Share

Chapter 3

Halos hindi ako nakatulog ng maayos sa kakaisip kay Theo at sa mga bagay na sinabi niya doon sa rooftop kahapon. Sa tuwing iniisip ko kasi 'yong mga sinabi niya mas lalo lang akong na-curious sa pagkatao niya. He always wear his jacket kahit hindi naman malamig, tapos palagi pa niyang tinatago ang mukha niya sa pamamagitan ng pagyuko at pagpapanatili niya sa mahaba niyang bangs. At hindi lang 'yon napansin ko ding hobby na niyang magpaalipusta na lang kung kani-kanino.

Ang buong akala ko talaga kaya hindi siya nalaban sa Kenneth na 'yon ay dahil takot siya pero nang makita ko ang nangyari sa party ni Tita Anastasia kahapon ay napagtanto ko na hindi niya talaga pinaglalaban ang sarili niya.

He's weird and mysterious.

"Sweetheart, you're alright? Kanina ka pa nakatulala and you're not eating your food. What's the matter? Ayaw mo ba sa school mo? I could still transfer you to another school if you want," Dad worriedly said. He's always been like that kahit pa noong bata pa lang ako.

"I'm alright, Dada. Kulang lang 'yong tulog ko, medyo nahirapan po kasi akong matulog kagabi," pagdadahilan ko na lang sa kaniya.

I started eating para hindi na mag-alala pa sa 'kin si Dada kahit wala akong ganang kumain. Knowing him, hindi siya titigil sa kakatanong sa 'kin hangga't nakikita niyang parang wala ako sa wisyo.

Habang tahimik akong kumakain may bigla akong naisip. I'm sure, Dada knows Henry. Kung kilala kasi ni Tita Anastasia 'yong Henry siguradong kilala din iyon ni Dada.

"Dada, you know Henry? Iyong kaibigan ni Tita Anastasia?" He looked at me with a creased forehead then he put his spoon and fork down.

"Yeah I know him. Why? May nakita ka bang ginawa ni Henry kay Anastasia kagabi?" he asked as he get his glass and poured water in it.

I shook my head. "No, Dada. It's not like that uhm, I just got curious about him kasi parang close na close sila ni Tita Anastasia."

Kinuha na ni Dada ang kutsara't tinidor niya na nilagay niya sa gilid ng plato niya kanina at pinagpatuloy na niya ang pagkain. Habang ako naman ay nag-iisip pa ng pwede kong idahilan para magawa kong pakwentuhin si Dada tungkol sa Henry na 'yon.

I desperately want to know Theo and I mean it.

"They are highschool best friends. That's why they're so close," he simply replied.

There's something wrong with my Dada today. He's a very talkative man when he's with me pero parang ngayon gusto na niyang matapos na agad ang usapan namin.

"Uh, anyway Dada may asawa na ba 'yong Henry?" Tumingin ulit sa'kin si Dada at ngayon masama na ang tingin niya sa 'kin.

"Don't tell me you have a crush on that jerk?"

"Of course not!"

"You seem very interested about him.. Why?"

"I'm interested about him kasi I want to know if he's fit to be Tita Anastasia's next boyfriend," I reasoned out then I rolled my eyes.

What an excuse Meadow! My God!

"What? He can't be Anastasia's boyfriend. May asawa na 'yon and he's not a good man. You wouldn't want a jerk of a boyfriend for your Tita Anastasia right?"

"Of course Dada! Tinatanong ko lang naman po. Why you're so angry? May galit ka ba doon sa Henry na 'yon?"

My Dad just remained quiet the whole breakfast after our conversation. I'm sure he just want me to drop the topic. Ano bang meron sa Henry na 'yon? Pati tuloy siya iniisip ko na rin.

Pagkatapos naming kumain agad na akong naligo at nag-ayos. I set the alarm early para mahaba pa ang oras ko para makapag-ayos at kumain.

Nang maayos na ako ay bumaba na ako kaagad at lumabas na ng bahay. Kaagad kong nakita si Dada na nasa loob na ng kotse at hinihintay ako.

Napagkasunduan kasi namin ni Dada na ihatid sundo niya ako. Hindi naman kasi ako marunong mag-commute at isa pa, nangangapa pa kasi ako sa school.

Wala ni-isa sa amin ni Dada ang nagsalita sa buong byahe. Halos naririnig ko na nga ang bawat paghinga namin sa sobrang tahimik. Mas lalo tuloy akong napaisip. Sino ba kasi iyong Henry? Imposible naman kasing magalit na lang si Dada ng walang dahilan hindi ba? Atsaka, Dada called him jerk. That must've mean something, dahil hindi gano'ng klase ng tao si Dada na bigla na lang magsasabi ng masama tungkol sa isang tao.

"Ba-bye, Dada. I love you, and tell Mom I love her." I kissed his cheek and I went outside the car.

"I will, I love you too sweetheart. You take care. I'll pick you up later." I just nodded my head then wait for his car to move forward. Nang makita kong wala na ang kotse ni Dada ay napabuntong-hininga na lang ako.

