Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
THE FIFTY-BILLION BRIDE

THE FIFTY-BILLION BRIDE

Midnight_writer
Kailangan ni Eleanor ng 50 bilyon para maisalba ang kanyang kumpanya mula sa pagkalugi. Saan kaya siya makakuha ng ganyan kalaking halaga? Dahil sa sobrang stress niya ay nagpunta siya sa isang club kasama ang kaniyang kaibigan at naglasing. Paano kung may makilala siyang isang lalaki doon at may mangyayari sa kanila? Kinabukasan ay nalaman niya na ang lalaking nakatalik niya pala ay isang sikat na negosyante, nabuhayan siya at nakaramdam ng kaunting pag-asa. Naisip niya na pwede niyang gawin itong tulay upang makakuha ng 50 bilyon. Kaya nag-alok siya sa lalaki, isang alok na hindi siya sigurado kung kaya niyang panindigan. Magpapakasal sila kapalit sa malaking halagang pera. Tatanggapin kaya ng lalaki ang alok niya? O tatanggihan.
Romance
101.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The One-Year Contract

The One-Year Contract

solasabegail
OUT of boredom, Apple thought of sketching a teddy bear on the blank side of a contract in front of her, without her realizing that it was actually a contract and her sketch would be counted as her signature. Nakasaad ditong kailangan n'yang samahan si Dravour Ichigo Forestier, isang sikat na modelo, sa loob ng isang taon, hindi lamang upang maging alila nito kundi upang paibigin ito bago matapos ang kontrata. Sa kabilang banda, kontrata ang naisip na paraan ni Dravour upang makahanap ng babaeng ihaharap sa kaniyang ina. Ito ay bilang pagtutol niya sa kagustuhan nitong ipakasal siya sa kaniyang kababatang si Shantall na hindi naman niya mahal. Ang kaibigang sina Hiro at Kio ang tumutulong sa kan'ya sa paghahanap ng babae, at kapag hindi n'ya ito nagugustuhan ay s'ya na mismo ang tumatapos sa kontrata. Bagama't mas'yadong isip-bata at 'weird' ang dalaga ay hindi kaagad tinapos ni Dravour ang kasunduan kahit na malaya siyang gawin iyon sa simula pa lamang. Hindi n'ya rin magawang ipakita sa babae ang kaniyang tunay at itinatagong kondisyon dahil sa takot — takot na iwan din s'ya nito katulad ng ginawa ng mga naunang babaeng kaniya ring pinaperma. Sa kabila ng mga balakid at problemang idinulot ng kontratang iyon, pipiliin pa rin ba nila na ipagpatuloy ito? O sila na rin mismo ang kaagad na tatapos dito?
Romance
102.2K viewsOngoing
Read
Add to library
A Stepbrother's Burning Desire

A Stepbrother's Burning Desire

Si Xyza Gabrielle Ignacio, dalawampu 't tatlong taong gulang, ay nag-iisang anak ng isa sa pinakamayayamang pamilya sa mundo ng negosyo. Dahil dito, lumaki siyang spoiled at sanay na nakukuha ang lahat ng gusto. Mas inuna pa niya ang barkada, gala at luho. Ang pag-aaral? Palaging nasa huli sa kanyang listahan. Ngunit nagbago ang lahat nang mamatay ang kanyang ama sa isang aksidente. Dahil sa depresyon, ay napabayaan ng kanyang ina ang kanilang negosyo hanggang sa tuluyang malugi at magsara. Kaya sa isang iglap ay bigla na lamang nawala ang marangyang buhay na kinasanayan niya. At sa isang desisyong hindi inaasahan, muling nagpakasal ang kanyang ina, isang bagay na labis niyang tinutulan. Mas lalo pang gumulo ang lahat nang napag-alamang sa bahay ng bagong asawa nito sila titira. Doon niya nakilala si Flint Atlas Martinez, ang "bagong kapatid" niya sa papel. Tatlumpung taong gulang, strikto, may kayabangan, pero hindi maikakailang mapang-akit. Isa itong CEO ng matagumpay na engineering firm na siyang pagmamay-ari ng pamilya nito. Araw-araw silang nagbabangayan. Hindi sila magkasundo sa kahit maliit na bagay. Si Xyza, palaban at maarte. Si Flint, mayabang at sobrang higpit sa kanya sa hindi malamang dahilan. Pero paano kung sa likod ng kanilang mga pagtatalo, unti-unting umusbong ang isang bawal na damdamin? Bawal na damdamin sa mata ng ibang tao, dahil sa papel ay magkapatid sila. Ngunit, kung kailan unti-unti na nilang nauunawaan ang tunay nilang nararamdaman para sa isa 't isa, saka naman nagsilabasan ang mga hadlang. Una na roon ang ina ni Xyza, dahil naniniwala itong isa na silang pamilya. At ang masaklap pa, umeksena pa ang dating kasintahan ni Flint, isang babaeng handang gawin ang lahat upang maagaw muli ang lalaking minamahal niya. Hanggang saan nila kayang ipaglaban ang kanilang mga damdamin sa dami ng mga humahadlang sa kanilang pag-iibigan?
Romance
1013.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Euphoria: The After Dark Diaries (TAGALOG SPG STORIES)

