Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Fusion of Two Worlds

The Fusion of Two Worlds

Mathealogy
Isang babaeng pinangalanang Sithya ang nadisgrasya dahilan ng pagkawala ng kanyang memorya, hindi niya alam kung paano mamumuhay ng walang kaalam alam kung sino at nasaan siya. Wala siyang ibang magagawa kundi ang magpanggap at makisama sa mga mageno na napag-alamanan niyang may espesyal na abilidad. Namuhay siyang nagpapanggap na kabilang sa mga naninirahan sa Voreios, lugar kung saan nakatira si Ravus — ang lalaking nagligtas sa kanya, hanggang sa makuha niya ulit ang kanyang memorya. Nang sa gano’n ay makabalik siya sa totoong kanyang pinanggalingan, at hindi iyon Voreios. Naging matunog ang kanyang pangalan sa Voreios dahil sa kanyang pambihirang pisikal na abilidad na kayang makipagsabayan sa pakikipaglaban sa mga mageno kung kaya’t sa maikling panahon ay itinuring siyang isa sa mga mageno kahit walang taglay na espesyal na abilidad. Sa maikling panahon ay marami na siyang nagpadaanan sa loob ng Voreios at pakiramdam niya ay kabilang talaga siya dito. Kaya gumuho ang lahat nang bumalik ang kanyang memorya. Hindi siya si Sithya. Hindi siya taga-Voreios, at lalong lalo nang hindi siya mageno dahil siya si Seffyre Nicolisle Lestridge na isang tao. Siya pala ay mula sa mundo ng mga tao na kinamumuhian ng mga mageno. Nauunawaan niya na kung bakit kakaiba ang kanyang pisikal na abilidad. Iyon ay dahil siya ay hindi lang ordinaryong tao kundi isang agent na hubog sa pakikipaglaban. Ngayon ay kailangan niyang gumawa ng paraan upang makabalik sa mundo ng mga tao na kanyang totoong kinabibilangan habang wala pang nakakaalam sa kanyang lihim. Sa kanyang pagbabalik sa mundo ng mga tao ay nabalitaan niya na ang mundo ng mga mageno ay nasa panganib. Pipiliin niya bang bumalik para tumulong? O manatiling mamuhay ng ordinaryo sa kanyang sariling mundo?
Sci-Fi
4.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Untamable Heart

Untamable Heart

Christine Echon
Zoey grew up in the slums of Manila. Bata pa lamang ay namulat na siya sa malupit na kalakaran ng mundo, na kung saan tanging matibay lang ang natitira. Sa kaniyang murang isipan ninais niya na balang araw ay makaahon siya sa kahirapan and she is willing to do anything to get what she wants in her life. She would be dragged deeper in the darkness because of trying to survive. Dahil sa nakasanayang mga gawain tulad ng panggogoyo sa kapawa at panlalamang, aabot siya sa puntong magkakaroon ng pusong bato. Not until she meets Gael, isang batang anak mayaman na nagpakita ng kabutihan sakanya noon. Zoey mastered the art of deceiving people, kaya niyang umarte depende sa hinihingi ng sitwasyon, ngunit tila ba di umuubra ang bertud niya kay Gael. Huli na ang lahat ng mapansin niyang she has deceived herself that she will not fall inlove with Gael. Sa kasamaang palad, Si Gael pala ang tagapagmana ng Kumpanyang kanyang pinabagsak out of greed. Sa pag-upo ni Gael as the new CEO of their company susubukan niyang itayong muli ang kanilang kompanya. Ano ang gagawin ni Zoey ngayong nalaman niya na magiging kakompetisyon na niya si Gael, and what will Gael think of Zoey if he finds out that she is the one that had been sabotaging their company resulting to its downfall. Can love win against all odds? Is love enough to erase the hatred in their hearts? Two people from two different worlds colliding. This is a story of a Girl pursuing her dreams and how she finds love in the most unexpected way.
Romance
102.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Love Me Angel [Filipino]

