Mr. Playboy Playmate (SPG)

Mr. Playboy Playmate (SPG)

last updateTerakhir Diperbarui : 2024-01-25
Oleh:  Sapphire DyaceTamat
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
14 Peringkat. 14 Ulasan-ulasan
173Bab
122.7KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Hindi type ni Bernard ang mga babaeng masyadong bata sa kanya. Dahil ang pakiramdam niya ay magiging baby sitter lang siya ng mga ito kapag inaatake ng tantrums. Ngunit may isang babaeng gumulo sa kanya, si Marie, secretary ng dati niyang nililigawan na naging asawa ng kaibigan niya. Naiinis siya dito dahil mapang asar ito, hanggang isang gabi, bigla na lang niyang narealize na pwede pala niya itong magustuhan. At kabaliktaran ng pagkakakilala niya sa babaeng mas bata ang ugali nito, matured at maunawain ang dalaga. Kahit siya ang may kasalanan ay nagsosorry ito. Bigpang dumating ang kangyang first love, si Eleanor o mas kulala sa tawag na Ellue, akala niya, masisira ang telasyon nila dahil dito, ngunit si Marie ay siya lang ang pinapaniwalaan. Kaya naging maayos pa rin ang takbo ng relasyon nila, until makilala niya si Domeng, kahit noon lang niya nakilala ang kaibigan nito, sinakmal siya ng matinding selos, lalo pa at may mga ipinakitang pruweba sa kanya si Ellie na niloloko siya ni Marie. Lalo siyang nagalit sa babae. Ng matauhan siya sa mga nangyari, at nalaman niya ang totoo, parang huli na ang lahat. Kulang na lang isumpa siya ni Marie sa sobrang galit. Ayaw na siyang balikan ng babae. May pag asa pa kaya na mahalin siya ulit ng dalaga? Paano niya mapapatunayan ang pagmamahal dito kung pati mga kaibigan niya ayaw ng makialam sa kanila?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1

POV: Marie

Today is Friday.. Malamang dadalaw si Mr. Cute guy sa office. Bandang alas kwatro, dumadating na ang lalaking pinapangarap nya. Yes, isang taon na niya itong crush. And yet parang hindi pa siya nito napapansin. Kakatwenty two nya lang. At noong una nyang makita ang lalaking ito, talagang pinantasya na niya. Lagi siyang mabango at nakapowder.

Lumabas ng office ang kanyang boss, si Ericka. May dala itong attache case na agad sinalubong ng mga assistant mula sa dulo.

"Miss Marie, tara na.." aya nito sa kanya.

"Ah... eh ma'am, saan po tayo pupunta?" parang ayaw niyang sumama dito.

"May meeting ako ngayon with Mr. Diaz, bakit parang ayaw mong sumama?" napakunot ang noo ng boss nya.

"Naku ma'am.. hindi naman po, sige po aayusin ko lang ang gamit ko," nalungkot siya ng malamang isasama siya ng boss biya. Matagal pa naman ito sa mga meeting. Marami itong inuusisa. Iba talaga magtrabaho ang mga bossing. Talagang dedicated.

"Miss Marie, ano pa ang mga schedule ko ngayon?" tanong ni Ericka sa kanya.

"Meeting po with Mr. Diaz, sunod po kay sir Gonzales,  at kay Mr. .....Guevarra po." napangiti siya.. aha.. makikita rin pala kita.

"Pakicancel ang kay Mr. Guevarra please."

"Ha? bakit po mam?" parang nadismaya siya sa sinabi ng boss niya.

"Non sense na naman ang sasabihin nyan sakin. Puro kalokohan lang naman ang mga sinasabi nyan."

"Nanliligaw po ba sa inyo si Mr. Guevarra?"

"Matagal na! ipinapakita ko naman sa kanya na wala akong interest sa kanya. Saka playboy yan. Kaya ikaw, wag mong papatulan yan kung sakaling manligaw sayo. Baka masira ang buhay mo."

Grabe naman si mam masiraan ang prince charming ko.. Ang bait kaya ni sir Bernard.. amoy masarap pa. Kapag tumitig jusko... pati kaluluwa ko kinikilig.. Siguro tomboy si madam. Pati kasi yung taga banko na panot di nya type. Tapos laging ako ang gustong kasama.

Napatingin sa kanya si Ericka. Inayos nito ang kwelyo ng kanyang suot na damit. Titig na titig siya dito.