Euphoria: The After Dark Diaries (TAGALOG SPG STORIES)

Congratulations! You’ve been chosen. Hindi lahat ng tao ay nakakatanggap ng imbitasyon papunta rito. Hindi lahat ay handa. Pero ikaw, yes baby ikaw nga— ikaw ay pumasa. Welcome to EUPHORIA, the world’s most exclusive fantasy island. Dito, walang mali, walang bawal—maliban na lang kung hindi mo hiningi ang nangyari. You came here because something inside you wanted more. And tonight, you’re about to find it. Because desire comes in levels, and yours just unlocked the map. Ito ang companion anthology ng Euphoria series — isang koleksyon ng maiikling kwento ng guests, escorts, at staff na minsan lang natin makita sa main books. Dito mo malalaman ang kanilang: Wild encounters sa beach, sa cabana, sa secret sex zones Ligaya & Adonis Escort Service stories na mas juicy pa sa Passion X Wine. Tower Game at VIP party confessions na puno ng teasing at harutan. Forbidden crushes na hindi dapat mangyari, pero nangyari. Perfect ito kung gusto mo ng quick, spicy read na pwede mo basahin kahit isang gabi lang. Kung fan ka na ng Euphoria: Sugar Baby at Euphoria: The Final Boss, mas maiintindihan mo pa lalo ang mundo ng Euphoria after reading this diaries. Tamang- tamang init para sa gabing malamig.
Romance
102.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy

Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy

Nakakulong sa isang kasal na puno ng takot at kontrol, alam ni Calista "Cali" Montenegro na hindi siya basta-basta makakatakas kay Devin Vasquez—isang lalaking sabik sa kapangyarihan at hinding-hindi siya pakakawalan. Matagal na niyang tinitiis ang kalupitan nito, iniisip na wala na siyang ibang pagpipilian. Pero nang magdesisyon siyang maghain ng diborsyo, natuklasan niya ang isang masakit na katotohanan—hindi siya basta-basta palalayain ni Devin nang walang laban. Doon dumating si Lewis Alcaraz. Mapanlinlang, makapangyarihan, at ang taong pinaka-kinaiinisan ni Devin. Inalok niya si Cali ng proteksyong matagal na niyang hinahanap. Pero ang tulong na ito ay may kapalit—isang kasunduang magdudugtong sa kanilang dalawa sa paraang hindi niya inaasahan. Habang ang takot at galit ni Cali ay tuluyang nagtulak sa kanya na lumaban, natagpuan niya ang sarili sa mas kumplikadong sitwasyon kasama si Lewis. Ngunit sa kabila ng panganib, ang pag-aalaga at kapanatagang ibinibigay nito ang muling nagbigay sa kanya ng pag-asa sa pag-ibig. Sa laban ng kapangyarihan, pagnanasa, at pagtataksil—sino ang pipiliin ni Cali? Ang asawang gagawin ang lahat para maangkin siyang muli, o ang lalaking gumugulo sa kanyang isipan at puso?
Romance
2.4K viewsOngoing
Read
Add to library
I'm Marrying the Worst

I'm Marrying the Worst

Dalawang taon na... Dalawang taon na akong nagdurusa sa pagmamahal ko kay Querem Tuazon. Patuloy pa rin akong umaasa na sana ako naman ang piliin niya. Na sana makalimutan na niya si Amie. Kailan niya ba matatanggap na hindi na maibibigay ni Amie ang pagmamahal na nais niya dahil matagal na siyang kasal sa kapatid ko! Ano bang mahirap intindihin doon? Nandito lang naman ako, e. Hinihintay ko siyang ako naman ang makita niya. Pero hanggang kailan ako maghihintay? Mukhang hindi ko na ata maiintay ang pangarap kong 'yon dahil ang sakit sakit na. Kailangan ko nang bumitaw. At mukhang hindi talaga kami ang para sa isa't isa.
Romance
1011.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Rebelde at Ang Sundalo

