Eternally

Eternally

last updateLast Updated : 2025-07-16
By:  RIANOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
4Chapters
14views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Isang car accident ang kinasangkutan ng sikat na nobelista na si Jia Molejon. Ang beinte-singko anyos na dalaga, nakatakda na sanang ikasal sa anak ng Gobernador ng kanilang probinsiya. Sikat at maimpluwensya ang kasintahan nitong si William Cervantes. Ang kanilang kasal na tila hinadlangan ng trahedya. Nagising si Jia mula sa mahabang panahon na pagka-comatose. Ngunit nang magising ito, tila nagbago na ang mundo niya. Bagong kapaligiran, bagong kabanata. Nagising siya sa katauhan ng isang nagngangalang Matilda. Tila nagkatotoo ang mga kwentong-pantasya na dati ay isinusulat lamang niya. TIME TRAVEL. At sa lumang mundo, tila kaya niyang baguhin ang tadhana sa hinaharap. Ngunit paano kung mas nagugustuhan niya na ang lumang panahon, ang panahong kaedad niya ang kaniyang Abuela? O, dahil sa lumang panahon niya rin nakilala ang lalakeng bahagi na ng mga libro ng kasaysayan, si Macario Manlapaz Apolinario na nagpakulo ng kaniyang dugo ngunit palihim na nagpatibok ng kaniyang puso. Sa mundo ng kahapon at kasalukuyan. Paano pipigilan ang itinakda ng tadhana?

View More

Chapter 1

Chapter 1

AGOSTO 28, 1890

"NGAYON AY BAHAGI KA NA NG SAMAHAN, MACARIO! MAAARI MO NG TANGGALIN ANG IYONG PIRING!" may diing saad ng pinuno ng katipunero.

Sa nanginginig na mga kamay dahan-dahang tinanggal ni Macario ang piring ng kulay puting bandana na itinakip sa kaniyang mga mata. Napagmasdan niya ng malinaw ang paligid. Mula sa gasera sa sulok na naging tanglaw ng kabuuan ng silid. Napansin niya rin ang mga pulang bandera na nakasabit sa dingding na may tatak ng K.K.K, isang may kalakihang medalyon na korteng tatsulok at mga nagkikintabang gulok na nakasiksik sa gilid nito. Iyon ay tanda ng katapangan bilang sandata na may paninindigan upang ipaglaban ang bayan.

Napapalibutan si Macario ng mga kasamahan niyang handang ibuwis ang buhay para sa pinakamamahal na bayan. Tulad niya, may iisa silang layunin. Iyon ay upang ipagtanggol ang kanilang mga kababayan mula sa mapang-aping mga banyaga na sumakop ng kanilang teritoryo. Ngipin sa ngipin, pangil sa pangil. Dadanak ang dugo para sa Dangal ng Inang-Bayan.

"Kasapi ka na, Macario! Malugod ka naming tinatanggap sa samahang ito." saad ng pinakamatangkad na katipunero. Matapos ang ilang ritwal na isinagawa upang maging ganap siyang kaanib.

"Salamat, Pinuno!" umaapaw sa galak ang puso ni Macario. Isa na siyang ganap na anak ng bayan. Tinanggap niya ang iniabot na gulok sa kaniya at sumabay ang kanang-braso na itaas ito tulad ng kaniyang mga kasama. Sabay-sabay nilang binigkas ang salitang, "Mabuhay ang Katipunan! Mabuhay ang Filipinas!"

Batid ni Macario na hindi niya na pag-aari ang kaniyang buhay, tiyak na mamamatay siyang may dangal para sa pakikipaglaban. At ikinararangal niyang mamatay para sa bayan.

"Maaari ka ng magpahinga, ihahatid ka ni Melicio sa iyong kubo." saad ng pinuno. Tumango lamang si Macario at may galak sa pusong tumalima. Marami siyang ikukwento sa kaniyang inang.

ENERO 6, 2025-Taong kasalukuyan

Isinusukat ni Jia ang kaniyang trahe de boda, may ngiti sa labi na pinasadahan ang sarili sa salamin. Bumagay sa kaniya ang Vintage Wedding Dress na pinapangarap niya. Collector siya ng Antique at lahat ng luma sa paningin ng iba ay tinitreasure naman ng dalaga, nakahiligan niya ng mangolekta ng mga lumang kagamitan at muwebles.

"Talaga bang ganiyang disenyo ang gusto mo?" nakakunot ang noo ng kaibigan niyang si Jeyzel.

Nilingon ito ni Jia saka nginitian. "O, 'di ba sobrang ganda?"

"Para sa'yo, " irap nito. "Modern design na ang uso Jia, at iyang suot mo uso noong panahon pa ng lola mo." opinyon nito.

"Jeyzel, nasa nagdadala na lang 'yan. Ang mahal kaya nito, panahon pa yata ni Bonifacio ang wedding dress na 'to. Imagine, napakaganda ng tela ilang dekada na pero maayos pa rin. Isang karangalan para sa'kin na makapagsuot nito, na baka nga si Josephine Bracken pa ang nagsuot." Nakangiting wika ni Jia habang sinisipat sa salamin ang sarili.

Naiiling na tinaasan siya ng kilay ni Jeyzel. "Sikat na nobelista nagsuot ng ukay-ukay sa kaniyang wedding dress. Blahh, blahh! Para na naman ba 'to sa kasikatan mo, sikat ka na Author Jia." umikot ang eyeball ni Jeyzel at naiiling na pinagsalikop ang mga braso.

