
Muling Maging AkinR-18!!
Napagkasunduan ni Rayn Jasper at Arym Zchrynne “MaiMai” na magsama bilang mag-asawa sa loob ng isang taon matapos ay maghihiwalay kapag hindi nila natutunan mahalin ang isa't-isa. Kapwa sila brokenhearted nang mga panahon na iyon.
Balak sana sorpresahin ni MaiMai si Jasper tungkol sa kanyang ipinagbubuntis sa araw ng anibersaryo ng kanilang kasal ngunit kabaligtaran ang nangyari. Si MaiMai ang na sorpresa nang iabot sa kanya ni Jasper ang annulment paper na pirmado na nito. Kahit nasasaktan ay pinirmahan niya ang papel at umalis kinabukasan ng walang paalam. Pinangako ni MaiMai sa sarili na kailanman hindi niya ipapaalam sa dating asawa ang tungkol sa anak nila hanggang sa kanyang huling hininga.
Makalipas ang pitong taon, napilitan bumalik si MaiMai sa Pilipinas dala ng kanyang trabaho bilang secretary ng isang CEO sa Singapore na isa rin niyang matalik na kaibigan. Hindi inaasahan ni MaMai na ang kliyente nila ay ang dating asawa.
Paano kapag nalaman ni Jasper ang tintagong lihim ng dating asawa? Muli ba silang magkakabalikan o mas lala lang ang sitwasyon?