My Young Daddy (Tagalog)
Ang kaniyang mga kamay ay nangangatog, at ang puso niya ay tila isang tambol sa kaniyang dibdib.
Sa labas ng mansiyon, nakita ni Marco si Crixzus na nakatayo sa gitna ng bakuran. May mga baril ito sa magkabilang kamay, palinga-linga sa paligid at paminsan-minsa’y bumabaril sa dilim.
“De La Croix!” tawag ni Marco. “Tila bagong pangahas na grupo ang nagtatangkang sumira sa atin.”
Lumingon si Crixzus kay Marco, bakas sa mukha ang pagkaalerto ngunit hindi ang kaba. “Anong grupo? May alam ka ba rito, Marco?”