"Si Mariya Sofia ang sikat, hindi si Jia Molejon." pagtatama ni Jia sa kaibigan. Bagamat nagsasabi ito ng totoo ay ayaw niya namang isipin na nasa ganong level na siya ng kasikatan. Turo ng kaniyang ama, ano man ang marating sa buhay manatiling nakaapak sa lupa.

"O, siya bahala ka." pagpapatianod ng kaibigan. Sabay silang napalingon sa pagdating ng kaniyang husband to be. Si William Cervantes, na mas kilala sa pangalang "Liam". "Heto na pala ang Crisostomo Ibarra ng buhay mo, Maria Clara."

"Iyan ba ang isusuot mo sa kasal natin?" tanong ni William sa kasintahan habang pinapasadahan ng tingin ang suot ni Jia. Ngumiti ng matamis si Jia saka tumango. Eksayted na humarap kay Liam upang makita nito ang kabuuan ng suot niyang vintage wedding dress.

Kumunot ang noo ng binata saka tila hindi aprubado sa makalumang estilo ng disenyo.

"Maganda 'di ba?" ang luwang ng ngiti ni Jia.

"Maganda naman, pero wala na bang iba?"

Napatingin si Jia sa kaibigan na tila nakahanap naman ng kakampi.

"Ayoko ng bago, mas gusto ko 'to. Alam mo bang posible daw na asawa pa ng isang heneral ang nagsuot nito sa panahon ng ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal?" nakangiting pagkukwento ni Jia.

"JOSE RIZAL?!"

Nagkatinginan sina Jeyzel at William na kapwa nawiwierduhan sa dalaga saka sabay na natawa.

"Kasusulat mo 'yan ng mga nobela." naiiling na saad ni Liam.

"Jia, pwede naman sigurong ikonsider ang ibang style 'wag lang ganyang disenyo." suhestyon ni Jeyzel.

"Kasal mo?" sarkastikong inirapan ni Jia ang kaibigan.

"Okey, bahala ka. Baka lang maging laman ka ng newsfeed after ng wedding day n'yo. Magiging manugang ka lang naman ng Gobernador ng Probinsya ng Palawan, baka nakakalimutan mo. At lahat ng galaw mo posibleng maging laman ng newsfeed."

"Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao, my wedding, my rules." pangfinale na saad ni Jia. Wala na ring nagawa si Liam na sumang-ayon na lang. Aminado namang lumang estilo at disenyo na ang gusto niyang isuot. Pero iyon kasi ang dream niya, maglakad sa aisle na parang isang lumang-tao, maging isang binibini na ihahatid sa altar ng kaniyang Prince Charming. Weirdo talaga siya, at alam niya iyon.

Natigilan si Jia habang hinuhubad ang wedding dress, napatitig sa harap ng salamin para kasing may nabanaag siyang imahe ng babaeng nakasuot ng baro't saya na nakatayo sa kaniyang likuran. Mabilis siyang lumingon ngunit mag-isa lang naman siya sa silid na iyon dahil nauna ng lumabas ng shop sina Liam at Jeyzel. Namamalikmata ba siya? Nagkibit-balikat na lang ang dalaga na itinuloy na ang pagbibihis pero muling napahinto sa ginagawa ng maramdaman ang malamig at mahinang hangin na humampas sa kaniyang balat. Nagtaasan ang kaniyang mga balahibo sa batok, bahagyang kinilabutan si Jia.

No! Fiction Writer siya, ang lahat ay bunga lang ng kaniyang malawak na imahinasyon. Aniya ng isip habang kinakalma ang sarili. Unti-unti na siyang nakakaramdam ng takot. Mabilis niyang tinakpan ang malaking salamin ng malapad na telang puti na naroon at saka nagmamadali ng lumabas ng silid. Ngunit natigilang muli si Jia, napahinto sa paghakbang . Nag-iba na ang paligid niya, tila nasa lumang silid na siya ng isang patahian.

Napaawang ang bibig ni Jia, kumurap-kurap. Naririnig niya mula sa kinatatayuan ang tila tunog ng yapak ng mga mga kabayo kasunod ang malalakas na bagsak ng mga paa ng mga sundalo. Sinilip niya ito mula sa bintanang naroon. Nanlaki ang mga mata ni Jia. Mga sundalong kastila?! At ang kalesang naroon ay may sakay na tila mataas na opisyal. Nahindik si Jia nang makita ang nakagapos na lalakeng nakaluhod habang duguan at hinang-hina, puro pasa at halos pumutok na ang mga mata nito dahil sa matinding pamamaga. Sa kabila ng sitwasyon nito matigas itong tumatanggi na magmakaawa ito para sa buhay niya. Sa mahinang tinig, binibigkas nito ang salitang, "Karangalan kong mamatay para sa Bayan!".

Kinilabutan si Jia. Anong nangyayari?! Naguguluhan man ay nanatili siyang tila naitulos mula sa kinatatayuan. Natutop niya ang bibig nang makita niyang walang awa itong binar*l sa ulo. Walang buhay itong bumagsak sa lupa ngunit paulit-ulit pa ring walang awa itong pinagbabaril. Napatili si Jia saka unti-unting nagdilim ang kaniyang paligid.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
4 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status