LOGINBoss mong akala mo ay galit sa'yo, bigla na lamang magtapat na gusto ka. Maniniwala ka ba? Si Arrianne, isang probinsyanang lumuwas ng Maynila sa kagustuhang mabigyan ng maayos na pamumuhay ang ina. Nagtiwala at umibig sa kababata na akala niya ay tunay siyang mahal, ngunit hindi pala. Paano kung may muling kumatok sa kaniyang puso, na hindi pa tuluyang maghilom. Papapasukin kaya niya?
View More" 'Be ko, bilisan mo," sabi ng asawa ko, habang hila-hila ako."Bakit ba, 'Be ko?" Bigla na lang niya kasi akong hinila palabas ng pool area. Nag-celebrate ka nga kasi kami dahil sa wakas ay buo na ulit ang aming pamilya. Nakabalik na rin kami sa mansyon sa wakas at kasama ko na rin ang mga kaibigan ko at ang mga kuya. Muli nang bumalik ang sigla at saya ng mga buhay namin. Lalo na kami nitong asawa ko na walang humpay kung maglambing. Bumabawi at pilit pinupunan ang mga araw na hindi kami magkasama. "May ipapakita nga ako," sabi niya pero huminto naman sa paghakbang at niyapos ako. "Akala ko ba, may ipapakita ka o gusto mo lang lumandi?" Hindi maalis ang malagkit na titig namin sa isa't-isa. "Hindi naman kita nilalandi, 'Be ko, nilalambing lang." Halik sa leeg at haplos sa likod ko ang kasabay ng salita niya. "Hindi pa ba landi 'tong ginawa mo, 'Be ko?" Sumabay ang tanong ko sa paglapat ng likod ko sa malamig na dingding dito sa hallway, papuntang pool area. " 'Be ko—"Hindi ko
"Dad!" sabay naming bulalas ng asawa ko."Hanggang ngayon pa rin ba, Danny, hindi mo pa rin tanggap na aksidente nga 'yong nangyari sa dati mong asawa at sa Mama mo?" gigil na gigil na tanong ni Daddy.Tumayo si Danny habang kapa ang ulo niya. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Dad. Bigla ka na lang na nanakit," reklamo nito."Biglang na nanakit! Buti nga at batok lang ang ginawa ko." Duro na niya si Danny. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Napisil ko nga rin ang sintido ko. Hindi na kasi matapos-tapos ang sermon. "Alam mo ba kung anong dapat gawin sa'yo? Iuntog iyang ulo mo, sakaling umayos at makapag-isip ka ng tama. Kung ganito rin lang at hindi pa rin pala tuluyang umayos 'yang utak mo. Hindi ko na sana binigay ang address ng pamilya mo," dismayang sabi ni Daddy.Kung kanina ay napisil ko ang sintido ko. Ngayon ay pigil na buntong-hininga naman ang nagawa ko. Panira kasi 'to si Daddy, e! Papunta na kami sa sweet moment. Sinira niya naman. "Dad, 'yan din ang hirap sa'yo.
"Aso nga, asong ulo!" gigil na sabi ni Nanay.Saka niya hinarap ang lalaking tinawag niya na asong ulol. Matalim ang mga titig niya at hindi pa kaagad nagsalita. " 'Wag mo akong matawag-tawag na mahal dahil matagal ka nang may ibang mahal," sikmat ni Nanay, duro niya pa ang matandang aso. "Teka nga lang!" awat ko sa dramang nagaganap. Hinarap ko si Maribel. "Maribel, sila ang sinasabi mong mga aso na humabol sa'yo?" Tumango siya. "Sila nga, Ate." Kilala n'yo pala sila?" tanong niya, kasabay ang pagkamot sa ulo. "Pasensya na po, akala ko kasi mga baliw."pahapyaw na tawa ang narinig ko mula kay Danny, na bakas ang inis kay Maribel. "Tinawag pa kita, Maribel, pero tumakbo ka pa rin." Napapailing pa siya. "Kung hindi ka sana tumakbo no'n. Noon pa sana naayos ang lahat," dagdag niya pa. "Pasensya. Kayo kaya ang sigawan ng taong hindi kilala at mukhang baliw? Hindi ba kayo tatakbo?" iritang tugon din ni Maribel. "Pero teka nga lang, bakit n'yo ho ba ako kilala?" Napakamot uli siya sa u
Tuluyang nawala ang puwing sa mga mata ko, naanod yata. Bigla na lang kasing pumatak ang mga luha ko nang makita ang bayolenteng lalaki na sumugod kay Joel. Hawak na rin nito ang kwelyo ng kaibigan ko. Si Danny. Ang asawa ko na nagmukhang sinaunang tao dahil sa mahabang buhok at balbas. Puro paglalasing na nga lang yata siguro ang ginagawa niya, kaya pati ang pagiging tao ay nakalimutan na niya. Tingin ko nga sa kanya ngayon ay leon na malnourish. Kawawa, gusto ko tuloy agad siyang yakapin. Pakainin at paliguan. Ang dugyot kasi. "Walang hiya ka! Matapos ng ginawa mo kay Arrianne, may lakas ka pa talaga ng loob na lumapit sa kanya," nang gagalaiti nitong sabi. "Isa ka rin namang walang hiya!" tugon ni Joel. Hawak-hawak niya na rin ang kwelyo ni Danny. " 'Wag kang umasta na matino!" "Galing mo, nawala lang ako sa buhay niya, pumasok ka agad! Nakaabang ka lang palang hayop ka!" Marahas kong pinahid ang mga luha ko. Uminit bigla ang ulo ko sa narinig. Talagang iniisip niya n papatol u












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore