Eternally
Ipinagpapasalamat niya na may malaking fan-base na si Author Mariya Sofia at ayaw niyang biguin ang mga ito.
Umikot ang paningin niya sa mataas at may kalakihang Book-Shielf sa silid. Puno ng iba't ibang libro. Organisado ito, ayon sa Genre. Karamihan ay Dark Romance na ang iilan ay mga librong siya mismo ang nagsulat. Pero nagsawa na siya sa Dark Romance, na puro kilig. Gusto niya na ng thriller at fantasy, historical. Mas malawak na mundo para sa malawak niyang imahinasyon. Tumayo siya at pinagsalikop ang mga braso, napatitig sa mga libro ng Pambansang Bayani-wala na yatang gagaling pa sa dakilang nobelista. Saludo siya rito. Malalim, makahulugan at makabuluhan. Ano siya kumpara rito? Ngunit nakakalungkot lang na sa makabagong henerasyon ay ka
unti na lang ang tumatangkilik rito. Marahil nga kung hindi ito tinatalakay sa eskwelahan ay hindi na mapapansin ang mga isinulat nito. Huminga ng malalim si Jia, naalala ang pangitain. Bakit pakiramdam niya ay tila napunta siya sa panahon ng mga kastila? Baka nga tama sina Jeyzel at Liam, kasusulat niya ng nobela.