LOGINMATURE CONTENT/R18 Si Vianna May Meranda, pinili na kalimutan ang masakit na alaala ng nakaraan. Kasama ang ina, namuhay ng masaya na wala ang bakas ng masakit na alaala. Nakatagpo ng pag-ibig. Si Romeo Cordova. Dahil sa kan'ya naranasan niya ang mga bagay na akala niya hindi nangyayari sa totoong buhay. Ngunit ang pag-ibig na akala niya panghambuhay ay unti-unting nagbago. Dahil sa pagbabalik ng taong naging parte ng nilimot na alaala. Si Diego Fabriano, kaklse, mabait na kaibigan at higit sa lahat ang lalaking lihim na hinangaan. Umalis na wala man lang paalam, ngunit nagbalik dala ang nilimot na alaala ng nakaraan. Kwento ng paglimot at pag-ibig. Pag-ibig na hanggad ng bawat isa. Ano ang dala na pagbabago ni Diego sa buhay nina Vianna May at Romeo? Ano at hanggang saan ang kayang gawin makuha lamang ang ninanais na pag-ibig.
View More"Ano ang ibinigay mong kapalit, katawan mo?"
Katagang binigkas ng mommy ni Romeo—ang lalaking mahal ko.
I fell in love with a man whose social standing was vastly different from mine.
Ito ang kapalit. Masakit na salita at panglalait. Ni ang ipagtanggol ang sarili, hindi ko magawa.
Isang hamak na jeweler lang naman kasi ako sa branch ng diamond jewelry shop na pagmamay-ari ng pamilya nila. Ang Jouel Corp. at si Romeo ang manager ko.
Sa loob ng isang buwan na naging kami, ngayon ko lamang nakita at nakilala ang mommy niya. Ngayon pa mismo sa araw ng aming monthsary.
Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi ko na sana tinanggap ang regalong bigay ni Romeo.
A lovely and expensive necklace, kapalit naman ay paghamak sa aking pagkatao.
I tried to talk to him, ngunit wala akong narinig na salita mula sa kaniya, ni ang lingunin ako, hindi niya ginawa.
Ang kaninang maganda at masayang simula ng aming araw ay nauwi sa iyak at mugtong mga mata. Hindi ko na tinangkang kausapin siya. Hindi na rin ako nag-abalang magpaalam. Basta na lang akong umuwi pagkatapos ng trabaho at hindi na rin sinagot ang tawag niya.
"Anak, anong problema?" tanong ni Mama. Hindi ko napansin na sinundan niya pala ako dito sa kwarto ko.
Yumuko ako at hindi kaagad sumagot. Sinubukan ko pang itago ang mugto kong mga mata.
"Wala po, 'Ma," pagsisinungaling ko. Pero hindi naman makatingin nang diretso sa kaniya. Mapakla rin akong ngumiti.
Hindi ko kasi alam kung tama ba na nagsinungaling ako. Nag-aalangan ako na sabihin sa mama ko ang nangyari dahil ayaw kong masaktan siya gaya ko.
"Anak, kahit anong tago pa ang gawin mo, alam ko at kita naman sa mga mata mo na may problema ka. Na umiiyak ka... Nag-away ba kayo ni Romeo?" mahinahon niyang tanong.
Mapait akong ngumiti. "Sana nga po ay nag-away na lang kami. Siguro, hindi ganito kasakit ang nararamdaman ko."
Sa huli ay sinabi ko rin kay Mama ang totoong nangyari. She paused for a moment, bumuga ng hangin, saka siya umupo sa tabi ko.
Alam kong nasasaktan din siya. Alam kong nakaramdam din siya ng galit gaya ko, kahit hindi niya pa sabihin. Wala namang kasing magulang na gustong masaktan, tapakan, at maliitin ang anak ng kahit na sino.