Love Me Angel [Filipino]

Simula ng mamatay ang pinaka importanteng tao sa buhay ni Ivy, ang mama nya ay naging impyerno na ang buhay nya sa kamay ng tiyahin at tiyuhin nya. Nagawa syang ipambayad ng mga ito sa utang, sa may ari ng beer house kung saan talamak ang bentahan ng laman. Sa pagtakas nya ay nagtago sya sa sasakyan ng isang retiradong sundalo. Pansamantalang kinupkop sya nito. Binihisan at pinakain. Hanggang isang araw ay nag alok ito na babayaran ang mga taong humahabol sa kanya kapalit ng pagpapakasal. Dapat ba syang magtiwala dito? O kagaya din ito ng mga lalaking walang ibang hangad kundi ang katawan nya? Jeizhiro Natividad and Ivy Crisostomo story #TAGALOG #MATURE
Romance
1022.5K viewsCompleted
Read
Add to library
FORBIDDEN AFFECTIONS: ADDICTED TO MY STEPMOM

FORBIDDEN AFFECTIONS: ADDICTED TO MY STEPMOM

[WARNING: This story contains mature themes with profanities, hardcore graphical explicit sexual situations, and others. Strongly recommended for 18+ only. Otherwise, read at your own risk.] Bata pa lamang si Jack ay iniwan na sila ng kanyang ama. Ang tanging kasama lang niya ay ang maganda at napaka-bait niyang stepmom na si Marianne. They only have each other, through the good times and the bad times. Pero paano na lang kung biglang umamin si Jack na ang kaisa-isang taong gusto niyang makasama at mahalin ay walang iba kundi si Marianne? A love that overflows like magma - a love, so intense and hot that it burns in every touch. Sa mundong walang kasiguraduhan at puno ng tukso at pagkakamali, ang pag-ibig nga ba nila Jack at Marianne ay pang-walang hangganan? Paano na lang kung may mga taong patuloy silang pinaglalayo sa isa't isa? Jack once said to Marianne, "I don't care about anyone. I want you to be mine! At kahit masunog ako sa pagmamahal natin sa isa't isa, that's fine. Gustuhin at mahalin mo lang ako hanggang wakas, I am more than willing to be burnt to death."
Romance
1085.2K viewsCompleted
Show Reviews (15)
Read
Add to library
Rina Rina
Grabeng obsessed si Aki kay marianne. kakaiba ang story na ito.. Kudos sa author sa sobrang intense at kakaibang love story. Nakakakilig at may halong kaba sa bawat kabanata.. Pa intense ng pa-intense para akong nanonood ng teleserye...
emiluvs
Ang ganda Ng story sobrang intense, ganda rin Ng pagkakasulat.. kaya lang nakakasama Ng loob dahil binitin Ang mga readers, gusto lang Naman namin malaman Ang ending Ng pagmamahalan nina Jack at Marianne.. naiyak ako sa inis Kasi paasa eh!
Read All Reviews
Ang Talaarawan ni Corazon

Ang Talaarawan ni Corazon

irelle
Mahinhin, maingat sa kinikilos, mahinahon, mapagkumbaba, at mapagtimpi. Yan ang mga katangian ng isang Maria Clara. Pambahay lamang ang mga babae at hindi ito pwedeng makipagsalamuha sa mga kahit kaninong lalaki. Pero paano kapag ang babae ay magpapanggap na lalaki? Basahin natin at subaybayan ang mga isinusulat ni Corazon sa kanyang talaarawan bilang isang babaeng naging guardia civil sa panahon ng mga Kastila.
History
105.8K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Bargain Bride

