Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Island's Doctor

Island's Doctor

Professional, intelligent and almost perfect for being passionate for her job as a doctor, that's Sandra Olivarez. She is the best doctor that PPS Hospital has and envied because of her incomparable talent. She also have a great and loving family na wala na ata siyang mahihiling pa dahil sa suportang ibinibigay ng mga ito sa kanya. Well, maliban na lamang pala sa kanyang Daddy na wala nang ibang ginawa kung hindi ay ipagtulakan siya na maghanap na ng magiging kasintahan at agad nang magpakasal dahil gusto na daw nito ng apo sa kanya. At the age of 29 kasi ay wala pa siyang nobyo dahil sa wala ni isang pumapasa sa dami ng sumusubok na manligaw sa kanya. Kung kailan naman siya nakahinga ng maayos dahil umalis ang kanyang mga magulang para sa isang bakasyon sa Berlin ay saka naman niya nakabungguan ang lalaking hindi niya ata makakalimutan. Ang estrangherong naka-one-night stand niya nang magbakasyon siya ng dalawang araw sa isang isla sa Romblon. She tried to ignore his presence and pretended she doesn't know him. Pero mas makulit pa ata ito sa Daddy niya dahil simula ng magkita sila ay hindi na siya nito tinantanan hanggat hindi siya um-oo sa alok nitong kumain sa labas. Halos napanganga pa siya ng sabihin nito na liligawan siya nito at hindi siya titigilan hanggat hindi niya ito kinakausap o pinapansin. Paano na lamanh kung malaman nito na buntis siya at ito ang ama? Makakaiwas pa kaya siya kung ang tadhana na rin ang gumawa ng paraan dahil nakita niya itong kusap ang ama habang naghihintay sa lobby ng ospital at nagpaalam pa ito na liligawan siya nang malaman na Daddy niya pala ito.
Romance
712.6K viewsCompleted
Read
Add to library
A Stepbrother's Burning Desire

A Stepbrother's Burning Desire

Si Xyza Gabrielle Ignacio, dalawampu 't tatlong taong gulang, ay nag-iisang anak ng isa sa pinakamayayamang pamilya sa mundo ng negosyo. Dahil dito, lumaki siyang spoiled at sanay na nakukuha ang lahat ng gusto. Mas inuna pa niya ang barkada, gala at luho. Ang pag-aaral? Palaging nasa huli sa kanyang listahan. Ngunit nagbago ang lahat nang mamatay ang kanyang ama sa isang aksidente. Dahil sa depresyon, ay napabayaan ng kanyang ina ang kanilang negosyo hanggang sa tuluyang malugi at magsara. Kaya sa isang iglap ay bigla na lamang nawala ang marangyang buhay na kinasanayan niya. At sa isang desisyong hindi inaasahan, muling nagpakasal ang kanyang ina, isang bagay na labis niyang tinutulan. Mas lalo pang gumulo ang lahat nang napag-alamang sa bahay ng bagong asawa nito sila titira. Doon niya nakilala si Flint Atlas Martinez, ang "bagong kapatid" niya sa papel. Tatlumpung taong gulang, strikto, may kayabangan, pero hindi maikakailang mapang-akit. Isa itong CEO ng matagumpay na engineering firm na siyang pagmamay-ari ng pamilya nito. Araw-araw silang nagbabangayan. Hindi sila magkasundo sa kahit maliit na bagay. Si Xyza, palaban at maarte. Si Flint, mayabang at sobrang higpit sa kanya sa hindi malamang dahilan. Pero paano kung sa likod ng kanilang mga pagtatalo, unti-unting umusbong ang isang bawal na damdamin? Bawal na damdamin sa mata ng ibang tao, dahil sa papel ay magkapatid sila. Ngunit, kung kailan unti-unti na nilang nauunawaan ang tunay nilang nararamdaman para sa isa 't isa, saka naman nagsilabasan ang mga hadlang. Una na roon ang ina ni Xyza, dahil naniniwala itong isa na silang pamilya. At ang masaklap pa, umeksena pa ang dating kasintahan ni Flint, isang babaeng handang gawin ang lahat upang maagaw muli ang lalaking minamahal niya. Hanggang saan nila kayang ipaglaban ang kanilang mga damdamin sa dami ng mga humahadlang sa kanilang pag-iibigan?
Romance
1014.3K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
345678
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status