Hinaplos niya ang buhok ko. "Tahan na, anak. Sa simula pa lang, alam mong darating talaga ang araw na 'to. Magkikita at magkikita kayo ng magulang ng nobyo mo," mahinahon niyang sabi. "Nagmahal ka ng lalaking sobrang layo ng pamumuhay sa atin. Pero, Anak, ang importante lang naman ay alam mo sa sarili mo na hindi totoo ang mga sinabi ng mommy ni Romeo."
Tama si Mama. Hindi nga totoo ang mga sinabi ng mommy ni Romeo, but I still couldn't help but feel hurt and resentful.
Tagos hanggang buto ang mga binitiwan niyang masasakit na salita.
Oo, mahirap lamang kami. Hindi ko naranasan ang magkaroon ng mamahaling gamit. Pero ni minsan, hindi ako naghangad na magkaroon, hindi ako nanghingi. Kusang binigay sa akin ang kwentas na iyon ni Romeo, ngunit binalik ko sa kaniya nang walang anumang salita.
I love Romeo for who he is, not for his wealth or what he can give me.
Ang sakit marinig ng mga salitang iyon, galing pa mismo sa bibig ng Mommy niya. Nagawa niya akong husgahan, hindi man lang ako kinilala.
Why do such people exist?
Bakit may mga taong ang dali lamang magbitiw ng masasakit na salita? Hindi man lang ba niya naiisip na katulad din nila ako? May puso at nasasaktan.
Dahil ba mahirap ako, wala na akong karapatang gustuhin ang lalaking angat ang pamumuhay kaysa sa akin?
Wala namang pinipili ang pagmamahal, kusa na lang itong nararamdaman.
I swear to God. Sinubukan kong pigilin ang puso ko. Pero ayaw kasi paawat. Mahal ko na si Sir Romeo. Kaya heto, nasasaktan ako nang ganito.
What hurts more is that the man I thought could defend and fight for me, because he loved me, did nothing. He didn't even talk to me or console me.
Hinayaan niya lang akong masaktan at umiyak mag-isa.
Ito ang unang beses na hindi niya ako sinuyo, kaya masyado akong nasaktan. Pero kahit na masakit, kahit durog at wasak ang puso ko ngayon, tanggap ko na. Wala na kami.
Tapos na ang isang buwan na mala-fairytale love story naming dalawa. Ano ba ang laban ko sa mommy niya?
"Tanggap ko na po, 'Ma, wala na kami!" humihikbi kong sabi.
Mahinang tumawa si Mama. "Bakit, nag-usap na ba kayo?"
Umiling-iling lang ako. Hindi na namin kailangang mag-usap.
The fact that he didn't pay much attention to me earlier was enough, para masabi ko na tapos na ang aming relasyon.
"Huwag mo munang pangunahan si Romeo, Anak. Malay mo, nag-iisip lang 'yon. Tumahan ka na, Anak," pag-alo niya, kasabay ang paghalik sa noo ko.
Yakap na lamang ang tugon ko, kasabay din ang pag-alog ng balikat at paghikbi.
"Sige na, anak, maligo ka na at pilitin mong matulog." Pinahid niya ang luha ko, kasabay ang paghalik sa pisngi ko.
Sinunod ko ang sabi ni Mama. Naligo ako at nagbihis agad, ngunit ayaw naman akong dalawin ng antok. Walang humpay pa rin ang pag-agos ng mga luha ko.
Hindi na lang sana ako nagmahal. Hindi sana ako nasasaktan nang ganito. Hindi sana hinamak ang pagkatao ko.
Balot ang puso ko ngayon sa galit at hinanakit kay Romeo. Pero bakit mas nanaig pa rin ang pagmamahal ko? Gusto kong marinig ang boses niya. Gusto ko siyang makita at mayakap. Miss ko ang paglalambing niya.
Binabaliw ako ng pagmamahal kong ito.
Umiiyak ako, nasasaktan, ngunit nakuha ko pa ring ngumiti. Ganito ba talaga ang magmahal?
Totoo nga ang sinasabi nila… Ang pag-ibig ay pasasayahin ka at pakikiligin, paiiyakin ka naman at wawasakin.