Dada goes to Mom's graveyard everyday, sa katunayan nga halos doon na tumira si Dada sa sementeryo e. Every morning pinupuntahan niya si Mommy. Wala pa akong natandaan na hindi niya pinuntahan si Mommy kahit pa masama ang pakiramdam niya.

Kung minsan naaawa na rin ako kay Dada. I know that the pain of mom's death is still hurting him every night when he's alone. Kaya nga halos gawin na niyang pangalawang bahay 'yong sementeryo. Nakakalungkot lang isipin na kaming dalawa na lang talaga ni Dada ang magkakampi, tapos wala pa akong magawa para maibsan ang sakit na nararamdaman ni Dada.

"Hoy Meadow! Bakit ka nakatulala?"

Napahawak ako sa d****b ko nang bigla na lang sumulpot si Honey sa tabi ko.

"Nakakagulat ka naman!" bulalas ko sa kaniya.

"Naglalakad ka kasi nang wala sa wisyo. Para kang tangang naglalakad nang walang patutunguhan. Tignan mo nga 'yang daan na tinatahak mo! Papunta kaya 'to sa building ng Juñior High," sabi niya sabay turo sa dinaraanan ko.

Tinignan ko ang dinaraan ko at doon ko lang napagtanto na tama nga siya, mali ako ng dinaraanan.

My goodness Meadow Rain!

"Ano ba kasing problema mo?" Hinila ako ni Honey sa braso at dinala ako sa tamang daanan papunta sa building namin.

"Wala naman. Kulang lang ako sa tulog," pagdadahilan ko na lang sa kaniya.

Hindi naman na siya nagsalita pa at nagpatuloy na lang kami sa paglalakad. Napansin ko ding hindi siya nakasuot ng school uniform. Naka-white t-shirt siya na may print na: fuck off. Naka-skinny jeans din siya at nakasuot ng white sneakers at makapal din ang make up ni Honey ngayon.

Napaisip tuloy ako kung paano siya nakapasok ng gano'n ang itsura niya e mukhang mahigpit ang mga gwardiya dito sa school.

Tumingin ako sa paligid para tignan kung may estudyante bang naka-civilian pero lahat naman naka-school uniform. Hay naku, ang pasaway talaga kahit kailan ni Honey.

"Honey, bakit nga pala hindi ka nakasuot ng school uniform?" tanong ko sa kaniya.

"Second day pa lang naman pwede pang mag-civilian, sadyang mga excited lang kayong mag-uniform," sagot niya sabay irap sa akin.

Napa-iling na lang ako. Kung sabagay si Honey nga pala ang kausap ko, 'yong babaeng walang pakielam sa rules.

"Ah, Honey. Mauna ka na."

"Bakit?" kunot noo niyang tanong sa akin.

"Naiihi na kasi ako e," sagot ko sa kaniya sabay pinag-krus ko ang aking binti para magpigil.

"Sure ka? Baka maligaw ka?" naninigurong tanong sa akin ni Honey.

"Oo kaya ko na, salamat."

Tinanguan ako ni Honey pagkatapos ay lumiko na siya para umakyat sa second floor. Naalala ko kasi 'yong sinabi sa 'kin ni Honey na malinis daw ang comfort room dito sa first floor kaya naman dito na lang ako iihi.

Naglakad na ako papunta sa comfort room at nang makapasok na ako ay laking pasasalamat ko na walang tao sa loob.

Binuksan ko muna lahat ng pintuan sa loob ng comfort room bago ako namili. Iyong nasa unahan lang ang malinis, iyong dalawang sumunod na palikuran ay masangsang ang amoy at madumi.

Pumasok na ako sa may unahan at umihi na ako. Binilisan ko na rin ang pag-ihi ko dahil baka ma-late ako sa klase. Second day na ngayon siguro naman mag-u-umpisa nang mag-lesson 'yong mga teacher.

Pagkalabas ko ng comfort room nakita kong wala nang masyadong estudyante sa corridors. Kaya naman kaagad na bumilis ang tibok ng aking puso sa kaba.

Tatakbo na sana ako kaso may biglang humila sa aking braso.

"Meadow.. Please kausapin mo ako."

Kilalang-kilala ko ang nagmamay-ari ng boses na 'yon. Bakit kailangan ko pang marinig ang boses niya ulit? Hindi pa ako handa.

Hindi ito pwede. Bakit siya nandito? Imposible! Hinding-hindi siya papasok sa isang public school. Bakit kailangan ko pa siyang makita? Bakit?

"S-Sorry may klase pa kasi ako." Sinubukan kong hilahin ang braso ko sa pagkakahawak niya pero masyadong mahigpit ang kapit niya sa 'kin kaya naman hawak niya pa rin ang braso ko.

"Hindi, dito ka lang, mag-uusap tayo," pagmamatigas niya sa akin.

"Wala na tayong dapat pag-usapan, Kenneth. Aalis na ako."

Naramdaman ko ang pagluwag ng kapit niya sa akin kaya agad ko nang hinila ang braso ko mula sa kaniyang kapit at nagmadaling umalis.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status