling lang niya ang ulo para makita kung sino ito.“Hindi pa sana ako maniniwala na narito ka kung hindi tumawag sa akin ang doctor mo,” saad ni Runo Villarama.Ng
Sa kagubatan ng Janduran, muling nagising si Trigger ilang minuto pagkatapos mawalan ng malay. Tulad ng sinabi ng matanda, bumalik na rin ang lakas niya. Pinasan niya ulit si Eiress patungo sa tahanan ni Tandang Kaziro. Nasa unahan niya ang matanda at sinusundan lang niya ang tinatahak nitong daan. Malamig at bahagyang madilim sa gubat dahil sa malalaki at matatayog na punong kahoy. Maging ang sinag ng araw ay nahihirapang lumusot sa mga puno.“Mawalang galang na po, Tandang Kaziro. Bakit mo tinawag na Marchesa si Eiress?” tanong ni Trigger sa matanda habang naglalakad sila. Kanina pa iyon bumabagabag sa kaniya. Para bang may malalim na pakahulugan ang tawag nito kay Eiress.“Malalaman mo rin kapag nagising siya,” makahulugan nitong sagot na patuloy lang sa paglalakad.“Sigurado ka po ba na hindi lason o anumang mapanganib na gamot ang itinusok sa kaniya?” nag-aalala niyang tanong.“Sigurado ako, iho. Normal ang tibok ng puso niya at wala akong nakikitang problema sa katawan niya. Kun
Walang pagsidlan ang tuwa ni Runo Villarama nang hindi na nila naririnig ang mga putok mula sa loob ng gubat. Ilang minuto na ring walang sumasabog sa paligid. Hinala niya ay naubusan na ng bala ang mga ito.“Pasukin niyo na ang gubat. Mahina na ang depensa nila,” utos niya sa mga tauhan.Walang pagdadalawang-isip namang umabante paloob ang mga tauhan ni Runo. Dahan-dahan ang pagkilos ng mga ito. Pawang mga alerto sa paligid. Ngunit hindi nila namamalayan ang mabilis na kilos ng isang pigura dahilan para unti-unting mabawasan ang mga ito. Isa sa mga ito ang nakapansin sa pigura.“May kala—” Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang mabilis itong inatake ng pigura. Bumagsak ang walang buhay nitong katawan sa lupa kasunod ng pagbagsak din ng iba pang mga kasama nito.Nagtaka naman si Runo kung bakit wala pa rin siyang naririnig na putok sa loob ng gubat. Dapat sa oras na iyon ay narating na ng mga tauhan niya ang bahay ni Tandang Kaziro.“Sundan niyo!” muli niyang utos sa panibagong gru
Malamig. Malamig na pakiramdam dulot ng hangin at ulan ang nararamdaman ni Eiress. Nakatayo siya sa harapan ng puntod ng kanyang kaibigan at hindi alintana ang basang katawan. Wala siyang pakialam kahit tila bagyo ang nangyayari sa kanyang paligid. Gusto lang niyang takpan ng ulan ang luhang umaagos sa walang buhay niyang mga mata. "It's hard to live well, Sally." Mahina niyang sambit habang nakatingin sa pangalang nakasulat sa lapida. "I thought everything would change when I'm with him, but it's getting worse everyday." Nasasaktan niyang dugtong. Marahan niyang itinaas ang kamay at sinalo ang ilang patak ng ulan. Lumipat doon ang kanyang paningin. "I want to be with you, but I can't. I can't hurt you by disobeying your last wish." Itinikom niya ang kamay dahilan upang tumalsik ang naipong tubig doon bago niya muling binuksan. "This hand is clean but sinful," walang buhay niyang sambit habang pinagmamasdan ang sariling kamay. "I thought he loves me but I was wrong. I am nothi
Kinabukasan, maagang inayos ni Eiress ang kanyang mga gamit. Humupa na ang masamang panahon kaya nagdesisyon siyang gawin ang plano ngayong araw. Kinuha niya ang isang piraso ng papel kung saan niya isinulat ang natandaang address sa Wilt's profile. Maliit niya iyong tinupi at inilagay sa secret pocket ng suot na jeans. Paglabas niya sa kwarto sumalubong agad ang dalawang tauhan ng kanyang Ama. Binati siya nito pero tahimik lang siya. Alam niya kung bakit na sa harapan ng kanyang kwarto ang dalawa. Iyon ay para tingnan ang mga dala niyang gamit. Alam ng kanyang Ama na ngayon siya aalis upang gawin ang ibinigay nitong trabaho sa kanya. Gusto nitong siguraduhin na gamit sa gagawing trabaho ang dala niya at hindi kung ano-anong bagay. Ganoon kahigpit ang kanyang Ama kapag aalis siya. "We need to check your things, Miss." Sambit ng Isa. Inihagis niya ang sukbit na pack bag sa lalaki. "Check my things in my father's office." Seryoso niyang sabi. Sumunod ang dalawa sa kanya patungo sa o
Kuyom ang kamao, nagtatagis na mga ngipin at matalim na tingin ang reaksyon ni Eiress ng malaman kung ano ang sumasakit sa kanyang ngipin. "Dad!!!" Sigaw niya at galit na sinuntok ang salamin sa harapan niya. Hindi niya pinansin ang pagkirot ng kamao. Nanatili pa rin ang matatalim niyang titig sa nabasag na salamin. "You're a cunning man, Dad!" Naghinala na siya kanina kung ano ang bagay na naroon kaya mabilis siyang bumalik sa kinaroroonan ng kanyang sasakyan. Nag-check in siya sa mismong hotel at tiningnan ang kanyang ngipin. Tama ang kanyang hinala, isang tracking device ang nakakabit doon. Hindi iyon masyadong halata dahil camouflage iyon sa ngipin at sobrang liit para maging visible. Kailangan pa niyang gumamit ng magnifying glass para siguraduhin ang kanyang hinala. Marahil inilagay ito ng hindi niya namamalayan habang sumasailalim siya sa monthly check-up. Noong una, nagtataka siya kung bakit kailangan pa noon pero ngayon malinaw na sa kanya ang lahat. Na sa ganoon si
"I-it's you?" Sambit ni Eiress. Tinangka niyang iangat ang kamay upang atakihin ang lalaking dahilan kung bakit na sa ganito siyang sitwasyon, ngunit yumakap ang kanyang braso sa batok nito habang patuloy na kinikiskis ang sarili sa katawan nito. "T-touch me." Nakikiusap niyang sabi. "Why?" Mapaglaro nitong tanong. "D'mmit! Touch me!" Nawawala na siya sa sarili dahil sa lumalakas na epekto ng gamot na iyon. Wala ng laman ang kanyang isip kundi ilabas ang kakaibang init na nararamdaman. "Beg," "P-please," pagsunod niya. "I can't hear you," "P-please, t-touch me!" Mas malakas niyang sabi habang pilit inaabot ang labi nito pero umiiwas ang lalaki. "Are you sure?" Muli nitong tanong. "Y-yes," tanging ungol na lang ang naririnig niya sa sarili. Nahihirapan na siya sa kanyang sitwasyon pero tila pinaglalaruan pa rin siya ng lalaki. "It's my pleasure," Binuhat siya nito. Ikinawit naman niya ang dalawang hita sa baywang nito habang magkalapat ang kanilang labi. Hindi niya al