The CEO's Bargain Bride

Sa mundo ng mga mayayaman at makapangyarihan, ang kasal ay hindi palaging tungkol sa pag-ibig. Minsan, isa lang itong kasunduan. Solen Mira Callisto, isang occupational nurse sa Monteverde Lines Inc., ay biglang nabaon sa utang matapos pumanaw ang kanyang ama. Dalawang milyong piso—isang halagang hindi niya kayang bayaran sa loob ng tatlong linggo. Sa gitna ng kanyang desperasyon, dumating ang isang hindi inaasahang alok mula kay Leonidas “Leon” Monteverde, ang matikas pero mailap na COO ng Monteverde Lines. Bilang susunod na tagapagmana ng kanilang shipping empire, may isang kondisyon bago niya makuha ang kumpanyang matagal nang itinakda para sa kanya. Kailangan niyang magpakasal. Isang kasunduan ang nabuo. Isang taon ng pagpapanggap bilang mag-asawa. Walang damdamin, walang komplikasyon. Para kay Leon, ito ay isang kasunduan lang. Para kay Solen, ito ang kanyang tanging paraan para mabawi ang lahat ng nawala sa kanya. Dapat ay simple lang, pero bakit parang hindi lang basta umaarte si Leon? He’s too convincing and too protective. Sa tuwing tatawagin siyang "asawa ko" sa harap ng iba, hindi niya alam kung dapat ba siyang mataranta o kiligin. Unti-unti, nagiging malabo ang linya sa pagitan ng kasunduan at katotohanan. Sa mundo ng kapangyarihan at intriga, paano kung ang isang relasyong nagsimula sa papel… ay mauwi sa isang bagay na totoo?
Romance
10492 viewsOngoing
Read
Add to library
It's Always Been You

It's Always Been You

Wala sa plano ni Francyn na pumayag sa pustaan ng mga kaibigan niya. Hindi rin niya alam kung bakit siya napapayag ng mga ito gayong hindi naman niya ugaling manloko ng tao para lang makaganti ang kaibigan niya sa lalaking nangloko dito. Pero sadyang mapagbiro ang tadhana sa kaniya. Kung si kupido nga nagawang panain ang puso ng mga sawi siya pa kayang ni minsan hindi pa naranasan paano ang magmahal. Paano kung siya mismo ang mabiktima ng kalokohan ng mga kaibigan niya. Paano kung siya mismo ang mahulog sa lalaking akala niyang nanakit sa kaibigan niya. Kaya ba niyang pigilan ang nararamdaman para sa isang kaibigan? O susugal siya sa pag-ibig na ngayon lang niya naramdaman.
YA/TEEN
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
MY BOSS IS MY EX-BOYFRIEND

MY BOSS IS MY EX-BOYFRIEND

Lanie
Tatlong taon na ang nakalipas mula nang iwan ni Cearina Guzman si Ezekiel Wang. He was her first everything—her first love, her first heartbreak. Sa kabila ng lahat ng alalahanin, nagawa niyang iwan si Ezekiel para sa pangarap nito. Ang sabi ng mga magulang ni Ezekiel, tatanggalan ng mana ang anak at hindi na susuportahan financially kapag ipinagpatuloy pa nila ang relasyon. Hindi ito sinabi ni Cearina kay Ezekiel, kaya hanggang ngayon, galit pa rin ang binata sa kanya sa pag-iwan niya. Akala ni Cearina, nakalimot na siya. Pero boom! Muli silang nagkita nang mag-apply siya sa SummitBridge Global—hindi niya alam na ang kompanyang aaplayan niya ay pag-aari ng ex-boyfriend niyang si Ezekiel! At nang magtagpo ang kanilang mga mata, hindi maitatanggi na nandoon pa rin ang mga damdamin na tinago niya. She still wants him. Pero ang daming hadlang sa relasyon nila. Kailangan niyang harapin ang lahat ng ito, pero hindi niya alam kung paano. Ang mga alaala nila, ang mga pangarap na sabay nilang pinangarap—parang nagbabalik sa kanya sa pinakamasakit na mga sandali. Sa kabila ng mga hadlang, ano ang pipiliin niya—ang kanyang sarili o ang pag-ibig na dati niyang iniwan?
Romance
26.8K viewsCompleted
Read
Add to library
The Rejected Wife

