MATURE CONTENT! Minsan nga lang tumibok ang puso. Doon pa sa taong hindi inaasahan. Si Cahaya Villarin, isang dalagang napilitang lumayo, matakasan lamang ang mga magulang na gusto siyang gawing pambayad utang. Napadpad sa isang liblib na lugar kung saan doon namuhay ng payapa, malayo sa mga magulang at magulong syudad na kinagisnan. Pero ang payapang pamumuhay ay bigla na lamang nagbago at gumulo dahil sa lalaking tinulungan. Ano ang dalang pagbabago ng lalaki sa buhay ni Cahaya? Ito ba ang magiging dahilan upang tuluyang makalimutan ang buhay na tikasan o ito ang magiging dahilan upang lisanin ang lugar na pinagtaguan?
Lihat lebih banyakPawis at nag-iinit na ang magkahawak naming kamay ni Ancel. Ayoko kasing bitiwan dahil kung saan-saan na lang dumadapo ang kamay nitong pilyo kong asawa. Dumidilim na rin kasi, baka maisipan pa nitong sumuot kung saan mailabas lang ang init ng katawan. Hindi ko na nga muna siya nilingon. Bahala siyang pumisil-pisil sa kamay ko. Sa paligid ko na muna tinuon ang atensyon ko. Kasalukuyan na kasi naming binabaybay ang daan papunta ng El Canto, at ilang minuto na lang ay masisilayan na naming muli ang bahay-kubo na naging saksi ng pagmamahalan namin ni Ancel. Dito nga kasi niya gustong mag-honeymoon. No’ng una ay nagdalawang-isip ako. Iniisip ko kasi ang iisipin ng mga taga baryo. Bukod sa ang alam nila ay magkadugo kami. Ang alam ng lahat ay nawala ako dahil sumama sa ibang lalaki. Wala ni isang nakakaalam kung ano ba talaga ang nangyari sa akin. At malamang wala rin ni isang nakakaalam na mag-asawa na kami. Hindi naman kasi ugali ni nanay at tatay na makipagtsismisan sa mga kapitb
“Anak, hindi ka na nanaginip,” pabulong na sabi ni mama, napapangiti pa. Sakto naman kasing lumingon siya sa akin habang napangiwi ako. Kinurot ko kasi ang sarili ko. Sinisigurado ko nga kung hindi ba ako na nanaginip. “Totoo ang lahat ng ‘to, anak, hindi panaginip at hindi gunuguni.” Natiim ko ang labi ko. Nagpipigil maiyak. Pero wala eh, talagang hindi ko kayang pigilin ang mga luha ko. Luha ng saya. “Mahal na mahal ka ni Ancel, anak. Hindi pa naman siya nakalabas ng kulungan ay pinaplano na niya ang lahat.” Bumuga ng hangin si mama. “Hindi ka man naging ma swerte sa amin ng papa mo, naging maswerte ka naman sa lalaking minahal mo. Ang swerte ni Baby Anaya dahil kayo ang mga magulang niya,” madamdamin na sabi ni mama, sabay ang banayad na haplos sa kamay kong nakahawak na sa braso niya.Tipid akong ngumiti at saka, bumuga din ng hangin. Luha ko ay nag-uunahan ng pumatak sa pisngi ko. Halo-halo na kasi ang nararamdaman ko. Saya, lito, basta, para lang naman akong nakalutang sa ere
“Belle, bilisan mo na! Bakit ba ang tagal mo?” Apura ko sa kaibigan ko na kanina pa nagmumokmok sa kwarto kasama si Baby Anaya. First birthday kasi ni Baby Anaya ngayon, at plano namin ay bibisitahin muna namin si Ancel, saka kami pupunta sa venue ng party. Pero dahil sa kabagalan nitong si Belle ay parang hindi na namin mapupuntahan si Ancel. Thirty minutes na lang kasi ay magsisimula na ang party at hindi kami pwedeng ma-late. Hindi rin pwedeng e-extend ang oras ng paggamit namin sa venue dahil