Iyon kasi ang nararamdaman ko ngayon. Nakakabaliw. Ayoko nang umiyak. Pagod na akong umiyak.
Pinahid ko ang mga luha. Tumayo at bumaba. Tinungo ko ang fridge at kumuha ng tubig doon. Nilagok ko iyon at walang itinira, baka sakaling ma-anod nito ang nakabara sa dibdib ko na nagpapahirap sa paghinga ko.
Pero wala. Walang silbi ang pag-inom ko ng tubig. Hindi pa rin nabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Hindi pa rin nawala ang hinanakit ko.
Hindi ko pa nga alam kung may trabaho pa akong babalikan. Baka kasi pinatanggal na ako sa trabaho ng mommy ni Romeo, para tuluyang malayo sa mahal niyang anak.
Bahala na kung anong mangyayari bukas.
Alam ko naman na hindi pa ito ang katapusan ng buhay.
Oo nga at nasaktan ako, pero alam kong hindi pa ito ang katapusan.
Nabuhay kami ni Mama na kami lang ang magkaramay. Walang ibang tumulong at dumamay. Hindi ito ang magiging dahilan para malugmok ako.
Alam ko rin naman na kaakibat ng pagmamahal ang masaktan.
Sugal ang magmahal dahil hindi mo alam kung ano ang kahihinatnan.
VIANNA MAY POVHindi madali ang maging parte ng isang magulong pamilya. Lahat ng klase ng sakit at lungkot ramdam hanggang sa dulo ng kuko. Hindi maiiwasan na gustuhin mo na lang na sumuko. Para matapos na lahat at hindi na maramdaman ang sakit. Katulad na lamang ng ginawa ko noon. Tinangka kong tapusin ang lahat sa pag-aakalang iyon ang tamang paraan para wakasan ang paghihirap ko.Pero hindi pala ganoon kadali. Dahil kapag nadoon ka na. Saka mo lamang maiisip na mali pala ang ginagawa mo. Hindi pala ito ang tamang solusyon. May iba pang paraan.Madalas, nasa huli ang pagsisisi. Sinuwerte lang ako at nailigtas ng lalaking hindi ko inakala na siya palang maging panghambuhay ko.Iyong ginawa ko... isang paraan iyon ng pagiging duwag. Paraan iyon ng mga taong gustong takasan ang pagsubok ng buhay. Nakakatawa!Hindi ko inakala na ang masakit na alaala na 'yon. Nakakatawa na para sa akin ngayon. Wala na kasi ang sakit, wala na ang galit na matagal kong inipon dito sa puso ko.Ang gaan na n
DIEGO POVHindi mawala ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang chubby chick ng asawa ko. Paulit-ulit ko nang nilapat ang labi ko sa kaniya, pero hindi pa rin siya nagigising."Asawa ko... gising na, hoy!" lambing ko, kasabay ang pagpisil sa pisngi nito. Sumabay kasi ang paglobo ng pisngi, sa tiyan niya."Asawa ko! Mahuhuli na tayo sa appointment mo sa ob-gyn!" Bahagya ko pang tinapik ang balikat niya. Pero ayaw pa rin gumising. Talaga naman kasing ang hirap gisingin ng taong gising.Tamad-tamad na niya. Tumaba lang, halos ayaw nang gumalaw. Kung hindi ko lang siya pinipilit na maglalakad-lakad tuwing umaga. Siguradong magkahugis na sila no'ng drum na tambakan niya ng tubig sa isla.Kabuwanan na kasi niya. Kaya nga may appointment kami today. Ngayon pang malapit na ang due niya. Ngayon pa tinamad ng husto.Ang bilis talaga ng panahon, parang kailan lang noong nalaman naming buntis siya. Dalawang buwan din akong nagtiis na matulog sa sahig dahil ayaw niya akong katabi. Ayaw maamoy. Pero ay