Hala.. baka nga tomboy si mam.. tapos.. tapos ako pala ang gusto.. naku po di ko type magkajowa ng Lesbi.. ayoko..

Panay iling niya habang nakapikit. Parang diring diri siya sa naiisip niya.

"Hoy, Miss Marie, anong inaarte mo dyan?" nakatingin sa kanya ang boss niya.

"Mam.. wag po.. lalaki po ang gusto ko. Di ko po pangarap mag jowa ng tomboy" hawak hawak niya ang sarili.

"Luka luka!" hinampas siya nito sa hita "Sa ganda kong to magtotomboy ako? no way! saka feeling mo naman dyan.. bata ka lang sakin pero mas maganda ako sayo no! Di lang talaga si Bernard ang tipo ko."

"Aah.. hehehe" umayos siya ng upo "akala ko kasi mam pinagnanasahan nyo ko."

"Pareho kayo ni Bernard eh. Mga baliw!" umayos na rin ito ng upo "Basta wag mong papatulan yun. Kawawa ka dun."

Nilibang na lang niya ang kanyang sarili. Kinancel niya ang meeting kay Bernard. Pagkarating nila sa meeting place with Mr. Diaz, tumatawag si Bernard.

"Mam,si sir Bernard" sabi niya.

"Sagutin mo, bahala ka na magdahilan. Pupunta na kami sa meeting area, sunod ka na lang" iniwan na siya nina Ericka.

"Naku.. pano ba to... hmmmm.. Yes sir?"

'Bakit kinancel ni Ericka ang meeting namin?'

"Sir marami po kasi schedule si mam ngayon. Busy po sya."

'Kailan siya hindi busy?'

"Sabi nya po mga next year."

'Ano? niloloko mo ba ko?'

"Naku sir hindi po.. napag utusan lang po ako"

'Ewan ko sayo, makipag usap ka sa pagong!'

Saka siya pinagpatayan ng phone.

"Ewan ko sayo, makipag usap ka sa pagong.." panggagaya niya sa sinabi nito "ang yabang mo. Kung hindi ka lang masarap hindi na kita kakausapin ih.. hmmm gigil mo ko ha"

Napatigil siya sa pakikipag usap sa kanyang cellphone. Marami na pala ang nakapansin sa kanya.

"Hehehe hi" napapahiya niyang sabi sa mga ito.

Ano ba yan ang gandang babae may sayad..

Ang bata pa para masiraan.

Mukhang baliw..

Sayang naman..

Naririnig niya ang mga sinasabi ng mga ito. Hinawakan niya ang magkabilang tainga at naglakad palayo..

My God nakakahiya.. ito kasing Bernard na to eh.. nakakainisssshhhh! Halikan ko siya eh...

Sa sobrang tungo niya, nauntog siya sa glass wall ng meeting area nila..

"Araaaay," napaluha siya sa sakit.

"Miss Marie, anong ginagawa mo?" mahinang sabi ni Ericka. "Nakakahiya sa mga naririto."

Pumasok na siya sa loob "Naku sorry po sa inyo.. pasensiya na po" naupo na siya malapit kay Ericka.

"Bakit ba parang wala ka sa sarili kanina pa?" bulong nito "ang layo mo pa lang kita ka na namin."

"Sorry po mam.. inaaway kasi ako ni sir Bernard" sagot niya.

"Bernard na naman. Tigilan mo na ang pagpapantasya dyan at baka magsisi ka," may diin sa tinig nito.

"Eeehem" tikhim ni Mr. Diaz "may we proceed to our agenda?"

"Yes sir," sagot ni Ericka.

Nakikinig lang siya at nagtitake down ng mga notes na kakailanganin. Hahanapin kasi ito ng boss niya. Naalala niya noong bago pa lang siya.....

"Asan na ang mga notes?" tanong ni Ericka.

"Anong notes po mam?" wala siyang natatandaang may iniabot ito.

"About sa meeting? hindi ka nagtake down ng notes?"

"Hindi po mam"

Umayos ng upo si Ericka "ano ba ang job description mo Miss Marie?"

"Mag aasikaso po ng mga meetings nyo and mag aassist po sa inyo. Saka...."

"Saka ano?"

"Maglilista po ng mga important notes sa meeting."

"Eh asan na ang notes?"

"Sorry po mam..."

"Haist.. okay lang yan. Next time be ready okay?"

