Psycho Employee
Angelo Allen Santos
“Malabo ito, nagkataon nga lamang ba ang lahat, ngunit talagang parehong pareho ang pagka-laslas sa mga leeg ng biktima, pareho ang istilo, sa likod palagi galing ang salarin,sa tantiya ko ang salarin ay nasa 5’8 or 5’9 ang taas, may magandang katawan dahil malakas ito, segurado din ako lalaki ang salarin, kung mahina ang isang tao may tiyansa na makaligtas ang kanyang biktima, there will be defense wounds, pero walang laban na nagaganap, tulad siya ng Tigre kung umatake ambush, sabay aim for the neck isa siyang matinik na predator, isang wild animal, ‘COLD BLOODED animal or should I say..’PSYCHO’ “.“Kung tama ang hinala ko na-
PSYCHO EMPLOYEE nga ang gumagawa nito I will have a good chance na ma-trace siya, ang kailangan ko lamang g
awin ay balikan ang mga nakaraan na mga kaso ng pagpatay, isang tao na may koneksiyon sa lahat ng biktima, isang tao na kilala silang lahat, isang tao na may motibo na patayin silang lahat.” “Anu man ang dahilan mo para pumatay PSYCHO EMPLOYEE...hindi ka DIyos para bumawi ng buhay ng mga tao. At ako ang Anghel na gagapos sa iyo at ika-kadena ka at ika-kandado sa kadiliman ng bilanguan, duon ka nababagay tulad ni Lucifer.”