Share

Chapter 9

“Ngayon lang nagkaroon ng sekretarya si Sir Dearil,” komento ng staff habang nakangiting nakatitig sa akin.

Naguluhan naman ako sa sinabi niya.

Ha?

Seryoso ba siya?

Kaso mukhang hindi naman siya nagbibiro dahil hindi ako makabasa ng bakas ng pagbibiro sa mukha niya.

"Po?" naguguluhang tanong ko. Napakamot pa ako sa kilay ko at naghihintay sa sagot niya. Sa totoo lang ay kinakabahan ako, nakakakilabot.

"Ikaw pa lang ang naging sekretarya ni Sir Dearil. Hindi na niya kailangan ng sekretarya dahil nariyan naman si Gian, ang kaniyang personal butler. Pero ngayon lang talaga siya nagka-sekretarya." Mariin ang titig sa akin ni manang staff na para bang pinapasok niya ang kaloob-looban ko.

Tumikhim naman ako para maibsan ang kaunting kaba na nararamdaman ngayon.

Oo, kaunti lang, promise.

"G-Gano'n po ba?" alanganing tanong ko.

"Hayaan mo na ang sinabi ko, hija. Maging maayos sana ang pananatili mo rito," nakangiting habilin niya.

I nodded my head as I gave her a small smile.

"Thank you po," magalang na sambit ko. "Mauna na po pala ako," paalam ko at tanging tango lang ang isinagot niya sa akin.

Laglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung totoo ba iyon. Hindi na pala kailangan ng sekretarya?

But why?

There's Gian already who can do the works... so why bother to get another secretary?

Argh!

Wala ako sa sarili ko nang makaalis doon. Nakatulala lang ako sa repleksyon ko sa metal na pader ng elevator.

I let out a deep breath. Pero... ako pa lang ang naging sekretarya niya?

Mukhang hindi naman nagsisinungaling si manang kanina. Mas matagal na siya rito kaya talagang alam niya iyon.

Gulong-gulo na talaga ako sa mga nangyayari ngayon. Hindi pa nga nasasagot ang mga nauna kong katanungan nang magising ako sa lugar na 'to ay mayroon na namang panibago na babagabag sa isipan ko.

I released a deep sigh again. Ano ba talaga ang ginawa ko?

Nang makarating sa opisina ni Sir Dearil ay tahimik ko lang na inilapag sa kaniyang lamesa ang mga dokumento.

Busy pa rin si Sir Dearil sa pagbabasa ng kung anong dokumento na hawak niya. Pabalik-balik siya sa binabasa niya at maya-maya naman ay magtitipa sa laptop na nasa harapan niya. Gusto kong magsalita at magtanong sa kaniya pero walang lumalabas sa bibig ko.

"Is there a problem, Anveshika?" tanong niya at nagtataka ang mukha niyang nakatitig na sa akin. Huminto rin siya sa ginagawa niya.

Kumurap-kurap naman ako. "Uh... wala po, Sir. May kailangan pa po ba kayo?"

I mentally shook my head. I should trust no one here. I should seek answers all by myself. Hindi ko alam ang takbo ng isip ng mga tao rito kaya mahirap na, baka may masabi pa ako at magamit iyon laban sa akin.

"Wala na. Kung may problema ay sabihin mo lang sa 'kin, Anveshika." He smiled. He was still looking at me. I cleared my throat before I spoke.

"Yes, Sir. Mauna na po ako," tanging sagot ko at nagpaalam na palabas.

Gustuhin ko man na magtanong ay mas pinili ko na lang na manahimik. Kung magtanong man ako ay alam kong hindi naman niya ako bibigyan ng kumpleto at konkretong impormasyon.

Sino ba naman ako, 'di ba?

I am just a mere stranger here, in El Kanjar. They don't know me at all. I just appeared here in a blink of an eye.

Mas mabuti pa yatang ako na lang talaga ang humanap ng mga kasagutan sa mga tanong ko.

As I've said yesterday, I will unravel the mystery puzzle I am facing right now. Kahit kulang-kulang pa, darating din sa punto na mahihinuha ko ang kasagutan.

Soon, I will get the answer I am demanding...

Alam kong hindi magiging madali ito pero gagawin ko ang lahat. No one can stop me, not Sir Dearil, not that fucker who was calling me and not even somebody in this place.

I felt my phone vibrated again. My forehead creased. Paniguradong iyong gago na naman 'to.

Unknown Asshole:

Bothered?

Napaayos ako ng upo at napalinga-linga ako sa paligid ko pero wala namang ibang tao. Paano niya ba nalalaman ang mga galaw ko? Wala namang kahina-hinala rito sa opisina ni Sir Dearil, kaya paano? Hindi ko na natiis at ni-reply-an siya.

Me:

Shut the hell up!

Wala akong dapat na pagkatiwalaan ngayon. Lalong-lalo na sa lugar na 'to. Sarili ko lang ang pagkakatiwalaan ko ngayon at wala ng iba. Kung kinakailangan kong makahanap ng mga kasagutan ay gagawin ko iyon ng mag-isa.

Alone!

Unknown Asshole:

Ang lutong naman, Anveshika! By the way, your car is already at the Ravides' parking lot.

Umawang ang labi ko dahil sa nabasa.

Seryoso ba siya?

Ganoon kabilis?

Galante naman talaga ‘tong kidnapper ko.

Me:

How would I know if it's my car?

Unknown Asshole:

The headlights of the car will automatically made its life when you went near of it.

Napataas ang kilay ko.

Totoo?

May ganoon na palang sasakyan?

Pero paano naman?

Wala naman siyang personal information ko para kusang umilaw iyong sasakyan sa akin?

Unknown Asshole:

Also, it was park beside Dearil's. Magsabay na lang kayo kung gusto mo.

Napairap ako sa suhestiyon niya. Asa naman na sasabay ako kay Sir Dearil. Mamaya ay makarinig na naman ako ng mga sabi-sabi sa paligid.

May pakpak pa naman ang balita. Hindi mo na lang namamalayan na napag-uusapan ka na pala ng ibang tao.

Napailing na lang ako.

Pero ano pa nga ba?

Ngayon pa nga lang ay may kinakaharap na akong mga opinyon. Ngayon nga lang daw kasi nagkaroon ng sekretarya si Sir Dearil.

I don't give shits about their opinion. I'm just here to work anyway. Their opinions don't have a role on my work.

Naisipan ko rin na magtanong sa misteryosong tao na tumatawag at nag-te-text sa akin pero pinigilan ko rin ang sarili ko.

Mahirap na...

Mas lalong delikado. Hindi ko siya kilala. Hindi ko pa nga nakikita ng personal, ang pagkatiwalaan pa kaya siya? Lolokohin ko lang ang sarili ko kapag nagkataon.

Pero pakiramdam ko ay may mali. Ito na naman ang kutob ko. Hindi ko alam kung katatakutan ko ba ang katangian kong 'to. Simula naman noong napunta ako rito, ay maling-mali na.

Alam kong may mali!

Nang matapos ang oras ng trabaho ay agad na akong naghanda sa pag-uwi. Magpapaalam muna ako kay Sir Dearil kaya kumatok ako sa kaniyang pintuan at dahan-dahan na binuksan iyon.

Nadatnan ko siyang tutok na tutok pa rin sa pagbabasa ng mga dokumentong hawak niya. His brows were furrowed. His reddish lips were protruding. His button-down shirt's sleeves were folded up to his arms.

"Need anything?" tanong niya nang makapasok ako pero hindi niya inaalis ang tingin niya sa kaniyang binabasa.

I blinked continuously. Damn! What were you doing, Anveshika?

"Magpapalam lang po sana ako—" he cut me off.

"Fuck!" mura niya sabay tingin sa mamahaling relo na nasa bisig niya. "I'm sorry, hindi ko napansin ang oras." Sabay kuha ng coat niya sa rack na nasa likuran lang niya.

Kumunot naman ang noo ko. "Saan ka pupunta, Sir?" nagtatakang tanong ko.

Sa pagkakaalam ko ay trabaho ko lang ang tapos na kaya bakit siya naghahanda sa pag-alis?

"I'll accompany you," tanging sagot niya.

What?

"Hindi na kailangan—" he cut me off again.

"I insist."

Napabuntonghininga na lang ako at sumuko. Nauna siyang lumabas sa akin kaya sumunod na lang ako. Tahimik lang din kaming dalawa sa loob ng elevator. I can also feel my heart hammering fast inside my chest.

Will you calm down, my heart?

Bakit ang bilis ng tibok mo?

Wala naman akong ginagawa ngayon pero parang nasa karera ako!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status