Share

Chapter 14

While drying my hair using my favorite towel I couldn't stop myself from smiling. Para na akong tanga na nakangiti dito mag-isa sa kwarto ko. Nang tanggalin ko ang panyo na binigay ni Theo sa buhok ko kanina bago ako maligo ay nilapag ko iyon ng maayos sa kama ko. Kelan niya kaya ito ginawa? I never thought that he can paint.

Marami pa talaga akong bagay na hindi alam tungkol kay Theo.

Umupo ako sa may swivel chair pagkatapos ay binuksan ko ang laptop ko. Marami kasi akong kailangang i-search. Tinatambakan na talaga kami ng mga gawain. Binato ko ang tuwalya ko sa may kama pagkatapos ay nag-search na ako sa google.

Basa pa ang buhok ko at hindi pa ako nagsusuklay pero hinayaan ko na lang na gano'n iyon. Marami pa naman akong gagawin atsaka isa pa hindi pa naman ako inaantok.

Kinuha ko ang assignment notebook ko at ipinatong iyon sa study table. Chineck ko kung ano pang mga assignment ang kailangan ko pang gawin. 'Yong iba lang kasi ang natatandaan ko.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status