Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Kismet

Kismet

Uso pa ba ang love at first sight? Posible bang magmahal agad sa unang pagkikita palang? E kung dahil sa isang insidente, maramdaman mo iyon sa taong isang beses mo lang nakasama, hahayaan mo ba ang sarili mo na mahulog sa kanya ng ganun kadali? Kakalimutan mo nalang ba ang nararamdaman mo? Paano kung siya ang nagligtas sa buhay mo, kalilimutan mo rin ba ang utang na loob mo sa kanya? Paano kung isang araw maisipan nalang nyang maningil ng pagkakautang mo sa kanya pero hindi pera ang gusto nyang kabayaran? Napuno ng katanungan at kalituhan ang utak ni Francesca Dominique simula ng makilala niya ang isang gwapong lalaki na hindi lang isang beses nagligtas sa buhay niya. Nasundan pa iyon nang matuwa sa kanya si tadhana at ilagay pa ulit siya sa kapahamakan. Meeting his gorgeous knight will not just save her life but will also capture her heart. But falling in love with him surely has a cost. Endless complications regarding their status compatibility will soon arise. Pwede bang magkatuluyan ang mayaman at mahirap? Kaya ba niyang ipaglaban ang pagmamahal dito at isakripisyo lahat para lang magkatuluyan sila? O susuko na lamang siya at mas pipiliin nalang na iwan ito para sa ikatatahimik ng lahat? Perhaps, she wasn't even Cinderella to ask her fairy godmother to give her a happy ending. But she had fate to take her where she really is supposed to be.
Romance
102.1K DibacaOn going
Baca
Tambahkan
Ang Misteryosong Asawa Ng Nakakaakit Na CEO

Ang Misteryosong Asawa Ng Nakakaakit Na CEO

Si Zarina Alcantara ay isang misteryosang babae. Walang nakakakilala sa kanya ng lubos. Tahimik, maganda, at tila may tinatagong lihim na hindi maabot ng sino kahit pa ang kanyang future husband. Si Damian Hidalgo naman ay isang CEO. Guwapo, masungit, ngunit mapagmahal na apo sa kanyang lolo. Hanggang isang araw, ang dalawang tao na ito ay pinagtagpo sa pamamagitan ni Matthew, kung saan ipinagkasundo silang ikakasal ayon sa gusto ng matanda. Para kay Lolo Matthew, nagkasundo ang dalawa. Hindi maganda ang una nilang pagtatagpo dahil sa simula, hindi pag-ibig ang nagdala sa kanila sa pagsasama kung hindi isang kasunduan lamang. Ngunit, paglipas ng panahon, hindi napigilan ng dalawa ang mahulog sa isa't-isa sa kabila ng kanilang magkaibang mundo. Hanggang saan ang kanilang pagsasama kung balang araw ay natuklasan nila ang lihim ng isa't-isa? Pipiliin ba nila ang kanilang pag-iibigan o hayaan ang mga sikretong wasakin silang dalawa…
Romance
1.3K DibacaOn going
Baca
Tambahkan
One Intimate Night With A Billionaire

One Intimate Night With A Billionaire

Norine Diapen
Inimbitahan ni Monique ang kanyang mga empleyado sa kanilang farm at mansion for her post birthday celebration. During that night ay nagkaroon sila ng small drink session. Hanggang sa may dumating na dalawang lalaki sa mini bar ng mansion. One of whom was Jarred. Unang kita pa lamang ni Celia rito ay namangha na siya. Mukha itong prinsipe sa mga fairy tales. Guwapo, matikas, at mukhang mabango. Ngayon lamang yata siya nakakita ng ganito kaguwapong lalaki sa tanang buhay niya. Panakaw at palihim niya itong tinititigan. Hanggang sa panlabuan na siya ng paningin dala ng epekto ng alak na nainom. Being the virgin that she was, never in her wildest dream she had thought she would one day yield to a stranger’s advances. Sa parehong gabing nagkakilala sila ni Jarred ay kusa at buong loob niyang ipinagkaloob ang sarili rito. Which became the biggest scandal ever happened in the Sandival mansion. Pinangako niyang hindi na muli pang magku-krus ang mga landas nila ni Jarred. For he caused nothing but misery. Pero iba ang itinadhana. Dahil ang taong pinaka-pinagkakautangan niya ng loob ay may kaugnayan sa lalaki. Ba’t ba siya pinatulan ni Jarred gayong napakaganda pala ng girlfriend nito? Hanggang kailan nila maitatago ang mga lihim ng kahapon?
Romance
1.1K DibacaOn going
Baca
Tambahkan
USOK

USOK

Si Andrea Rosario, ang dalagang walang maalala sa kanyang nakaraan, ay tila binabangungot habang nakatira sa marangyang hotel ni Rafael Buenavista. Ang kanyang pag-iral ay hindi isang fairy tale dahil sulit ang gastos ni Rafael sa kanya bilang isang mistress. Habang nahuhulog ang loob ni Andrea sa lalaking ito, ay saka niya napagtanto na isa lang siyang laruan na anumang oras ay itatapon. Sino ngayon ang kanyang magiging "bayani" para tulungan siyang makatakas sa malupit at babaero na si Rafael Buenavista.
Romance
802 DibacaOn going
Baca
Tambahkan
True Love Rekindled