"Hindi po kayo magagalit mam?"

"Bakit gusto mo ba akong magalit?"

"Hindi po."

"Unnecessary na para magalit dahil wala ng magagawa pa. Kaya next time bumawi ka."

"Opo mam."

Kaya simula noon lagi siyang ready. Mahirap na humanap ng mabait na boss na may magandang compensation.

Inililista niya ang lahat saka niya gagawing maayos na files sa computer niya pagbalik sa office. Tinuruan naman siya ni Ericka. Nagtataka lang siya kung bakit nasa labas ang office niya samantalang ang boss niya at ang boss nito ay nasa loob.

May relasyon kaya sila? Naku Marie tumigil ka nga sa pagiging tsismosa mo. Sira ulo ka talaga!

Pagkatapos ng meeting, diretso sila sa isa pang meeting. Inabot sila ng dalawang oras dito dahil maligalig ang kasamang babae ng kameeting nila. Naiinsecure sa kanyang boss. Bakit daw ito ang ipinadala doon.

"Mrs. Gonzales, kaya po ako ang ipinadala dito, dahil i'm the best" sagot ni Ericka.

"Bakit? may extra service ba ang company nyo?" tanong nito.

"Leah! wag mong bastusin si Ericka." awat ni Mr. Gonzales sa asawa.

"Hindi ko kailangang ibenta ang katawan ko para magkaroon ng mga partners. Maganda ako at may pera, bakit naman ako papatol sa may sabit?"

Humanga siya sa boss niya. Sana ganito din ang self confidence ko..

"Sorry Mr. Gonzales, but I think, hindi kayo fit sa company namin." tumayo na si Ericka, tumayo na rin siya para sumunod sa boss niya.

"At sino ka naman para sabihin yan? ikaw ba ang may ari ng kumpanya?"

"Hindi"

"Bakit ka paladisisyon?" tanong ni Mrs. Gonzales.

"Because I can!" Tumalikod na ito.

Naiwan nilang nagtatalo ang mag asawa.

"Mam.. ang galing nyo" humahanga niyang sabi.

"Dapat.. kaya ikaw, kapag tama ka, wag kang basta magpapatalo.."

"Yes mam!"

Umalis na sila sa lugar na iyon.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

user avatar
CRISHMERL
great story
2025-06-01 17:45:53
0
user avatar
Meryll Serrano
Good story ...️...
2025-05-12 07:52:38
2
user avatar
SEENMORE
Up!!!!!! !!!!!
2024-11-08 08:39:28
2
user avatar
SEENMORE
Spg warning! May nakalagay na!!! Kaya wag basahin ng maselan!!!!
2024-11-08 08:39:07
0
user avatar
SEENMORE
Up!!! Up!!! Up!!!
2024-11-08 08:38:46
2
user avatar
SEENMORE
Highly recommended!!!
2024-11-08 08:38:31
0
user avatar
Julia Kindao Toquero
episode 43 lng Po Ako coz hndi kinaya Ng puso ko Yung spg kaya diko kayang ituloy. for me Kasi, hndi ka nirerespeto at mahal Ng lalaki kapag pati pwet pag iinteresan. God made anus para mat labasan Ang tae, for dumi. pasensya na Po author sa term. I don't judge you Naman. salamat
2024-09-02 14:59:15
2
user avatar
Julia Kindao Toquero
for me, this story is not recommended. sobrang halay, walang nakikyang respeto. puro lng libog. pag mahal ka Ng lalaki hndi ka aanuhin sa pwet. Ang gamit Ng pwet ay para lng sa tae. bwisit. diko na kayang ituloy basahin. ok sana Ang story but the spg is sobrang halay, at laswa. nakakasuka.
2024-09-02 14:22:15
0
user avatar
Sapphire Dyace
go siopao!!
2024-08-12 09:29:10
0
user avatar
Batino
highly recommended.
2024-03-08 13:46:17
2
user avatar
SEENMORE
Ehem-ehem. Napadpad din dito, haha. Highly recommend story!
2024-01-09 09:44:03
1
user avatar
Yurikendo
How, nasa trending category siya mhie. congrats. Recomended!
2024-01-08 23:45:15
1
user avatar
Ashlie Dreamer
Highly recommend
2023-12-28 00:19:00
1
user avatar
Love Reinn
oh, ayan ah? nandito agad ako realquick. keep writing mhieee.
2023-12-12 17:14:15
1
173 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status