The Rejected Wife

Matagal ng inaasam ni Elise na mapansin siya ng kanyang ultimate crush at ang makaahon sa hirap pero nais niya itong gawin sa sarili niyang pagsisikap pero paano niya gagawin iyon kung pasan niya sa kanyang balikat ang mga kapatid at mga magulang na ini ire pa lamang ata siya ay nakalista na ang mga obligasyun at mga dapat niyang gawin. Tama, isinilang lamang ata sila para maging sunod sunuran at cash cow ng mga ito. Hindi man lamang niya magawang makabili ng kahit polbos o lipstik para naman masulyapan ng kanyang kababata. Eh paano naman mangyayari iyon gayung wala na ata siyang panahon kahit na ang huminga. Siya lahat mula sa gawaing bahay hanggang sa pagtatrabaho para may pagkain sa lamesa. Batugang ama, sakitin pero chismosang ina at mga pasaway na kapatid yun ang kalbaryo niya. Pero ang tadhana ni Elise ay nakatakdang magbago ng mabalitaan niya na ang kanya palang yumaong lola at ang lola ng kanyang binatang crush ay matalik na magkaibigan. Perahas may iniwang kasunduan ang dalawa at iisa ang sinasabi doon. Na ipapakasal sila ng kanyang crush sa takdang panahon. Labis ang naging kaligayahan ni Elise dahil sa wakas may pagkakataon na siyang makasama at mapakasalan ang man of her dreams. Si Kenzo Madrigal. Hindi akalain ni Elise na ang kanyang pinapangarap at ang lalaking laman ng kanyang mga panaginip ay siya palang magdudulot sa kanya ng bangungot at malalim na sugat sa kanyang puso at kaluluwa. Ngunit sa kanyang bangongot niya ay may sumulpot na guwapong prinsipe na nakalahad ang mga kamay at gusto siyang tulungang makaahon sa bangongot. Paano ba aabutin ni Elise ang kamay ng lalaking iyon kung ito ay walang iba kundi si Kevin Madrigal ang kapatid na panganay ng kanyang dating asawa?
Romance
1043.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Moonlight Warriors (Tagalog)

Moonlight Warriors (Tagalog)

"What if I turned out to be someone you'd despise the most?" tanong ni Calista. "Then I'll be there to save you before that thing happens." Iyan ang binitawang pangako ni Clyde sa kasintahang si Calista bago ito naglaho nang parang bula. Ni minsan hindi sumagi sa isip ni Clyde na darating ang araw na mararanasan niyang ibigin at umibig nang tunay. Sa isang iglap, biglang nagkaroon ng kabuluhan ang dati ay magulo niyang buhay nang makilala niya si Calista. Subalit ang sayang ipinadama sa kan'ya ng tadhana ay hindi rin nagtagal nang isang gabi, natagpuan na lamang niyang walang buhay si Calista at ang mga magulang nito sa kanilang tahanan. Kasabay ng trahedyang ito ang biglaan ding pagkamatay ng kan'yang mga magulang. Pinaniniwalaan na ang may gawa ng mga pagpaslang na ito ay ang isa sa mga pinaka kinatatakutang nilalang sa mundong ito; ang mga taong-lobo. Isinumpa ni Clyde na kan'yang ipaghihiganti ang kan'yang mga mahal sa buhay mula sa mga mapaminsalang halimaw na ito. Subalit paano kung sa paglipas ng maraming taon ay muli niyang matagpuan ang pinakamamahal niyang babae na buong akala niya ay matagal nang patay? Paano kung malaman niya na ito na ngayon ang pinuno ng mga taong-lobong matagal niya nang inaasam na patayin? Mananatili kaya ang pag-iibigan nila sa isa't isa kung ang kapalaran nila ay ang puksain ang lahi ng bawat isa?
Other
1011.3K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status