Tarantang lumingon sa akin ang asawa ko. Bumakas ang kaba sa mukha. Nagpalipat-lipat ang tingin sa akin at sa daan. "Bakit?" tanong niya. "Basta ihinto mo, kung ayaw mong masira ang araw natin!" iritang banta ko. Kasabay ang paglingon. Lumampas na kasi kami sa nakita ko, at dahil do'n nag-init ang ulo ko. Unti-unting bumagal ang takbo ng kotse, pero hindi pa agad nakapag-park. Ang dami kasing nakaparadang sasakyan. Kaya pahirapan ang maghanap ng space. Gusto ko na agad lumabas. Hindi na ako makapaghintay. Para ngang sinisilaban ang puwet ko at hindi na mapakali. Alam ko, dala lamang ito ng pagbubuntis ko. Madaling mairita, magtampo kapag hindi ko nakuha ang gusto. Hindi ko rin gusto ang magmaldita at taasan ng boses ang asawa ko. Pero... dahil sa nakita ko, hindi ko mapigil ang sarili. May kung anong humihila sa akin para puntahan iyon. Nag-init ang ulo ko nang hindi siya agad huminto. Hawak ko na ang door handle ng kotse. Panay linga, animo takot mawala sa paningin ko ang nakita
VIANNA MAY POV Hindi ko alam kung ano ang maramdaman nang makita ko sa labas ng gate, ang mga magulang ni Romeo. Ayoko sanang papasukin sila. Ayoko sanang harapin o kausapin sila. Pero hindi ko magawa. Hindi ko magawang maging bastos sa mga taong naging mabuti naman sa akin noon. Naging mabuting magulang. Ang sikip ng dibdib ko habang kaharap sila. Bukod sa alam kung nalulungkot at nahihirapan sila. Bumabalik din sa alaala ko ang mga ginawa sa akin ni Romeo. Lahat! Sana nga iniwan ko na lamang sila at hindi na nakinig sa sasabihin nila. Wala na kasi akong paki' ano man ang mangyari sa anak nila. Bilang pagrespeto na lamang ang ginawa kong pagharap ko sa kanila. Nagkamali sila sa ginawang paglapit at pahingi ng tulong sa akin. Binuhay lamang nila ang galit sa puso ko. Tama sila, wala silang karapatan na lumapit o humingi ng tulong sa akin para sa anak nila, pero bakit pa sila lumapit? Sana naisip nila kung ano ang maramdaman ko, at hindi lang ang nararamdaman nila. Dahil ako iyong so
"Sir Nelson," sigaw ng mga tauhan ni Nelson. Habang alerto nang nakaharang sa likod nila.Rinig ko pa ang pagwawala at pagsisigaw ni Romeo. Pero wala na kan'ya ang atensyon ko. Nasa asawa ko na at sa kaibigan kong mahigpit na yumakap sa asawa ko. Nakatayo lamang sila na animo napako sa kinatatayuan n
ROSELYN POVHindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, no'ng marinig mula sa bibig ni Romeo na alam na niya ang totoo.Ang plano kong asarin s'ya hanggang sukuan na lamang niya ako at hayaan na umalis ay nawala sa isip ko."Alam ko na ang totoo?!" Paulit-ulit nag-play sa utak ko ang mga salitang
VIANNA MAY POVI broke down in tears as Romeo went out with his men. My chest is so tight that I can hardly breathe.My hands are shaking as I touch my aching lips. For a long time, I feigned to be insane, hindi lang makalapit sa akin ang hayop na si Romeo. I still can't believe what he did to Diego.
Nahinto ako sa paghakbang kasabay ang malakas na pagdagundong ng puso at panlalamig ng mga kamay. "D-Dorry, una na ako," utal kong sabi. Takbo-lakad rin ginawa ko, at hindi na naghintay ng sagot. Pawisan at hindi ako mapakali nang dumating sa kubo. Kaagad ko rin na hinubad ang suot na diving suit. F












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore