Share

Chapter 4

Mas dumoble lang ang kaba sa d****b ko dahil hindi ko alam kung nasaan talaga ako. Kabado man ay sinikap kong panatalihin na kalmado ang mga kilos ko nang lumabas ako sa kwarto na pinagmulan ko.

I was walking silently, determined that I won't make any noise. Nagmasid ako sa paligid nagbabaka-sakaling may ibang tao na narito. Baka mamaya ay na-kidnap na pala ako at manghihingi ng ransom, pero wala namang mapapala sa akin ang kidnapper kung sakali.

Nang makarating ako sa sala ay wala akong nakita na ibang tao. Dumiretso naman ako sa kusina at nabigo rin nang makitang wala tao roon. Maging ang banyo na katabi ng kusina ay sinilip ko pero wala rin akong nadatnan.

"What the hell is happening?" I whispered to myself.

The last time I remembered, we were just having fun on that party not until everything went chaos...

Smoke...

A rare smoke suddenly appeared that made us lose our senses...

Then, when I woke up, I am here...

I don't know where I am.

I was dumbfounded when I reached the path outside the house I am in right now.

Saan 'to?

Nasaan ako?

Ano'ng ginagawa ko rito?

Bakit ako nandito?

Sino ba ang nagdala sa akin dito?

Tanong ako nang tanong pero alam ko naman na hindi ko masasagot iyon dahil wala akong ideya sa kung ano ang nangyayari ngayon.

Sa pagkakatanda ko ay wala namang may ganitong bahay sa mga kaibigan ko kaya imposible na sila ang nagdala sa akin dito.

Am I really being kidnapped?

Pero kung na-kidnapped naman ako ay may posibilidad na dadalhin ako ng kidnapper sa isang madungis na lugar, ‘di ba?

Ang sosyal naman yata ng kidnapper ko? Ang ganda ng pinagdalhan na lugar sa ‘kin?

Hindi pamilyar ang lugar sa akin. Mukhang sibilisado ang lugar na ito dahil sa tahimik at malinis ang paligid. Napapaligiran din ako ng mga bahay na tulad no’ng sa akin.

I think I was in a village, this house rather.

But how the hell I ended up here?

Who brought me here?

Napasinghap na lang ako sa inis at nag-umpisang magtipa sa cellphone na hawak ko. Napahinto rin ako kalaunan dahil maging ang cellphone ko ay nag-iba!

Damn! Hindi ito ang cellphone ko!

Agad kong binuksan ang mga applications at contacts ko. Bumagsak ang mga balikat ko nang makitang wala ni isang numero ang naka-save sa contacts.

Inumpisahan kong i-dial ang mga numero ng kaibigan ko na natatandaan ko, pero lahat ay unattended.

Ano ba'ng nangyayari?

Wala naman akong makita na ibang tao ngayong oras kaya wala akong mapagtanungan kung nasaan ba talaga ako.

I am not scared with my whole existence not until now...

I am scared with what will happen to my life being here that I don't even know in the first place.

My face lit up when an idea sinked in.

Paniguradong may guwardiya ang village na 'to!

Agad akong nagtungo kung saan madalas nakapwesto ang mga guwardiya sa mga village na kagaya rito. Lakad takbo ang ginawa ko para makarating agad doon. Hindi nga ako nagkamali dahil mayroon nga.

"Manong? Manong?" agad na tawag ko nang makarating ako sa silid ng pwesto niya.

Sumilip muna siya sa maliit niyang bintana at nang makita ako ay binuksan niya ang pintuan. Nagtataka naman siyang nakatingin sa akin.

I think he’s in 40s of age. His body is still lean though. Baka noong mga kabataan niya ay maganda talaga ang pangangatawan niya kaya nadala niya hanggang ngayon. He has a tanned skin, maybe because this place was like a province.

"Ano'ng kailangan mo, hija? Ikaw 'yong bago rito, 'di ba?" tanong niya.

Tumango-tango naman ako bilang sagot.

"Opo, manong. At saka nasaan po ba ako? Ano'ng lugar po ‘to?" naguguluhang tanong ko sa kaniya pero sinigurado ko na maayos ang pagkakatanong ko.

"Ah, nasa El Kanjar ka, hija. El Kanjar Village naman ito rito," sagot niya.

El Kanjar?

Saan naman 'yon?

Ngayon lang ako nakarinig ng ganoong pangalan ng bayan o probinsya. Kahit sa mapa ng Pilipinas ay wala akong natatandaan na ganoong pangalan ng lugar.

"May d-daan po ba paalis dito?" tanong ko, nagbabaka-sakali.

Bumuntonghininga si manong guard bago malungkot na tumingin sa akin. Agad naman akong nabigo sa tingin niyang iyon.

Is there no way out from here?

Is that even possible?

"Ang totoo niyan, hija... napaliligiran tayo ng kagubatan. Ang sabi nila ay kailangan mong makatawid sa kagubatan. May nakapagsabi rin na delikado naman na gawin 'yon dahil ang mga nagtangka na umalis sa lugar na ito ay hindi talaga nakakalabas ng El Kanjar at natatagpuang patay pa."

Napalunok ako.

Totoo kaya iyon?

Seryoso ang mukha ni manong guard habang nagsasalita kaya sa palagay ko ay hindi siya nagbibiro.