Ang Rebelde at Ang Sundalo

Minahal ni Aya si Dindo ngunit may sikreto ang binatang hindi niya kayang sabihin. Napatay ng sundalong Daddy ni Ava ang mga magulang ng rebeldeng si Dindo. May balak si Dindo na maghiganti ngunit hindi na niya naisakatuparan dahil mahal na niya si Ava. Ang hindi magawa ni Dindo na misyon ay ginawa ng kapatid niya mismo. Napatay ang Daddy ni Ava sa araw ng kanyang graduation at doon niya nalaman ang tunay na pagkatao ng lalaking minahal at pinagkatiwaan niya. Dahilsa galit, naging sundalo si Ava at naging kalaban niya si Dindo na siyang lider na ng mga rebelde. Mabubuo pa kaya silang muli ngayong mortal na silang magkalaban?
Romance
107.3K viewsCompleted
Read
Add to library
DARK POSSESSION: Bound by Blood

DARK POSSESSION: Bound by Blood

Ipinagbili si Elaris Vaeloria ng sarili niyang ama sa makapangyaring pamilyang Montefalco— at doon, tuluyan siyang  nawala sa mundo ng kalayaan at dangal. Ginapos ng utos, kontrol, at takot, natutunan niyang ang bawat sandaling malaya ay may kapalit. Sa gitna ng sakit at pagdududa, matapos iligtas ay tumakas siya kay Damian Vossryn, naniniwalang lahat ng kapangyarihan ay nagdudulot ng pagkawasak. Pero nagbaho si Damian. Ang halimaw na kinatatakutan ng mundo ay natutong maramdaman... ang pagmamahal. At nang muling pagtagpuin sila ng tadhana, hindi na niya hinihingi ang pagsuko ni Elaris— ang puso na niya ang kaniyang nais. Ngunit sa mundong pinaghaharian ng dugo at lihim, may puwang pa ba ang pag-ibig na marupok... o nakatadhana rin itong masira?
Romance
10228 viewsOngoing
Read
Add to library
A PART OF ME

A PART OF ME

dser
Kahit halos hindi na makatayo sa kalasingan ay agad na pumunta si Maya sa dance floor at doon ay parang wala sa sariling umindak sa tugtugin. Ito ang paborito nilang kanta ng ate niya. Napaluha siya, at napaupo sa sahig, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito kayang kalimutan. Pakiramdam niya ay siya nalang ang nag iisang tao sa mundo. "Miss, are you okay?" boses ng isang lalaki Tumingala siya rito habang inaabot nito sa kanya ang isang panyo. "Ate Riza?" hilam sa luhang tawag niya rito.
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Bound to the Billionaire Contractor

Bound to the Billionaire Contractor

Auditor sa umaga. Asawa sa gabi. Kalaban sa katotohanan. Kapag puso, pamilya, at katarungan ang nagbanggaan—sino ang handa mong ipaglaban? Si Maria Ysabel Cruz ay isang ordinaryo pero masipag na auditor na napilitang akuin ang responsibilidad nang mamatay ang ina at bumagsak ang kalusugan ng kanyang ama. Sa desperasyon, nagkubli siya sa pangalang Maya Santos at pumasok sa isang contract marriage kay Renzo Alcantara—ang guwapo at makapangyarihang tagapagmana ng pinakamalaking construction empire sa bansa. Sa simula, naging perpekto ang lahat: natugunan ang gastusin ng kanyang pamilya, unti-unti siyang nahulog kay Renzo, at naranasan ang isang uri ng pag-ibig na akala niya ay para lang sa mayayaman. Ngunit gumuho ang ilusyon nang ma-assign siya bilang auditor sa mismong kumpanya ng mga Alcantara. Sa araw, siya ang matapang na Maria Ysabel na nag-iimbestiga sa mga katiwalian. Sa gabi, siya ang mapagmahal na Maya, asawa ni Renzo. Dalawang katauhan, iisang puso—at isang mapanganib na lihim. Hanggang sa mabunyag ang masakit na katotohanan: ang pamilya ni Renzo ang nasa likod ng ghost projects na kumitil ng maraming buhay at sa trahedyang pumatay sa kanyang ina. Ngayon, kailangan niyang pumili: Ipaglaban ang pamilya at katarungan para sa bayan… o ipagtanggol ang lalaking minahal niya? At si Renzo, may sarili ring laban: Patatawarin ba niya ang babaeng ilang ulit na nanloko sa kanya? O patuloy pa rin ba niyang mamahalin—Maya man siya o Maria Ysabel—kahit kapalit ay ang pamilyang kailanma’y hindi niya tinalikuran? Isang kwento ng pag-ibig, pagtataksil, at ang tanong na walang kasiguraduhan: Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig at katotohanan?
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2425262728
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status