Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Vengeful Wife

My Vengeful Wife

Nang dahil sa pagkasawi ng mga magulang na parehong miyembro ng isang secret agency ay tumatak sa isip ni Veron Stacey Santibañez ang isang lihim na paghihiganti sa mga taong pumaslang sa mga mahal niya sa buhay. Upang magawa ang nais na paghihiganti ay pumasok rin siya bilang isang secret agent sa organisasyong pinagsisilbihan ng mga magulang noon. Kailangan niya ang organisasyon at ang mga nalalaman nito para maisagawa ang paghihiganti. Sa mga misyong kinakaharap ni Veron ay makikilala niya si Ynzo Abraham Tolledo. Ang makisig, guwapo, ngunit pinakamalaking malas na nakilala niya sa buong buhay niya. Ito ang lalaki na ubod ng yabang at saksakan ng glue na dikit nang dikit sa kaniya sa lahat ng oras. Hindi niya alam kung trip lang ba siya nitong paglaruan o talagang malakas lang ang sapak nito. Isa lang itong lalaking walang ibang kailangan kundi ang makahanap ng babaeng mapapangasawa dahil kung hindi ay wala raw itong mamanahin mula sa mga magulang ‘pag tuntong nito sa edad na tatlumpu. At sa lahat ng babaeng minamalas ay siya pa ang nakita nitong alukin ng kasal-kasalan para lamang makuha ang ninanais nitong mana. Akala ni Veron ay simpleng bagay lang ang inaalok ni Ynzo. Napag-alaman niyang malaki ang maitutulong ng lalaki upang makuha niya ang hustisyang inaasam-asam niya. Kaya kahit may mahal nang iba ay napilitan pa rin siyang kumapit sa patalim. Pareho naman silang makikinabang ni Ynzo sa kasalang iyon. Ngunit may isa sa mga kondisyon na kanilang napagkasunduan. No feelings attached. Ang lahat ng magaganap mula sa araw ng kasal hanggang sa matapos ang misyon ay walang halong damdamin o pag-ibig. Mapanindigan kaya nila ang pinasok na laro? O pareho silang mapapahamak sa mabilis na bala ng pag-ibig na tatama sa kanila?
Romance
9.99.1K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Ikaw pala

Ikaw pala

Romary Suarez o mas kilala na tawag na Em-Em, ay nagmahal kahit nasa murang edad pa lang siya. Minahal niya ang lalaking iniligtas niya noon mula sa pagkalunod. Lumipas man ang maraming taon ay hindi pa rin nakakalimot ang kanyang puso sa nararamdaman para sa lalaking ito. Nag mag punta sila ng kanyang pinsan at bestfreind sa bar kung asan din ang lalaki na iniligtas niya noon ay muli bumalik ang nakaraan. at dahil sa isang pang yayari. Silang tatlo mag kakaibigan ay naikasal sa mga lalaki nakaaway nila sa bar at isa na nga doon ang lalaking na iligtas niya na Mayor pala ng bayan nila. Hangan ng sama at naging secretary siya ng Asawa. Nahulog na rin ang asawa niya sa kanya at minahal siya, ngunit dahil sa isang pangyayari na nakidnap si Romary kaya na walay siya sa kanyang asawa panahon non ay buntis na siya. lumipas ang dalawang taon ay. Nakita ulit siya ng asawa ngunit hindi niya maalala ito dahil sa ng ka amisia siya. Kahit ganon hindi mapigilan ang pag tibok ng puso niya para sa taong ng pakilala asawa niya.
Romance
109.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
One Pleasurable Night

One Pleasurable Night

Leah Alcaraz is a unsociable girl and a very shy one. Madalas itong iwasan ng mga co-workers niya dahil sa awkward nitong pananalita at manang na pananamit. No wonder at wala siyang naging kaibigan o kasundo man lang sa mga ito dahil masyado siyang "old fashion". However, the introvert girl suddenly became wild in a one pleasurable night. Naibigay niya ang bataan sa hindi kilalang lalaki! But what would she do if she finds out na ang lalaking naka-one night stand n'ya ay ang soon-to-be brother-in-law pala niya?! Will the fate be with her?
Romance
109.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Love Me Again

Love Me Again

Buong akala ni Ellie ay wala nang hahadlang sa pag-iibigan nilang dalawa ni Uno. Ngunit bago ang araw ng kasal nila, naaksidente silang dalawa ni Uno. Pagkagising ni Uno mula sa aksidente, hiniwalayan niya si Ellie at pinili na umalis ng bansa kasama si Sandra, ang kaniyang kababata na pinagkasundo sa kaniya. Bumalik si Uno ng bansa upang balikan si Ellie ngunit malapit na itong ikasal kay Judah. Magagawa pa kayang paibigin muli ni Uno si Ellie o tuluyan nang matutuldukan ang kanilang nakaraan?
Romance
109.1K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Unexpected Wife of a Billionaire

Unexpected Wife of a Billionaire

"Mamili ka, siya, o ako?" tanong ni Danica kay Jethro. Natatawa pa ang lalaki ng bahagya sa kanyang sinabi, "anong kalokohan naman ang naiisip mo at pinapapili mo ako?" "Puro ka na lang. Lovely, lovely.. lovely! ni hindi mo nga naalala ang birthday ko eh. " may hinagpis sa kanyang tinig. Tiningnan lang siya ni Jethro, at tumalikod sabay labas ng bahay. Hindi siya makapaniwala na pipiliin nito ang babaeng iyon. Agad siyang nag alsa balutan, upang iwanan ang lalaki.
Romance
109.0K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Accidentally Married To A Mafia Boss