may susunod pa na gagamit. “Ano ba, Belle!” Padabog akong nagpunta sa kwarto, at siya namang pagbukas ng pinto. Bumungad agad sa akin ang napaka-cute na mukha ni Baby Anaya at nakakainis na mukha ni Belle. “Akin na nga si Baby.” Binawi ko kay Belle si Baby. Hindi naman nagreklamo si Belle. Ngiting-ngiti pa nga ito habang sinusundan ako. “Sila Mama at papa?” tanong ko kay Camille. “Nauna na sila sa venue, kasama nila si nanay at tatay,” sagot naman ni Camille, sabay bukas ng pinto ng kotse
Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o iiyak habang nakatitig kay Ancel na mahimbing na natutulog. Sa wakas ay nagkamalay na siya— sa wakas ay tapos na ang paghihintay ko. Kaya lang, matapos niyang ma-check ng doctor kanina ay nakatulog ulit siya. Hindi niya ako kinausap o ngumiti man lang, tumingin lang siya at saka pumikit ulit. Pero hinayaan naman niya ako na hawakan ang kamay niya hanggang sa makatulog siya. ‘Yon lang ay sapat na sa akin. Kasi naiintindihan ko naman kung bakit siya gano’n, kagagaling nga lang niya sa coma. At ang sabi nga ng doctor, pwedeng maging iritable siya o confused; normal lang daw na magpakita ng ibang emotion—ibang ugali ang mga taong galing sa coma. “Matulog ka lang, mahal ko. Dito lang ako sa tabi mo, hindi kita iiwan, kahit maging hayop o kahit maging demonyo pa ulit ang ugali mo, mamahalin pa rin kita. Alam ko kasi—” Nilapat ko ang palad ko sa dibdib niya. “Na itong puso mo ay mala-anghel naman at ako lang ang tinitibok. Napatunayan ko na kung gaan
Namali po ako ng update nito. In review na po ang edited chapter nito, baka bukas pa maayos. "Kabanata 57" kulang-kulang na chapter ang na update ko. Sa mga gustong mabasa ang complete na kabanata 57, paki delete muna sa library n'yo ang story na 'to then add n'yo na lang ulit. Pasensya na po. Malapit na sana matapos, saka naman nagkamali. Maraming salamat sa mga nagbabasa nito, kahit konti lang kayo ay ayos lang, at least may bumabasa. Sana mabasa n'yo rin ang ibang stories ko. May mga completed stories na rin po ako, may ongoing din po, pero slow update. Maraming salamat!
“Aya, heto na ang maligamgam na tubig at towel,” nakangiting sabi ni Belle, sabay lapag niyon sa bedside table. “Salamat, Belle,” nakangiti ko namang sagot, pero mga mata ko ay hindi na maalis sa kaibigan kong titig na titig sa lantad na katawan ni Ancel. Yes, Ancel survived. Pero in coma pa rin, magdalawang linggo na siyang ganito, at hindi ako nawawalan ng pag-asa. Hindi ko siya susukuan. No’ng araw nga na akala ko ay mawawala na siya ng tuluyan sa buhay ko, hindi ako sumuko, ngayon pa kaya na nakakahinga na siya na walang vintelator—walang life support. Alam ko, nararamdaman at naririnig niya ako, kaya hindi ako nagsasawang kausapin siya. Kinuwento ko sa kanya ang mga nangyayari sa buhay ko nitong mga nag-daang araw. Hindi lang naman kasi si Ancel ang nagpapagaling. Ako rin, nagpapagaling din ako mentally at emotionally. Hindi ko pa rin kasi nakakalimutan ang mga nangyari sa amin. Kahit struggling pa rin ako sa araw-araw kong buhay. Nilalakasan ko naman ang loob ko. Alam ko,
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen