Nanginginig ang kamay ko at nag-u-umpisa na rin tumulo ang luha sa aking mga mata. Marahas ko iyong pinahid at mas binilisan ko pa ang paglalakad.
Tama na ang pag-iyak, Meadow. Hindi mo na dapat siya iniiyakan.
Nang makarating na ako sa classroom agad akong umupo sa tabi ni Honey. Nang mailapag ko na nang maayos ang bag ko ay sinubukan kong itago ang nararamdaman ko.
Ayaw kong umiyak dito sa classroom at gumawa ng eksena atsaka ayaw ko namang mag-alala pa sa 'kin si Honey kapag nakita niya akong umiiyak kaya naman kahit mahirap sinubukan kong umakto na para bang hindi ako apektado sa bigla na lang na pagsulpot ni Kenneth.
Bakit kasi sa lahat ng school dito pa siya nag-aral? Bakit kasi kailangan pang magtagpo ulit ang landas naming dalawa? Ayos na ako, nakakaya ko nang ngumiti ng totoo. Bakit kung kelan nasa proseso na ako ng pag-ayos sa sarili ko bigla na lang siyang susulpot at sisirain ang lahat?
Ang buong akala ko okay na ako, pero bakit gano'n? Nakita ko lang siya parang nadurog ulit ako. Hindi ko maintindihan.
"Meadow, okay ka lang?" tanong sa akin ni Honey.
"Ah, y-yeah."
Hindi ko nililingon si Honey baka kasi kapag tumingin ako sa kaniya mahalata niyang hindi ako maayos ngayon.
"You sure? Baka mamaya magulat ako mahimatay ka na lang d'yan. Ang putla mo kasi. Umihi ka lang namutla ka na pagbalik mo. Oh, baka naman may nakita kang multo sa comfort room? Balita ko kasi may multo rito sa school e. Hindi lang ako naniniwala kasi hindi ko naman nakikita. Bakit may nakita ka? Anong itsura? Nakakatakot?" pang-uusisa niya pa sa akin.
Kung alam lang ni Honey kung anong nakita ko kanina. Sana nga multo na lang nakita ko kanina pero hindi e, mas nakakatakot pa sa multo ang nakita ko kanina. May mas nakakatakot pa ba sa taong nang-iwan sayo sa ere na bigla na lang susulpot sa harapan mo na parang walang nangyari? Oh, di ba mas nakakatakot 'yon.
"Good morning, class!" masiglang bati sa amin ng isang guro.
Agad kaming nagtayuan lahat nang may pumasok siya sa loob. Hindi namin siya na-meet kahapon kaya naman medyo nabigla ako nang bigla na lang siyang sumulpot.
"Umupo na kayong lahat at may announcement ako," sabi niya sabay patong ng kaniyang kanang kamay sa teacher's desk.
"Sorry ma'am, I'm late."
May biglang pumasok na classmate ko na hindi ko pa kilala. Tinanguan lang siya no'ng teacher na para bang normal na sa kaniya na may nale-late na estudyante.
"It's alright, umupo ka na hijo. So, bumalik tayo sa announcement. Gusto ko lang malaman niyo na may bagong dadagdag sa klase niyo. He's not a transferred student nagkamali lang siya ng classroom na napasukan kahapon at hindi lang naisulat ang name niya sa section niyo kaya naman nagkaproblema siya. Alam kong kompleto na kayo pero wala naman sigurong magiging problema kung may madadagdag na isa sa inyo hindi ba?" malumanay na paliwanag at tanong sa amin ng guro sa harapan.
"Naku naman, ang init init na nga dito sa classroom para na tayong mga sardinas dito magdadagdag pa ng isa bwiset!" halos pabulong na reklamo ni Honey. Medyo natawa ako dahil doon. Sa lahat na lang kasi ng bagay may bad comment siya palagi.
"Okay lang po ma'am!" sagot ng mga classmates namin. Mukha namang wala silang pakielam kung may madagdag si Honey lang talaga ang hindi sang-ayon. Kung ako ang tatanungin bakit naman hindi? Isa lang naman ang idadagdag.
Atsaka nagkaproblema pa daw 'yong tao kahapon, first day pa naman, kawawa naman siya.
"Let's just wait for him pumunta kasi siyang comfort room kanina. While waiting for him magpapakilala na lang muna ako sa inyo...."
Nagtuloy-tuloy pa ang salita ni Ma'am Salvador. Siya naman ang magiging teacher namin para sa asignaturang Physical Education. Nakakatuwa nga siya e, mukha kasing ang cool lang niyang maging teacher. Hindi siya masyadong istrikto.
Sa maikling oras na iyon nakapalagayang loob na agad ni Ma'am ang mga classmates ko na tuwang-tuwa sa mga jokes niya.
"O, tulala ka na naman d'yan Meadow," sita sa akin ni Honey na siyang nakapagbalik sa aking wisyo.
"Pasensya na may iniisip lang," sagot ko sa kaniya sabay ayos sa aking pagkakaupo.
"Kung sa bagay ako rin may iniisip. Iniisip ko kung saan kaya napulot ni Ma'am Salvador mga jokes niya masyadong corny nakakairita lang. Tapos kung makatawa pa 'yong mga ulupong doon sa likod akala mo naman ipapasa sila niyan ni Ma'am kapag tinawanan nila mga jokes niya. Mga sipsip," iritableng sabi ni Honey habang nakatingin siya ng masama sa mga kaklase naming nagtatawanan.
Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at natawa na ako ng malakas. "Baliw ka talaga, ewan ko sayo."
Habang natawa ay napatampal ako ng mahina sa braso niya. Agad naman niya iyong nilayo sa akin at inirapan niya ako.
"May patampal sa braso, close tayo?"
"Ay pasensya na hindi ko naman kas—"
She chuckled. "Joke lang. Alam mo ang seryoso mo lagi. Para kang tanga d'yan."
"Seryoso kasi 'yong mukha mo," pagtatanggol ko sa sarili ko.
"Ewan ko sayo," sagot niya sa 'kin tapos inirapan na naman niya ako.
"O, nandyan na pala ang new classmate niyo. Halika dito hijo at magpakilala sa kanilang lahat."
Pagkalingon ko sa lalaking papasok ng classroom namin para bang binuhusan ako ng malamig na tubig nang makita ko ang mukha niya.
"Hello guys, my name is Kenneth Descallar. Sana maging kaibigan ko kayong lahat."
"Tsk, pa-cool talaga 'tong bwiset na 'to! Bakit sa dinami-rami ng classrooms dito sa atin pa siya napunta," rinig kong sabi ni Honey.
Dahil sa sinabi ni Honey nabuo ang katanungan sa isip ko na baka siya 'yong Kenneth na sinasaktan si Theo kahapon pero sana hindi, sana hindi siya 'yon.
"Meadow ayos ka lang? Maputla ka na naman."
"Wala ayos lang ako. T-Teka kilala mo ba siya Honey?" Nangangatog ang aking kamay kaya naman hinawakan ko na lang ang aking panyo ng mahigpit.
Tumingin ako kay Honey at nakita ko ang inis sa mukha niya.
"Oo naman, siya ang bully dito. Hindi ba nasabi ko na sa 'yo kahapon? Siya 'ykng Kenneth na sinasabi kong bully at 'yong taong walang ginawa kung hindi gawing punching bag si Theo," paliwanag niya sa akin habang nakatingin siya kay Kenneth na ngayon ay nakatayo pa rin sa harapan.
Siya nga.
Hindi ko akalain na ganito na pala siyang tao. Masyado na siyang naging bayolente.
Sinalubong ko ang tingin niya sa 'kin. Sinubukan kong hanapin si Kenneth. 'Yong Kenneth ko two years ago, pero hindi ko na siya mahanap sa katauhan ng lalaking nakatingin sa 'kin ngayon.
"Hay grabe! Ang bilis ng araw. Akalain mo 'yon limang buwan na pala ang lumipas," sabi ni Rachelle habang humihikab.She's right. Napakabilis nga ng oras at ng mga pangyayari. Hindi pa rin ako makapaniwalang limang buwan na pala ang lumipas. Gano'n siguro talaga kapag nage-enjoy ka.I could still remember my first day here. Hindi ko talaga inisip na magkakaroon ako ng kaibigan dito sa school. I'm not really approachable and I don't know how to start a conversation.Kaya naman sobra akong nagpapasalamat na kinausap ako noon ni Honey. Bago ko pa man makita si Rachelle sa comfort room ay sapat na sa akin noon kung si Honey lang ang maging kaibigan ko ngunit hindi ko akalaing may dadagdag pang isa which is Rachelle.I'm thankful that I have the best dad ever. Kung hindi dahil sa kaniya siguro hindi ko nakita ulit si Rachelle at hindi ko magiging kaibigan si Honey. Mabuti na lang at hindi talaga sinunod ni Dada si Mamu. Speaking of Mamu, pupunta nga pala kami
Inilagay ni Theo ang cellphone niya sa loob ng bulsa ng khaki short niya at naglakad siya patungo sa akin. Hindi ko tuloy alam kung tatakbo na ako paalis o iyuyuko ko na lang ang ulo ko. Kahit kailan talaga si Honey! "Hi," he murmured shyly. I gave him a smile. "Hi, uhm, sorry si ano kasi-" Napatigil ako sa pagsasalita nang tinawanan niya ako. "Okay lang. Pauwi ka na?" Pauwi na ba ako? Gusto ko na nga bang umuwi? Wala rin naman akong gagawin sa bahay at wala rin tao ro'n. Okay naman sigurong sumama ako kay Theo di ba? "Uhm, sana... Pero may kasama ka ba ngayon?" "Palagi naman akong mag-isa." "Ah, sorry nakalimutan ko." "Ano'ng meron sa 'yo ngayon at sorry ka yata ng sorry?" He smile at me and I feel butterflies dancing on my stomach. How can he manage to look handsome without even trying? "Huwag ka ngang ngumiti ng ganyan!" He laughed. "Bakit ano'ng masama sa pag-ngiti ko? Atsaka
Bago kami pumasok ay tinanong pa ni Honey kung pwede daw ba ang aso sa loob ng bahay namin ang sabi ko ay okay lang naman. Mukha naman kasing walang issue si Dada pagdating sa mga aso. Binuhat ni Honey ang aso niya at pumasok na kami sa loob.Nang makapasok na kami sa loob ng bahay ay tinanggal na muna ni Honey ang tali na nakasabit sa collar ng puddle niya. Pagkatanggal ni Honey ay agad namang tumakbo ang aso niya."Nakakayamot talaga 'tong aso na 'to.""Hayaan mo nang magpagala-gala dito sa bahay. Wala naman siyang ibang lulusutan palabas kasi wala naman kaming ibang pinto na pwedeng labasan.""Hay naku, subukan lang talaga niyang tumae dito sa inyo ipapakain ko talaga 'yon sa kaniya.""Ang sama mo."She rolled her eyes again. "Joke lang. Sa mahal ng aso na 'yan makakaya ko bang patayin 'yan? Eh di mas una akong pinatay ng mama 'ko."Umupo muna kami ni Honey sa couch dito sa living room dahil hinahanda pa ang breakfast namin. Nag-us
The aroma of newly baked cookies run through my nostrils. Dahil doon tila ba kumalam na agad ang aking tyan. Amoy pa lang mukhang masarap na. Saan ba nanggagaling 'yong amoy na 'yon?"Sweetheart, wake up." Kumapa ako ng unan habang nakapikit pa rin ang aking mata. Nang makahanap ako ay kaagad ko iyong pinatong sa aking tenga.Ayaw ko pang tumayo sa kama. Gusto ko pang matulog ulit.Naramdaman ko ang ginawang pagtanggal ni Dada sa unan na nasa tenga ko."Gumising ka na. I baked cookies for you. C'mon, get up, sleepyhead.""I'm still sleepy," I mumbled."Alright maybe I'll just give these to Ivan. Kanina pa naman niya 'to gustong lantakan."Agad akong bumangon at sinimangutan ko si Dada. Doon ko lamang nalaman na may tray na nakapatong sa gilid ng kama kung saan nakalagay ang cookies at isang baso ng tubig. Kinuha ko ang baso ng tubig at ininom iyon."How was your sleep?" Pagkatapos kong uminom ay binalik ko iyon sa tray.
Pagka-send ko pa lang ng message ay nabasa na niya agad iyon. Wala sigurong ginagawa ang isang 'to.Nicholls Scott: Kailangan naming gumawa ng facebook account para sa mga subject teachers namin. At isa pa, mas gusto kitang asarin sa personal.I rolled my eyes. Kahit kailan basag trip talaga itong isang 'to. Pero kabog siya mag-type huh with right punctuation marks and capitalizations. Para lang siyang nagsusulat ng essay assignment.Meadow Fabiana: Oo na basag trip ka bakit ka ba kasi nagchat?Nicholls Scott: Gusto ko lang ipaalam na pwede mong labhan 'yong handkerchief pero hand wash lang dapat.Dyusko! Nag-message siya sa 'kin para lang ipaalala 'yon? Nagsayang pa siya ng oras hanapin 'yong account ko sa facebook para lang ipaalala na kailangan i-hand wash 'yong handkerchief! Grabeng effort 'yon huh.Salamat sa paalala huh! Hindi ba pwedeng mag-chat siya dahil gusto niya akong i-
While drying my hair using my favorite towel I couldn't stop myself from smiling. Para na akong tanga na nakangiti dito mag-isa sa kwarto ko. Nang tanggalin ko ang panyo na binigay ni Theo sa buhok ko kanina bago ako maligo ay nilapag ko iyon ng maayos sa kama ko. Kelan niya kaya ito ginawa? I never thought that he can paint.Marami pa talaga akong bagay na hindi alam tungkol kay Theo.Umupo ako sa may swivel chair pagkatapos ay binuksan ko ang laptop ko. Marami kasi akong kailangang i-search. Tinatambakan na talaga kami ng mga gawain. Binato ko ang tuwalya ko sa may kama pagkatapos ay nag-search na ako sa google.Basa pa ang buhok ko at hindi pa ako nagsusuklay pero hinayaan ko na lang na gano'n iyon. Marami pa naman akong gagawin atsaka isa pa hindi pa naman ako inaantok.Kinuha ko ang assignment notebook ko at ipinatong iyon sa study table. Chineck ko kung ano pang mga assignment ang kailangan ko pang gawin. 'Yong iba lang kasi ang natatandaan ko.