Accidentally Married To A Mafia Boss

Missezme
Malubha ang sakit ng ama ni Annalise Reyes kaya kinakailangan niyang isakripisyo ang kanyang pag-aaral at lumuwas ng manila para makahanap ng trabaho. Hindi niya alam kung sinusundan ba siya ni kamalasan o sadyang malas lang talaga siya dahil sa wala siyang mahanap na trabaho. Nang may nag-offer ay tinanggap niya ito dahil sa malaking pera ang kanyang matatanggap. Hindi niya alam na ang sanang paninira niya ng kasal ay siya itong maiikasal. Mas lalo niya itong hindi matanggap dahil sa isang Mafia boss pa siya naikasal na ubod ng sama. Matanggap kaya niya na mahuhulog siya sa lalaking aakalain niyang hindi niya magugustuhan? Matatanggap pa kaya niya ang kahihinatnan niya?
Romance
108.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Crashed On You

Crashed On You

Ms. El
Tumakas ang kakambal ni Abella sa nalalapit nitong kasal upang sundan ang lalaking tinitibok ng kanyang puso. Dahil do'n ay siya ang pumalit dito. Makakaya kaya nitong ibigin ang lalaki? O, gaya ng kanyang kakambal ay susundin nito ang tinitibok ng kanyang puso?
Romance
108.4K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Meant to be Yours

Meant to be Yours

“Yes, I can be your husband Tracy, pero huwag kang umasa na mamahalin pa rin kita kagaya noon.” Isang malaking panlulumo ang naramdaman ni Tracy nang marinig ang mga mabibigat na katagang iyon ni Fien. Patuloy siyang nasasaktan sa pagiging cold at pagkagalit nito sa kanya. Dati, isang malaking balakid sa pagmamahalan nila noon ang malayong agwat ng pamumuhay nila sa isa’t isa. At ngayong nakaapak na rin ang paa niya sa alapaap na kinaroroonan nito, isang malaking hamon sa kanya kung paano niya ito mapapaibig muli. Sa bagong mundo na mayroon siya, makakamtam pa rin kaya niya ang inaasam na totoong pag-ibig? O mananatiling pangarap pa rin kagaya noong hindi pa nagbabago ang takbo ng buhay niya?
Romance
9.88.8K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Loving The Arrogant Man

Loving The Arrogant Man

Erica has fallen in love with a man na akala niyang magbibigay sa kanya ng pagmamahal na matagal na niyang pinangarap at inasam. Kay Troy Sandoval. A mysterious guy na biglang dumating sa kanyang buhay at ginulo ito. Sa simula pinakitaan siya ni Troy ng mabuti. Niligawan siya nito, hindi nagtagal ay sinagot niya ito. Mabilis na nahulog ang loob niya sa lalaki kaya naman nagpakasal sila agad. Ngunit ilang buwan pa lamang ang lumipas ay nag iba ang trato nito sa kanya. Naging bastos ito at mapangahas sa kanya. Dahil ang totoong motibo ni Troy ay ipaghiganti ang kapatid na nasa ospital pa rin hanggang ngayon at hindi parin nagigising sa coma. Sobrang mahal ni Troy si Rix. Si Erica ang sinisisi nila sa trahedyang nangyari sa kanyang kapatid. Matagal ng manliligaw ni Erica si Rix at palagi din itong basted sa kanya kahit anong pagtataboy niya rito ay ayaw siyang tantanan ng binata. Ayaw sana niyang paasahin si Rix kasi wala talaga siyang feelings para dito at kaibigan lang ang turing nito sa kanya. Ngunit isang araw bigla na lang itong tumawag kay Erica at nagbabantang magpapakamatay ito kapag hindi siya nagpakita sa dito. Pumayag si Erica sa gusto nito kasi alam niya ang kayang gawin ni Rix. Sa kasamaan hindi nakarating si Erica sa lugar kung saan dapat sila magkikita ni Rix dahil sa isang insidenting nangyari. Isang insidente na magpapabago sa takbo ng kanilang mga buhay. Insidenting naging dahilan kung bakit dumaranas siya ngayon ng impyernong buhay sa piling ni Troy. Tama bang inilihim ni Erica kay Troy ang insidenting yun? Paano kung sinabi niya kaagad sa kanila? Dadanasin pa kaya niya ang pagpapahirap na pinaparanas ni Troy sa kanya? O mas mamahalin siya ng tuluyan ni Troy kapag nalaman nito ang totoo?
Romance
9.4K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Falling For My Runaway Bride

Falling For My Runaway Bride

Warning R-SPG ⚠️ Si Amara ay isang mabait at konserbatibong babae na iniwan ng kasintahan matapos siyang gamitin at lokohin. Sa gabi ng kanyang pinakamasakit na kabiguan, nakilala niya si Leo, isang misteryosong estranghero na nagligtas sa kanya at naging asawa niya sa isang di-inaasahang kasunduan. Ngunit ang kasal na dapat ay pansamantala lamang ay nagdala ng mas malaking gulo sa kanilang buhay. Nang maghiwalay sila, iniwan ni Amara ang isang lihim na magbabago sa lahat—ang kambal nilang anak. Limang taon ang lumipas, muli silang nagtagpo sa gitna ng mga lihim, selos, at banta mula sa mundo ng mafia na kinasasangkutan ni Leo. Sa pagitan ng pag-ibig at panganib, magagawa kaya nilang paghilumin ang mga sugat ng nakaraan? O tuluyan na silang lalayo sa isa’t isa? Isang kwento ng sakripisyo, pamilya, at pagmamahal ang magpapatunay na minsan, ang mga pusong nasaktan ay maaaring magmahal muli.
Romance
108.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
3536373839
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status