AT FIRST GLANCE
Ayaw niyang makita ni Luke ang dahan-dahang pangingilid ng mga luha niya.
“O, nakakaiyak ang vow ni Voltaire, ‘di ba? Ang tigasing kagaya mo nga ay napaiyak.”
Nag-recite na pala ng vow ang pinsan nang wala roon ang isip niya.
“Oo nga,” ayon niya na lang habang pasimpleng pinunasan ng panyo ang namamasang mga mata. Nakakainis at pumiyok pa ang boses niya.