My Best Friend's BabyHindi akalain ni Gwin na ang pagdamay sa matalik na kaibigang bigo sa pag-ibig ay mauuwi sa isang gabing pagkakamali. Nagkunwari siyang walang nangyari no'ng gabing nalasing sila, sa kagustuhang ayaw masira ang pagkakaibigan nila. Pero hindi niya pala kayang magkunwari ng matagal. Sa araw na handa na siyang sabihin ang totoo ay siya namang pagbalik ng girlfriend nito. Ramdam at kita niya kung gaano kasaya ang matalik na kaibigan sa pagbalik ng babaeng mahal. Kaya sa huli ay pinili na lamang niya na lumayo at nangako sa sarili na habangbuhay na ilihim ang nangyari sa kanila.
Pero paano kung muling mag-cross ang landas nila?
Magagawa niya pa bang ilihim ang nangyari gayong nagbunga pala ang pagkakamaling nagawa nila?
Добавить в мою библиотеку
Her Nerdy SecretSi Erica Abijero, The Nerd, kung tawagin ng mga kaklase niya. Siya ay mahiyain, duwag, at walang lakas ng loob na kalabanin ang mga kaklase niya na walang ibang ginawa kung hindi ang bully-hin siya.
Hindi makabasag pinggan, yuyuko lang sa tuwing pagtitripan siya, ngunit sa likod pala ng pagiging-nerd at mahiyain ay may sektrong nakatago.
Paano kung isang araw ay mabunyag ang sekreto na iyon?
Magiging dahilan ba iyon para lalo siyang maging tampulan ng tukso at panghinaan ng loob o magiging dahilan upang lumakas ang loob at matutong lumaban sa mga taong hinuhusgahan siya?
Добавить в мою библиотеку
Chasing Love A Second Chance At ForeverNilisan ni Arwena ang Pilipinas, limang taon na ang nakaraan matapos ang masakit na paghihiwalay ng long-time boyfriend niya na muntik nang maging dahilan ng pagkasira ng buhay niya.
Akala niya ay hindi na siya muling aapak sa lugar na nagdulot sa kanya ng sakit at masamang karanasan, pero talagang gumawa ng paraan ang tadhana. Kailangan niyang tulungan ang mga magulang na maibangon ang paluging negsyo.
Sa kanyang pagbabalik, mga magulang at negosyo nga lang ba niya ang matutulungan niyang makabangon o magkakaroon din siya ng second chance na magmahal at mahalin ng tunay?
Добавить в мою библиотеку
Arrianne's DoorBoss mong akala mo ay galit sa'yo, bigla na lamang magtapat na gusto ka. Maniniwala ka ba?
Si Arrianne, isang probinsyanang lumuwas ng Maynila sa kagustuhang mabigyan ng maayos na pamumuhay ang ina. Nagtiwala at umibig sa kababata na akala niya ay tunay siyang mahal, ngunit hindi pala.
Paano kung may muling kumatok sa kaniyang puso, na hindi pa tuluyang maghilom. Papapasukin kaya niya?
Добавить в мою библиотеку
Nilimot Na AlaalaMATURE CONTENT/R18
Si Vianna May Meranda, pinili na kalimutan ang masakit na alaala ng nakaraan. Kasama ang ina, namuhay ng masaya na wala ang bakas ng masakit na alaala.
Nakatagpo ng pag-ibig. Si Romeo Cordova. Dahil sa kan'ya naranasan niya ang mga bagay na akala niya hindi nangyayari sa totoong buhay.
Ngunit ang pag-ibig na akala niya panghambuhay ay unti-unting nagbago. Dahil sa pagbabalik ng taong naging parte ng nilimot na alaala.
Si Diego Fabriano, kaklse, mabait na kaibigan at higit sa lahat ang lalaking lihim na hinangaan. Umalis na wala man lang paalam, ngunit nagbalik dala ang nilimot na alaala ng nakaraan.
Kwento ng paglimot at pag-ibig. Pag-ibig na hanggad ng bawat isa.
Ano ang dala na pagbabago ni Diego sa buhay nina Vianna May at Romeo?
Ano at hanggang saan ang kayang gawin makuha lamang ang ninanais na pag-ibig.
Добавить в мою библиотеку
When Heart BeatsMATURE CONTENT!
Minsan nga lang tumibok ang puso. Doon pa sa taong hindi inaasahan.
Si Cahaya Villarin, isang dalagang napilitang lumayo, matakasan lamang ang mga magulang na gusto siyang gawing pambayad utang.
Napadpad sa isang liblib na lugar kung saan doon namuhay ng payapa, malayo sa mga magulang at magulong syudad na kinagisnan.
Pero ang payapang pamumuhay ay bigla na lamang nagbago at gumulo dahil sa lalaking tinulungan.
Ano ang dalang pagbabago ng lalaki sa buhay ni Cahaya?
Ito ba ang magiging dahilan upang tuluyang makalimutan ang buhay na tikasan o ito ang magiging dahilan upang lisanin ang lugar na pinagtaguan?
Добавить в мою библиотеку