True Love Rekindled

Arianna Thompson's life was once a fairy tale with her college sweetheart, Julian Saint Clair. But a devastating rumor tore them apart after graduation. Heartbroken, Arianna escaped into a loveless marriage with Ryan, only to find herself trapped in a toxic relationship with two beautiful children, Emily and Jackson. Seven years later, Arianna summons the courage to divorce Ryan and start anew as a single mother. Four years of healing and independence pass before she meets Zander Wells – a kind, responsible, and loving man who reawakens her heart. Just as Arianna considers a future with Zander, her past with Julian threatens to collide with her present. Will she choose a second chance with her first love or forge a new path with the man who healed her heart?
Romance
474 DibacaOn going
Baca
Tambahkan
Kneel for me, Mayor (Politician Series#1)

Kneel for me, Mayor (Politician Series#1)

Character: Zarina Czyrine Montereal Sixto Grey Zarkozi (Mayor X Secretary) Synopsis: Simula noong namatay ang mga magulang ko sa 'di malamang dahilan, tanging sumalo sa akin ang lola ko. Bata pa lamang ako tinatak ko na sa kukote ko na lahat ng gusto ko ay hindi ko makukuha, kung makukuha ko 'man ito, kailangang mag banat ng buto, miski nga pag-aaral ay hindi na natupad dahil sa hirap ng buhay na kinagisnan ko. Mas lalong naghirap ang buhay ko ng namatay ang lola sa katandaan, halos bumalik sa umpisa ang buhay ko. Ilang buwan akong nagmukmok sa pagkawala ng lola, kahit gutom ko ay tinutulog ko na lamang para hindi ko maramdaman ito. Isang araw, may silay ng liwanag ng pag-asa ang dumating pero kapalit nito ay walang hanggang pagsisisi, pero wala akong magagawa dahil isang kahig isang tuka ako. Inaya ako ng kaibigan ko sa isang trabaho na tiyak ay kikita ng malaki sa isang gabi lang. Ang mga pulitiko ang magiging customer namin. Pataasan ng presyo, bidding ng mga babae ang mangyayari kung sino ang pinakamalaking offer ay sakaniya na ang babae ng isang gabi. Isang kakaibang lalaki ang nakakuha sa 'kin, kulay luntian ang mga mata at may malapad na balikat at maskuladong mga braso na kitang kita sa polo na yumayakap sa katawan nito. Pagtapos nga ba ng gabi ay tapos na rin sila? O mapapaamo niya ang isang Mayor na mabangis pa sa mga tigre?
Romance
10159 DibacaOn going
Baca
Tambahkan
The Substitute Vows ni Marcandre

The Substitute Vows ni Marcandre

Si Isabella “Bella” Alcaraz ay halos nabuhay sa likod ng anino ng kanyang “almost perfect” na nakatatandang kapatid, si Marisella—ang glamorosa, walang kapintasan at ubod ng bait na mukha ng Alcazar Luxe Events. Kilala ang kanilang pamilya pero sa likod ng lahat ng ito, unti-unting bumabagsak at nababaon sa hindi mabilang na utang. Pinili ng kanilang mga magulang na ipakasal si Marisella kay Leonardo “Leon” Veyra, ang makapangyarihan, walang awa at nakakatakot na CEO ng Veyra Global Holdings. Halos lahat ng negosyo mula finance, hotels at real estate ay saklaw ng kayamanan niya. Ngunit sa mismong araw ng kasal, naglaho na parang bula si Marisella. Para maprotektahan ang pangalan ng pamilya mula sa iskandalo, walang nagawa si Isabella kundi ang maglakad patungo sa altar kapalit ng kanyang kapatid. Natatago sa belo ng sutla at kasinungalingan, siya ang naging “substitute bride” ng isang lalaking kayang ibaon sa hukay ang pamilya niya sa isang salita lamang. Hindi madaling malinlang si Leon. Alam niyang ang babaeng nasa tabi niya ay hindi ang ipinangako sa kanya. Ngunit imbes na itigil ang seremonya, inako niya si Isabella bilang kanyang asawa. Sa mundo, isa itong perpektong kasal, isang fairy tale. Pero sa likod ng mga pinto, isa itong mapanganib na laro ng sekreto, kapangyarihan at obsession. Sa ilalim ng kasal na nabuo sa panlilinlang, kailangan tiisin ni Isabella ang malamig na galit, nag-iinit na pagnanasa at walang hanggang pagdududa ni Leon. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, ang galit at pagdududa ay unti-unting lumalabo. Kasabay nito, patuloy na bumabalot ang pagkawala ni Marisella—runaway bride nga ba, o mas malalim pa? Sa bawat pangakong binibigkas, maaaring nakataya ang pamilya, kalayaan… at puso ni Isabella.
Romance
36 DibacaOn going
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
262728293031
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status