rychelz
Sa buong Serene University, isang pangalan lang ang palaging laman ng chismis.
*Damon Alexander Montenegro.*
Rumored playboy. Notorious. Campus heartthrob.
Pero kakaiba - wala ni isa sa mga babaeng nagke-claim na "girlfriend" niya ang may proof. Ni isang picture. Ni isang halik sa public.
Laging hoodie. Laging tahimik. Laging nagmamadali umalis pagkatapos ng klase.
Sabi ng iba, manloloko. Sabi ng iba, seryoso lang daw talaga.
Walang nakakaalam. At mukhang wala ring pake si Damon.
Sa kabilang banda naman ng campus, may isa pang Montenegro.
*Arianne Selene Montenegro.*
Mahina. Tahimik. Misteryosa.
Laging may hawak na libro. Laging nasa library. Laging umiiwas ng tingin.
Hindi siya sikat. Hindi siya pinagchichismisan.
Pero may dahilan - ayaw na niyang magmahal.
Para kay Arianne, lahat ng lalaki manloloko. Lahat ng pangako, kasinungalingan.
Dalawang Montenegro. Dalawang mundo.
Isang ayaw magtiwala. Isang hindi kailangang magpaliwanag.
Hanggang sa isang kontrata. Isang bahay. Isang bubong.
Napilitan silang magsama.
_Will they get along?_
_Or will their meeting only bring mess into their lives?_
Ang mas malala... paano kung ang playboy na ayaw magka-girlfriend,
ay siya lang ang gustong patunayan kay Arianne na
*hindi lahat ng Montenegro, manloloko.*
---
166