Lust Encounter
Mukhang may sasabihin pa siya kaya hindi na lang ako nagsalita at inihanda ang sarili para makinig.
“Tinanong mo ako kung anong dahilan ko kung bakit ako pumayag sa alok mo? Syempre noong una wala as in wala akong maiisip. Sabi ko nga sa sarili ko wala na akong mapapala sa iyo dahil nakuha ko na Virginity mo, take note ikaw din nakavirgin sa akin pero hindi naman iyon bigdeal dito sa pilipinas e lalo na sa mga lalaki, well pwede din sa mga babae pero madami pa din ang katulad ng paniniwala ng parents mo na kasal muna bago ang gawain ng magaswa. Illegitimate son ako ng Daddy ko, so technically kahit anong galing ko, kahit anong awards ko at kahit gaano ako bigyan ng papuri ng iba hinding hindi ko makukuha ang papuri ng Daddy ko dahil ang magaling lang sa mata niya ay
si Ashton wala ng iba. Si Ashton ang malakas sa babae, si Ashton ang kahit walang ginagawa nabibigyan ng madaming opportunity dahil sa mukha ni Ashton. Aminin na natin sa hindi mas gwapo siya pero cute naman ako di ba? Ang ibig kong sabihin ay gusto kong makaganti kay Ashton! Baka this time siya naman ang mainggit sa akin.” Mahabang kwento ni Brixx ng may paliko liko pa.