"S-Sigurado po ba kayo, manong? Paano po kung h-hindi naman 'yon totoo?" tanong ko pa.

"Alam ko na sa ngayon ay hindi mo ako paniniwalaan, hija. Pero sa mga susunod na araw na narito ka ay malalaman mong nagsasabi ako ng totoo," mahabang sagot niya.

"Paano ako makakaalis dito?" mahinang bulong ko sa sarili ko.

I let out a frustrated sigh. I need to go home. This isn’t my place to begin with. Hindi ako taga rito.

"Ayos ka lang ba, hija? Namumutla ka at... 'yong suot mo..." nag-aalalang puna niya.

Agad namang bumaba ang paningin ko sa suot ko. Suot ko pa rin ang ayos ko noong party. May mga punit na ang tank top at leather skirt ko. Paniguradong marumi na rin ito pero hindi lang halata dahil kulay itim.

Tsk. Hindi man lang ako nilinisan no’ng kung sinong nagdala sa akin dito?

"A-Ayos lang po ako, manong. Salamat po sa sagot n'yo," magalang na sambit ko.

Aalis na sana ako roon nang pigilan ako ni manong guard, mukhang may sasabihin pa siya kaya nanatili ako.

"Siya nga pala, hija. Mayro'ng dalawang tao rito na nakikita raw ang hinaharap at ang nakaraan...” panimula niya.

My forehead creased.

Ano sila manghuhula?

Weird.

”Pero hanggang ngayon ay hindi rin namin alam kung sino ang dalawang taong 'yon. Baka makatulong sila sa 'yo," dugtong niya pa.

“Sigurado po kayo, manong? Baka ji-no-joke time n’yo lang po ako, ah?” natatawang asik ko.

Napakamot naman si manong guard sa batok niya at bahagyang natawa. “Hindi ko rin alam, hija. Sabi-sabi lang kasi iyon. Pero malay natin totoo, ‘di ba?” Nagkibit-balikat siya.

Nakikita ang hinaharap at nakaraan?

Paano naman mangyayari 'yon?

Posible ba 'yon?

At saka sa paanong paraan naman nila ako matutulungan?

Maiaalis ba nila ako rito?

Nalilito kong tinahak ang daan pabalik sa bahay na pinanggalingan ko.

El Kanjar?

Sino'ng nagdala sa 'kin dito?

May kinalaman ba 'yong nangyari sa amin sa party kaya ako narito?

Pero bakit? Para saan?

Ano ba 'to?

Paulit-ulit na lang ang mga tanong ko pero hindi ko naman nasasagot.

Argh!

Sanay akong mag-isa, oo. Pero sa lugar na hindi ko naman alam, pakiramdam ko ay gusto ko na lang na maglaho.

Kahit naguguluhan ay sinikap kong makapasok ulit sa loob ng bahay na iyon. Hindi ko alam kung kanino ba ito. Hindi ko alam kung tama ba na nandito ako.

Paano kung umalis lang ang totoong may-a*i nito at bumalik?

Tapos, kung ano na ang mangyari sa akin?

Sa sobrang aligaga ko ay ini-lock ko ang pintuan pagkapasok ng bahay.

The sure, the better for me.

Nagtungo rin ako sa kusina at kumuha ng isang kutsilyo bago ulit nagtungo sa kwarto na pinanggalingan ko kanina.

Napaupo na lang ako sa dulo ng kama dahil sa kaguluhan ng nangyari.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntonghininga.

What about my friends?

What happened to them?

Are they safe?

Naalala ko pa noong bago ako mawalan ng malay ay may mga yabag akong naramdaman at narinig na papalapit sa amin.

Hindi ko alam...

Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa kanila ngayon.

Damn!

I am getting frustrated with this shit!

My forehead creased when I noticed a laptop suddenly made its life. Bumukas ito ng kusa.

Agad kong hinawakan nang mahigpit ang kutsilyong dala ko at saka dahan-dahang lumapit sa kinaroroonan ng laptop na nakapatong sa isang study table.

Am I being monitored?

May nakakanood ba ng mga galaw ko sa bahay na ‘to?

My heart was now throbbing so fast. I can't literally explain what I'm feeling right now. I wanted to explode!

Humigpit ang hawak ko sa kutsilyo habang dahan-dahan na lumalapit sa study table kung saan naroon ang laptop.

Pagkalapit ay napakunot ang noo ko dahil sa nabasa ko. Naguluhan ako sa mensahe na naroon.

BLISSFUL DAY, ANVESHIKA!

ENJOY YOUR STAY. THE HOUSE IS YOURS.

— D.S.R

Ano'ng ibig sabihin nito?

Sino ang nagpadala nito?

Bumagsak ang paningin ko sa initials na nasa ibaba ng mensahe.

D.S.R?

Who the hell is that person?

Wala naman ang may ganoong initials sa aming magkakaibigan kaya imposible na sila talaga ang nagdala sa akin dito.

Enjoy?

How would I fucking enjoy here?

Nagpapatawa ba siya?

Hindi nakakatuwa ang nangyayari ngayon. Gusto kong sapakin kung sino man ang may pakana nito. Kahit kailan ay hindi ako matutuwa.

But one thing is for sure right now.

I don't know where I am.

I am lost...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status